Chapter 2

836 Words
“TWO hundred thousand pesos! Going once...going twice...” “Three hundred thousand pesos!” Hindi napigilan ni Red na makisali sa bid. At habang nakikibid siya ay nanatili ang kanyang tingin sa babaeng nasa harap ng stage. Walang balak si Red na makisama sa bid na iyon. Naroon lang siya sa programang iyon dahil nakiusap ang pinsan niyang si Chassy na samahan niya ito sa naturang ball. Siya ang magiging ka-date o escort nito sa nasabing programa kung saan isa ito sa mga imbitado. Mula sa gilid ng mata niya ay nakita niya ang pagsulyap sa kanya ni Chassy. “I thought you’re not interested?” wika nito, mababakas sa boses nito ang pagtataka. “I change my mind,” simpleng sagot niya. Saglit niya itong sinulyapan bago ibinalik ang tingin sa harap. Partikular sa babaeng nasa harap ng stage. Hindi inaasahan ni Red na mapapadali ang pagkikita nilang dalawa ni Valeen. No’ng bumalik siya sa Pilipinas para magbakasyon at no’ng makita niya ang picture ni Valeen sa isang Magazine ay bumalik sa kanyang alaala ang nangyari sa nakaraan, at kung anong ginawa niya ritong kasalanan. Simula no’ng makita niya ang picture nito ay hindi na siya niyon pinatulog. Hindi na maalis sa kanyang isipan ang mukha ng dalaga. Ang sakit na bumalatay sa mukha nito ng malaman nito ang dahilan kung bakit siya nakipaglapit rito noon. And guilt was eating him. Simula no’ng makita niya ang picture nito ay bumalik iyong guilt sa kanyang puso na matagal ng nakatago sa bahagi ng puso niya. At habang nagbabakasyon si Red sa Pilipinas ay ipinangako niya sa sarili na hahanapin niya si Valeen para makahingi siya ng sorry rito. Aaminin ni Red na gago siya noon dahil pagkatapos ng nangyari ay hindi man lang siya humingi ng tawad sa nagawa niya. Nakasakit siya ng damdamin pero hindi man lang siya nakapag-sorry. Kaya kahit sobrang late na, kahit ilang taon na ang lumipas ay gusto pa rin niyang makahingi ng sorry dito. At mukhang mabait ang tadhana kay Red dahil hindi na siya nito pinahirapan na makausap si Valeen. Kanina no’ng sumulyap sa gawi niya si Valeen nang magtama ang mga mata nila ay nakita niya ang pagdaan ng rekognisyon sa mata nito. Nakita din niya ang pagdaan ng galit sa mata nito habang nakatingin ito sa gawi niya. At nang makita nga niya iyon ay parang may sumipa ng paulit-ulit sa sikmura niya. Mukhang malalim ang sugat na nagawa niya rito. Mukhang hanggang ngayon ay hindi pa naghilom iyong sugat sa puso nito na siya ang may gawa. At dahil do’n ay lalo tuloy siyang nagkaroon ng eagerness para makausap si Valeen at makahingi ng sorry. “Three hundred thousand pesos! Going once! Going twice...” “Four hundred thousand pesos!” wika ng isang lalaki. Niluwagan ni Red ang necktie na suot. Mukhang mapapasubo siya gabing iyon. “One million!” wika niya. Hindi makakapayag si Red na matalo siya. Iyon na kasi ang pagkakataon niya para makausap si Valeen at ayaw niya iyong sayangin. Sinulyapan ni Red ang lalaking tumatapat sa bid niya. Gusto kasi niyang ipakita rito ang determinasyon sa mata niya na hinding-hindi siya basta magpapatalo. At mukhang nakuha naman nito ang gusto niyang ipahiwatig dahil hindi na ito muling nag-bid. Hindi napigilan ni Red ang mapangiti ng ideklara ng host na siya ang nanalo sa bidding na iyon. Tumayo siya mula sa pagkakaupo ng tawagin siya ng host para umakyat ng stage. Inayos ni Red ang suot na tuxedo bago siya nagsimulang humakbang patungo sa stage. Habang naglalakad siya ay nanatili ang tingin niya kay Valeen na ngayon ay ang tingin ay nanatili sa harapan. Hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. At hindi maipaliwanag ni Red sa sarili kung bakit nakaramdam ng bahagyang kirot ang puso niya. Nang makaakyat siya sa stage ay tumabi siya kay Valeen. Kahit na nasa tabi na niya ito ay hindi pa rin ito sumusulyap sa kanya. “Can you introduce your name to us, Mister?” wika ng host sabay abot ng Mic sa kanya. Inabot naman ni Red iyon saka siya nagpakilala. “Good evening, everyone!” bati niya sa buong-buong boses. “My name is Red Montenegro,” simpleng pagpapakilala niya sa sarili. Pagkatapos niyon ay ibinalik niya ang Mic sa host. Nagsalita ang host pero hindi na niya iyon pinagtuunan ng atensiyon dahil ang atensiyon niya ang nakatuon na sa babaeng tabi niya na hanggang ngayon ay nakatutok ang atensiyon sa harapan. Hindi man lang siya nito magawang sulyapan na para bang may nakakahawa siyang sakit, na para bang wala itong katabi. Lumapit naman si Red ng bahagya sa dalaga. Naramdaman niya na napaigtad ito ng magdikit ang mga braso nila. Sa pagdidikit ay may naramdaman siyang kakaibang boltahe ng kuryente ang nanulay sa katawan nila pero hindi niya iyon binigyan ng kahulugan. Humarap siya kay Valeen na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa harapan. “It’s been a long time, Valeen. How are you?” bulong niya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD