MAG-isang nagpunta si Valeen sa Charity ball na in-organisa ng isang Charitable Institution. Isa siya sa mga kilalang modelo na naimbithan sa nasabing ball na iyon. Isa iyong Auction For A Cause.
Sa nasabing Auction For A Cause ay may bidding na magaganap. Mga artista, modelo, personalidad ang mga kasali na naimbitahan. Open ito sa mga single at kahit na taken basta willing ang mga ito na sumali. In-assure din ng nasabing organizer na walang dapat ikatakot ang mga kasali dahil na background checked ang lahat ng kalahok. At ang highest bidder sa nasabing Auction For A Cause ay magkakaroon ng pagkakataon na ma-i-date ang mga kasali. At ang perang malilikom ay mapupunta sa iba’t ibang foundation sa bansa.
Isa si Valeen sa naimbitahan ng organizer, wala sana siyang balak na sumali pero pinilit siya ng mga kaibigan na kapwa modelo din. Nagsanib pwersa ang mga ito na hikayatan siya na sumama. Kinonsensiya pa siya ng mga ito. Para naman daw sa foundation ang perang malilikom sa bidding. At dahil nakonsensiya si Valeen ay wala na siyang nagawa kundi sumali. Sumali na din siya dahil naisip niya na makakatulong din siya sa mga nangangailangan.
Valeen went out of her car wearing a two piece floor lenght black sequin heart gown made by one of the Filipina young fashion designer—Chassy Ballesca. Anak din si Chassy ng may-ari ng pinakasikat na Modelling firm sa bansa ang Ballesca Modelling Firm o BMF kung saan kabilang siya bilang exclusive model.
Pagkaapak ng paa ni Valeen sa semento ay agad siyang nasilaw sa flashed ng isang camera. Nakita niyang kinukuhanan siya ng larawan ng isang photographer. Binigyan niya ito ng isang ngiti ng muli nitong itinutok ang hawak nitong DSLR sa kanya. At pagkatapos niyon ay nagsimula na siyang humakbang papasok sa hotel kung saan gaganapin ang naturang ball.
Lalo lang nasilaw si Valeen sa flashed ng camera ng makapasok siya sa loob. Nginitian lang ni Valeen ang mga nakakasalubong niya. Nagpatuloy na rin siya sa paglalakad. At nang mamataan niya ang mga kaibigan ay lumapit siya sa mesang kinaroroonan ng mga ito.
“Hey...” pagkuha niya sa atensiyon ng mga ito ng tuluyang siyang makalapit. Umupo din siya sa bakanteng upuan sa tabi ni Yvonne—matalik na kaibigan at kapwa niya modelo.
“Wala kang date?” tanong agad ni Yvonne sa kanya ng tuluyan siyang makaupo.
Sinulyapan niya ito sa kanyang tabi. “Sakit lang sila ng ulo,” sagot niya na sinabayan pa ng pagkibit-balikat.
Ipinaikot naman ni Yvonne ang mga mata. “Bakit pa ako nagtanong. Alam ko naman ang sagot,” iiling na wika nito. Nginitian lang naman ni Valeen ang kaibigan.
Napansin naman niya ang paglapit ng mukha ni Kirk Justin sa tainga ni Yvonne at bumulong. “Man- hater ba iyang kaibigan mo?” bulong ni Kirk Justin kay Yvonne. Kahit bulong lang iyon ay narinig pa din niya. Boyfriend ni Yvonne si Kirk Justin.
Isang tawa naman ang isinagot ni Yvonne sa tanong na iyon ng boyfriend nito. “Nakuha mo,” wika nito sa natatawang boses. “Hindi lang man-hater iyan. Daig din ang ampalaya sa pagka-bitter,” dagdag pa na wika nito.
“Magiging bitter pa rin ba siya kung makikilala niya iyong lalaking makakapagbago sa pananaw niya?” wika ni Kirk Justin.
Hindi na lang nagbigay ng komento si Valeen sa sinabing iyon ni Kirk Justin.
Simula no’ng lokohin at paasahin siya ng lalaking unang nagpatibok ng puso niya, she vow to herself na hindi na siya muling iibig pa. Tama na iyong nagpakatanga siya sa isang lalaki.
Hindi naman nagtagal ay dumating na din si Maggie, kasama nito ang boyfriend nitong si Wade. At habang isa-isa niyang tinitingnan ang mga kaibigan kasama ang boyfriend na masaya ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ang puso niya ng bahagyang kirot. It’s been a year’s—exactly ten years pero iyong kirot na naramdaman niya noon ay nararamdaman pa rin ng puso niya hanggang ngayon.
How irony is that?
Ipinilig na lang ni Valeen ng marahan ang ulo para maalis ang nararamdaman na iyon. Hanggang maaari ay ayaw na ni Valeen na alalahanin pa ang nangyari sa nakaraan. Matagal na niya iyong ibinaon sa limot at ayaw na niya iyong balikan pa.
Ilang minuto lang naman ang hinintay nila Valeen bago nagsimula ang programa. Ipinaliwanag ni Fleur –ang host sa gabing iyon kung para saan ang Charity Ball.
Pagkatapos magsalita si Fleur ay nag-umpisa na ang naturang bidding. Siya agad ang unang sasabak sa auction for a cost.
Valeen tugged her hair at the back of her ears ng tawagin ng host ang pangalan niya. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya. Nagsimula na rin siyang naglakad patungo sa harap ng stage.
“Hi,” bati ng host. “Can you introduce yourself?” wika nito. Kinuha naman niya ang mic na inabot nito sa kanya.
“Good evening, everyone! My name is Valeen Rivera,” maikling pagpapakilala niya sa sarili. Hindi na niya kailangan habaan pa ang pagpapakilala dahil alam naman niyang kilala na siya ng mga ito.
“Okay, ladies and gentleman. Let’s start the bidding for Miss Valeen Rivera for ten thousand pesos!” Simula na no’ng host sa bidding. Deretso lang naman ang titig ni Valeen sa harapan niya habang naghihintay siya na may mag-bid sa kanya.
“One hundred thousand pesos for Valeen.” Saglit lang naman niyang tiningnan kung sino ang nagbid sa kanya.
“Two hundred thousand pesos,” anang isang bidder. Pataas nang pataas ang halaga ng nagbi-bid sa kanya sa sandaling iyon.
Mayamaya ay naramdaman ni Valeen na parang may matiim na nakatitig sa kanya. Tumingin siya sa kanyang gilid. Nakita niya ang isang pamilyar na mukha ng isang lalaki habang matamang nakatitig sa kanya. She narrowed her eyes. At nang makilala ni Valeen kung sino ang lalaking iyon ay biglang bumukas iyong sugat sa kanyang puso na akala niya ay matagal ng naghilom sa paglipas ng taon. Hindi din niya napigilan ang pagkuyom ng mga palad habang nakatingin siya sa lalaki.