Chapter 3

1167 Words
HINIHINGAL si Valeen ng matapos siyang tumakbo sa treadmill na nasa sala ng condo niya. Naging routine na niya iyon sa tuwing gigising siya sa umaga. Sa klase kasi ng trabaho niya ay dapat fit and healthy siya. Dapat din ay walang excess fat ang katawan niya. Bumaba na si Valeen sa treadmill. Inalis niya ang bluetooth headset sa kanyang tainga. Pagkatapos ay kinuha niya ang towel na nakasampay sa kanyang balikat at pinunasan ang pawis sa mukha at sa leeg niya. Naglakad naman na siya patungo sa kusina ng condo para kumuha ng maiinom. Nauuhaw kasi siya sa pagod na naramdaman pagkatapos niyang mag-excersice. Kumuha siya ng baso at lumapit siya sa fridge. Binuksan niya ang fridge at kinuha ang pitchel na may lamang malamig na tubig. Sinalinan niya ang kanyang baso. Sumandal si Valeen sa pinto niyon habang iniinom ang laman ng basong hawak niya. Nanatili siya ng ilang minuto sa ganoong posisyon hanggang sa napagpasyahan niyang magtungo sa kanyang kwarto para maligo. Tinanggal ni Valeen ang pagkakapusod ng mahabang buhok bago siya dumiretso sa CR na nasa kwarto niya. Pagkapasok sa loob ay hindi inaasaan ni Valeen na basa at madulas ang tiles sa loob ng banyo. Dahil no’ng pagkaapak ng paa niya sa basang tiles ay nadulas siya. “Aw!” daing niya ng bumagsak ang pwet niya sa tiles. Sinapo ni Valeen ang pwet na nasaktan. Ilang segundo din siyang nanatili sa ganoong posisyon. Nang medyo nabawasan na iyong sakit sa pwet niya ay humawak siya sa seradura ng pinto para suportahan ang sarili na makatayo. At muli, hindi inaasahan ni Valeen na gagalaw ang pintong kinapitan dahilan para mawalan na naman siya ng balanse. Pilit niyang binabalanse ang katawan para hindi siya matumba pero naapakan niyang muli ang basang tiles dahilan para madulas muli siya. Sa pagkakataong iyon ay hindi lang pwet ni Valeen ang nasaktan. Pati ang bukong-bukong niya ay nasaktan din. Mukhang minamalas siya ngayong araw. “Aw!” daing muli ni Valeen. Halos mangiyak-ngiyak na siya dahil sa kirot na naramdaman nang pwet, at idagdag pa ang kirot sa bukong-bukong niya. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Pinilit niyang makatayo. Paika-ika siyang naglakad palapit sa kama at umupo siya ro’n. Tiningnan niya ang paa—lalo na ang bukong-bukong na kumikirot. Napakagat si Valeen ng labi nang makitang namumula iyon at nag-umpisa ng mamaga. Nagpakawala siya nang malalim na buntong-hininga. Mayamaya ay narinig niya ang tunog ng doorbell. Sino na naman kaya ang bisita niya ngayong araw? Tanong ni Valeen sa sarili. Wala kasi siyang inaasahang bisita sa sandaling iyon. Paika-ika siyang naglakad palabas ng kwarto. At habang ginagawa iyon ay nakahawak siya sa pader para hindi siya mahirapan sa paglalakad. “Wait!” sabi niya ng muling marinig ang tunog ng doorbell. Halos iyong kaliwang paa lang ang ginagamit ni Valeen sa paglalakad para mapabilis siyang makarating sa pinto ng condo niya. Nang makarating siya do’n ay pinihit niya ang pinto pabukas. Unang tumambad sa paningin ni Valeen ang pares ng itim na sapatos. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin patungo sa mukha ng bisita. At tumambad sa paningin niya ang mukha ng lalaking ayaw niyang makita. Si Red. “Valeen.” Napaatras siya ng isang hakbang ng banggitin nito ang pangalan niya. At aksidenteng naitapak ni Valeen ang paa na kumikirot dahilan para mawalan muli siya ng balanse. Napahiyaw siya sa sakit. “s**t!” she heard him cursed silently. Mabilis siya nitong dinaluhan. “Are you alright?” tanong ni Red. Mababakas sa boses nito ang pag-alala. Hindi naman niya sinagot ang tanong nito sa halip ay tumingin siya sa bukong-bukong na kumikirot na lalong namula na. “My ankle,” wika niya sa mahinang boses. Sinundan naman ni Red ang tinitingnan niya at nang makita nito ang namumula at namamagang bukong-bukong niya ay napamura ito nang mahina. Nagulat na lang si Valeen ng walang pasabing binuhat siya ni Red in bridal position. “I’ll take you to the hospital.” HINDI na hinintay ni Red na magsalita si Valeen ng buhatin niya ito in bridal position. Naglakad na siya para dalhin ito sa ospital. Halos lakad-takbo ang ginawa niya. He was worried about her. “Put me down, Red,” utos nito sa kanya. Pilit din nitong bumababa mula sa pagkakabuhat niya. Pero hindi niya ito pinakikinggan. “Ano ba? Sabing ibaba mo ako,” wika nito, mababakas na sa boses nito ang galit. Ramdam din niya ang pagpiglas nito mula sa pagkakabuhat niya. Humigpit ang pagkakawak niya dito para hindi ito mahulog. Pagkatapos niyon ay seryosong sinulyapan niya ito. Napansin naman niya na natigilan ito. “I know you’re mad at me? But can you just cooperate at least now? I need to bring you to the hospital. Kailangan matingnan iyang ankle mo,” he said in serious tone. Bumuka-sara naman ang labi nito pero hindi na ito nagsalita. At kinuha niyang sagot ang pananahimik nito para magpatuloy siya sa paglalakad. Hindi naman nagtagal ay nakarating na sila sa parking lot kung nasaan ang kotse niya. Marahang binaba niya si Valeen pero sinigurado niyang hindi nito ma-i-aapak ang paang napinsala. Binuksan niya ang pinto ng kotse sa passenger seat at muling binuhat ang dalaga at maingat na isinakay do’n. Mabilis siyang umibis mula sa driver seat at sumukay siya do’n. Akmang paaandarin niya ang kotse ng mapansing hindi pa nakasuot kay Valeen ang seatbelt nito. Napansin niya na nakapikit ang mga mata nito. Nagpakawala siya ng buntong-hininga bago siya umisod para ikabit ang seatbelt nito. Nagmulat ito ng mata at napansin niya ang panlalaki ng mga mata nito nang makitang ang lapit-lapit ng mukha niya sa mukha nito. Hindi din niya napigilan ang mapapatitig sa mukha nito. He’s indeed beautiful. Mula sa malalantik na pilik mata nito. Ang kulay tsokolateng mga mata nito, ang matangos na ilong nito. Noon pa ay alam na niyang maganda ito kahit na nakasuot ito ng brace at nakasalamin ito ng makapal. At kahit na pang old fashion ang suot nito noon. Iyong taglay nitong ganda, iyong tipong hindi ka magsasawa na titigan ito. Kahit pa buong araw kang nakatitig sa mukha nito. Bumaba pa ang tingin ni Red sa labi nito. At hindi niya napigilan ang mapalunok nang makita ang mapupulang labi nito na bahagyang nakaawang. Inalis niya ang titig do’n at inilipat sa mata nito. At ibinalik niya ulit iyon sa labi nito. He can’t stop himself to look at her luscious lips. Para ngang may magic spell iyon dahil hindi niya maalis-alis ang titig do’n. Para nga din may nag-u-udyok sa isipan na halikan ito. Mabuti na lang at malakas ang self esteem niya at napigilan pa niya ang sarili. Thank god! Inalis na ni Red ang tingin do’n. At mabilis na ikinabit ang seatbelt nito. Umayos na siya mula sa pagkakaupo niya sa driver seat at saka niya pinaandar ang kotse. At hindi maipaliwanag ni Red, hindi naman mainit sa loob ng kotse pero pinagpapawisan siya. Darn, he need to turned on the aircon... fully.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD