Modelo Ng Nobela

3616 Words
By: Michael Juha email: getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full blog: h***:://michaelsshadesofblue.blogspot.com -------------------------------------------------------------- "Huwaaahhhh! Ang ganda ng katawan!!!" sambit ko noong lumatad na sa aking paningin ang buo niyang katawan. "Hindi naman..." ang pahumble pa niyang sabi. "Dahil lang iyan sa mabibigat na trabaho" "Naks naman! Pa-humble effect pa ito..." sagot ko. At noong mapansin ko ang garter ng brief niyang nakausli sa harapang waistline ng kanyang jeans, naintriga naman ako. "At anong brand ang brief mo? CK ba yan?" Parang nagulat siya na pati ang brief niya ay pinansin ko. "H-hindi ko alam... Basta binili ko lang siya sa tabi-tabi, sa bangketa. Bakit?" "Sikat kasi yan at may pangalan..." "Ay malay ko ba. Basta may mai-suot lang, ok na sa akin. Wala akong pakialam sa brand." "Patingin nga kung talagang galing sa bangketa nga?" ang may halong biro kong sabi. Ngunit ako rin ang nagulat dahil bigla ba namang binuksan niya ang zipper ng pantalon niya at hinatak pababa ito. "Nyayyyy!" sigaw ng isip ko. Pakiramdam ko ay biglang nagsilab ang aking katawang lupa sa nakitang bukol sa harap niya! Anlaki! At hindi man lang siya nailing o nahiya na makita ko ang bukol niya. Napalunok tuloy ako ng laway. "P-uwedeng mahipo ang tela niyan?" ang sabi ko na lang. Napasubo na eh. At parang diko mapigilan ang hindi siya matsansingan. "Oo ba..." at hinawi pa niya ang kanyang mga kamay upang hindi makaharang sa kanyang brief. Syempre, sinalat ko kaagad ang garter at dinama sa aking daliri ang texture ng tela noon. At syetness, parang gusto ko talagang ipasok na sa kalilaliman ng kanyang brief ang aking daliri. "Haisttttt" sa loob-loob ko lang. Nanaig kasi ang takot ko na baka isipin niyang may iba akong motibo sa pag paghikayat ko sa kanyang maging model. Ayoko namang masira ako sa kanya. Kaya, "Tumalikod ka nga?" ang sunod ko na lang na sinabi. Tumalikod din naman siya. At napa "s**t!" na naman ako sa ganda ng umbok ng kanyang puwet. Pakiramdam ko ay nanginginig ang aking kalamnan sa sarap ng aking nakita. Ngunit, kagaya ng pagkakita ko sa bukol ng kanyang harapan ano pa ba ang magagawa ko kungdi ang mag "Haisssssttt!!!" sa sarili ko. Natapos ang session namin sa gabing iyon. Binigyan ko na rin siya ng bayad. Tuwang-tuwa siya sa perang ibinigay ko. Sabi niya, ang dali lang pala... Aalis na sana siya noong naitanong kong, "Saan ka pala umuuwi?" "Nag bed space lang ako, kasama ang pinsan at kaibigan, isang tricycle ang lugar galing dito." "Ah??" ang nasambit ko. "Magkano ang bayad mo sa pagbi-bed space?" "Eh... 400 ang buwan." "Tapos gagastos ka pa niyan sa pagkain at pamasahe araw-araw..." "Oo.... Pero kapag nabuo na ang unang palapag ng building na ginawa namin, pwede na raw kami doon pansamantalang matulog. Magdala na lang kami ng mga lutuan. Ang higaan naman kahit mga plywood at kahoy na ginamit namin ay puwede na. Magdala na lang kami ng kumot." "Ay naku... Marjun, mahirap ang ganyan. Magkasakit ka pa. Atsaka, saan kayo dudumi? Sa semento? Saan kayo matutulog? Sa semento din?" "Ok lang sa akin. Sanay ako. Mas nakakatipid kasi kami kapag ganoon eh." "Eh... kung ok lang ba sa iyo, dito ka na tumira sa akin habang ginagawa pa ninyo ang building na iyan. Libre ka dito sa lahat pati pagkain. Atsaka, nasa harap lang ng apartment ko ang work area mo." Ang mungkahi ko. "Wala naman akong kasama dito e. Kaya mas maganda kung samahan mo ako dito. "P-paano naman kita babayaran niyan?" "Anong bayad ka d'yan! Maglinis-linis ka lang ng bahay, solved na ako." "Ganoon lang? Sige ba! Puwede ako. Yeheeey!" ang sigaw niya sa sobrang tuwa sa narinig na mungkahi. "At kung gusto mo rin, kahit ngayon na, dito ka na matulog." "Ay huwag muna." Ang biglang kabig naman niya. "Sa boarding muna ako matulog ngayong gabi. Magpaalam muna ako ng maayos sa landlady at mga kasamahan ko para klaro at hindi sila maghanap sa akin." Tama nga naman. Kinabukasan, Sabado, wala akong pasok sa opisina kaya maagang-maaga kong inayos ang kuwarto. Pinalitan ko ang mga pillowcases, bedsheets, nilabhan ang mga kumot. Malaki ang kama ko, queen size ito ngunit hindi ako sigurado kung papayag siyang magtabi kami sa pagtulog. "Anyway, kung ayaw naman niyang tumabi sa akin, may spare namang kutson. Ilatag ko lang ito sa sahig sa tabi ng aking kama, at pwede na siguro. Pagkatapos kong mag-ayos, gumawa ako ng sandwich at juice. Ewan kung bakit sa pagkakataong iyon, sobrang excited ako at sobrang saya ang aking naramdaman na pati sandwich at juice ay naghanda pa talaga ako. Pagkatapos, nagmadali akong lumabas ng gate, dala-dala ang aking laptop, at sampung sandwich na ginawa ko talaga, props ba. Kunyari kumakain ako habang nagtitipa. Ang juice naman ay pinalamig ko sa refrigerator. Sinadya ko talagang nandoon na sa cottage alas 8:30 pa lang. Alam ko kasing kapag alas 9 na, breaktime niya at kadalasan, doon siya nagpapahangin at kumakain ng tinapay sa cottage ko. Normally, hindi ako nagdadala ng pagkain sa cottage dahil dahil istorbo lang ito sa aking pagko-concentrate sa paggawa ng kuwento, habang nagtitipa. Subalit sa pagkakataong iyon, may masamang hangin ang humampas sa aking tuktok: si Marjun. Sa paglabas ko pa lang ng gate ay kitang-kita ko na agad siya. Naka-maong, naka-hubad pang-itaas at ang mismong t-shirt ay nakalaylay sa kanyang likuran, ang dulo ay isinisiksik sa likurang bulsa. Lalaking-lalaki ang porma. Maton. Nagmamasa siya ng semento kasama ang dalawa pang laborer at sa init ng sikat ng umagang araw, mistulang nabalot sa langis ang kanyang katawan. Sa totoo lang, parang gusto ko siyang lapitan at punasan, paypayan, painumin ng tubig... "Kawawa naman siya." Ang nasambit ko na lang sa sarili. At ewan ko ba, para akong lumulutang sa ere noong mapadayo sa akin ang tingin niya habang naglalakad akogn patungo sa cottage na dala-dala ang aking laptop at isang supot ng sandwich. At lalo na noong binitiwan niya ang isang pamatay na ngiti at kumaway pa. Napa "Syeeettt!" talaga ako sa sarili ko. Kitang kita ko ang magagandang dimples sa kanyang pisngi at ang pantay at mapuputing mga ngipin. Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib na halos matapilok na ako sa aking paglalakad. Ngunit hindi ako nagpahalata. Kunyari hindi ako affected. Kumaway din ako, ngumiti at noong napansing nakatingin na rin sa akin ang mga kasamahan niya na ang mga mata ay tila may pagtatanong, dali-dali din akong yumuko at dumeretso na sa cottage, inilatag ang aking laptop at ang supot na naglalaman ng sandwich sa mesang kawayan. Naupo ako at nagsimulang magtipa. Ah grabe ang kilig ko habang nasa ganoong sitwasyon. Parang bumalik muli ang aking pagkabata, ang aking pagka-inosente, ang aking pagka-virgin. Charing. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin. Nakabukas lamang ang laptop ko ngunit walang pumasok na kung ano sa aking utak. At ang aking mga mata ay palihim na tumitingin kay Marjun. Gosh! Grabe to-the-max na talaga! As in... Kasi ewan ko kung nag-ilusyon lang ako, ngunit nahuhuli ko rin siyang sumusulyap-sulyap sa akin! At napansin ko pang para siyang nagpapapansin! Nand'yan iyong pabirong pinapalo niya ng pala ang puwet ng kanyang kasama na gaganti naman atsaka tatakbo siya. Nandyan iyon tatawa siya ng malakas... "Ano iyon?" ang tanong ko na lang sa sarili. Kapag ganoong nakita siyang nagpapapansin. Tureteng-turete talaga ang utak ko. Para akong maiihi na matatae. Hindi ko rin alam kung sinadya ba niyang magpapapansin. Alas 9, heto na. Kunyari, concentrate na concentrate ako sa aking ginagawa, tutok na tutok sa kunyari sa pagtitipa at hindi nakatingin sa paligid. At noong palapit na siya, dali-dali kong kini-click ang site ang sss account ko. Grabe ang excitement ko talaga noong napansing tinumbok na niya ang kinalalagyan ko. Napansin ko pang tinanggal niya ang kanyang t-shirt na nakalaylay sa kanyang likurang bulsa at isinuot iyon habang naglalakad siya patungo sa cottage. Parang narinig ko ang malakas na sigaw ng isip ko ng, "And'yan na siya, and'yan na siyaaaaaaa!!!" Nakakabingi ang kalampag ng aking dibdib. Ngunit, syempre, playing demure naman ako. Kunyari ay hindi ko pa rin siya napansin. Click na lang ako ng click sa aking sss ng, "like", "like", "like", "like", "like", "like", "like", "like", "like". Hindi ko na alam kung sinu-sino at anu-ano na lang ang ni-"like" ko. At heto na... dumating na sya. At aba, diretso ba namang naupo sa aking tabi at pagkatapos, sinilip ang ginagawa ko sa aking laptop. At dahil sa dikit na dikit niyang pagtabi sa akin, naaamoy ko pa ang kanyang pawis. Wala siyang putok ngunit amoy lalaki ang nalanghap ng aking ilong. At nagustuhan ko ang amoy niya. Iyon bang amoy ng pawis na nakakapagdagdag ng pagnanasa. "Ano yan?" ang inosenteng tanong kaagad niya sa akin habang tiningnan ang screening laptop ko. "Aba... Parang ganoon na kami ka close!!!" sa isip ko lang. At kunyari nagulat ako na nandyan pala siya sa aking tabi. "Ay... ikaw pala Marjun! Heto... nag f*******:. May f*******: ka ba?" tanong ko din. "Ay... hindi ako marunong niyan. Hindi ko nga alam magcomputer eh..." ang sagot niya. "Ay ganoon? Sayang. Sana friend tayo sa facebook." "Hayaan mo, friend naman tayo sa face-to-face" ang sambit niya. Natawa ako. "Kaw ha... witty ka. Siguro matalino ka" "Iyan din ang sabi ni ma'am. Matalino daw ako; matalino sa pangongopya." Tawanan. "Pwede kitang turuan sa computer, pag may time na tayo" sambit ko. "Huwag na... di bagay sa akin. Di bagay sa katayuan ko. Ok na sa akin ang ganito..." "Woi... kaw naman. Dapat matuto ka rin. Malay mo magagamit mo din iyan isang araw... Basta, turuan kita pag may time na tayo." "Sige, ikaw ang bahala." "Syanga pala, may sandwich ako." "Uyyy? Para sa akin?" ang masaya niyang tanong. Syempre, deny-deny muna ang drama ko. Kaya ang sagot ko ay, "Baon ko habang nagtitipa. Hindi ko maubos-ubos eh." "Ay... salamat ha? So puwede ko nang kainin?" "Oo naman. Kesa masayang lang iyan" Kumain siya. "Hintayin mo ako sandali ha? May kukunin lang ako sa loob." Ang sambit ko habang dali-dali akong pumasok ng bahay. "Sige..." Pagbalik ko ay dala-dala ko na ang isang pitsel ng orange juice. "Waaaahhh! Special!" sambit niya noong makita ang juice. "Kakahiya naman!" "E... di kung nahihiya ka, bayaran mo na lang." Ang biro ko. "Puwede..." ang sagot lang niya habang patuloy sa pagkain. Ewan kung ano ang ibig din niyang sabihin sa sinabi niyang bayad na "puwede". "Oist... mamigay ka naman sa mga kaibigan mo. Kawawa naman sila" ang sabi ko. "Huwag na. Kakahiya sa iyo. Pinakain mo na nga ako, magdadala pa ako ng iba." "Mauubos mo ba yan?" tanong ko. "Hindi." "O, e di ibigay mo sa kanila." Tinawag niya ang kanyang kasama. Lumapit ang dalawa. "Aldred, heto si Mario, ito iyong pinsan ko. Heto naman si Ver, kaibigan kong nag-recruit sa akin dito" ang pakilala niya sa dalawa. "Mga tol... si Aldred, kaibigan ko..." pakilala din niya sa akin sa kanila. "Aldred..." ang sabi ko at kahit nahiya silang magkipagkamay, kinamayan ko sila. Mababait naman sila sa tingin ko. Mahiyain nga lang bagamat parang nagtatanong ang kanilang mga mata tungkol sa amin ni Marjun. Sa hapon, ganoong set-up pa rin. Bago mag alas tres ng hapon, nandoon na ako sa cottage. As usual, lumapit si Marjun, nakikain, at nagkuwentuhan kami. Ewan ko, parang sobrang close na talaga namin. Siya na itong kumuha ng juice sa refregirator at nagbalik ng pitcher sa loob, kumuha na rin siya ng tubig sa refrigerator. Walang kyeme. "Mamayang gabi dito ka na matulog sa apartment ko? Tuloy na iyon?" "Oo. Nakapagpaalam na ako at wala nang problema." "Hindi ka naman tinanong kung bakit?" "Sinabi kong nagpapart-time work ako sa iyo. Linis ng bahay kapalit sa pagtira. At nagmo-model din sa kuwento mo." "Hahahaha!" natawa ako. "Hindi ka naman nila kinantyawan? Kung anong klaseng model iyan? Para kasing nagtatanong ang mga tingin nila kanina tungkol sa atin" "Kinantyawan din. Ngunit wala naman sa akin iyon. Marurumi lang ang mga isip nooon. O kaya ay nainggit. Sabi ko nga sa kanila na mabait ka eh. At hindi ka bakla. Hayaan mo na sila. Takot sa akin ang mga iyon. Pagbubugbugin ko nga ang mga iyon eh." Sabay tawa. "Hindi ka naman nahiya?" "Bakit ako mahihiya? Kung nahihiya ako sa iyo, e hindi na ako lalapit pa dito sa iyo. Hayan nga, tayong dalawa lang dito sa cottage mo. Wala akong pakialam kung ano ang sasabihin ng mga iyan." "Hayan, nakatingin sila sa atin. Lalo na seryoso ang ating mga mukha na para tayong magkasintahan na nag-uusap tungkol sa plano ng kasal" Tawanan. "Basta ako... hindi nahihiya. At proud akong naging kaibigan kita. Ako pa nga ang dapat na mahiya kasi, ganito lang ako ngunit kinaibigan mo. Basta simula mamaya, sa iyo ako matutulog." ang paniguro niya. Ngiti lang ang iginanti ko. Parang ang sarap ng pakiramdam na may ganoong taong bagamat may alinlangan ang tingin ng iba sa kanya dahil sa pakikipagkaibigan niya sa akin ay pinanindigan pa niya ito. "At sila ang dapat mahiya sa iyo. Ang lakas-lakas nga kumain ng sandwich eh! At nilaklak pa ang juice!" biro niya Tawanan uli. Gabi, dumating din si Marjun. Alas 7 na. Kasi, nagligpit pa daw. Kumain muna kami at nag-inuman ng kaunti. "Kumusta ang kuwento mo? Ano na ang nangyari kay Lester at Byron?" tanong niya. "Hindi pa nga ako makapag-isip kung ano ang isusunod ko sa kuwento eh. Gusto mo, magbigay ka ng mga suggestions? Sagot ko. "Hmmmmm...." Nag-isip siya. "Ganito kaya, kung halimbawang huwag na lang putulin ni Lester ang kahoy. Hayaan na lang ito hanggang sa madiskubre ni Lester ang dahilan kung bakit nagalit si Byron noong aksidenteng naputol niya ang kahoy na itinanim ni Byron at kung ano rin ang simbolismo noon sa buhay pag-ibig ni Byron." "Hmmmm..." nag-isip din ako. "Mukhang ok din. Ngunit sa anong paraan naman madiskubre ni Lester ang lahat?" tanong ko. "Oo nga ano..." sagot ni Marjun. "Iyan... yan ang dapat hanapan ng lusot." "Eh... kung sabihin na lang nating aksidenteng naiwan ni Byron ang diary niya sa opisina at nakita ito ni Lester habang naglilinis siya. Tapos, lihim na binasa..." "Waaaaahhhhhh! Bingo!" ang sigaw ko. Ako kasi, kapag gumawa ng kuwento, open ang direksyon. Pati ako ay hindi pa alam kung paano magtatapos. Parang one step at a time at habang nagpo-progress ang kuwento, darating na lang ito sa puntong may mga pumapasok na ideya na sa aking utak kung paano ko ito susundan o tatapusin. At kapag ganoong may magandang twist, para din akong naka-bingo, kikilabutan ako niyan sa excitement. At iyon ang naramdaman ko. Ang kaibahan lamang ay hindi galing sa akin ang ideya; kay Marjun. "Maganda ba?" tanong niya. "Maganda! s**t! Pwede ka rin palang magkwentista eh!" "Idagdag mo na lang sa royalty ko yan." biro niya. Tawanan. So iyon ang naging plano kong isunod sa kuwento. Na nagkasama muli sina Byron at Lester sa work, bagamat pinipigilan pa rin ni Byron ang sariling huwag ma-inlove kay Lester. At upang siguradong hindi siya ma-inlove dito, lagi niyang pinapagalitan si Lester, pinapahirapan sa trabaho, inaapi, pinagsasabihan ng kung anu-ano kagaya ng, "Gusto mong tumagal dito? Puwes ayusin mo ang trabaho mo! Sa kagaya mong walang pinag-aralan, dapat ay magtrabaho ka ng maayos dahil kung hindi sesante uli ang aabutin mo. Mabuti kung makahanap ka pa ng trabahong ganito!" Hanggang sa isang araw habang naglilinis si Lester sa opisina ni Byron, nakita niya ang kanyang diary... At doon na pumasok ang twist. Binasa ito ni Lester at gumawa pa siya ng Xerox na kopya sa mga pahina kung saan may kinalaman sa kanya, sa kahoy at sa galit ni Byron sa kanya. "Waaahhh! Ang ganda na ng twist!" sabi ni Marjun. "May black-mail na mangyayaari! Dali-an mo na Aldred ang pagsulat. Excited na akong malaman kung ano ang mga nabasa ni Lester sa diary ni Byron! Paano kaya niya gagamitin ang mga na Xerox na parte ng diary?" "Ah... huwag muna. Ibibitin muna kita" ang biro ko. "Yaayyyy! Daya! Sige ibibitin din kita sa pagkukuha mo ng litrato sa akin" ang biro din niyang pananakot. Tawanan uli. Nakatitig-apat na bote na kami ng beer noong mga personal na bagay na ang pumasok na topic sa aming usapan. "M-may karanasan ka na ba sa s*x Marjun?" Napatingin siya sa akin tapos yumuko. Parang nahiya. "Sa babae mayroon na. Sa girlfriend ko, siya ang pinaka-una ko. Kaya mahal ko iyon." "S-sa ibang babae, mayroon na rin?" "M-may naranasan din. Taga Maynila daw sila at dumayo sa piyesta sa amin. Napagtripan ako. Sa unang gabi, iyon isa. Sa pyesta mismo, iyong kaibigan naman. Tapos may nasundan pa." sabay tawa. "Talaga? Ilan ba sila lahat?" "Apat. Iba-t-ibang okasyon. Minsan may nakita din ako sa ibang baranggay, ganoon din, pinagtitripan din ako." "Guwapo ka kasi..." "Hmmm. Nand'yan na naman ang pambobola..." ang sabi niya medyo nahihiya. "Bakit? Totoo naman ah!" ang pagdiin ko. "Sige, salamat..." sabay ismid. Tumawa na lang ako. Ewan. Parang ayaw niyang aminin na guwapo talaga siya. "Hmmpt! Napilitan sa salamat!" biro ko, sabay pang-ismid din.. Tahimik. "E... sa bakla, may naranasan ka na?" "M-mayroon, isang beses, sa piyesta pa rin. Ang ganda niya kasi. Daig pa ang babae. May boobs, sexy. Akala ko nga talaga babae eh." sambit niya. "A-anong ginawa sa iyo?" "Sinusu iyong ari ko..." "T-tapos..." "Halik." "Tapos..." "Tinira ko siya sa likuran. Doon ko nadiskubreng bakla pala kasi noong sinalat ko ang butas... may lawit pala ang tangina! Noong nalaman tuloy ng mga katropa ko, kinantyawan na nila ako. Next time, daw sasalatin ko muna bago papatulan." Tawanan. "Nasarapan ka naman?" "Oo naman. May boobs eh!" Tahimik. Doon na parang nag-iba ang pakiramdam ko. Parang may lungkot akong nadarama sa kuwento niya. Una, pagseselos sa taglay niyang kapogi-an. Nasabi ko tuloy sa sarili na, "Sana kagaya ako ni Marjun na guwapo, matangkad, maganda ang katawan, hinahabol ng mga babae at bakla. Pangalawa, iyon bang feeling na na-eenjoy niya ang s*x na hindi na kailangang maghanap. Samantalang ako, heto naghahabol. Pangatlo, nagselos ako sa mga naka-s*x niya. Parang gusto kong sabihing, "Sana ako na lang ang baklang iyon..." Ramdam ko ang biglang paggapang ng awa para sa sarili. Bigla akong nalungkot. "A-ano ang nangyari?" tanong niya. "Wala... wala." Ang pag-aalibi ko na lang. "Anong wala? M-may kinalaman ba ang pagkuwento ko sa karanasan ko sa s*x?" Binitiwan ko ang isang ngiting pilit. "N-naiinggit kasi ako sa iyo." "B-bakit naman?" "K-kasi, ang guwapo-guwapo mo, hinahabol ng mga babae at bakla... walang problema ang s*x sa iyo. Ako, heto nag-iisa, iniiwanan ng mahal. Walang nagmamahal..." Natahimik siya. "Alam mo... hindi ka dapat mainggit sa akin Aldred. Kasi, may hitsura nga ako, wala namang pinag-aralan. Mahirap pa sa daga ang buhay at mabibigat na trabaho ang kayang gawin upang magkapera. Ni paggamit ng computer nga hindi ko alam. BUong buhay ko, puro kahirapan ang aking naranasan. May mga panahon nga na hindi kami makakain ng tatlong beses sa isang araw... Ang hirap. Itong mukha at katawang ito lang ang magandang bagay na ibinigay sa akin. Hindi ko naman pinili ito. Ngunit ganyan naman talaga, di ba? Hindi lahat ng magagandang bagay ay nakukuha ng isang tao sa buhay. At walang taong ipinanganak na ang buhay ay puro kapangitan ang natatamasa. Ikaw, bagamat hindi ka ganyang ka guwapo gaya ng mga artista na nasa tv ngunit matalino naman, may magandang trabaho, nakakaangat sa buhay. Ako... wala. Minsan nga, itong hitsura ko pa ang naging sanhi ng problema ko. Maraming beses na kaya akong nasangkot sa away dahil pinagselosan ng mga boyfriend ng mga babaeng nagkagusot sa akin. Ilang beses na akong nasesante sa trabaho dahil ang mga babae ng supervisor o manager ay dumidikit sa akin..." At napayuko siya, nahinto sa pagsasalita. "Ayoko ng ganito... mahirap na nga lang ako, pinag-iinitan pa ng ibang kalalakihan dahil sa hitsura ko. Hindi naman s*x kasi ang hinanap ko sa buhay. Ang hinahanap ko ay trabaho, kaginhawahan, ang makontento, ang sumaya, ang magkaroon ng taong mamahalin na hindi lang hitsura ko ang habol... Ayoko na. Pagod na ako sa mga kaplastikan sa mundo..." at nakita ko na lang na pumatak sa sahig ang luha ni Marjun. Mistulang hinataw ang aking ulo ng isang matigas na bagay sa hindi inaasahang pag-iyak niya. Ang buong akala ko kasi, wala siyang kinikimkim na sama ng loob. "S-sorry Marjun. Sorry..." ang nasambit ko na lang. Nilapitan ko siya, naupo sa tabi niya at hinaplos ang kanyang balikat. "Pagod na ako Aldred. Mahirap ang buhay ko. Parang gusto ko nang sumuko..." "Huwag naman. Kaya mo iyan. Nandito ako, tutulungan kita..." Hindi na siya umimik. Niyakap ko siya at hinaplos-haplos ang kanyang buhok. Para siyang isang batang aking sinusuyo. Nabaliktad ang eksena sa unang gabi ng aming pag-uusap kung saan ako naman ang kanyang sinuyo. Nag-inuman na lang kami. Naka-ilang bote din hanggang sa ramdam kong medyo tipsy na ako. Alam ko lasing na rin si Marjun. "Marjun... tulog na tayo." "S-sige Aldred. Lampas alas dose na rin eh. At lasing na ako." "Sa kuwarto tayo" sambit ko. tumayo ako at pumasok na sa kuwarto. Sumunod si Marjun, hinuhubad ang t-shirt habang sumunod sa akin. "Bakit ka naghubad?" tanong ko noong mapansing wala na siyang saplot. "Brief lang ang suot ko kapag natutulog...." "Ah... OK..." sagot ko at noong nasa harap na kami ng kama ko, "Pumili ka, magtabi tayo dito" sabay turo sa kama ko, "O... hiwalay tayo ng higaan at d'yan ka sa sahig..." at ibinagsak ko na ang aking katawan sa aking kama. Hindi siya sumagot. Bagkus, naupo siya sa kama ko at dahan-dahang hinubad ang kanyang pantalon... Nakita ko pang ang tuluyan niyang paghubad ng kanyang pantalon at brief na lang ang natirang saplot sa kanyang katawan. Iyon ang huli kong natandaan. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD