Ang Pamahiin Sa Pagprito Ng Itlog

3669 Words
By: Michael Juha email: getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full blog: h***:://michaelsshadesofblue.blogspot.com -------------------------------------------------------------- Nagising ako ng madaling araw gawa ng tawag ng kalikasan. Disoriented ng kaunti ang aking utak, Doon ko naalala kong hindi pala ako nag-iisa sa kuwartong iyon; nandoon din si Marjun. Ang kaso, doon siya nakahiga sa kutson sa sahig na katabi lang ng aking kama. Pinili pala niyang mahiga sa sahig kaysa makatabi ako. Syempre, may kaunti akong panghihinayang bagamat may isang parte din ng utak ko na nagsabing ok na rin ang ganoon upang mailayo ako sa tukso. Hindi muna ako dumeretso ng kubeta. Sa ilalim ng maliit na sinag ng lampshade inaninag kong maigi ang kabuuan ng kanyang katawan. Nakahiga siyang nakatihaya, hindi ginamit ang kumot na sadya kong inilagay doon para sa kanya. Walang saplot ang kanyang katawan maliban sa suot na brief kung saan bakat na bakat naman ang kanyang bukol sa harapan. Ang isa niyang kamay ay ipinatong sa kanyang noo at ang isa naman ay nakasingit ang mga daliri nito sa ilalim ng kanyang brief na parang inosenteng hinimas ang sariling p*********i at nakaligtaang tanggalin ito doon. Hindi tuloy maiwasan ng aking utak ang hindi mapa "s**t!!" sa ganda ng porma niya. Mistula siyang isang modelong nanunukso at nang-aakit. Parang natuyuan ng laway ang aking lalamunan sa aking nakita. "Napagakaganda talaga katawan ng mokong! Napaka-guwapo!" sigaw ng utak ko. Habang nasa ganoon akong paghanga, ramdam ko ang paggapang ng kakaibang kiliti sa aking kalamnan. Nabalot ng pagnanasa ang aking isip at katawang lupa. Parang may nag-udyok sa akin na yakapin siya; na siilin ng halik ang kanyang mga labi. Ngunit pilit kong nilabanan ito. Ang nagingibabaw sa aking isip ay ang katotohanang isang kahibangan kung bibigay ako at magpaubaya sa tukso dahil wala itong kahahantungan kundi pagkabigo at sakit ng kalooban. Binitiwan ko na lamang ang isang malalim na buntong-hininga. Hinawakan ko ang dulo ng kumot sa kanyang higaan at hinila ito upang matakpan ang kanyang katawan. Pagkatapos, tinumbok ko na ang kubeta. Iyon ang natandaan ko. Pagkagaling ko sa kubeta, nakatulog muli ako at noong nagising, umaga na at naalimpungatan ang amoy ng pinirito galing sa kusina. Tiningnan ko ang hinigaang kutson ni Marjun. Naka-tupi na ang kumot at inilatag ito ibabaw ng unan. Naka-ayos na ang kanyang higaan. Bumalikwas ako at paika-ikang tinumbok ang kusina, kuskos-kuskos pa ang mga mata. "Magandang umaga Aldred!" ang bungad kaagad ni Marjun na naka-brief lang habang nagpi-prito ng itlog. Nabigla na naman ako. Hindi ko kasi maintindihan ang ipinakita niyang pagka-walang kyemeng nagbi-brief lang kahit nandoon ako. Kahit nga magkapatid, nagkakahiyaan pa eh. Siguro nga, baka ganyan na siya ka feeling-close sa akin, o baka ganyan lang talaga siya. Baka kahit sa dating boarding house pa niya, ganyan din siya, naka-brief lang, walang paki sa mga kasama. Sabagay, puro lalaki sila doon. Kung kaya ganoon na rin siya sa bahay ko. "Hay naku, kung nagkataong palaban na babae o bakla ang makasama nito sa boarding house niya, siguradong matutukso ang mga iyon at lalapain na ang hilaw na hotdog at itlog ng mokong na to" sa isip ko lang. "Woi! Bakit ikaw ang nagluto d'yan?" sigaw ko na lang. "Huh! B-bakit? Bawal ba?" ang tila nabigla niyang sagot sa aking tanong. "Eh..." Ang naisagot ko. Oo nga naman, hindi naman talaga bawal. Kaso, nahiya lang ako dahil parang bisita lang naman ang turing ko sa kanya. Kaya sinagot ko na lang siya ng, "Kasi po... may pamahiin kami na sa unang pagtulog ng iyong kasama sa bahay, hindi siya dapat na magluto o makialam sa kusina. At lalo na ang magpiprito pa ng itlog!" sambit ko. "Huh! Bakit? Ano ang dahilan? Anong mayroon sa itlog?" ang puno niyang kainosentehang tanong. "Kasi..." ang sabi ko habang palihim na hinugot ang isang nakatagong frying pan sa platera. "Kasi ano...?" giit niya "Kasi... may papalo daw ng frying pan sa puwet ng nagluluto kapag nangyari iyon!" at sabay palo ko sa puwet niya ng frying pan. "At dalawang palo ang pa daw ito!" hampas ko uli sa kabilang umbok ng kanyang puwet, sabay takbo. Sobrang pangigigil ko kasi sa ganda ng umbok ng kanyang puwet. "Arekop!" ang sambit niya, hawak-hawak ng isang kamay ang napalo na puwet. "Nakadalawa ka na ah! Pagkatapos ko dito, humanda ka!" Tawa lang ako ng tawa. "Two-one!" ang sigaw ko pahiwatign ng score sa kunyari ay laro. "Sige... pagkatapos ko dito, mauungusan din kita." habang ipinagpatuloy niya ang pagpiprito ng itlog at pagkatapos, ipinirito naman ang natirang kanin namin noong nakaraang gabi. Dumeretso na ako sa kuwarto ko. Kumuha ng tuwalya atsaka tinumbok ang shower. Hinubad ko muna ang aking pajama at brief sa labas ng shower, isinabit ito sa sabitan atsaka pumasok. Nagsasabon na ako noon, nakapikit ang mga mata noong may biglang, "Pahiram ng sabon pagkatapos mo ha?" Si Marjun. Pumasok pala siya nag palihim. "Huwaaaahhhh! Bakit ka pumasok?" ang sigaw ko sabay talikod habang patuloy na kinuskos ang aking katawan. "Mali-late na ako kaya sabay na tayong maligo!" sigaw din niya gawa ng ingay na nanggaling sa shower. Naramdaman kong nagshower talaga siya, pinaikot niya ang sprinkler ng shower upang maghati kami sa bagsak ng tubig. Paminsan-minsan namang nagdidikit ang aming katawan. "Arrggghhh!" ang nasambit ko. At noong maisip na Linggo pala iyon, "Paano ka ma-late e, wala ka namang pasok ngayon?" "Bakit ayaw mo bang sabay tayong maliligo?" Hindi ako kumibo. Bagkus umusog ako ng kaunti palayo. "Bakit? Pareho naman tayong lalaki ah!" ang reaksyon niya noong mahalatang umusog ako at pakiramdam siguro niyang ayaw ko siyang makatabi bagamat charing lang ito. "Hindi po. Bakla po ako, Marjun, sumasagpang ako ng lalaki. At puwede kitang sagpangin sa ginawa mo! At huwag mo akong tuksuin at baka patulan na kita..." Ngunit tawa lang siya nang tawa. "Ano ba to? Nanunukso ba talaga tong kumag to o ano?" May gumapang kasing kakaibang kiliti sa aking katawan. Parang titigasan na ako. Ngunit hindi siya natinag. Nagsa-shower pa rin siya at paminsan-minsang idinidikit ang kanyang katawan sa aking katawan. Ramdam ko ang kiliti sa bawat pagdampi ng aming mga balat. Binilisan ko na lang ang pagsasabon at noong mabanlawan na ang buo kong katawan, lalo na ang aking mga mata at nakatingin na ako sa kanya, bumulaga sa aking paningin ang hubad niyang katawan. Kunyari ay hindi ko siya tiningnan at hindi ako affected sa aking nakita at lalo na sa kanyang ari. "Ok... tapos na ako!" ang sambit ko na lang sabay labas na ng shower. Ngunit bago pa man ako tuluyang nakalabas ng pinto ay... "Splak! Splak!" ang tinig na narinig ko sabay, "Arekop!" ang sigaw ko, hawak-hawak ang aking puwet na pinalo niya. "Ansakit noon ah!" Aabutin ko pa sana ang kanyang dibdib upang gantihan siya ng kurot ngunit agad din niyang isinara ang pinto, sabay sigaw ng "May pamahiin kasi kami na dapat ay huwag mong iwanan ang kasabay mo sa pagligo dahil kung nang-iwan ka, may papalo sa puwet mo!" Sabay tawa ng malakas. "Two-all! Ansarap pala ng pakiramdam kapag nakapalo ng puwet!!!" at sarkastikong dugtong niya. Wala na akong nagawa kundi ang magmaktol sa labas ng banyo. "Punyeta talaga. Naisahan ako." Pero may halo ding kilig iyon para sa akin. Masaya ang pakiramdam kong ganoon na ka-close ang turing niya sa akin. At syempre, kinilig din ako sa nakitang game na game niyang pakikipagharutan sa akin. Noong kumain na kami, biruan pa rin kaming dalawa, tawanan. Dahil linggo iyon at wala naman kaming pasok dalawa, niyaya ko siyang mamasyal kami. Bagamat uuwi daw sana siya sa probinsiya niya ngunit pinagbigyan niya ako at sa sunod na linggo na lang daw siya uuwi, tamang-tama daw may sweldo na rin siya. Namasyal kami na kaming dalawa lang. Malling, sight-seeign sa park, nagpunta ng mga rides, nanuod ng sine. Buong araw kaming naggala. Ang saya-saya ko. sobra. Para kaming magkasintahan na sobrang close sa isa't-isa, at halos magyayakapan na. Bigla tuloy sinariwa ng aking isip ang sandali kung saan may boyfriend pa ako at masaya kaming nagdi-date. Sobrang sweet din kasi ni Marjun. Halimbawa, noong kumain kami sa Jollibee, sa gitna ng aming pagkain binigla ba naman ako noong kinuha niya ang tissue at inabot pa talaga ang aking mukha at pinahid ang pagkaing dumikit sa aking bibig. Ako naman, dahil nakita na ang tissue, hindi ko na lang ginalaw ang ulo ko upang matanggal niya ang dumi. At hindi siya nahihiya kahit maraming tao ang kumakain at nakakakita sa ginawa niya. May isang grupo pa nga ng mga bakla na nasa hindi kalayuan ng mesa namin ay nanuod talaga at halatang kinilig sa nakitang eksena namin. Ewan... mukhang masisira na yata ang aking pangako sa sarili na hindi na muling iibig pa. Ngunit... sa kabilang banda, hanggang maaari, ayaw ko rin talaga. Kasi, baka likas na sweet lang talaga siyang tao. May ganoon naman talaga ata eh. O baka iniisip lang niyang dahil mas nakatatanda ako sa kanya, kaya instinct niya ang umiiral na alagaan ako. O ba kaya, ay pagsisipsip lang iyon dahil nakitira lamang siya sa bahay ko ng libre. A basta, ewan. Ayokong padaig sa tukso. At sa unang mga araw ng aming pagsasama ni Marjun ay tumibay ang aming pagiging magkaibigan at naging mas malapit kami sa isa't-isa. Naramdaman ko rin ang unti-unting pagkahulog ng aking kalooban sa kanya, bagamat pilit ko itong nilabanan. Isang gabi, nag-inuman uli kami ni Marjun, pampatulog na pag-iinum lang. "M-marjun... huwag kang magalit ha kung may itatanong ako?" "Sige ba. Open naman ako sa iyo eh. Ano iyon?" Napangiti naman ako sa kanyang sagot na open siya sa akin. "Simula noong maghiwalay kayo ng girlfriend mo, hindi ka na umibig pang muli?" Bigla siyang natahimik. "H-hindi na... Trabaho na lang ako. Gusto kong makatulong sa kahirapan ng aking pamilya. Mas mahalaga pa rin asa akin ang maghanapbuhay at ang makahanap ng makakain kaysa pag-ibig na dagdag pasakit lang. Atsaka, darating at darating din iyan sa buhay kapag ang isang tao ay nakatadhana para sa iyo. Para sa akin, ang pag-ibig ay hindi hinahanap. Kusa itong dumarating." "Ah... Ayokong maniwala sa ganyan. Para sa mga kagaya ko, hindi talaga basta dumarating ito. Kusa itong hanapin, paghirapan. Kasi, karamihan dito ay laru-laro lang, panandalian, tikiman, experimentuhan. Minsan din, bolahan, lokohan... At kapag nagsawa na, simula uli sa paghahanap. Ang problema, nakakapagod din ang maghanap. Kasi, wala naman talangang totoo sa ganitong klaseng pag-ibig." "Woi, sobra ka naman... nand'yan lang iyan sigurado ako. Kung nagbolahan, naglokohan, nagexperimentuhan, hindi ang mga iyan ang para sa iyo." Ang sambit niya. Tahimik. "A-ano naman pala ang pananaw mo sa relasyong lalaki-sa-lalaki?" Ngumiti siya. "Ang totoo, dati, napapa-'ewwww' ako kapag may nakikita o nalalaman tungkol d'yan. At sabihin na rin nating may naramdaman din akong pandidiri. Di ko kasi naintindihan ang ganyang klaseng relasyon. Pero noong nabasa ko ang kuwento mo, doon na nagbago ang pananaw ko. Na-realize ko na kagaya din pala sila sa mga normal na taong nagmamahalan; may damdamin, nasasaktan, nagmamahal ng tunay, sumasaya, kinikilig, naging totoo, seryoso, gagawin ang lahat upang lumigaya... Sa kuwento mo ako natuto na ang pag-ibig pala ay walang pinipiling kasarian, o kulay ng balat, o klase ng pagkatao. Ito ay hindi mo puwedeng husgahan. Kasi, sa lengguwahe ng puso, kapwa puso lang din ang tanging nakakaintindi nito." Sobrang tuwa naman ang aking naramdaman sa binitiwan niyang salita hindi lang dahil sa nabuksan ko ang kanyang isip kundi dahil na rin sa lawak ng kanyang pag-iisip. "Ang lalim naman..." biro ko. "Malalim ba? Di hukayin natin." Biro din niya. Tahimik. "A-ano ba ang hanap mo sa isang b-babae?" "Hmmm..." nag-isip siya. "Alam mo, hindi ako naniniwalang kailangang may pamantayan o sukatan ang pagmamahal. Kasi kapag sinabi mong dapat maganda, mabait, may pinag-aralan, maunawain... ito ay lantarang paghahanap sa taong mamahalin mo. Ito rin ay sadyang panghuhusga sa taong hindi mo dapat mahalin. Paano kung ang isang tao ay maganda? Paano kung ang isang tao ay hindi nakapag-aral? Paano kung hindi mabait? E di wala na silang karapatang mahalin? At... malay mo ba kung dahil sa pagmamahal mo, ang taong pangit ang ugali ay magbabago?" Natahimik ako, napaisip sa kanyang sinabi. Tama nga naman. Paano ang mga taong hindi biniyayaan ng magagandang hitsura? Hindi sexy? Walang pinag-aralan? Mahirap? Mataray...?" "... at higit sa lahat, paano kung ang tinitibok ng puso mo ay ang taong wala ang mga katangiang pinagbatayan mo?" dugtong pa niya. "Lalabanan mo ba ang isinigaw ng iyong puso? Kapag nagmahal ka, wala nang tanong. Damhin mo na lang ito at magpasalamat. Simple di ba?" Napaisip muli ako. Tama rin siya. Marami d'yan, iba ang sinasabing gusto nila, ngunit sa bandang huli, doon din napunta sa may mga kabaliktarang katangian. "E... ano ngayon ang batayan mo? Paano mo malalaman kung mahal mo ang isang tao?" tanong ko na lang, Hindi siya sumagot kaagad. Bagkus, hinawakan niya ang aking kamay at iginiya ito sa kanyang dibdib. "Ito... puso ko ang magsasabi sa akin kung sino ang mahal ko." Tahimik. "May naramdama ka bang pintig nito?" tanong niya. Tumango ako. "Ang mga pintig na iyan ang magsasabi kung sino ang taong mahal ko." "M-may posibilidad kayang ang ipipintig ng iyong puso ay isang lalaki din?" Napangiti siya. "Alam mo, iyan din ang tanong ko sa sarili noong nabasa ko ang kuwento ni Byron at Lester at nabuksan ang isip ko tungkol sa relasyon ng lalaki-sa-lalaki. At alam mo ba kung ano ang sagot ko sa sariling tanong na iyon?" "A-ano?" "Bakit hindi??? Kung siya ang itinitibok ng puso ko..." sabay bitiw ng isang nakakalokong ngiti. Napangiti ako ng hilaw; natuwa na ang kuwento ko ang naging dahilan na nabuksan ang isip niya bagamat may lungkot din akong nadarama. Kasi, alam kong hindi mangyayri iyon sa aming dalawa dahil una, ayaw ko na; at pangalawa, sa dami ba namang mga babaeng isda at sirena sa dagat... sa isang syokoy pa titibok ang kanyang puso?. Hindi na ako sumagot pa. "Ah...Ano na pala ang nangyari kina Lester at Byron?" ang paglihis niya sa usapan. "Ah, oo nga pala. Heto, may update na. Gusto mo basahin ko para sa iyo para ma-critque mo rin? "A-ano bang ma-critique?" "Iyon bang magbigay ka ng puna, at makapag suggest ka na rin ng magandang idagdag" "Ay, sige..." Ang binasa ko na ang kuwento: Patuloy pa rin ang hindi magandang pakikitungo ni Byron kay Lester. Ang hindi lang alam ni Byron, alam na ni Lester ang lahat dahil sa naiwang diary niya. Hanggang sa isang araw, hindi na nakayanan pa ni Lester ang lahat ng masasakit na salita at pang-aapi ni Byron. Kinumpronta nito ang huli lalo na noong pinagsabihan na siya sa harap pa ng ibang mga empleyado ng, "Ano ba ito, Lester! Sa tagal-tagal mo nang paglilinis dito, hanggang ngayon ay bobo ka pa rin? Gamitin mo naman paminsan-minsan iyang utak mo! Kaya hindi ka makaangat-angat sa pwesto mong pagka janitor eh, dahil sa napakabagal mong mag-isip! Di ba sinabi kong--- Hindi na naituloy pa ni Byron ang sasabihin gawa ng pagsingit ni Lester. "Alam ko naman kung bakit ka ganyan sa akin eh. Aminin mo, mahal mo ako! At kaya ka galit sa akin ay dahil hindi mo matanggap na umibig ka sa akin! Tangina, aksidenteng naputol ko lang ang kahoyna itinanim mo, na para din naman sa akin, nag-init na ang ulo mo?" Isang napakalakas na "Splak!" ang natanggap ni Lester noong tumama ang kanang palad ni Byron sa kanyang pisngi. "Napahaplos si Lester sa nasapak na pisngi. Ngunit patuloy pa rin siya sa pagsasalita. "Sige saktan mo pa ako! Heto pa ang kabila kong pisngi, sampalin mo pa! At heto gamitin mo..." inihagis kay Byron ang isang floor mop. "Saktan mo akooooo! Mahal mo naman ako, di ba? Mahal na mahal? Kaya, sige, saktan mo ako!" "Anong pinagsasabi mo? Nababaliw ka na ba?! Bakit kita mamahalin, gago!" "Gago nga ako. Dahil hindi ako pumapatol sa isang katulad mo! Akala mo hindi ko alam? Heto..." sabay hugot ng kopya ng sinerox niyang diary ni Byron sa bulsa ng pantalon niya. Di ba diary mo iyan? Gusto mong basahin ko pa?" at binasa "Dear Diary..... ang hirap naman ng buhay ko. Heto na naman ako, tumitibok an gpuso sa isang kasamahan sa tranaho, si Lester. Paano, sobrang sweet noong tao sa akin. Sa tuwing nakikita ko siya hindi ko maiwasang lumulundag-lundag ang akign puso. Ngunit ayoko na... kasi, alam ko, sakit ng damdamin at kabiguan lang ang idudulot nito sa akin. At lalo lang akong magdusa, masaktan, maawa sa sarili. Kaya't hanggang sa lihim na pagmamahal ko na lamang siya maaangkin..." Mistulang hinataw ng isang matigas na bagay si Byron, hindi makapagsalita, hindi makapaniwalang nabuking na pala siya ni Lester, at narinig pa ito ng ilang empleyado. "O ano??? Tama ba ako? Di ba Lester ang nakasulat diyan? At tingnan mo ang petsa, di ba petsa ito kung saan bago pa lamang ako dito at hindi mo pa inaapi?" At sa sobrang pagkahiya, hindi na nakayanan ni Byron pa ang hiya. Bigla itong nagtatakbo palayo. "Sir... ayaw mo bang makita ang katawan ko? Maghuhubad ako sa harap mo! Gusto mo ba? Sirrr!!!" ang pang-iinis pa ni Lester. Sa mga sumunod na araw, pansin na ang pagbabago ni Byron. Hindi na niya sinisigawan pa si Lester. Ngunit hindi rin sila nagkikibuan. Subalit nakalipas ang isang linggo, nagbago ang pakikitungo ni Lester kay Byron. Siya naman itong nang-aasar kay Byron. Kagaya ng minsan habang silang dalawa lang ang naiwan sa office at lalabas na sana si Byron upang umiwas kay Lester, hinarangan ni Lester ang pintuan at hinawakan ang kanyang kamay, "Saan ka pupunta? Natakot ka bang matukso sa akin?" "Ano ba iyang pinagsasabi mo Lester? At bitiwan mo nga ako?" "Sir... ayaw mo ba ang haplusin ito?" sabay giya ng kamay ni Byron upang madampi ito sa umbok ng harapan ni Lester. "Ilang araw nang hindi nakapagpalabas iyan Sir. Baka gusto mo lang... game naman ako." Ngunit sampal lang ang natamo ni Lester. "Ang taas talaga ng pride mo ano? Porket isang janitor lang ako, kaya mo akong pagsasampalin?" "Huwag mo ngang harangan ang pintuan! Palabasin mo ako!" utos ni Byron. "Aminin mo munang mahal mo ako..." ang sarcastic ding sagot ni Lester. "Baliw ka ba??? Bakit pa?!" "Anong bakit ba? Pahirapan mo ba ang sarili mo? Nandito ako, handang makinig sa sasabihin mo. Payag naman akong ligawan mo eh..." "Tarantado!" "Pwes hindi ka makakalabas dito..." Wala nang nagawa pa si Byron kundi ang bumalik tumbukin na lang ang CR sa loob ng office at pumasok sa nag-iisang cubicle nito at doon umiyak, humagulgol, ipinalabas ang sama ng loob at pagkaawa sa sarili. Ngunit kahit doon, sinundan pa rin siya ni Lester, "Sir... nandito lang ako sa labas. Baka gusto mong magpa-massage o magpaserbisyo, game naman ako..." Ganyan ang kanilang biringan. Kung tutuusin, nakakakilig na nakaka-libog ngunit dahil sa alitan nila at sa sarcastic na dating ng mga banat ni Lester para kay Byron, lalong lamang itong nagpatindi sa sakit at pagkahiya na naramdaman ni Byron. Ramdam ni Byron na bumabalik-balik na naman ang depression niya, ang paghabg sa sarili, ang mga msasakit na nakaraan. Parkiramdam ay wala siyang kakampi sa mundo. Nakaya niya ang lahat ng iyon. Ayaw niyang masira ang mga plano sa buhay at ang kanyang trabaho. Ngunit doon na tuluyang gumuho ang lahat at hindi na niya nakayanan ang sarili noong isang araw, nakapaskil na sa bulletin board ang kopya ng kanyang diary. Wala siyang ibang pinaghinalaang gumawa noon kundi si Lester. At dahil sa tindi ng hiya at mga tsismis, tuluyan nang nagresign si Byron sa kanyang trabaho, dala-dala ang matinding sama ng loob kay Lester at pagkahabag sa sarili. Pakiramdam niya ay nag-iisa lamang siya sa mundo. At habang umiiyak siyang nag-iisa, ang mga tao sa paligid niya ay pinagtatawanan siya, kasama na si Lester... "Waaahh! Tanginang Lester na iyan! Bubugbugin ko na yan eh! Kawawa naman si Byron!" "Magbigay ka ng puna ah!" ang sabi ko. "Ano pa bang puna. Sobrang maganda na sya at gusto kong basahin na ang sunod! Next na daliii!" Ang buong akala ko ay simpleng nagustuhan lang ni Marjun talaga ang kuwento o, nasabi lang niyang maganda ito dahil syempre, libre kaya ang pagtira niya s apartment ko kaya pinuri niya ang gawa ko. Ngunit ang hindi ko akalain ay kinaumagahan... "Marjun! Sino ang nagtanim ng kaimito d'yan sa harap ng gate natin? Kaimito ba ang halaman na iyan?" tanong ko. "Oo, kaimito iyan. Para iyan kay Byron." "B-byron???" ang may halong pagkalito kong tanong. "Paano napunta kay Byron ang puno na iyan?" "Byron, iyong sa kuwento mo. Alagaan ko iyan para sa kanya. Naawa kasi ako sa kanya eh." Natawa naman ako. "Kuwento lang iyon, Marjun. Kathang-isip." "Totoo siya dito sa puso ko. Alagaan ko ang punong iyan para sa kanya." Hindi ko alam ang tunay na naramdaman. Parang touched ako kumbaga, proud sa sarili na heto, hindi ko pa naipalabas ang kuwento ko, may naapektuhan na. "Sobrang in love ka sa kuwento ha???" tanong ko uli. "Sobra. At hindi lang sa kuwento, pati na rin sa..." "Sa ano...?" ang tanong kong parang may bumalot na excitement sa aking pagkatao. Tinitgan lang niya ako. "Hoy! Sa ano ka pa na in-love?" Giit ko. Hindi niya sinagot ang aking tnaong. Bagkos hinawakan niya ang aking kamay at iginiya ito sa kanyang dibdib. "May naramdaman ka bang pagpintig nito?" Tumango ako habang ramdam ko naman ang tila paglakas ng pagkabog ng dibdib niya. "May itinibok na ang puso ko. At ibinulong niya sa akin kung sino ito. Gusto mo, ibubulong ko rin sa iyo?" Ramdam ko naman ang biglang pagkalampag ng dibdib ko, di maintindihan kung dahil sa takot o lungkot na umibig na siya sa iba. "S-sige..." ang may halong pagdadalawang isip na sabi ko. "Ibulong mo sa akin ang pangalan niya..." At inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tainga sabay bulong ng, "Ikaw..." "A-ako? Bakit ako?" "Kapag nagmahal ka, wala nang tanong. Damhin mo na lang ito at magpasalamat. Kaya... salamat." Ang sambit niya ang mga mata ay tila nangungusap at nagmamakaawang nakatitig sa mukha ko. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD