t***k Ng Puso

2911 Words
By: Michael Juha email: getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full blog: h***:://michaelsshadesofblue.blogspot.com -------------------------------------------------------------- Grabe ang kilig na naramdaman ko sa tagpong iyon. Parakiwari ko ay gusto kong mag excuse upang pumunta ng kubeta. Iyong sobrang kilig ba na parang naninindig na ang mga balahibo mo at namumula ang iyong mukha. Ngunit syempre, hindi ako nagpahalata. "Woi, g-ganoon? Ako talaga ang tinibok niyan?" ang sagot ko sabay kalabit sa kanyang dibdib. "Oo... ikaw." "Gosh..." ang pa-demure kong arte. Feeling ko ang haba-haba talaga ng aking hair. "Ano na?" ang sambit niya noong siguro sa tingin niya ay hindi na ako makapagsalita at nagbi-beautiful eyes na lang ako. "Eh... Alam mo..." "Ano..." "May itinitibok din ang puso ko eh." "T-talaga? Ano ang itinibok niya?" ang excited niyang sagot. "Heto damhin mo sa iyong palad ang aking dibdib," ang paggaya ko sa ginawa niya. Inilagay niya ang kanyang palad sa aking dibdib. "Naramdaman mo?" "Oo..." sagot niya ang mga mata ay mistulang nangungusap, parang excited sa sunod kong sasabihin. "Gusto mo bang ibulong ko rin sa tainga mo ang ibinulong sa akin ng puso ko?" "Sige... sige!" At idinikit ko ang aking bibig sa tainga niya sabay sabing, "May pagka-sinungaling daw ang puso mo... Konting-konti lang naman," sabay muestra ko sa aking daliri. "Wahhhhh! Hindi nangsinungaling ang puso ko! Kahit konti, hindi!" ang sigaw niyang pagtutol. "Ay wala na akong magagawa. Iyan talaga ang sabi ng puso ko. At lalong hindi nagsisinungaling nag puso ko." Ang sagot ko. Kamot-kamot ang ulo niya, "Naman o... hirap palang kausapin iyang puso mo." "Naman!!! Marami nang naranasang sakit iyan kaya di mo siya masisisi." Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkadismaya. Syempre, hirap kayang masaktan. At kapag nangyari uling masaktan ako, baka hindi ko na kakayanin pa ito. Kung kaya naipangako ko sa sarili na hindi na iibig pa o kaya ay huwag basta-bastang magpadala sa emosyon. Kaya kunyari, ipinalabas kong hindi ako affected sa kanyang pagparamdam bagamat sa kaloob-looban ko lang, super-kilig ang naramdaman ng lola ninyo. So iyon ang set-up namin sa bahay; nagpaparamdam si Marjun habang deny-to-death naman akong naapektuhan. Syempre, maraming kilig at minsan, natuturete. Minsan din gusto ko nang bumigay. Lalo pa kapag ganyang nag-didisplay ng kanyang katawan. Mahilig kasing nakashorts lang sa bahay ang mokong. Minsan nga nagbi-brief lang. At kapag nasa trabaho naman siya, na nakagawian kong pagmasdan sa cottage kapag wala akong pasok, naka-maong lang iyan, ang t-shirt ay isusukbit sa beywang o sa likurang bulsa ng pantalon at hahayaang nakalaylay. Astig talaga ang porma. Ngunit ang mas lalong nagpalambot ng puso ko ay ang kanyang pagka-sweet at pagkamasipag. Kada hapon pagkagaling sa trabaho, magpahinga lang iyan ng ilang minuto atsaka magsimula nang maglinis ng bahay, magwawalis, magbubunot ng sahig. Nakaka-impress talaga. Ambigat-bigat na nga ng kanyang trabaho, balot na balot pa sa pawis ang katawan pagdating na pagdating pa lang ng bahay at hayun, sabak uli sa trabahong bahay. Sobrang sipag niya. Ang totoo, parang gusto kong magvolunteer na punasan ang pawis niya o kaya ay mamasahehin siya sa gabi. Pero pinigilan ko ang sarili. Malaking tukso din iyon. Paminsan-minsan siya na rin ang naghahanda ng pagkain, namamalengke, nagluluto. In fairness, ang galing niyang magluto! Masarap. Pati sa paglalaba, ang mga damit ko ay isinasali din niya sa kanyang paglalaba ng sariling damit. Pati bedsheets, kumot ay hindi pinapalampas. "Marjun! Hayaan mo nang ipa-laundry ko ang mga labahin dito sa bahay!" ang isang beses na sabi ko sa kanya. "Inako mo na ang lahat ng gawain dito ah! Nakakahiya sa iyo! Baka hindi na kita mabayaran niyan!" "O e kung hindi mo na ako kayang mabayaran ng pera, e di, puso mo na lang ang ipambayad mo..." sagot niya. Na bigla namang ikinaturete ng aking utak. "Marjun ha?!!! Huwag kang ganyan! Alam mong hindi puwede!" ang bulyaw ko, iyong galit-galitan ba, bagamat ang utak ko ay sumisigaw ng, "Kinikilig akoooooooooo!!!!" "Bakit naman hindi puwede? May mahal ka na bang iba?" "Wala naman. Pero ayaw ko eh! Kulit mo!" "Bakit nga ayaw mo sa akin?" "Woi, ikaw talaga. Parang kung makapagsalita ka ay seryosohan na talaga iyan. Gusto mo, magagalit din ako sa iyo katulad ni Byron kay Lester?" "Ok lang. Alam ko naman ang panaban eh." "Ano?" "Ang diary mo..." Pakiramdam ko ay namula ang mukha ko. May diary din kasi ako at simula noong napansin ko siya sa unang araw pa lang na nakita ko siya sa construction site, siya na ang palaging sentro ng aking mga isinusulat doon. "Weeeee! Wala kang mababasa tungkol sa iyo sa diary ko. Wala kaya akong binanggit tungkol sa iyo doon!" ang pagsisinungaling ko pa. "Ganoon? Sigurado ka?" "Sigurado. Wala talaga!" "Kahit iyong palihim na pinagmamasdan mo ako sa pagtatrabaho ko habang kunyari ay nagtitipa ka ng kuwento sa iyong laptop sa cottage, sa harap lang ng tinatrabahuhan ko?" "Waaahhhh! May ganoon talaga? Paano mo nalaman na pinagmasdan kita? Siguro ikaw ang palihim na nagmamasid sa akin no?" Tumawa siya ng malakas. "O siya, kung wala pala ako d'yan. E, di pabasa na lang niyan... Bakit ayaw mong ipabasa?" "May sikreto ako doon na hindi puweeng ibahagi ng kahit kanino. Personal ko kaya iyon." "Weee! E, di nandoon ako? Di ba ako naman ang nag-iisang sikreto mo?" "Wow ang lakas ng tama!" sabi ko sabay tawa. "Sige na, pabasa..." "Nasa computer ko kaya iyon. Di ka naman marunong magcomputer, di ba? " "E, di turuan mo ako para mabasa ko." "Kuleeeeetttttttt!" ang sabi ko na lang. "Hayyyy grabe. Tukso to the max talaga ang hatid sa akin ng mokong na ito..." sa isip ko lang. Tumawa siya. Iyan ang klase at takbo ng mga kulitan namin. Hindi rin siya nawawalan ng oras para sa kanyang itinanim na puno ng kaimito na para nga daw kay Byron. Natutuwa naman ako. Para bang totoong-totoo talaga ang kuwento ko. At nagustuhan ko naman ang ginawa niya. Hindi lang dahil gusto ko ang kahoy kasi nakakapagbigay ito ng lilim, preskong hangin at matamis ng bunga, kundi nakakapagbigay din ito ng inspirasyon sa akin dahil sa nakita kong interest niya. "O, update naman sa kuwento ng buhay ko." ang sabi niya isang beses na tapos na siya sa mga gawain at nagpapahinga na kami sa sala. "Hahaha! Kuwento mo talaga???" "O sige, kuwento ng pag-ibig namin ni Byron." "Waaah! Kina-career mo talaga ang kuwento ha?" "Oo naman. Di ba katawan at mukha ko ang ginagamit mo kay Lester. E, di ako iyon. Atsaka pareho kami ng ugali, parehong sanay sa mahihirap, at higit sa lahat, parehong guwapo." "Hahahaha!" ang tawa ko. "Anlakas talaga ng tama!" "Totoo naman, di ba?" "Iyong kay lester tama iyan. Pero ang sa iyo, ewan ko lang..." "Bakit mo ako ginawang modelo?" "Hay naku.... Kuleeettt talaga! O sya, sya, kuwento niyo nang dalawa ni Byron." "Ay salamat..." "Kaso, may sulat si Byron na iniwan para kay Lester bago siya lumayo. Ikaw na ang magsulat sa sinabi ni Byron sa sulat ha?" Ang mungkahi ko bagamat may nasulat na talaga ako. "Ay, di ba ako si Lester? Bakit ako ang magsulat sa parte ni Byron?" "Ang ibig sabihin ba niyan ay kung may parte sa kuwento na may sulat si Lester para kay Byron, puwedeng ikaw ang magcompose nito?" "E..." ang sagot niya. "Sige na Marjun! Colaborative na natin ito." "Ano bang collaborative?" "Iyong kuwentong pinatutulungang buuin. Ako ang main author at ikaw secondary author." "Ay... secondary author lang pala ako." "Oo naman. Buti nga author ka pa rin eh." "Ok, fine. Tapos..." "Tapos... ilagay ko sa libro ang mga pangalan natin. Ako bilang main author at ikaw, bilang secondary author." "Tapos..." "Tapos, iyon..." "Iyon lang...?" "Ano pa ba ang kulang?" sabi ko. "Syempre, hati tayo sa kita." "Main author kaya ako at ikaw ay secondary lang kaya hindi dapat hati." "Tumulong kaya ako sa pagsulat tapos katawan ko pa ang ginamit mo bilang modelo ni Lester" "Waahhh1 swapang!" Natawa siya. "Joke lang. Pero, talaga, ilalagay mo ako bilang manunulat din d'yan sa libro mo?" "Oo naman...!" "Yeeeeyyy! Sige, payag na ako na kapag may parte na si Lester na siya naman ang may sulat para kay Byron, subukan kong ako ang gumawa... este... ikaw pala ang magsulat, ako lang ang magdikta." Ang pagbawi din niya. "Yeeeyyy!" sigaw ko "Kaya update na please..." "Ok... Heto na. Babasahin ko ang parte na ito para sa iyo –" Noong nalaman ni Lester na nagresign si Byron, para itong nasabugan ng bomba. Parang bigla siyang natauhan at narealize ang sobrang sama ng kanyang ginawa. At lalo pang piniga ang kanyang puso noong nabasa niya ang sulat ni Byron para sa kanya. "Dear Lester, una sa lahat, gusto kong manghingi ng tawad sa mga nagawa ko sa iyo. Aaminin kong sinadya kong saktan ka, ipahiya sa mga tao, maliitin ang kakayahan, pagalitan, tapakan ang dignidad. Alam kong napakasama ng aking ginawa. Ngunit gusto kong malaman mo na sa bawat pagmamaliit ko sa pagkatao mo, sa bawat sakit na idinudulot ko sa kalooban mo, nasasaktan din ako. Ito ay dahil... mahal kita at tama ang lahat na nabasa mo sa aking diary. Mahal kita; mahal na mahal. Ngunit ayokong ipaalam sa iyo ito o kaninuman dahil alam kong walang patutunguhan ang aking naramdaman para sa iyo. Alam kong wala kang pagtingin sa akin at alam kong imposibleng mahalin mo ang isang katulad ko. Kaya tiniis ko ang lahat. At upang hindi ka na lalapit pa sa akin at hindi lalong mahulog ang loob ko sa iyo, kaya kita pinag-iinitan, sinasaktan. Masakit ang magmahal ng patago, kung alam mo lang. Tinitiis ang damdamin, pinipigailan ang sarili, walang mapagsabihian sa mga saloobin. Naawa ako sa iyo sa mga ginagawa ko, ngunit mas nanaig ang kagustuhan kong ilayo ang sarili sa iyo at upang hindi mo ako lapitan, kagaya noong unang mga araw mo sa kumpanya kung saan ang bait-bait mo sa akin. Ayokong lalo pa kitang mahalin. Ayokong darating ako sa puntong hindi ko na kayang pigilan ang sarili at malaman mong mahal kita. Ayokong masaktan muli. Noon, nagmahal ako, binigay ko ang lahat ngunit bigo ako dahil niloko lang ako ng mga lalaki, pinaasa, sinaktan... Anyway, hindi naman ito importante sa iyo ngunit ang gusto ko lamang sabihin ay sorry sa lahat-lahat. Ngayong nagresign na ako, alam ko, maligaya ka na. Wala nang mang-aapi sa iyo, wala nang mag-iinsulto... At ako, bagamat parang tinadtad ang puso dahil hindi na kita makikita pang muli, kakayanin ko ang lahat... sanay naman ako sa ganito eh. At tungkol naman sa pagpost mo ng kopya ng diary ko sa bulletin board ng kumpanya, gusto ko ring sabihin na hindi ako galit. Naintindihan kita kasi... napakasama ng aking ginawa. Tama lang na ganoon ang nangyari. Kasi, sa ginawa mo, nagising ako sa katotohanan... Sana alagaan mo ang puno ng kahoy na itinanim mo para sa akin. Magiging Masaya ako kapag isang araw ay maikta kong lumaki ito at inaalagaan mo. Ingat ka palagi. Hangad ko ang kaligayahan mo. – Byron-" "Huwaaah! Nakakalungkot? Naawa ako kay Byron!" sambit niya. "Dapat hanapin ni Lester si Byron!" "Hindi ah. Sad ending iyan. Hahayaan ni Lester si Byron at maging girlfriend pa niya ang babaeng papalit sa puwesto ni Byron. At tuloy ang paghihirap ng kalooban ni Byron hanggang sa magpatiwakal ito dahil sa nawalan na siya ng pag-asa sa buhay!" "Ay sobra naman iyan. Ayoko ng ganyan! Sobrang trahedya!" pagtutol niya. "Ano ang gusto mo?" "Gusto kong hanapin ni Lester si Byron." "E paano iyan, ako ang main writer." "Waaaahhh! Di ba sabi mo ay secondary writer ako? Dapat ay may ambag ako sa kuwneto." "Ok... binawi ko na. Ako na lang ang writer, hindi ka na kasali." "Huwaaaaahhhh! Andaya! Sige, ayoko na ring magmodelo..." "Ay nagtampo..." At parang bata na inilabas pa ang dila niya sabay, "Beeee!" Para naman akong tinablan ng awa kaya binawi ko ang biro, "O sya, sya, secondary writer ka pa rin. Aber... paano ang sunod na isusulat?" "Yeeeyy! Sandali ha... mag-isip muna ako." Tahimik. Maya-maya, "Gusto ko ganito na lang –" Malaki ang pagsisisi ni Lester sa pagresign ni Byron. Tumulo ang luha niya noong nabasa ang sulat at naawa siya kay Byron. At nabuo sa isip niya na hanapin ito upang humingi ng tawad. Ngunit hindi na niya nahanap pa si Byron. Pinuntahan niya ang tinutuluyan nito ngunit wala na ito doon. Pinuntahan niya rin ang addres ni Byron sa probinsiya ngunit wala ring makapagsabi kung nasaan siya. Natakot si Lester na baka may gagawing hindi maganda si Byron sa sarili. Nagpaskil siya ng mga announcement sa kahit saan-saan, nagbakasaqkali na mabasa ito ni Byron o kaya ay may makapagturo dito. Nagpunta din siya sa mga police stations, sa mga radio at tv upang maiparating ang kanyang panghingi ng sorry at na sana ay bumalik na si Byron at mapatawad siya. Hindi tumigil si Lester sa paghahanap kay Byron. Kung saan-saan na lang siya nakarating. Hanggang sa narealize ni Lester na mahal pala niya si Byron. Naisipan ni Lester na magpa-announce ng ganito, "Byron, patawad sa mga ginawa ko sa iyo. Ngayon ko aaminin sa iyo... mahal din kita. Kaya kung mahal mo pa rin ako, pumunta ka sa central plaza sa may lilim ng nag-iisang punong kahoy ng narra doon, alas 7 ng gabi, maghihintay ako..." At dahil sa sulat na ito, marami ang nakapansin at naintriga. Dumagsa ang tulong at suporta ng mga tao dahil sa kakaibang kuwento sa paghahanap ni Lester kay Byron. Naging instant celebrity si Lester at ang kuwento nila ni Byron. Inenterview ito sa mga radio at pati na sa tv. Hindi lang iyan, may mga sumuporta na sadyang nagpatayo pa talaga ng billboards sa mga highway na ang nakasulat ay ang sinabi ni Lester na nanghingi ng tawad at na mahal niya ito at kung mahal pa rin siya, ay pupuntahan siya sa central park.... Pati sa internet ay patok din ang kuwento nlang dalawa. "Shitness! Ang ganda ng ideya mo! Dagdagan ko pa ha?" ang sambit ko. Dahil hindi kasi alam ni Marjun ang sss at twitter sa internet, dinagdagan ko ito ng - ... At may twitter na din ito at fan page sa sss kung saan inincourage ang mga taong susuporta sa paghahanap ni Lester na pumunta sa nasabing lugar at magdala ng mga pulang rosas o ano mang pulang bulaklak sa oras ng paghihintay ni Lester. At hit kaagad ang fanpage na iyon na umabot kaagad ng libo-libong likes at shares. "Sige, tama... at –" ang pagpatuloy na niya. Dumating ang takdang oras at araw at nandoon na si Lester, nakaupo sa ilalim ng nasabing higanteng puno ng narra. At napakaraming tao ang sumipot, nagpakita ng suporta. May mga bakla, may mga babae, may mga lalaki, may mga straight na magkasintahan, may mga matatanda...sobrang dami. NIla. At napakarami ding mga tao ang nagdala ng pulang mga rosas at iba't-ibang klaseng pulang bulaklak at ibinigay nila ang mga iyon kay Lester para kay Byron. At kung titingnan sa itaas ng kahoy ng narra, may nakapaskil pang streamer kugn saan ang nakasaad ay, "Paingayin ang mga sasakyan kapag sinuportahan ninyo si Lester!" At napuno nga ng ingay-ingay ng central park; puno ng mga tao ang paligid ng puno ng narra. Napuno din ito ng mga pulang rosas at iba't-ibang klase ng bulaklak. Hindi lang ito, marami ring mga TV crews at reporters ang naroon, nag-abag kung sisipot ba si Byron at kung ano ang kahinatnan ng kakaibang kuwento ng pag-ibig na inaabangan din ng marami. Nababalot ng excitement ang lahat. Ngunit si Lester, nakaupong mag-isa sa sementong upuan sa ilalim ng malaking puno, hawak-hawak ang isang kumpol ng mga pulang rosas, nababalot ng kaba, ng takot, at matinding pangamba... "Humaygadddddddd! Humaygadddddddd!!! Ang ganda!!!!" ang sigaw ko sa sobrang paghanga sa ideya niya. "Maganda ba talaga?" "Sobra! Grabe!" sagot ko. "Paano iyan, e di, ako na ang head writer ng libro?" "Waaahhh! Inagawan ba ako ng role!" Tawa lang siya ng tawa. "Syempre, maganda sabi mo eh!" "O sige, mag-resign na lang ako." "Pwede..." biro niya. "Pero ikaw ang magproduce niyan ha? Gastos mo lahat ang magpagawa. Sandali, siguro may mga 25k lang naman ang pinakamurang gastos sa sa print-on-demand, tapos ikaw ang mag-apply ng copyright at ISBN niyan, magprocess ng kung anu-anong papeles at requirements... At ikaw na lang din ang mag-layout, magdesign, at dito gagawin iyan lahat sa computer." "Ay ganoon ba? Sige, ibalik na lang kita sa pagiging head writer. Balik na lang ako sa pagiging secondary writer." Sabay tawa. "Kala mo ha..." "Woi... nagtampo ang idol ko. Sige hug na lang kita." At niyakap nga niya ako, ang hubad niyang pang-itaas na katawan ay dumampi sa aking katawan. "Ewwww! Layuan mo ako tukso!" Tawa uli siya ng tawa bagamat kinilig na naman ang lola ninyo. "O... ano na ang sunod niyan? Nag-antay na si Lester sa Puno ng Narra?" tanong ko. "Ah... dyan na natin isusulat ang salitang 'itutuloy'" "Wahhhhhhhh! Irereport kita sa commission on human rights!!!" "Huh! Bakit? Anong kinalaman ko doon?" "Di mo lang ako basta ibinitin, pinatiwarik mo pa ako! Ayoko ng ganito!" "E, wala tayong magagawa, hindi na gumana ang utak ko." "E di ako na lang ang dudugtong! Gumagana na ang utak ko eh." "At ano naman ang idudugtong mo? Hayaan mo bang mabalot sa amag ang mukha ni Lester sa paghihintay kay Byron sa ilalim ng puno ng narra o pasiputin mo si Byron at doon na sila magsumpaan sa kanilang wagas na pagmamahalan at sa harap pa ng maraming tao at tv camera??? Daliiii? Nabibitin na rin ako!!!" (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD