By: Michael Juha
email: getmybox@h*********m
fb: Michael Juha Full
blog: h***:://michaelsshadesofblue.blogspot.com
--------------------------------------------------------------
"Gusto ko ang sad ending kaya hindi sisipot si Byron sa lugar."
"Waaaahhh! Ayoko ng ganyan! Gusto ko happy sina Byron at Lester!"
"Pasensya ka na. Parto ko na ito."
"Basta ayaw ko! Ayaw ko! Huwag mo muna siyang gawin. Bukas na lang uli, ako na ang magdugton niyan."
"Kung ganoon, ikaw na rin ang magtapos. Kasi, sad ending nga iyan eh. Ayaw ko ng happy ending. Sa ganitong klaseng pag-ibig, isang pantasya lamang ito. At... kuwento ng buhay ko ito, kaya ako ang masusunod."
"Basta ayoko..."
"Wala kang magagawa, gagawin ko na."
"Magback-out ako sa pagiging modelo mo, sige ka. Basta, huwag mo na lang muna siyang gawin..."
Wala na akong nagawa kundi ang isara ang aking laptop. Ngunit sa isip ko, ituloy ko na lang ito kapag wal siya. "K-kilangan din pala natin ng litrato na nasa central park ka, sa ilalim ng puno ng kahoy at naghinty kay Byron, may hawak-hawak na bulaklak" ang sambit ko. "Dramatic kasi ang point na ito at siguradong tatatak sa imahinasyon ng mga readers ang eksenang nag-antay ka kay Byron, hawak-hawak ang isang kumpol ng mga pulang rosas, astig na astig ang porma ngunit balisa ang mukha na nakakaawa..." ang nasabi ko na lang.
"Wow! Gusto ko iyan! Parang ang ganda ngang tingnan. Sigurado mukha ko ang maiimagine ng mga readers mo."
"Oo. At sisikat ka at maraming ma-inlove sa iyo! Magkakarooon ka ng mga fans at titilian ka nila... lalo na sa pagdating ng book-launching at i-announce kong sasama ang modelo ko at mag-aautograph ka rin."
"Waaahhh! Artista!"
"Naman!"
At kinbukasan kaagad, nagpunta kami ng central plaza at kinunan ko ng litrato si Marjun na naka-upo sa ilalim ng isang kahoy. Nagktaon din na may puno ng narra sa centra park kaya doon ko siya kinunan ng litrato.
Nakakatuwa kasi, pinaghandaan talaga namin ang shoot na iyon. Pinafacial ko muna siya at pagkatapos, ang buhok ay pinaayos. Iyon bang style ng buhok na hitsurang kahit naglalalakd ka sa kalsada at napakaaliwalas ang panahon ay magtatanong pa rin ang mga tao kung may bagyo ba, o may ipo-ipo, kasi magulo na nga ang buhok, halos nakatayo pa ang mga ito. At pinasuot ko pa talaga siya ng polong kulay puti na nakatupi ang sleeves hinahatak pataas sa kanyang braso, at ang jeans ay contrast nman na kulay abo. Dagdagan pa sa isan gkumpol na rosas na hawak niya, grabe. Nakaka-in love. Lalo tuloy akong humanga sa kumag.
"Huwag kang ngumiti, tado! Dapat ay malungkot ang mukha mo, di mapakali..." ang utos ko noong kukuhanan ko na sana siya ng litrato at hindi mapigilan ang sarili niyang hiwag ngumiti.
"Hindi ko mapigilan eh!" at tuluyang nang bumigay ang kanyang bibig sa tawa.
"Paano natin matatapos itong shoot na ito kung ganyan ka?"
"Naaasiwa ako sa porma kong ito! Hindi ako sanay! Para akong isang gaogn nakahawak pa ng bulaklak." ang sagot niya.
May mga nanood din kasi sa pictorial naming iyon. Akala siguro ay isang artista ang nakita nila. May hawig kasi si Marjun kay Aljur Abrenica. Pati tangkad at pangangatawan halos pareho.
"Hay naku. Tiisin mo. Kasalanan mo. Ipinanganak kang guwapo!" ang sambit ko.
Anyway, parang shooting ng isang artista ang dating sa aming pagso-shoot dahil may mga nanood, naki-usyoso, may kinilig din at humanga kay Marjun. May mga nagtanong din kung para saan ang ginawa naming pagso-shoot na may mga props pa kami.
"Sa libro lang po ito... At itong aking modelo ay napulot ko lang sa tabi-tabi." Ang sagot ko sa isang bakalang nagtanong talaga sa akin.
"Ay... saang tabi mo naman napulot iyan at mapuntahan din. Baka may mga kapatid pa iyan doon!"
Tawa kami ng tawa.
Natapos ang aming photo-shoot at dumaan muna kami sa isang sikat na restaurant kung saan kami nagdinner. "Kung hindi dahil sa iyo... hindi ako makaexperience ng ganito, o ni makakain sa restaurant na ito. Hanggang sa labas lang sana ako..."
"Hay naku... ang drama mo. I-enjoy mo lang kasi ako, Masaya na kasama ka. Ikaw, Masaya ka bang kasama ako?"
"Hindi lang masaya. Masayang-masaya!" Napahinto siya sandali at seryoso ang mukhang tinitigan ako. "Kaya nga... parang..." hindi niya itinuloy ang sasabihin.
"Parang ano?" tanogn ko noong mabitin.
"Wala... Kalimutan mo na iyon."
"ang alin?"
"Wala nga... Atsaka, hindi ka naman maniniwala eh. Kasi ako, parang hindi rin makapaniwala."
"Tado! Ang alin nga?"
"Basta huwag muna. Sasabihin ko na lang sa iyo sa takdang oras."
"Ito naman o! Sobrang arte. Ano nga iyan???" giit ko pa.
"Basta... malalaman mo rin. Gusto ko lang makasiguro sa sarili ko..."
"S-sige bahala ka." Ang nasambit ko na lang na parang may bahid na pagtatampo.
Kinabukasan, hindi muna namin ipangapatuloy ang kuwento bagkus, tinuruan ko siya kung paano buksan ang laptop ko, kung paano ang magtype, kung paano magdelete, at kung anu-ano pa. At mabilis siyang natuto.
Binigyan ko rin siya ng exercises sa word processing kagaya ng pagpalaki ng fonts, highlight, bold, italics, cut and paste, save, create document, at iba pang mga basic na functions sa computer.
Binigyan ko rin siya ng typing exercises, at paggamit ng internet at f*******:.
Tuwang-tuwa si Marjun. "Di na talaga kita malilimutan nito..." ang seryoso niynag sabi sa akin.
"Ok lang naman kahit kalimutan mo ako. Huwag lang ang mga itinuturo ko."
"Hindi nga eh. Dahil nandito ka na sa puso ko."
"Hmmmm and'yan na naman po kami... Mga kuwentong walang kahihinatnan."
"Ayaw mo kasing maniwala eh."
"Huwag na... alam ko naman ang hantungan ng lahat eh; pagdurugo ng aking puso. At alam ko namang laru-laro lang ang sa iyo iyan. Sawa na ako sa paglalaro. Ako palagi ang natatalo. Kasi sa katagalan, nagiging seryoso ang lahat sa akin samantalang sila, nanatiling laro. Mabuti sila, nag-eenjoy sa paglalaro. Ngunit ako, nasasaktan na..."
"Wala na akong sinabi..." ang nasambit na lang niya.
Hanggang sa unti-unti na siyang natutogn magcomputer, magfacebook. Minsan, pinapahiram ko ang laptop ko sa kanya kapag hindiko ginamit.
Isang araw, habang nasa bahay ako at nag-iisa, ipinagpatuloy ko ang pagsulat sa kuwento.
May mahigit dalawang oras nang nakaupo si Lester sa ilalim ng puno ng narra at palapit na palapit na ang takdang oras na binanggit niya sa mensaheng ipinarating niya para kay Byron. Magkahalong matinding kaba at takot ang kanyang naramdaman. Pati na ang mga taong naghintay din, ang mga tv crews, mga reporter at parehong kinabahan. Kahit ang mga nag-aabang sa kani-kanilang tv ay tila nanalangin na kaawaan ni Byron si Lester at sumipot na sa lugar.
Subalit bigo silang lahat. Lumipas na ang alas 7, ang oras na itinakda ni Lester ngunti walang ni anino ni Byron ang dumating. Lumipas pa ang isang oras ngunit nanatiling nakaupo pa rin si Lester sa ilalim ng narra patuloy na inaabangan ang pagdating ni Byron.
Ngunit bigo ang lahat....
Hanggang sa unti-unting nagsiuwin na ang mga tao at ang iba ay lumapit pa kay Lester at may nag payo ng, "Huwag kang malungkot Lester... marami png Byron ang daratnig sa buhay mo" "HUwag mo na siyang pag-aksayahan ng panahon Lester, he doesn't deserve you..." "Huwag mong sayangin ang oras sa isang taong hindi marunong maawa..." etc, etc...
Ngunit nanatiling umasa si Lester na darating pa si Byron. Hanggang sa hindi niya namalayan, doon pala siya nakatulog sa ilalim ng narrang iyon. At ang paghihintay niya ay hindi kaila sa mga taong sumusubaybay dahil sa iilang TV crews na natira at hindi iniwan si Lester.
Sa sumunod na araw, nagpa-announce naman si Lester ng kanyang cp number. Ngunit nadismaya lamang siya dahil maraming mga nanloko lamag ng tawag, ang iba ay nakikipaglaro, bagamat may iba namang nagbigay ng suporta at payo.
May mga tawag din na nagsabing nakita daw nila si Byron sa ganitogn lugar. Ngunit kapag pinuntahan naman niya ay hindi naman pala.
Hanggang sa sinabi niya muli sa mga TV at estasyon ng radio na Linggo-linggo siyang pupunta sa puno ng narra na iyon at maghihintay kay Byron sa ganoong oras pa rin. At tinupad niya ito. Linggo-linggo, nandoon si Lester sa punong iyon at naghihintay...
Hanggang doon muna ang aking naisulat. Tinamad na akong ipagpatuloy pa ito bagamat nasa isip ko na ang ending nito; isang malungkot at na pagtatapos.
"Happy birthday to me! Happy birthday to me!" ang pagkanta-kanta hi Marjun habang patungo siya sa banyo.
Sinundan ko at tinanong. "Woi, birthday mo?"
"Oo, wala man lang nag-greet..." ang pagparamdam naman niya.
"Waaaahhh1 Happy birthday po!"
"Kiss!"
"Sige kiss sa noo" at talagang inilapit ko ang mukha ko sa noo niya.
Nasa ganoon akong posisyon noong bigla ba naman niyang idiniin ang kanyang bibig sa bibig ko sabay hawak ng ulo upang maglapat ang aming mga labi. "Uhhmmmmpp!"
Hindi ko lubos maisalarawan ang aking naramdaman sa ginawa niya. Parang gusto kong magalit dahil sa pagkabigla na gustong ding maglupasay dahil sa tuwa at kilig.
"Marjun ano ba!" ang sambit ko na lang sabay tampal sa kanyang pisngi noong pinakawalan na niya ako.
"Pa-birthday mo na lang sa akin" sagot naman niya.
"Ano pa ba ang magagawa ko?" ang pagmamaktol ko kunyari.
"Gusto mo liligawan na kita?" ang sambit niya.
Di ko alam kung nagbibiro o ano ngunit pakiramdam ko ay tumatalon-talon ang puso ko. Ngunit kagaya pa rin ng dati, pinigilan ko ang sarili upang huwag magpahalata. Parang gusto ko tuloy sabihin sa kanya na, "Hindi sinasabi iyan; ginagawa!" Ngunit sa isip ko lang ito. "Tado!" ang sambit ko na lang.
"I love you..." ang puno ng lambing na sabi niya sabay yakap sa akin, di ko rin alam kung nagbibiro o naglalaro.
"Good!" sagot ko.
"Good lang?"
"Very good!" sagot ko uli. Syempre, pakyeme ang lola ninyo. Ayoko na kasi talaga. Alam kong masasaktan lang ako sa kanya.
"Grabe ka naman. Hindi mo man lang ba sagutin ang I love you ko?"
"Sandali ha... ano ba? Nanliligaw ka ba talaga?"
"Oo... di mo ba ako mahal?" ang biglang pagseryoso sa kanyang mukha. At pakiramdam ko ay talagang seryoso siya.
"Marjun... alam mo naman di ba? Gusto kita. Hindi ko lang alam kung mahal. Ngunit ayoko talaga. Alam kong hindi tayo bagay, at hindi tayo puwedeng mging tayo. Masasaktan lang ako. Gusto mo ba iyon? Mag-iiyak ako kapag darating na ang panahon na makahanap ka na ng babaeng mamahalin mo? Paano ako?"
"E di hindi kita iiwanan..."
"Puwede ba iyon? Lalaki ka at ang hangad mo ay ang magkaroon ng mga anak at pamilya."
"Hindi naman lahat ng nagmamahalan ay binibiyayaan ng mga anak at pamilya eh. Bahagi lamang ang mga iyan sa pagmamahal"
"Hay naku... ewan"
"Wala ba akong chance?"
"Hindi ko alam..."
"Maghintay ako..."
"Bahala ka." Ang nasabi ko. Ngunit ang totoo, lumambot an gpuso ko sa mga sinabi niyang iyon. Para bang ang sarap-sarap pakinggn ng kanyang mga sinasabi. Parang gusto kog maiyak kasi, pinangarap ko naman talaga ang magkaroon ng isang alaking magmahal. At parang sa isip ko ay siya na iyon. Pakiramdam ko tuloy ay bibigay na talaga ako. Parang gusto ko na siyang sagutin. Ngunit "Woi... saan tayo mamaya?" ang lumabas sa aking bibig. Parang may humaharang pa kasi.
"M-magpainum daw ang sina Mario at Ver, iyong mga mga kasama ko sa trabaho na ang isa ay pinsan at ang isa ay matalik kong kaibigan?"
"Saan naman daw?"
"Sa dating boarding house ko..."
"E, dito na lang kayo sa bahay. Sagot ko pa ang pang-inum ninyo at pulutan."
"Huwag na... nakakahiya na sa iyo eh."
"Ano ka? Ngayon ka lang nahiya. Kapal nito..." biro ko. "Sabagay, pedeng ikaltas na lang natin sa royalty mo."
"Waaahhh1 May balak!" tumawa siya.
"O payag kang dito na lang kayo mag-inuman?"
Nag-isip siya.
"At makasali pa ako sa inuman ninyo." Dugtong ko.
Maya-maya, "O e di sige... mapilit ka eh."
At doon nga nag-inum ang magbarkada. Sobrang saya ng grupo. Syempre, mas Masaya ako. Habang nakaupong magkatabi sina Mario at Ver, kami naman ni Marjun ay nasa harap nila, at magkatabi rin.
Med'yo lasing na kami ng konti noong naramdaman kong parang naglalambing at dumidikit-dikit na sa akin si marjun. Nand'yan iyong nang-aakbay, niyayakap-yakap ako, kinakagat-kagat ang leeg at likod kong parang nanggigiil.
Ok lang namn sa akin iyon kasi, palagi paminsan-minsna naman din kaming naghaharutan kapag kaming dalawa lang. In fact minsan din ako ang nananantsing. Ngunit iba sa pagkakataong iyon; nandoon sina Mario na pinsan niya at si Ver na kaibigan niya.
Syempre, parang proud ako na idinidisplay pa niyang sa kanila na niyayakap-yakap niya ako. Para bang ibinida niya ako sa kanila na, "Heto, syota ko... inggit kayo no?" Parang ganoon ang dating sa akin.
Maya-maya, tawang ng kalikasan, pumunta muna ako sandali ng CR at naiwan ang mgkakaibigan na patuloy ang pagbibiruan, pagtatawanan.
Lalabas na lang sana ako ng CR at bahagyang binuksan ang pinto noong marinig ko si Mario na nagsalita. "Paano ba yan tol... e di talo na kami sa pustahan?"
"Ssssshhhh! Tarantado to! Maririnig ka!" ang dali-dali at pigil na pagsagot ni Marjun.
"Di ba, ang pustahan ay dapat sa birthday mo, mapaibig mo na siya?"
"Tsk! Huwag ngang pag-usapan iyan tol, ano ka ba?" sagot uli ni Marjun na halata sa boses ang pagkapikon.
"O sya... sorry na, sorry..." ang sagot ni Mario.
Mistulang hinataw ang aking ulo ng isang matigas na bagay sa aking narinig. Parang ang lahat ng aking dugo ay dumaloy patungo sa aking puso at nahirapan akong huminga. At naalimpungatan ko na lang ang aking sariling umiyak nang umiyak.
(Itutuloy)