Kabanata 2
NAKARAMDAM ng pangingilo si Lyka nang maubos niya ang manga at bayabas. Uminom na muna siya ng juice pagkatapos ay napaghinga. May mga chips pa siya ngunit nawawalan siya ng gana dahil sa manga. Parang ayaw na ng kangyang bibig!
Upang mabilis na matunawan sa kanyang kinain. Naglakad-lakad na muna siya sa paligid ng malaking puno ng balite. Hindi na siya lumayo dahil nag-umpisa nang uminit. Tumingala si Lyka sa itaas ng puno at napangiti siya nang may maraming ibong nagpapahinga. Mayroong iba ay doon na gumagawa ng pugad. Tahimik lang ang mga itong nagpapahinga.
Nakakatuwa lang isipin na sobrang payapa at ganda ng kanilang ransyo. Kapag wala siyang gagawin ay minsan nangangabayo lang siya at heto, pagpi-picnic ang kanyang ginagawa.
Gusto nang magtrabaho ni Lyka sa business ng kanilang pamilya kung saan supplier sila ng mga manga at livestocks. Ngunit ayaw na muna siyang payagan ng mga magulang. Parating sinasabi ng mga ito na gawin niya raw ang gusto niyang gawin. Kapag naririnig niya iyon mula sa mga ito ay tila kinikilabutan siya. Noon kasi ay mahigpit ang mga ito. Hatid-sundo siya mula elementarya hanggang sa magkolehiyo. Iwan ba niya ngunit ngayon ay pumapayag na ang kanyang mga magulang sa lahat ng bagay! Lalo na iyong gumagala siya minsan kapag gabi ay hindi na mahigpit ang mga ito sa kanya. Kaya sobrang nakapagtataka.
Ngunit mabuti na rin na ganoon. Alam naman na ni Lyka kung paano alagaan ang kanyang sarili at lalo na kung ano ang tama at mali. Marunong na rin siyang magdesisyon sa buhay masasabi niyang sobrang napaka-independent na niyang mag-isip. Kahit pera niya sa bangko ay hindi nagagalaw. Montly at minsan weekly may inilalagay na pera ang kanyang mga magulang. Gagamitin niya raw kapag may gusto siyang bilhin.
Nang mapagod na sa kakatayo ay bumalik siya sa kanyang pwesto at umupo. Nangingilo pa rin kaya ang ginawa niya ay humiga na lamang siya. Mabilis na hinila si Lyka ng antok at hinayaan niya lang iyon. Hanggang sa nakatulugan niya nga niya ang busog na tiyan at masarap na simoy ng hangin.
Lakad-takbo ang ginawa ni Lyka nang habulin siya ng sobrang daming ahas. Takot na takot siya at hindi niya alam kung sino ang hihingan niya ng tulong. Masakit na ang kanyang mga paa dahil wala siyang tsinelas. Hanggang sa hindi niya na talaga kayang tumakbo. Nadapa siya sa maputik na daan at ang mga ahas ay palapit ng palapit sa kanya.
“Tulungan niyo ako!” sigaw niya sabay pikit ng kanyang mga mata.
“Ayos ka lang ba?”
May boses siyang narinig. Dahan-dahan niyang ibinuka ang kanyang mga mata ngunit wala namang tao sa paligid. Tiningnan niya ang unahan at wala na ang mga ahas.
“Kanino ang boses na iyon?”
Napabaliwaks ng bangon si Lyka dahil sa kanyang panaginip. Hindi niya mawari kung masamang panaginip ba iyon o hindi. Mabuti nalang at isa iyong panaginip. Kung nagkataon na totoo nga siyang hinahabol ng mga ahas at patay na siya ngayon. At iyong boses na kanyang narinig? Sa kakaisip niya lang iyon na sana may makasama siya sa picnic.
Hindi alam ni Lyka kung anong oras na ngunit nasa sa kanyang pagkakatantiya ay alas dose na ng tanghali. Sobrang tirik na ng araw ngunit malamig pa rin sa ilalim ng puno dahil nahaharangan ng mga dahon ang mainit na sikat ng araw.
Kinuha niya ang chips at inubos iyon. Wala nang natirang pagkain si Lyka at minabuti niyang umuwi na sa mansyon. Hindi na siya dumaan sa mangahan dahil sobrang init na. Dumiritso na siya sa mansyon at nagtungo sa kusina.
“Manang Emily, si Manang Raquel po?” tanong niya sa ginang. Ito lang kasi ang kumakain sa mesa at walang ibang kasama.
“Pumunta silang mangahan dahil doon na raw sila kakain. Wala namang maiiwan rito sa mansyon kaya pinili ko nalang na manatili rito.”
“Ganoon po ba? Ibibigay ko lang sana ang kutsilyo na hiniram ko kay Mang Rener. Hindi na ako dumaan sa mangahan kasi ang init na.”
“Hayaan mo at ako na ang magbibigay niyan kay Emily. Ilagay mo nalang ang basket sa doon sa hugasan at ako na ang bahala riyan na mag-ayos. Sabay na tayong kumain Ma’am Lyka.”
“Sige po.” Inilagay na muna ni Lyka ang basket na may lamang mga tupperware sa hugasan at saka bumalik sa komedor. “Umuwi po ba sina Mommy at Daddy?”
“Naku, tumawag sila kanina. Mamayang gabi pa raw ang kanilang balik rito sa mansyon. May mga business meeting yata silang dinaluhan.”
“Ganoon po ba?” iyon lang at kumain na rin si Lyka.
Medyo busog pa siya kaya as nauna siyang natapos kay Manang Emily. Nagpaalam siya sa ginang at dumiritso sa kanyang silid upang maligo. Wala siyang gagawin buong maghapon at wala rin siyang ganang gumala ngayon. Tinapos niya nalang muna ang pagligo at nang matapos ay nagbasa nalang si Lyka nang nabiling pocketbooks noong nakaraang araw. Pagbabasa rin ang pampalipas oras niya kapag wala siyang gagawin sa loob ng mansyon o hindi kaya wala siyang lakad. May mga kaibigan si Lyka ngunit hindi niya gaanong ka-close. Pakiramdam niya kasi ay mas magandang mamuhay na mas private ang buhay mo kahit na kilala ang kanilang pamilya na mayaman sa kanilang lugar.
Gabi na nang matapos ni Lyka ang pagbabasa. Paglabas niya ng kanyang kwarto upang kakain na sana ay eksaktong dumating ang kanyang mga magulang. Sinalubong niya ang mga ito at humalik sa pisngi ng dalawa.
“Kumusta ang lakad ninyo?” tanong niya sa dalawa.
“Okay naman medyo nakakapagod at nakaka-stress,” sagot ng kanyang daddy.
“Kumain na po ba kayo? Sabay na tayong kumain,” aniya.
“Tapos na kaming kumain sweety,” sagot ng kanyang mommy. “Gusto lang namin ngayong makatulog upang makabawi ng lakas.”
“Siguro po ay kailangan niyo nang magpahinga. Ang bibigat na ng inyong mga mata. Sasabay nalang po ako kina manang na kumain.”
“I’m sorry baby,” ani ng ama. “Talagang pagod na pagod kami ng mommy mo ngayon.”
“Wala po iyong problema sa akin. Naiintindihan ko rin naman kayo, e.” Sino ba naman kasi ang hindi mapapagod? Mukhang buong araw yata ang dalawa sa trabaho o kahit saan nalang ang mga itong nagtungo.
Hinatid lang ni Lyka ng kanyang mga mata ang dalawa paakyat sa silid ng mga ito. Ngumiti lang siya at nagtungo sa komedor. Maaga nalang siyang gigising bukas upang makasama niya ang ito sa pagkain. Alam niyang may lakad na naman ang mg ito. Ipinapasalamat ni Lyka na magkasama ang dalawa sa trabaho ng mga ito dahil kahit papaano ay naaalagaan ng dalawa ang mga sarili nila. At buong araw ding magkasama ang mga ito. Ayos lang sa kanya habang naiiwan siya sa mansyon. Tutal may mga kasama naman siya rito at naaaliw niya ang kanyang sarili.
Naabutan ni Lyka na kumakain na ang kanilang mga kasambahay kaya nakisalo na rin siya sa mga ito. Nagku-kwentuhan ang apat kung kaya’t nakinig na lamang siya. Hindi niya makuhang makisabay kasi hindi niya balwarte ang pinag-uusapan ng mga ito.