KABANATA THREE

1263 Words
Kabanata 3 ANG BUONG ang akala ni Lyka ay natutulog na nga ang kanyang mga magulang dahil iyon nga ang sabi ng mga ito. Papasok na siya ng kanyang silid nang tawagin siya ng kanyang daddy. Kumunot ang kanyang noo at sumunod sa kwarto ng mga magulang. May kaba sa kanyang isipan ngunit hindi niya na lamang ito pinansin. “May mahalaga ba tayong pag-uusapan?” curious niyang tanong sa dalawa. Umupo siya sa tabi ng kanyang mommy. Nagtinginan ang dalawa at tila nagtutulakan pa ito sa kung sino ang magsasalita sa dalawa. “Ikaw na Shin,” ani ng daddy. “Marcos?” may lungkot sa mga mata ng ina. “Ikaw nalang ang magsabi hindi ko kaya.” Walang ideya si Lyka kung ano ang sasabihin ng dalawa ngunit sapat na ang inakto ng kanyang mga magulang upang siya’y mabahala. Nagdadalawang isip ang mga ito sa sabihin. Hindi siya umimik. Naghintay na lamang si Lyka dahil pakiramdam niya ay hindi niya magugustuhan ang maaaring marinig. Napabuntong hininga ang kanyang daddy at nag-aalala itong tumingin sa kanya. “Anak, napagdesisyunan namin ng mommy mo na ipakasal ka na. Nag-iisa ka lang naming anak at ayaw naming mapunta ka sa hindi tamang lalaki kaya kami na ang naghanap ng paraan para sa mapapangasawa mo.” “Po?” nanlaki ang mga mata ni Lyka sa narinig. Tila hindi niya gaano naintindihan ang sinabi ng kanyang daddy. Naiyuko nito ang ulo at doon palang unti-unting pumasok sa isipan ni Lyka ang lahat. “No, hindi ako papayag sa gusto ninyong mangyari. Wala nga akong plano pumasok sa relasyon tapos ipagkakasundo ninyo ako?” Unti-unting namumuo ang mga luha ni Lyka sa gilagid ng kanyang dalawang mata. “Anak huwag nang matigas ang iyong ulo at isa pa para ka rin naman ng walang asawa kapag naikasal ka na.” “Ha? Ano po ang ibig ninyong sabihin?” “Patay ang pakakasalan mo, isa ng kaluluwa at wala na ring silbi naman ang lahat kung magpapakasal ka na. Ngunit titira ka lang sa naiwang ari-arian ng iyong papakasalan na lalaki.” “Ayokong sabihin ito pero nababaliw na ba kayong dalawa? Sarili ninyong anak ay ipapakasal ninyo sa kaluluwa? Ano ang tumatakbo sa isipan ninyo at kaya ninyo akong ipakasal sa ganoon?” Inis na tumayo si Lyka sa kama at masamang tiningnan ang kanyang mommy at daddy. “Kahit pilitin niyo pa ako ay hindi ako makapapayag. Hindi pa ako baliw para pumayag sa gusto ninyo.” Nagdadabog na lumabas si Lyka sa kwarto ng kanyang mga magulang. Binalibag pa niya ang pinto pasara upang iparamdam sa mga ito kung gaano siya kadismaya. Pagpasok niya sa kanyang silid at doon na bumagasak ang mga luha ni Lyka. Iyak siya ng iyak dahil hindi niya alam kung ano ang maaaring gagawin. Magulang niya iyon at dapat sila ang masusunod ngunit paano niya susundin ang isang desisyon na parang kahibangan lang lahat. May idea siya sa gagawin ng dalawa. Isa iyong ghost wedding. Nasa makabagong panahon na sila at walang naniniwala sa mga ganoong bagay. Kahit sa bansang China ay malimit nang maririnig na may ganoong nagaganap. At isa lamang iyong kahibangan! Alam ni Lyka na may problema ang kanyang mga magulang. Hindi siya ipagkakasundo ng mga ito na magpakasal kung walng mabigat na dahilan ang mga ito. Paanong magagawa iyon ng kanyang mommy at daddy? Alam ng mga ito na wala siyang planong pumasok sa relasyon. At kung ang ipinag-alala lang ng mga ito na mapunta siya sa maling lalaki ay hindi na lamang siya magmamahal. Tutal wala naman siyang natitipuhan sa kanilang lugar. Nakatulugan ni Lyka ang sobrang sama ng loob. Dagdagan pa na puno ng iniisip ang kanyang isipan sa pag-iisip kung ano ang mga mangyayari sa susunod na mga araw. Kinaumagahan ay tanghali na siyang nagising. Paglabas niya ng kanyang silid ay sobrang tahimik ng buong mansyon. Wala na naman ang kanyang mga magulang. Pumasok na naman ang mga ito sa trabaho. Bumaba si Lyka sa hagdanan at dumiritso sa komedor. Gutom na gutom na siya. Naabutan niya si Manang Emily na kumakain mag-isa at sumalo na siya rito. “Saan po sila Manang?” “Nandoon na naman sa mangahan, mukhang mauubos nila ang mga manga sa kakain,” natatawa nitong wika. “Hindi kasi maasim at masarap ng kainin.” “Totoo po iyon ngunit nakakangilo sa ngipin.” “Hindi ka yata siguro sanay. Matagal na ang mga iyong kumakain ng manga kahit araw-arawin pa nila ay hindi magsasawa ang mga ‘yon.” Napangiti si Lyka sa sinabi ng kasambahay. “Sina mommy at daddy po ba ay kanina pa nakaalis?” pag-iiba niya sa usapan. “Oo hinintay ka nga nilang bumaba para sabay na kayong kumain tatlo ang kaso ay tulog ka pa at hinayaan ka na lamang nila.” Tumango si Lyka, “wala po ba silang sinabi o nabanggit?” Umiling si Manang Emily, “wala naman. May problema ba? Nakikita ko sa iyong mga mata ang lungkot.” “Wala po. Hindi lang siguro naging maganda ang bungad ng araw sa akin.” At hindi na ito magiging maganda kailanman. Tila nawalan ng gana si Lyka mabuhay. Hindi niya maiwasang huwag magalit sa kanyang mommy at daddy. Hindi man lang sinaalang-alang ng mga ito ang kanyang mararamdaman. “Kumain ka nalang ng marami para mawala ang lungkot sa iyong mga mata.” “Salamat po.” Sana ay ganoon nalang kadali. Sana pagkatapos niyang kumain ay mawawala na ang kanyang problema na nagpapabigat sa kanyang damdamin ngayon. Hindi niya pa rin maintindihan ang kanyang mga mommy at daddy! Ang buong akala ni Lyka ay mapaparami ang kanyang kain ngayon ngunit tila wala siyang gana. Maging si Manang Emily ay nakapansin niyon. Hindi siya ganoon kapag kumakain sa hapag. Nakakaubos siya ng maraming ulam ngunit hindi tulad ngayon. Kalahati lang ng karneng ulam ang kanyang naubos. Maging ang kanyang kanin at nakadalawang kutsara lamang siya. “Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain Ma’am? Gusto niyo po ba ay ipagluluto ko kayo ng iba pang pagkain?” Umiling si Lyka at mapait na ngumiti rito. “Hindi na po kailangan. Medyo masama po ang aking pakiramdam.” “Nku, ikukuha ko po kayo ng gamot.” “Huwag na po manang. Kaya ko na po ang aking sarili. Doon na po muna ako sa veranda.” Tumayo si Lyka at nagtungo nga sa veranda ng mansyon. Mahangin sa labas ngunit hindi iyon sapat para mapawi ang lungkot at sakit na nararamdaman ng kanyang puso. “Diyos ko, kontento na ako sa buhay ko ngayon masaya na ako sa buhay ko ngayon. Huwag niyo po sanang hahayaang mangyari ang gusto ng aking mga magulang. Ayokong maikasal at gusto ko ng ganito lang na buhay. Bigyan niyo po ako ng sign kung ano ang dapat na gagawin,” wika ni Lyka habang nakatingala sa kalangitan. Wala siyang mahihingan ng tulong at wala siyang makakausap kung saan pwede niyang ipalabas ang lahat ng sama ng loob. “Nakikiusap po ako, bigyan ninyo ako ng sign kung ano ang dapat na gawin. Nahihibang na ang aking mga magulang. Nawa’y bigyan niyo po sila ng malinaw na pag-iisip,” dagdag niyang wika. Habang nakatingala si Lyka sa kalangitan ay may kung anong ideya na pumasok sa kanyang isipan. Ayaw niya iyong gawin dahil paniguradong itatakwil siya bilang anak ng kanyang mommy at daddy. Ngunit sa isip-isip niya, kung mahal siya ng mga magulang ay hahayaan siya nitong mabuhay ng payapa at kailanman hindi ipagkakasundo ng kasal. Sa kaluluwa pa!  

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD