CHAPTER 11

2019 Words
DEVILLIANNA FIACRA VERNO PASAMPAL n’yang pinatong ang mga kamay sa ibabaw ng office table at marahas na tumayo sa swivel chair. “Nagbibiro lang ako! Don't go!” Akma s’yang umalis sa kan’yang kinatatayuan pero sumigaw na agad ako. Doon s'ya natigilan. “Joke lang, mas’yado ka namang seryoso… Ikalma mo nga ‘yang puso mo.” Binabaan n’ya ako ng nandidiring tingin. Mariin na kinikiskis ang mga ngipin n’ya. I can even hear how he grinds his teeth. What an irresistible sight. I really find myself consciously drawn to him. I can’t hate that disgusting expression and those resentful eyes. I love his demeanor as if he was sculpted from ice that someday, I want to make him melt for me. “How dare a woman like you act so impertinently? Wala kang delekadesa.” Kalmado akong sumandal sa malambot na sandalan at inangat s’ya ng tingin. “Alam mo bang sa ‘yo ko lang naririnig ang mga salitang ‘yan?” “Huwag mo akong itulad sa mga lalake mo.” Natawa ako ng hilaw. “Oo, kakaiba ka nga... kaya kita hinahabol-habol. ‘Wag kang mag alala, magsasama pa tayo ng matagal at masasanay ka rin sa ‘kin... Pakisamahan mo ako para magkakamabutihan tayo.” “Hinding-hindi mangyayari ‘yan. Mapapakinabangan nga kita pero kapag natapos mo na ang mga pinapagawa ko sa ‘yo, ayaw na kitang makita pa. ” At lumakad na s’ya paalis sa harapan ko. Hindi ko na lang s’ya sinundan ng tingin hanggang sa narinig kong bumukas-sara ang pinto. Tinitigan ko lang ang mga kuko ko sa aking mga daliri. Hindi naman ako ‘yong tipo ng babaeng mas’yadong madamdamin kaya pinapalagpas ko lang sa kabilang tainga ang mga sinasabi ni Ferruccio. Tatamarin na sana ako dahil umalis na sila ni Barbie pero may pinagusapan kami na tatapusin ko ang twenty designs para matanggal man lang ang inis n’ya sa ‘kin. Tumayo muna ako at nag stretching bago ko pinagpatuloy ang trabaho ko. Sa loob ng apat na oras, natapos ko ang forty designs. Bale, a total of fifty two na. “Ouch… now my wrist hurts again…” Napudpod na ang isang lapis na ginagamit ko at umabot na sa dulo ng pambura. Hindi na talaga ako binalikan ni Ferruccio. Nakakaramdam na rin ako ng gutom pero mas inuna ko pa kasing tapusin ang task ko at ayaw kong tumigil dahil baka tatamarin talaga ako. In-arrange ko na ang mga canvas paper at gamit ang clip, in-attach ko roon ang printed coupon bonds, details galing sa mga client. Aalis na sana ako pero nakita ko na lang sa tote bag ko ang leather jacket ng lalakeng nag magandang loob para ipahiram sa ‘kin ‘yon at ang ikli kasi ng skirt ko. Imbes na uuwi na ako sa bahay, nag-decide na lang akong pumunta sa gym at natatandaan ko naman kung saan ‘yon naka-locate. Pagdating ko roon, naka-sara ang sliding mirror door kaya nag-buzzer na lang ako. “What do you want?” Kumunot ang noo ko dahil ibang lalake ang bumungad sa paningin ko. “I am looking for Kier, is he around?” Parang nagdadalawang isip pa s’ya. Tinitigan n’ya lang ako. Napa-kamot ako sa likod ng ulo ko. “Hurry up, I am starving.” “Follow me.” Akala ko hindi n’ya ako papasukin. Binigyan n’ya ako ng daan kaya humakbang na ako papasok sa loob. Mas nauna s’yang nag-lakad sa ‘kin kaya sinundan ko na lang s’ya. Mukhang papunta yata kami sa elevator. Pumasok kaming dalawa roon. Hindi ko naman s’ya natitipuhan kaya wala akong panahon para kausapin s’ya. Ilang segundo lang, bumukas na ang pintuan ng elevator at bumulaga sa mga tainga ko ang mga ingay. Tumigil kami sa bungad ng elevator. Nasilayan ko agad ang mga lalakeng naka-upo sa mga couch pero ang umagaw talaga sa ates’yon ko, si Ferruccio. He is smiling while talking to Pierre, I think? First time ko yata masaksiha ang smile n’yang iyon na nakaka-improve tuloy ng mood. He should smile more often like that. Nagdadaldalan silang lahat hanggang sa pumakawala ng matigas na tikhim itong kasama ko. Sabay-sabay silang napa-tingin sa aming direks’yon at nang makita ako ni Ferruccio, bumusangot na lang bigla ang mukha n’ya na akalain mong mortal n’ya akong kaaway. Kapal naman ng mukha nito. He could at least treat me nicely but he keeps scorning me. “The hell, ano ang ginagawa mo sa lugar na ito?” Tumaas ang kilay ko sa tanong n’yang iyon. “You are the one who brought me here, 'di ba?” Lumakad ako mag-isa at tinapunan ko ng normal na tingin si Kier na katabi lang n’ya sa black couch. “Hindi ko alam na andito ka pala at hindi ikaw ang intens’yon ko rito kaya kumalma ka lang. Mas'yado kang high blood.” Tumigil ako sa harapan nitong Kier. Tiningala n’ya ako. Dinampot ko na sa loob ng tote bag ang leather jacket n’yang naka-tupi. Inabot ko iyon sa kan’ya. “Thanks?” S’ya pa talaga ang nagpasalamat sa ‘kin bago kinuha sa kamay ko. “Makakaalis ka na.” Tinitigan ko ulit ang nag-salita. Kinunutan ko ng noo si Ferruccio. “Mabait ako ‘pag hindi ako pagod pero ‘wag mo naman ako pestehin ngayong baldado ang mga daliri ko,” mariing usal ko sa kan’ya na ikinalunok n’ya ng laway. Hindi ko alam kung bakit s’ya napa-gano’n. Dahil siguro masama ang timpla ng mukha ko at dagdagan pa nitong kumukulo kong tiyan. “I have finished fifty two designs. You can deliver those canvas papers to your tattoo artists.” “Bro, she’s your… tattoo designer?” tanong ni Kier. “Gano’n na nga," tugon ko. Huminga ako ng malalim. “Sandali lang, makikiupo muna ako at napapagod talaga ako.” “Go ahead, please take your seat.” Umusog s’ya para mabigyan ako ng sapat na space. Dahan-dahan akong umupo roon habang napapangiwi. I am acting like a 60 years old woman. I am dealing with body pain that I am not used to it. Hindi talaga ako sanay mag trabaho. Sobrang tagal na ng panahon na napagod ako ng husto. Imagine, natapos ko ang fifty two designs sa iisang upuan lang? Hindi ko alam kung mabibilib ako sa sarili ko o ano. Dahan-dahan kong sinandal ang nananakit kong likod at huminga ng malalim. “She said she’s starving,” narinig kong saad ng lalakeng kasama ko kanina. “Do you want something to eat?” tanong ni Kier. “I’ll cook.” “If you insist…” Lumunok ako ng sarili kong laway. “I want a buttered steak with mashed potatoes… and with seasoned fried onions on the side…” “’Yan lang ba?” “Yes, please,” mahinang sambit ko. “Okay.” Parang ang bait nga talaga ni Kier dahil in-offer-an pa ako ng pagkain pero samantalang si Ferruccio, masama pa rin ang tingin sa ‘kin at akala siguro nito, sinusundan ko s’ya. Malay ko ba kung dito pala tumambay itong gagong ‘to. Iniwan n’ya ako roon kaya nanghina tuloy ako. Pinikit ko muna ang aking mga mata kahit tinititigan na nila akong apat pero hindi ko sila inintindi at pinaparamdaman ko ang katawan ko. Grabe, hindi talaga ako sanay na ma-drain ng ganito. Palibasa kasi, puro kain, tulog, gala, cellphone, shopping, and repeat lang ang nangyayari sa buhay ko. “What’s her name again?” “I think Devillianna,” tugon ni Pierre sa nag-tanong sa kan’ya. “Oh, now I remember… but I didn’t expect that she is your tattoo designer, bro." Habang naguusap sila, unti-unti na yata akong dinadapuan ng antok pero hindi ako puwedeng maka-tulog dito at hindi ko pa ‘to mga gaanong kilala. Baka paggising ko, sinisibak na pala ako. *** FERRUCCIO GUZTAV Even though she had finished those multiple projects in just a day, she has still energy left to follow me here. I am staring at her while she’s resting her back on a back cushion. Sana hindi ito nagsisinungaling tungkol sa natapos na designs. Wala pang tattoo designers na naka-gawa ng ganoon kabilis. However, when I saw the swollen finger on her right hand, I think she is telling the truth. Hindi s’ya nagiinarte na napapagod dahil bago pa natapos ang niluluto ni Kier, she had fallen asleep. “’Bro, ano gagawin natin?” Dantei asked me. “Let her be.” I took the glass of water. Umiinom ako ng tubig habang naka-masid sa babaeng ito. Her outfit has always been outrageous and obscene. She’s showing her legs right now that these fuckìng assholes can’t stop looking at her. Napapasulyap sina Dantei, Lazaro and Pierre sa mga hita ni Miss Devillianna. This woman has no idea that they are fantasizing about her. “Tanginang mga mata n'yo na 'yan. She's sleeping for God's sake.” Sinaway ko silang lahat at kan’ya-kan’yang iwas ng tingin. Si Dantei, tumitig sa sahig. Si Lazaro, tumingala sa kisame at si Pierre, sa akin napa-tingin. “Bro, mali ka ng iniisip,” he said jokingly. "Wala kaming ginagawang masama!” “Pass me that blanket.” Tinuro ko ang naka-tuping kumot sa couch na kanilang inuupuan. Binato sa akin ni Pierre ang blanket. Tumayo ako para lapitan ang mahimbing na natutulog na babaeng ito. I leaned forward to cover her thighs. Doon ko lang kinumutan para hindi na titigan ng mga tarantadong ‘to. “Bro, what do you think of her?” “What do you mean?” sagot ko kay Pierre. “Are you blind? Hindi ka ba naaakit sa nakikita mo?” “Agree. She’s pretty,” Lazaro said. “Bakit ako ng tinatanong n’yo? If you want to hit on her, do it.” Umupo ako sa couch. “How? It seems like you’re her type and she’s not interested in us.” “If I were you, papatulan ko na,” biro ni Dantei. “Kayo na ang pumatol diyan, kingina.” “Parang hindi n’yo naman kilala si Ferruccio, mga mahihinhin gusto n’yan.” Dumating na si Kier ngunit hindi na makakakain si Miss Devillianna. I don’t want to wake her up and besides, she’s so tired. “Naka-tulog na?” Kier saw her. “Gigisingin ko ba?” “No, ‘wag na. Just place that tray above the table. Kakainin n’ya ‘yan kapag nagising s’ya.” Nilapag ni Kier sa lamesa ang kaniyang dala. “Hihintayin ko na lang magising. Ako na ang mag-l-lock ng gym.” “Mamaya pa kami makakaalis, bro. Babantayan namin kayo ni Miss Devillianna.” Biniro ulit ako ni Pierre. I narrowed my eyes. “The hell? Babantayan? For what?” He cleared his throat. “Baka raw ikama mo si Devillianna kahit ang imposible.” Tumawa si Kier sa sinabi ni Pierre. “Disgusting,” I whispered. Nagtawanan ang mga ulol. “Manahimik kayo, may natutulog. Marami pa s’yang gagawin bukas sa office ko.” “Why did you hire her though? You didn’t like her, right?” Kier asked me and he sat down on a couch together with them. “Yes, but she is smart when it comes to making different art styles that no one can imitate her. Gagamitin ko muna ang kakahayan n’ya para hindi ako mapahiya sa mga nag request ng kan’yang designs at... ang kan’yang kabaliwan sa akin ang magpapatali ng ugnayan namin sa kompan’ya… but I need to control my temper.” “So, you will just use her? And after that? What will happen next?” Tumingin ako kay Pierre. “As long as I am gaining customers, I will let her stay and if she stops making tattoo designs, I will kick her out.” “That’s cruel,” patawa na sagot ni Pierre. “Hindi ko puwedeng itaboy ang babaeng ‘yan dahil may silbi pa sa s’ya sa akin.” I glared at her while she was sleeping like an infant. “...hindi ko s’ya hahayaan na umalis sa kompanya ko. She's mine, for now.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD