CHAPTER 12

1470 Words
DEVILLIANNA FIACRA VERNO I ENDED up falling asleep with those men that I am not that familiar with. Gising na ang diwa ko pero naka-pikit pa rin ang aking mga mata. Pero, napagtanto kong naka-higa pala ako kaya dahan-dahan ko nang inangat ang namimigat kong mga talukap. Habang lumilinaw ang aking paningin, napa-kunot ang noo ko dahil parang ibang kisame yata itong nakikita ko. Mariin kong kinurap-kurap ang aking mga mata at napa-tingin sa paligid. “What… is this place?!” Nang masilayan kong nasa ibang kuwarto ako, bumalikwas kaagad ako sa pagkakabangon at naka-upo sa kama. This room looks very old-fashioned, especially the furniture. Maka-luma ang aparador, kama, maging ang kurtina at nahagip ko pa ng tingin ang isang altar na napuno ng mga Santo. Parang nasa loob ako ng silid ng isang lola. “Gising ka na ba, Hija?” Napa-baling ang aking atens’yon sa pintuan na dahan-dahang bumukas. Lumikha pa iyon ng kapangi-pangilabot na tunog. It didn’t creep me out. Inantay kong makita kung sino ‘yong nag-salita at parang galing sa boses ng isang matanda. Hanggang sa lumitaw na nga s’ya sa aking pangin. She is wearing a long duster with random dark combinations of colors and spiral designs. Parang mambabarang naman 'tong lola. Kapit-kapit ng mga kamay n’ya ang handle ng tray. May pagkain na naka-lapag doon. “Ano po ang lugar na ‘to? It looks like I got reincarnated on the other side of the universe.” “Kumain ka muna, ‘ne.” Mabagal s’yang nag-lakad palapit sa kama at maingat na nilapag ang dala-dala n’ya. Napa-titig naman ako sa tray. Parang rice cakes yata itong hinain n’ya sa ‘kin at umuusok pa. “Lola, na saan po ako? Kinakailangan ko nang umuwi.” Tumayo s’ya ng tuwid habang naka-puwesto lang dito sa kaliwang side ng kama. “Bakit ako nandito? Sa gym ako naka-tulog tapos paggising ko—“ “Dinala ka rito ng apo kong si Ferruccio.” Natigilan ako sa tugon ni Lola. “Si… Ferruccio? Nasa… bahay ako ni Ferruccio?” Nginitian n’ya ako. “Oo, ‘neng.” “Where is he? Saan po ang guwapo n’yong apo?” “Dyes oras na ng gabi, ‘neng. Nagpapahinga na sa itaas…” Nandoon lang pala ang kuwarto n’ya pero rito pa talaga ako pinahiga sa kama ng lola n’ya? Anyway, bakit n’ya kaya ako naisipang dalhin dito na puwede n’ya naman akong gisingin? “Kain na muna, ‘neng. Naubos na ni Ferruccio ang ulam na niluto ko... may natira pa kong puto na ginawa ko kaninang umaga. Iyan muna ang kakainin mo, ayos lang ba?” “Opo, wala pong problema… Pero… sa itaas po ang kuwarto ni Ferruccio, ‘di ba po?” Tinanguan ako ni Lola. Doon na ako bumaba sa kama at tumayo. “Sandali lang po, ‘la.” Humakbang ako palabas ng kuwarto. May nakita akong pinakamalapit na hagdan sa dulo ng hallway kaya lumakad ako roon habang ginagala ko itong mga mata ko sa bawat sulok ng bahay. “Ang ganda naman pala ng interior ng mansyon n’ya, maka-luma lang talaga ang kuwarto ni lola…” mahinang bulong ko. Inakyat ko ang hagdan. Nakarating ako sa isang palapag kung saan may isa akong pintuan na nasilayan. Med’yo madilim ang binibigay na ilaw ng chandelier pero nakikita ko pa naman ng maayos ang dinadaanan ko. Naka-target ang aking mga mata sa naka-saradong pinto. Nang tumigil ako sa harapan, kinapitan ko agad ang handle ng door knob at dahan-dahang pinaikot. Kumurba agad ang mga labi ko dahil hindi naka-lock. Inunti-unti kong binuksan na iniiwasan kong makakalikha ng kahit konting tunog. Nang maka-gawa na ako ng siwang na kayang tumagos itong katawan ko, humakbang na agad ako papasok sa loob at humarap. Kumislap kaagad ang mga mata ko dahil natanaw ko si Ferruccio na naka-dapa sa kama habang tinatakpan ng itim na kumot ang lower body n’ya. He is just showing his broad and bulky back. Ang dilim-dilim sa hallway pero, rito sa loob ng kwarto n’ya, nakakasilaw sa sobrang liwanag. Paano kaya s’ya nakakatulog ng ganito kahimbing? Tagos pa sa mga talukap ko ang sinag ng bulbs sa chandelier. Sinubukan ko pang ihakbang ang mga paa ko sa malamig na marble floor at tumigil ako sa right side ng kama, sa headboard banda kung saan naka-harap ang mukha n’ya. I sat down on a soft fur carpet while staring at his beaming face. Pinatong ko ang aking chin sa ibabaw ng malambot n’yang kutson habang tinititigan ang bawat parte ng mukha ng lalakeng ‘to. He looks very innocent with his eyes closed. Gusto ko na lang tuloy na matulog s’ya habang buhay para hindi na ako masusungitan ng gagong ‘to. Hindi ko namalayan na kusang gumalaw ang kanang kamay ko at padako iyon sa mukha ni Ferruccio. Luhok laway kong nilapit pa, pero bago pa maka-dampi ang palad ko sa pisngi n’ya, nanlaki ang mga mata ko dahil may dumakip sa pulsuhan ko at doon s’ya napa-mulat. Nagkatagpo ang aming paningin. “Who told you to barge inside of my room?” Ngumiti ako ng peke. “You… knew?” Marahas n’yang winaksi ang kamay ko. Napa-tihaya s’ya sa kama at mariin na napa-hilamos sa mukha n’ya. Napapaghinga s’ya ng malalim. “Dapat pinasagasa na lang kita sa kalye kanina.” “Hoy, ang sama mo. Hindi ko na kasalanan kung bakit mo ako dinala dito. Bakit hindi mo kasi ako ginising? Libre lang naman gawin ‘yan. Inuwi mo pa talaga ako rito.” Napa-hagikhik ako kaya tinapunan tuloy ako ng nanlilisik na tingin. “Hindi kita ginising dahil marami pa akong ipapagawa sa ‘yo bukas,” mariing tugon n’ya. “Ang gentleman mo naman. Okay na sana pero bakit sa kuwarto mo pa ako ng lola mo pinahiga, kung puwedeng dito na lang?” “Hindi pa ako nasisiraan ng ulo para gawin ‘yan.” “Umpisahan mo nang mabaliw sa ‘kin para magawa mo na,” natatawang tugon ko. “Get out, I need to rest.” “Tinatamad na akong lumabas. Baka nakakalimutan mo na naman na ikaw ang may kailangan sa ‘kin at hindi ako? Hindi ba’t nakapagusap na tayo na hayaan mo ako sa mga bagay na nagpapasaya sa ‘kin at ayaw kong nakakarinig ng reklamo? Hindi mo ako kayang—“ “Manahimik ka.” Tinalikuran n’ya ako. “Totoo naman, right? Ikaw ang may kailangan sa ‘kin na gago ka kaya ‘wag mo akong tarayan, dapat kang mag adjust—“ “What did you just call me?” Marahas s’yang humarap pabalik sa ‘kin. Umupo tuloy ako ng tuwid at umusog ng konti palayo sa kama. Parang sasakalin n’ya kasi ako. “Gago?” Inulit n’ya pa. Naniningkit na ang mga mata n’ya. “Ang sabi ko, guwapo, hindi gago. Ang bingi mo, Ferruccio.” “Bukas na tayo mag usap, Miss Devillianna… please get out of my room.” “Aalis lang ako ‘pag bubuhatin mo ako.” Nagsalpukan lalo ang mga kilay n’ya. “Oh, may reklamo ka? Hindi ko magtatrabaho bukas, sige ka.” His jaw clenched. “My legs are not working right now…” “If I carry you out in my room, you won’t bother me anymore?” “Oo, may bukas pa naman kasi.” Doon s’ya bumuga ng marahas na hininga. “Why are you so desperate over me?” halos pabulong n’yang usal. Nag side view s’ya at padiin na hinilot ang namamakat na ugat sa sintido n’ya. “I never reciprocated from any man’s affection… ikaw pa lang ang masuwerteng lalakeng maka-una sa ‘kin pero ang kunat mo. Nagpapakahirap pa tuloy ako.” Bahagyang bumababa ang talukap ng mga mata ko para titigan s’ya ng malalim kahit hindi naman s’ya naka-tingin sa ‘kin. “I have some warmth to chase away the coldness from you…” “Stop spouting such nonsense lies.” “So, ano nga? Bubuhatin mo ba ako palabas o maguusap lang tayo buong mag-damag sa mga k’wento ko na ayaw mong paniwalaan?” Saglit s'yang napa-pikit ng mariin at umangat ang kabilang sulok ng bibig ko dahil bumangon na s’ya sa pagkakahiga. Umusog s’ya roon sa kabilang bahagi ng kama habang likod pa rin n’ya ang pinapakita sa ‘kin. Hindi na ako nag-hintay ng utos n’ya. Tumayo ako sa pagkakaupo sa fur carpet. Lumakad ako palapit sa kan’ya hanggang napadpad ako sa kan’yang harapan. Naka-titig pa lang si Ferruccio sa sahig. “Buhatin mo na ako para makatulog ka na ulit.” “Give me a minute.” Bumuwelo pa s’ya para tumayo at doon na napa-angat ang ulo ko para mapantayan s’ya ng tingin. Naka-titig lang s’ya sa ibang parte ng kuwarto. Nakasimangot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD