CHAPTER 10

2779 Words
DEVILLIANNA FIACRA VERNO What a mortifying situation. Hindi ko man lang naramdaman na tinapon n’ya ako rito sa labas ng company building n’ya. Nasa dulo ng long bench ang mga gamit ko. Tiyak na naabutan n’ya akong masarap ang tulog doon sa loob ng working area n’ya. In fairness, may concern pa rin sa ‘kin dahil pinahiram n’ya pa talaga itong damit n’ya para ma-cover-an ng mga hita ko. Sinilid ko agad polo shirt na ‘yon ni Ferruccio sa loob ng aking tote bag. “If he doesn’t have an unremarkable face, I wouldn’t have to endure this trashy treatment but… here I go anyway.” Tumayo na lang ako at inayos-ayos ang sarili ko. Kinapitan ko na ang mga gamit ko at humakbang pabalik sa gusali. Gumamit kaagad ako ng elevator para mahatid na ako sa office ni Ferruccio. Nang marating ko na ang destinasyon ko, si Barbie ulit itong nakita ko ngayon. Sa akin napunta ang buo n’yang atens’yon. Nilapag n’ya sa center table ang hawak na tablet at tumayo sa pagkakaupo sa single couch. “Can I help you?” “Saan si Ferruccio?” “He’s working over there, why?” Iyong naka-saradong working area ang tinutukoy ni Barbie. “Thanks.” Nginitian ko na lang s’ya at doon na ako dumiretso. Kahit nanlalagkit ako sa pawis kanina at namumula na ang balat ko sa sinag ng araw, maganda pa rin ako kaya may lakas loob akong balikan s'ya rito. “What… the hell are you doing here again? You didn’t leave?” Pagkapasok ko pa lang, magaspang n’ya na agad na boses ang bumungad sa ‘kin at hinaluan n’ya pa ng nandidiring expres’yon sa mukha n’ya. Hindi ko s’ya sinagot. Sinara ko muna ang pinto at lumakad palapit sa office table. Kaswal kong nilapag doon ang mga bag ko. “Ang init naman…” Napapangiwi ako. Dumako ang aking mga kamay sa mga natirang butones ng button up shirt ko. “Miss Devillianna!” Nagulat ako sa sigaw ni Ferruccio kaya tinapunan ko s’ya ng tingin at kumunot ang noo ko dahil pinikit n’ya pa talaga ng mariin ang mga mata n’ya habang bahagya ring naka-ngiwi ang kan’yang bibig. “Please get out of my sight at one! Have some decency!” “Kalma, may fit sleeveless inner shirt akong suot.” Habang naka-baba ang talukap ng mga mata n’ya, tinuloy ko pa rin na hubarin ang suot kong pangitaas at pinasok iyon sa loob ng paper bag ko. “Binilad mo ako sa initan kaya pinagpapawisan tuloy ako. This is your fault, anyway.” Dumako ang paningin ko sa air con, sa kabilang bahagi nitong pader. Humakbang ako palapit doon. Tumigil ako sa harapan para mabugahan ng malamig na hangin itong katawan ko at literal na tagaktak talaga ang pawis ko kanina. Habang naka-tapat sa air con, nilingon ko naman si Ferruccio. Tinalikuran n’ya ako. Back view lang ng swivel chair at naka-usli n’yang ulo ang nasisilayan ko ngayon habang pinaparinig n’ya sa ‘kin ang namimigat n’yang pag-hinga kung paano s’ya na-h-high blood sa ‘kin. “You should have waken me up.” “No, I should have left you on the street.” “Ang harsh mo talaga sa ‘kin. Alam kong malandi ako pero… sa nakikita ko, hindi mo yata masikmura ang dirty service na gusto ko kaya ‘wag na lang. Kung kailan ka lang ready saka mo ako tattoo-an at… about sa projects ko, gagawin ko pa rin ‘yon dahil may binitawan akong salita kay Roselyn.” “I don’t trust you. Ipapaulit mo lang sa ‘kin ng sapilitan dahil tutulungan mo ako.” “Hindi kita sisingilin ng utang na loob, relax. Kung ayaw mo, ‘e ‘di ‘wag. Kung gusto mo, game pa rin ako. Nais kong mag focus ngayon sa responsibilidad na binigay n’yo sa ‘kin.” “If you hadn’t looked for a job, you could have been peaceful right now.” “Tama ka, pero ano ang magagawa ko kung nasira ang simpleng plano ko?” Nang presko na ulit ang pakiramdam ko, hinarap ko na ulit s’ya dahil kanina pa nangangalay ang leeg ko. “Ayaw kong mapa-hiya kay Roselyn.” “I don’t think that is the only reason why you had chosen to stay here.” Lumakad ako palapit sa office table. Hinila ko ang rolling chair at inupuan iyon habang naka-harap ako sa kan’ya. Naka-side view s’ya sa ‘kin. Pilit na iniiwasan ako ng tingin. Pasimple s’yang napapakamot sa kilay para matakpan pa ang side profile n’ya. “S’yempre, ikaw ang nangungunang rason. Alam mo naman na ‘yan,” natatawang tugon ko. Hinila ko naman ang paper bag. Nilabas ko roon ang canvas paper at lapis na gagamitin ko. “Ano ang ginagawa mo?” mariing tanong n’ya. “Bakit hindi ka tumingin sa ‘kin para malaman mo?” “No, binabalandra mo na naman ang iyong katawan.” Tinaasan ko s’ya ng kilay kahit hindi s’ya naka-titig sa ‘kin. “Hindi ah? Naiinitan lang ako. Ikaw nga rin oh.” Sabay binalingan ng tingin ang sintido n’ya. “You are sweating profusely.” In-exaggerate ko lang. May namumuo lang kasing maliliit na butil ng pawis. “Kung naiiinitan ka rin, you can take off your shirt.” “I am not like you.” “Kaysa naman na manlalagkit ako kaya hinubad ko muna.” “Disgusting.” “Disgusting is your favorite word.” “Lalo na kapag ikaw ang kaharap ko.” Tinawanan ko na lang ang mga sinasabi n’ya sa ‘kin. “What are you intending to do now? Why did you bring those… materials?” “Hindi pa ba halata na rito na ako magtatrabaho sa office mo simula ngayon—“ “What?!” Doon na tuloy s’ya napa-harap sa ‘kin pero nang makita n’yang naka-luwa ang cleavage ko, pumikit ulit s’ya ng mariin at bumalik sa posisyon na halos itago na ang mukha n’ya sa ‘kin. “Can you cover yourself?!” “Naiinitan pa nga ako. Mamaya na. Hindi ko naman hinubad ang damit ko para sa ‘yo. Tingnan mo nga ang balat ko kung gaano namumula ngayon.” Marahas s’yang napa-buntong hininga. “I will transfer you to the designer’s office.” “Kaninang umaga pa ako dinala roon ni Barbie.” “Barbie? Who the hell is that?” “’Yong… isa pang maskuladong lalake na nakikikig sa usapan natin ngayon.” “My name is Leon, for your information.” Sinasabi ko nga bang kanina pa s’ya nakikiosyoso sa labas ng naka-saradong pinto. Sinagot n’ya agad ako. “So… ‘a ‘yon nga, I don’t like the environment there. It’s so noisy that I couldn’t focus on my work.” “Gusto ba na mas tahimik na lugar?” tanong ni Ferruccio sa ‘kin. “Do you have any recommendations?” “I will bring you to the underground.” “Pass na lang ako. Walang silbi ang tahimik na working place kung wala ka.” “Ano naman ang kinalaman ko?” “Mas inspired kasi ako kapag nakikita ko ang mukha mo. Kagaya nito, ganado ako mag trabaho at mas mapapabilis ang usad ng project ko dahil nasisilayan kita.” “Good for you but how about me? How about my fuckìng privacy?” matigas n’yang sambit. “Kung binibigyan kita ng inspiras’yon, binibigyan mo naman ako ng kunsumisyon.” Natawa ulit ako sa binanggit n’ya. “I am not joking around, Miss Devillianna.” “I know. Pero isipin mo naman kasi ng mabuti, kung inspired ako, makakabenifit naman ‘yon sa kompan’ya mo… kaysa pumangit ang obra ko dahil sa mga distraction sa paligid, hayaan mo na lang akong makigamit ng office mo para mas masaya. Kahit ‘yan na lang muna ang substitute sa tattoo na hinihingi ko.” Ang sarap talaga tuksuin ang lalakeng ‘to dahil effort na effort para hindi n’ya ako mahagipan ng tingin. Gusto ko ngang punasan ang pawis n’ya pero baka tapikin lang ang kamay ko. “I told you, I will transfer you—“ “Papayag lang ako ‘pag nandoon ka rin.” “Mag-bihis ka na, Miss Devillianna,” maawtoridad na utos sa ‘kin. “And please, if you have decided to work under my company, don’t dress like a prostitute.” “Okay, will do that.” Doon s’ya bahagyang naka-hinga ng maluwag. Gusto kong makita ang mukha n’ya kaya sinuot ko na ang button up shirt ko. “Puwede ka nang humarap sa ‘kin.” Gumalaw ang swivel chair n’ya at sinunod ‘yong binanggit ko pero ang ilap pa rin talaga ng mga mata ni Ferruccio. Binaba n’ya agad ang kan’yang pagkakatitig sa tablet gadget at kinuha na ‘yong graphic pen na naka-attach doon. “’Diyan ka pala gumagagawa ng tattoo designs?” “Yes.” “Hindi ko kabisado, ang daming pipindutin. Mas prefer ko pa rin iguhit sa papel.” Hindi na n’ya ako sinagot kaya kinapitan ko na rin ang lapis na gagamitin ko pero nilabas ko na muna ang tattoo details na naka-print sa coupon bond. Binasa ko iyon habang iniikot-ikot ko ang lapis sa mga daliri ko. Nang matapos ko na, sinulyapan ko ulit si Ferruccio. “Eyes on the paper.” Tumitig naman ako sa canvas paper. “Ibig sabihin ba nito, pumapayag ka na?” “I don’t know. Gawin mo na ang trabaho mo,” utos n’ya sa ‘kin kaya pinakilos ko na ang kanang kamay ko para gumuhit na. Wala nang nag-salita sa ‘min. Habang naririnig ko na ang mahinang ugong ng air con, nakisabay din ang pencil stroking sounds. Bawat minuto, palihim ko s’yang sinusulyapan. Umuugong sa mga tainga ko ang pag-hinga n’ya. His heavy breathing tickles my ears. “If you won’t pay attention to your work, I will use my force to make you leave,” mahinahong banta n’ya sa ‘kin kaya tinutok ko na ang mga mata ko sa canvas paper. Client number 1 wants a dragon tattoo with fire details around it. Iyon naman ang sinusubukan kong iguhit habang tinititigan ko ng pasikreto itong pampagana kong kanina pa pinagpapawisan. Naka-todo naman ang air con. Nahimasmasan na nga ako pero s’ya naman itong pumalit sa ‘kin. He gave me a stern warning so I didn’t disturb him. Sa loob ng isang oras, palipat-lipat ang mga mata ko. Pero ‘wag ako, natapos ko na agad ang 12 tattoo designs na walang hinto-hinto. “My wrist hurts…” Binitawan ko muna ang hawak kong lapis at pinisil ang kanang pulsuhan ko habang ngumingiwi. “You are quite fast.” Tinitigan ko s’ya nang marinig ko ang komento n’yang iyon. Ang tagal na namin dito sa iisang silid pero ngayon lang ulit bumuka ang bibig n’ya. “May I see the designs?” seryosong utos n’ya sa ‘kin. Doon ko agad pinagsama-sama ang canvas papers at inusog iyon palapit sa kan’ya. Dinampot n’ya ang mga ‘yon at tinitigan ang unang tattoo art na ginawa ko. ‘Yong fire-breathing dragon. Nakikita kong gumagalaw-galaw ang eyeballs n’ya habang pinagmamasdan ng maigi ang design. “This kind of style is a combination of… traditionalism and realism and you did pretty well. It’s clean yet, very detailed,” pormal na komento n’ya sa ‘kin. “You still have more to go so… proceed to the next design.” “Pero masakit na ang mga pulsuhan ko? Puwede bang magpahinga muna?” Sinentro n’ya ang mga mata sa ‘kin. “Miss Devillianna, almost 2 hours ka pa lang nagtatrabaho… samantalang nag-o-overtime pa ang mga tattoo desingers ko.” “Rest muna ako saglit. Papangit ang gawa ko ‘pag pinilit ko pa, labin dalawa na nga ang natapos ko oh. Dapat, hanggang madaling araw na ako n’yan. Pero dahil nandito ka, para na rin akong nag take ng vitamins.” He almost rolled his eyes. Pabagsak akong sumandal sa sandahan habang minamasahe ko na ‘yong nangangalay na pulsuhan ko. “I haven’t done this before. I just need a little consideration here…” Wala s’yang sagot dahil sinalin n’ya na ang pangalawang canvas paper. Doon na naka-tutok ang mga mata ni Ferruccio. It looks like he’s loving my designs. Iniisip ko na lang na pinupuri n’ya ako sa isip n’ya. “Miss Devillianna, I will give you a ten-minute break. Marami ka pang dapat gawin.” “Ferruccio, may susunod na araw pa naman. Maka-utos ka, parang binayarahan mo ako ah?” “Sasahuran kita. Obligasyon ko ‘yan bilang boss mo,” mahinahong tugon n’ya. Pero pansin ko lang, parang manghang-mangha talaga s’ya sa obra ko dahil kumikislap kasi ang mga mata n’ya habang tutok na tutok sa canvas paper. Kunwari pa s'yang hindi n'ya gusto. “I have told you that you don’t need to pay me… Pagsilbihan mo na lang ako.” At tinapunan n’ya ako ng naniningkit na tingin. “Kahit masahihin mo lang ang pulsuhan ko, kahit ‘yan lang ang bayad mo sa ‘kin.” Nagkasalubong ang mga kilay n’ya at binalik na ulit sa canvas paper ang pagkakatitig n’ya. “Promise, ‘pag minasahe mo ako, mas lalo ko pang gagalingan.” Iyan lang ang sinabi ko pero parang nakumbinsi yata s’ya. Napa-isip si Ferruccio. He looked at me straight in the eyes again. “Can you finish another ten designs today? Can you do that?” “Sampu lang? How about twenty designs?” Napa-angat ang magkabilang mga kilay n’ya. “Huwag mo akong yabangan. Paano ‘pag hindi mo nasunod ang usapan?” I smiled. “Maghuhubad ako sa harap mo.” At tinikom ko agad ang bibig ko nang pinandirihan ulit ako ni Feruccio. “Biro lang, alam ko naman na ayaw mo.” Huminga s’ya ng malalim. “So, ‘yon nga, kung hindi ko nagawa, bahala ka na kung ano ang gawin mo sa ‘kin pero confident akong may matatapos ako na... more than twenty designs.” Napapailing pa s’ya na parang nagyayabang lang talaga ako sa isip n’ya. “What if kung natapos ko nga? Ikaw naman ang maghuhubad?” Binalingan n’ya ako ng masamang tingin. Bahagya kong inusog ang rolling chair at baka masakal n’ya ako. Matigas akong tumikhim. “I mean… optional lang naman ‘yon. Kung ayaw mo, hindi naman kita pipilitin… Pero masahihin mo na ako para maumpisahan ko na ulit ang trabaho ko.” “Hold on, I am not done yet.” Tuwang-tuwa talaga s’ya sa mga art ko at doon naman s'ya nag focus. Hinintay ko na lang s’ya na matapos kahit inabot na kami ng halos kalahating oras. Parang sinasaulo n’ya kasi ang mga designs ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero para sa ‘kin, mas magaling ako kaysa sa kan’ya. ‘Yong nakikita ko sa graphics tablet, ang angas din ng gawa n'ya pero hindi kasing pulido at detalyado kaysa sa design ko. “Shall we start?” Nilapag n’ya na kasi ang mga canvas paper sa office table. “Yeah.” Nilapit ko agad sa kan’ya ang kanan kong kamay habang naka-patong lang din iyon sa ibabaw nitong mesa. Pumakawala muna s’ya ng malawig na hininga bago hinawakan ang pulsuhan ko. When I felt the warmth and the heaviness of his hand, I bit my lower lip. “Dito ba ang masakit?” matigas n’yang tanong habang pinisil-pisil n’ya wrist ko. “O-Oo… diyan nga…” mahinang tugon ko at naka-titig lang ako sa mukha n’ya. Nagmamasahe na nga lang pero parang labag pa yata sa loob. “Aray!” Nabigla ako nang diniin n’ya bigla. Naipit yata ang ugat ko. Bahagya ko s’yang pinaningkitan ng mga mata. “Nananadya ka ba? Bakit parang may kasamang gigil? Be gentle naman.” “I am trying.” “Sobrang hirap ba ‘yon? Galit ka yata sa ‘kin… it looks like you want to break my wrist.” Naging banayad na ulit ang pagmamasahe n’ya. “Pumayag ka naman sa kasunduan natin kaya ‘wag na magalit diyan. Para sa ‘yo naman ‘to. Kailangan mo ang talento ko kaya tiisin mong maging sunod-sunuran sa mga ganito ka simpleng bagay.” “How absurd,” kiskis bagang n’yang tugon pero minamasahe n’ya pa rin ako. “Tigil na, okay na ko.” Binawi ko ang aking kamay at napa-hawak ako sa aking dibdib sabay ngumiwi. “Lamasin mo naman ngayon ang déde ko, lumipat yata rito ang sakit.” Pinandilatan n’ya tuloy ako ng mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD