CHAPTER 1

2788 Words
CHAPTER 1 DEVILLIANNA FIACRA VERNO “Hey, babe. Do you want me to apply that sunscreen on your back that you cannot reach?” I was just doing my business while lying under the sun shelter but suddenly, a random guy approached me. Boses pa lang, manyak na pero nahihirapan nga akong ipahid itong sunscreen cream sa likod ko. Fully covered ang katawan ko dahil ayaw kong mainitan. Tinatamad ko pang hubarin ang long sleeve ko dahil ang sarap ng puwesto ko rito. I was casually enjoying the sound of the waves as well as the roars of the wind. Naudlot lang iyon dahil may nagsalitang epal. Umalis ako sa pagkakadapa sa beach bed at umupo. Hinanap ko ang boses na iyon at may nahagip akong tingin na may isang topless na lalakeng palalapit sa aking kinaroroonan. Kahit naka-suot pa ako ng sunglasses, pagkakataon ko naman para titigan s’ya pababa-pataas. Ang maskulado sana pero hindi makapagtiwalaan ang pagmumukha n’ya. Obviously, he’s not my type. “Why are you alone, baby girl?” Huminto s’ya sa left side ng beach bed at inangat ko naman s’ya ng tingin. Panay ngisi sa ‘kin at alam ko naman ang mga intens’yon n’yang tumatakbo sa malaki n’yang utak pero sige, pagbibigyan at baka mas’yado lang talaga akong mapanghusga. “Here.” Hindi ko s’ya sinagot at inabot na lang ang sunscreen round container sa kan’ya. Napa-titig s’ya sa kaliwang palad ko at binalik ang pagkakatitig sa mukha ko bago kinuha ang sunscreen. “But how can I suppose to put this if you are hiding your skin?” “Just a moment.” Doon ako tumayo sa buhanginan at kinapitan ang dulo ng suot kong black long sleeve. Dahan-dahan kong inangat iyon, sa harapan n’ya mismo at kitang-kita ko kung paano mamilog ang kan’yang mga mata nang masilayan n’ya ang aking katawan. My child-bearing hips, small waist, and my gifted breasts but he can only see my cleavage since I am wearing a bra. Kalmado ko lang na inalis ang pangitaas ko pero ang mga mata n’ya, parang maluluwa na ang eye balls. Look at the way he stares at me, it seems like he wants to gobble me alive. Kung ganito lang din ako titigan ng isang lalake, auto pass na agad ako. Makikipaglandian lang siguro 'to sa 'kin. “Turn around, babe…” Kulang na lang, maglalaway na s’ya sa harapan ko pero tinalikuran ko s’ya kagaya ng kan’yang sinabi. “Do you want to lay down?” “No, I just stand here and you are taller than me anyway.” Tinawanan lang n’ya ako ng mahina at narinig kong binuksan na n’ya ang container ng sunscreen hanggang sa naramdaman ko ang magaspang n’yang palad na dumampi sa balat ng likod ko. At first, nasa ayos pa ang posisyon ng kamay n’ya pero tumibok-t***k kaagad ang lower eyelid ko nang mapansin kong niliitan n’ya pa ang agwat naming dalawa. I didn’t freak out. Instead, I waited for his dirty move. Ilang saglit lang, napagtanto kong kiniskis n’ya ang matigas n’yang umbok sa pagitan ng kan’yang mga hita. Pinagbigyan ko pa s’ya at baka nasagi lang pero nang mapansin kong sinadya n’yang idikit ang umbok na iyon sa pisngi ng aking puwet, doon na ako huminga ng malalim at hinarap s’ya. “Shall we get a room?” Bahagya ko s’yang tiningala at kalmado kong inalis ang sunglasses ko. Nang masilayan n’ya ang aking mga mata, kung paano ko rin s’ya titigan, nag-laho bigla ang ngisi sa mga labi n’ya. “W-Wow, your eyes are really beautiful… you have the eyes of a predator…” Nginitian ko s’ya. “But you are seeing me like a prey?” Pumakawala s’ya ng hilaw na tawa. “No, babe—“ “Marunong ka bang magpaputok?” Parang na-confuse pa s’ya sa binanggit ko. “No?” Kumurba pa ang aking mga labi. “Kasi ako, oo.” At doon ko na dinukot ang hand gun na naka-tago lang sa bathrobe ko. Naka-lapag lang iyon sa beach bed. Pinakita ko sa kan’ya. Napa-atras s’ya agad dahil baril na ‘tong hawak ko ‘e. “I am too lazy to join martial arts but I have chosen to learn how to use a gun instead. This is much faster to kill some insect anyway.” At pasimple kong tinutok iyon sa ulo n’ya. “Woah, hold on, young lady… are you going to... shoot my head with that thing?” Humakbang pa s’ya ng dalawang beses palayo sa ‘kin. “Hindi, pero sa tìti mo, oo. Kung papatayin kita rito, wala namang makakaalam.” Namutla s’ya sa binanggit ko. Hindi na s’ya nakapagsalita pa at kumaripas na ng takbo palayo sa ‘kin. Tama nga lang talaga na pinabaunan ako ng bodyguard ko ng baril dahil nasa isolated part ako ng islang ito na sakop ng isang beach resort. Wala ako sa mood para makipaghalubilo sa mga tao ngayon kaya nagpakalayo-layo ako. Susundan pa sana ako rito ng bodyguard ko pero hindi ko s’ya pinayagan kaya binigyan n’ya na lang ako ng baril, just in case na may lumapit sa ‘kin na hayop. Mainit ang ulo ko ngayon dahil hindi ako pinayagan ng tatay ko na sumama sa club. Nag-talo kaming dalawa kaya lumayas na ako sa isla namin. Nag-check in ako sa hotel kahapon. Hindi ko alam kung kailan ako makakauwi. Twenty four years old na ako pero hindi pa ako nakaranas pumunta sa mga club, bar at kung ano pang adult parties. Hindi ko pa nasuway ang tatay ko dahil iba iyon magalit kaysa sa nanay ko. Sinusunod ko si Daddy Gideo pero masama ang loob ko. Ilang taon na ako pero pinagbabawalan pa rin n’ya ako. Samantalang ang kuya ko, maagang lumandi. Sa edad n’yang ito, may dalawa na s’yang anak pero ako, virgin pa. Naiinis talaga ako. Umasa akong makakasabay na ako sa club at baka sakaling mahanap ko na ang lalakeng gigiba sa ‘kin pero paano mangyayari ‘yon kung hindi ako nakakagala sa mga ganoong lugar? Maniwala man o hindi, I never had a boyfriend. Napagkasunduan namin nina Papa at Mama Devilliane na kapag twenty years old na ako, puwede na ako mag-bf pero wala talaga akong mahanap na matinong lalake. Puro na lang mga sira ulo at gusto ka lang ikama. Gagawin ka lang nilang pampatigas ng tītī nilang mga putáng îna. Hindi ko nga alam kung ano ang papatunguhan ko sa buhay. Ang mga ka batch mates ko, inggit na inggit sa ‘kin dahil puro na lang daw ako pasarap. Siguro tama sila dahil, sila, naghihirap sa kani-kanilang mga trabaho pero samantalang ako, umaasa lang ako sa pera ng tatay at kuya ko. Gustuhin ko man mag work, sinubukan ko na pero hindi ako nagtatagal. Nakakatamad mag-trabaho pero nakakabored naman kung walang ginagawa. Sinubukan kong maging office worker pero natutulugan ko lang ang mga tasks ko. I tried to be a secretary too but my boss almost hospitalized because of me. Kamuntik nang ma-stroke ang boss ko sa kagagahan ko dahil hindi talaga ako dedicated at natutuwa sa trabaho ko. Naiistress lang ang mga naging boss ko sa ‘kin kaya hindi na ako nag-hanap ng work. And then, I became a babysitter. Taga-bantay na lang ako ng mga anak ni Kuya Devillion pero 10 years old na ang kambal kong pamangkin ngayon. You see, I am not suitable to be an employee. Siguro dahil gusto ko, ako ang boss. Hindi nga ako inuutusan sa bahay at mas malaki pa nga ang binibigay ng tatay at kuya ko sa ‘kin, nagpapakahirap pa ako? ‘Wag na lang. Wala namang nakakatuwa magtrabaho. Hindi ko na kasalanan kung mayaman ang tatay ko. Hindi ko na iniintindi ang sinasabi ng ibang tao. I don’t give a fúck. “Devillianna Demonyita! Anong ginagawa mo riyan?!” Napa-lingon ako dahil narinig ko ang boses ni Lhyne. Natanaw ko s’yang tumatakbo palapit sa aking kinaroroonan. Siguro tinawagan na naman s’ya ni Mama Devillaine para pauwiin ako. “Kanina pa kita hinahanap! Jusko ka 'day!” Nahihingal s’yang tumigil sa aking harapan. “Tara na! Mag-impake ka na at uuwi na tayo— wait, is that a gun?!” Nahagip n’ya ng tingin ang hawak kong hand gun. Inangatan n’ya ako ng tignin sa nanlalaking mga mata. “Hindi ako magpapakamatay.” Inunahan ko na agad s’ya dahil nabasa ko ang pumasok sa isip n’ya ngayon. Doon s’ya naka-hinga ng maluwag at napa-hawak pa sa sariling dibdib. “Hindi pa nga ako nakatikim ng lalake ‘eh.” “Lianna naman… ‘a ‘yan ka na naman. You have to go home, your mom is worried about you.” “I don’t want to. Dito na lang ako.” Hiningahan n’ya ako ng malalim nang umupo ako pabalik sa beach bed. Sinuot ko ulit ang sun glasses ko at sumandal sa sandalan. “Ikaw ang umuwi,” utos ko sa kan’ya. “Hindi kita iiwan dito! Kung magmukmok ka, sasamahan na lang kita! Usog!” Tinabihan n’ya ako. “Actually, it’s quite nice here…” komento n’ya. “Baka hahanapin ka ni Wilfred.” “Nagpaalam na ako sa kan’ya, don’t worry.” “Inutusan ka ba ni Mama na hanapin ako?” “Parang gano’n na nga pero hindi ko alan kung na saan ka kaya tinawagan ko na lang ang body guard mo at bumiyahe agad ako sa resort na ‘to.” Naka-titig lang kaming dalawa sa malalaking hampas ng alon doon sa dalampasigan. “Lianna, nag away ulit kayo ng daddy mo, ‘no?” “Ano pa nga ba?” Natawa s’ya. “Buwan-buwan na lang yata kayo nagaaway… pero wala kang ibang gagawin, ‘kun ‘di intindihin na lang si Boss Gideo dahil ayaw ka n’yang ma-expose sa ganoong lugar lalo na’t may iniingatan pang pangalan ang kuya mo, si Sir Devillion.” I do understand their point. Kaya nga ako sumusunod pero hindi ko pa rin maiwasan na mag-dabog. “Sobrang bored ko na sa buhay, Lhyne… buti ka pa, may taga-laplap at may taga-lamas ka na.” “Tangîna nito, ang baboy mo talaga kahit kailan!” Sinampal n’ya ako sa balikat. “I am serious here. I am so bored…” “Hanap ulit tayo ng work? Or mag isip ulit tayo ng business?” “Ayoko, baka malugi ulit. Kahit hindi ko pera, ayaw kong mapunta sa wala. Sana winaldas ko na lang iyon, napakinabangan ko pa.” “Sa sobrang yaman n’yo, hindi mo na alam ang gagawin,” pagbibiro n’ya na parang totoo. “Ewan ko ba, hindi pa ako kontento. Laging may kulang.” “Lalake lang naman ang sinasabi mong kulang. Mabilis lang ‘yan.” “It’s easy for you to say.” “What should we do, then?” “I have no idea. Maghihintay na lang ako hanggang sa may dumating na para mawala itong boredom ko.” “Ayaw mo kasing makipagflirt.” “They are not worth it, Lhyne. Masasayang lang ang oras ko. Kahit alam ni Daddy na matino ako pero hinihigpitan n’ya pa rin ako kaya heto, hindi nakakagala ng maayos dahil alam mo naman na sa club or bar mo mahahanap ang mga disenteng mga lalake.” “I don’t think so.” “I don’t think so?” Tinapunan ko s’ya ng tingin dito sa tabi ko. “Saan mo nga ulit nabingwit ang lalake mo ngayon?” Hinarap n’ya ako at nginitian ako ng mapakla. “Sa… bar?” “If you have found yours, I can find mine in those kinds of places too. ‘Yong mga kakilala natin during college days, halos lahat sila, doon naka-hanap ng boyfriend at asawa…” Napa tango-tango naman s’ya. “If my Father had allowed me, I could have been married now.” “Mas’yado ka namang nagmamadali sa love life mo.” “Oo, gusto ko na lang maging mommy para may pagkaabalahan ako at gusto ko na rin talagang magkababy.” “Kakaiba ang trip mo, Lianna.” Hindi na ako nag-salita pa at pinagmasdan ko na lang ang tinatanaw ng mga mata ko ngayon para mawala itong mga bumabagabag na walang kuwentang mga bagay sa utak ko. “Anong oras tayo uuwi?” “Now na.” Umalis na ako sa pagkakasandal sa sandalan ng beach bed at tumayo ulit sa malambot na buhanginan. “Help me to pack my things up.” “Got it.” Tinulungan ako ni Lhyne para isilid ang mga gamit ko sa tote bag at s’ya na ang nag bitbit para sa ‘kin. I only have one friend. Sa sobrang arte ko siguro kaya iisa lang ang kaibigan ko. Si Lhyne lang ang tanging nagustuhan ko sa lahat even though friendly naman ako. S’ya lang ang malapit sa puso ko at s’ya ang sumalalo kapag tinotoyo ako minsan. Kagaya na lang ngayon. Dahil kung hindi n’ya ako pinuntahan dito, wala akong planong umuwi. Bumalik na kami sa hotel na tinuluyan ko at nag check out na. Nang maipasok na sa kotche lahat ng mga gamit ko, sumakay na kami at bumiyahe paalis ng resort na iyon. Mga apat na oras lang naman ang tinagal bago kami naka-balik sa isla namin. Habang patungo pa lang kami sa bahay, may natanaw na agad ako. Si Mama Devillaine. Kasama n’ya ang dalawang body guards na may kan’ya-kan’yang bitbit din na mga maleta. Mukhang alam ko na kung saan s’ya pupunta. Baka sa isla nina Kuya. Nandoon ang mga apo n'ya 'eh. “Gidea Devillianna! Where have you been?! I have been contacting you since yesterday!” Sinalubong na ako ng mama ko. Muntikan pa nga n’ya akong kurutin sa singit pero umilag na agad ako. “Pinagaalala mo akong bata ka!” singhal n’ya sa ‘kin. Kahit bulbulin na ako, she is still scolding me like a child. “Tara na! Umalis na tayo! Inaantay na nila tayo sa airport! I almost left you behind!” “Saan kayo pupunta?” “Have you forgotten, anak?” Tumango na lang ako. Hiningahan n’ya ako ng marahas. “Hindi ba’t pupunta tayo sa Switzerland ngayon?! Isang buwan tayo roon kasama ang Ate Reagan at ang mga pamangkin mo!” “Ah... kaya pala bihis na bihis kayo.” “What are we waiting for? Let’s go!” “Kayo na lang muna, ‘ma. Wala ako sa mood ngayon.” She let out a deep sigh. “Devillianna, your dad is not mad at you anymore.” “Alam ko pero ayaw kong sumama sa inyo at napagod ako.” “Iiwan kang mag-isa sa bahay, sige ka.” “I have her.” Sabay niligon si Lhyne na agad n’yang nginitian ang mama ko. “Anak, mag-f-family bonding tayo tapos hindi ka kasama?” “Hindi ako nakapagready kaya kayo na lang, ‘ma. I’ll be fine here as long as Lhyne is with me.” Huminga ng malalim si mama. “Sige, pero ‘wag ka na mag-tampo sa papa mo ha?” Tumango na lang ako. Humakbang s’ya palapit sa ‘kin at hinalikan ang kaliwang pisngi ko. “We’ll be back soon, anak. I love you.” “I love you back,” mahinang sambit ko bago sila umalis. “Lianna, tama na ang emote! Home alone ka ngayon kaya walwal na tayo!” Kumaripas na s’ya ng takbo palayo sa ‘kin. Mas nauna pang maka-pasok sa bahay. Dito ko na papatulugin si Lhyne dahil wala naman akong ibang kasama except sa maids, butler at iba pa naming mga tauhan. Sanay naman akong mag-isa sa bahay. Laging wala sina Mama at Papa dahil halos doon na sila titira sa isla ni Kuya Devillion para mabantayan ang mga apo nila. “Look, may cash at card sa kama mo, Lianna!” Nang makapasok ako sa kuwarto ko, may napansin s’ya sa ibabaw ng kutson ko. Nilapitan ko iyon. “May card… basahin mo.” Dinampot n’ya ang sinabi n’yang card at inabot sa ‘kin. Binasa ko naman kaagad ang mga naka-sulat doon. “Treat yourself, love, Daddy…” Sinilip ni Lyhne para basahin iyon. “Ay grabe naman mag sorry si Boss, ganito ka ba suyuin? May kasamang pera?” “Kasi ‘yan lang ang alam n’ya para maging good mood ulit ako.” “Gumana ba?” “Ewan, may natira pa sa allowance ko. Itatago ko na lang ang iba riyan sa vault ko. Kung gusto mo nakawin, kumuha ka lang.” Natawa s’ya ng malakas. “Kung talagang magnanakaw lang ako, marami na akong nakuha sa ‘yo. Pasalamat ka mabait ang beshy mo!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD