CHAPTER 2

1556 Words
CHAPTER 2 DEVILLIANNA FIACRA VERNO ISANG buwan akong na-stuck sa bahay na kasama ko si Lhyne. Parang dumagdag nga ang timbang n’ya dahil walang ginawa, ‘kun ‘di lamon ng lamon. Naka-uwi na sina Mama, Kuya Devillion, Ate Reagan at ang kambal n’ya pero missing si papa. ‘Yon pala, dumiretso na sa Demorgon’s mafia village para magtrabaho. Kaya pala nakasimangot si mama dahil 2 weeks pa lang si papa sa Switzerland at umuwi na agad ng Pilipinas dahil pinatawag s’ya ng mafia boss. “Anak?” Habang inaayos ko ang mga pera ko sa money vault dito sa loob ng walk in closet, narinig ko na lang ang mahinahong boses ni papa. Mukhang naka-uwi na s’ya. “Hold on a second,” iyan ang tugon ko na sapat na para marinig n’ya iyon. Nilock ko muna ang vault bago humakbang palabas patungo sa kuwarto ko at naabutan ko na nga si papa na naka-abang sa ‘kin doon sa bungad ng naka-bukas na pintuan. Pumaroon ako at tumigil sa kan’yang harapan. “Anak, galit ka pa ba sa ‘kin?” “Kauwi n’yo lang po?” “Opo, anak.” “Dapat si mama ang una n’yong sinuyo dahil buong mag-hapon ‘yon naka-simanghot,” tugon ko na ikinatawa ni papa. “Natutulog na ang mama mo, anak. Napagalaman kong gising ka pa at gusto kong ibigay sa ‘yo ‘to.” Doon pinakita sa ‘kin ang kanina n’ya pa tinatago sa likod. Bumungad sa aking paningin ang bouquet ng paborito kong bulaklak. Hindi ko agad pinahalata na natuwa ako. This is cheating. Pambihira naman na matandang ‘to, alam na alam n’ya talaga kung paano mawala ang inis ko sa kan’ya ‘e. “I know how much you love that kind of flower… even though it’s so hard to get that…” Isang malaking bouquet ba naman ng lily of the valley flowers. “So… if you take this, it means, bati na tayo, ‘nak.” Hiningahan ko s’ya ng marahas at iniwasan ng tingin saka nilahad ko na ang mga kamay ko. Nagpipigil ng tawa si papa bago n’ya inalay sa ‘kin hanggang sa mapasakamay ko na. “I love you, ‘nak…” Siniil pa ako ng mahigpit na yakap ni papa. “Love na love ka ni papa, ‘nak.” Binibaby talk pa rin ako ng tatay ko. Mabuti na lang at hindi n’ya ako ginaganito sa ibang tao. Sa harapan lang nina mama at kuya. “Oo na, oo na. Hindi na ako galit.” Kumalas s’ya sa pagkakayakap. “Sorry ulit, ‘nak… nasigawan kita…” “Mas humihingi po ako ng tawad dahil sinabihan po kitang matandang ermitanyo…” Nakita ko kung paano tinikom ni papa ang bibig n’ya para hindi s’ya matawa. Umiwas-iwas pa nga ng tingin at umubo-ubo para hindi halata. Nasagot-sagot ko kasi s’ya dahil matindi ang naging pagtatalo namin. Sinigawan n’ya ako kaya nabanggit ko tuloy na ermitanyo s’ya dahil halos wala na kasi s’yang itim na buhok. “You should go to bed now, anak. Don’t forget to pray.” “I appreciate the flowers, Dad. I really love this…” Sabay inamoy-amoy ang favorite flower ko. Umalis na si papa sa kuwarto ko. Hindi muna ako natulog dahil in-arrange ko pa kasi ang mga bulaklak sa bawat vase at tuwang-tuwa talaga ako na natatawa dahil naalala ko ang away namin ni papa. The next lovely morning, ang ganda ng gising ko dahil ang halimuyak kaagad ng bulaklak ang nalanghap ko. Ala ais pa lang pero gising na ako. Basta maganda ang mood ko, maaga akong nagigising pero kapag aburido ako, asahan mong mamayang hapon pa ako babangon. Kahit nga si mama, ang aga rin palang nagising at nakita ko ang fresh tulip flowers sa side table roon sa kuwarto nila ni papa. It means, bati na rin sila. Kahit med’yo masungit ang panahon, naligo pa rin ako sa dagat habang makulimlim pa. Ayaw kong maligo na tirik na tirik ang araw. Masakit sa balat. I was enjoying soaking in the saltwater not until Lhyne suddenly appeared again. May emergency daw pero wala naman palang kuwenta. Nanalo raw s’ya ng special VIP ticket para makapagpatattoo sa isang sikat na CEO raw. Nagmakaawa s’ya sa ‘kin dahil nahirapan s’ya bago napanalunan ang ticket na iyon. Pumayag na lang ako kaysa iyakan ako nito habang buhay at isa pa, kung mahuhuli ako ni mama, may tattoo removal naman sa panahon ngayon kaya hindi ako takot magpatattoo. Sinadya kong puntahan ang company building ng CEO na iyon dahil may sarili raw s’yang tattoo studio roon. I was not expecting anything but when I saw the man that she was talking about, for the first time in my existence, my heart fluttered for a man. I have never seen such a gorgeous man like him. I felt like my ovaries were shaking when his eyes landed on mine. He is so damn hot too. Sa buong buhay ko, ngayon lang tumibok ang puso ko. “Which body part are you considering for your tattoo?” When he started to ask that question, I had only one answer. “Sa… pépe ko po, Sir…” Nang binanggit ko ang mga salitang iyon, nakasalubong kaagad ang makakapal at maiitim n’yang mga kilay. “Pardon?” halos pabulong n’yang sambit. Saglit kong tinikom ang aking bibig. Nagkaroon ng mahabang segundong katahimikan sa loob ng silid. Gustuhin ko man na dapuan ng hiya pero parang mas nangingibabaw yata ang kalandian ko. “I will give you the following body parts if you are undecided…” Matigas s’yang tumikhim. “Arm, leg, chest, shoulder, wrist, ankle, neck—“ “Sa pépe ang gusto ko, Sir.” Nakita kong dahan-dahan n’yang tinikom ang kan’yang bibig at diniin pa ang kan’yang panga. Tinapunan n’ya ako ng tingin na parang nagtitimpi na agad sa ‘kin. “Young lady, we are not doing dirty service here. You can choose from the following lists so that we can start the session now.” Hindi ako mas’yadong nakikinig sa mga sinasabi n’ya dahil napapatulala talaga ako sa imahe ng lalakeng ‘to. He has brownish-tanned skin, hunter-shaped eyes, a pointed Roman nose, a sexy-shaped heavy lower lip, a charming face and he has a physically fit muscular body. Kahit simpleng long sleeve shirt lang ang suot n’ya at maong na pantalon, ang lakas ng dating. He is... glowing in my eyes. “Miss Devillianna?” Napa kurap-kurap ako nang tinawag n’ya ang pangalan ko. “K-Kasi… natatakot po ako ‘pag nakita ng mama ko na may tattoo po ako…” “How old are you? You didn’t indicate your age here.” “Twenty four years old na po ako, Sir…” “Then why are you getting tattoos if you are afraid of getting caught? If you take my advice, just go home, young lady,” mahinahong usal n’ya sa ‘kin kahit med’yo ginigil ko na s’ya. He is very different compared to other men I met before. Those imbeciles have predatory eyes but this man, he was staring at me filled with disgust. I rather choose this kind of stare. S’ya lang ang kauna-unahang lalakeng tumitig sa ‘kin ng ganito. Kung ang iba ay pinagnanasaan ako, pinandidirihan n’ya naman ako. Siguro ako pa lang ang babaeng nagpapatattoo sa private area kaya ganito na lang s’ya kung maka-tingin sa ‘kin. “No, Sir… seriously, I want to get tattooed in my… pubic area of my… genital part… Nag-shave naman ako so…” “Miss Devillianna, no funny business here. Pack your things and get out or else I will call a security.” Ang propesyonal pa pakinggan ang boses n’ya pero gigil na s’ya sa ‘kin at pinapalabas n’ya ako. Mukhang hindi na s'ya naka-tiis. Tumayo s’ya sa pagkakaupo. “Mag-hanap ka ng ibang tattoo artist.” Pabagsak n’yang nilapag ang hawak na booking form sa ibabaw ng table. “Hindi ka pa po ba nakaranas na tumattoo sa pépe—“ Tinigil ko ang pagsasalita ko dahil mabilis s’yang humakbang paalis. Sinundan ko na lang s’ya ng tingin habang hindi ko talaga sinusubukan ikurap ang mga mata ko. Dahan-dahan kong nilapat ang palad sa ibabaw ng dibdib ko. “My heart… w-won’t stop beating…” mahinang bulong ko kahit nawala na s’ya sa paningin ko. Ilang minuto siguro akong naka-tulala sa loob ng silid na iyon. “Ma’am, I am here to escort you out.” Bumalik lang ako sa katinuan nang may masilayan akong dalawang security na pumasok dito sa loob at tinungo ang aking kinaroroonan. “Where’s your boss?” tanong ko pero hindi nila ako sinagot. Kusa na lang akong tumayo kaysa magpapakaladkad pa ako palabas. Nasa 6th floor pala ako. Sinamahan pa ako ng dalawang lalake para masiguradong naka-labas ako sa company building. Nang mapalabas na nila ako sa exit, dire-diretso lang ang lakad ko papuntang parking lot. Akma kong bubuksan ang pinto ng kotche ko pero saglit kong binalingan ng tingin ang gusali at dahan-dahang kumurba ang ngisi sa mga labi ko. “I will bury that gorgeous face deep within my conscious… Ferruccio pala ang pangalan ng lalakeng mapapangasawa ko. Babalikan ko s’ya rito bukas. I still want to get that tattoo anyway.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD