TEASER

966 Words
“Devillianna Demonyita!” Habang palutang-lutang sa tubig dagat, naririnig kong may tumatawag sa ‘kin pero hindi ko pinasin. Pinikit ko pa ang mga mata ko at nakipaglaro sa bawat hampas ng banayad na alon. Lulubos-lubusin ko na habang masungit pa ang panahon. Hindi ko ma-e-enjoy ang pag-s-swimming kapag nanggagaiti ang sikat ng araw. Ang sakit sa balat. “Hoy babaeng demonyita!” Doon na ako napa-dilat. Tinapunan ko ng tingin kung sino itong bumabalahaw. “Umahon ka! May emergency! Bilisan mo dali!” Si Lhyne lang pala. Sumisigaw s’ya roon sa dalampasigan. Ayaw ko pa sanang umalis sa tubig pero lumangoy na lang ako pabalik hanggang sa tumayo na ako at lumakad palapit sa kan’ya. Sinalubong n’ya ako. "Ano ba ang problema mo?” Tinitigan n’ya ako pababa-pataas. “Ikaw lang talaga ang island girl na kilala kong ang hilig lumangoy pero balot naman halos ang buong katawan.” “Akala ko ba may emergency? Uunahin mo pa bang punain ako?” Tinawanan n’ya ako. “Okay… ito na, sasabihin ko na.” Tumikhim s’ya. “Hindi ba’t nakuwento ko sa ‘yo na nanalo ako sa raffle?” Kinunutan ko s’ya ng noo. “Ano nga ulit ‘yon?” Hiningahan n’ya ako ng marahas. “Ikaw talaga. I won a special VIP ticket! Ang sikat mismo na CEO ang magtatatoo sana sa ‘kin. May sarili s’yang mga tattoo artist pero ngayon lang ulit s’ya nag-open ng appointment! Take note, isang taon ang inantay ng lahat ng mga nagaabang! 50 slots lang ang available pero… in just 1 minute, sold out na! At ako ang nanalo ng nagiisang special ticket!” masiglang sambit n’ya. “Oh, tapos?” Lumupaypay ang mga balikat ni Lhyne. “H-Hindi ako pinayagan ni Wilfred…” “Oh, ngayon?” Inangat n’ya ako ng tingin. “Ibibigay ko na lang sa ‘yo ang ticket. Sayang naman ‘yon, Devillainne…” “But I don’t like getting tattoos. It made our skin look dirty. Para sa ‘kin, ang dumi ng balat ko kapag magpapatatoo ako.” “Alam ko pero nakikiusap ako… Bukod kay Sir Devillion, I am a huge fan of Sir Ferruccio!” Pinagdikit n’ya ang magkabilang palad sa harapan ko. “Kaya please… isang karangalan talaga sa ‘kin ang tattoo ni Sir Ferruccio... Limited edition talaga 'to...” Kiniskis n’ya pa ang mga palad n’ya. “Sige na, Demonyita… nagmamakaawa ako… Ang tagal ko rin inaantay ang pagkakataon na ‘to… kagabi pa nga ako naiiyak at hindi ako pinayagan… alam mo bang libo-libo kaming mga fans n’yang nagaabang? Marami pa rin ang nagpapatatoo sa mga tattoo artist n’ya pero iba talaga s’ya pag s’ya ang tutusok sa balat mo…” “What kind of tattoo do you want?” Kuminang ang mga mata n’ya. “G-Gusto ko sanang… famous signature name ni Sir Ferruccio!” she squealed. “Please… Lianna… Nakikiusap talaga ako, pumayag ka na, please… kaysa naman masayang ang pinaghirapan ko...” “Kailan ba ang appointment mo sa kan’ya?” “Ngayong 12:20 ng hapon! Dapat before 10 minutes, nandoon ka na sa main studio n’ya! I will edit the booking form. Papalitan ko ng pangalan mo!” “Bilisan mo na at magbibihis na ako.” “Thank you, Demonyita ko!” Siniil n’ya ako ng mahigpit na yakap kahit basang-basa ako. I couldn’t say no to my friend. Birthday n’ya naman sa susunod na buwan kaya pagbibigyan ko na. Hinatid n’ya sa bahay ang booking form at sinabi n’ya rin sa ‘kin ang full address kung saan naroroon ang studio ng sinasabi n’yang idol n’ya. Muntikan na nga akong ma-late pero thankfully, I made it on time. Naka-pasok na ako sa malaking building at nasa loob na ako ng isang silid kung saan gaganapin ang session. I am not paying attention to the surroundings. I am busy scrolling down on my phone. Inaantay ko pa ‘yong magtatattoo sa ‘kin. Binigay ko na kanina pa sa isang staff ang booking form at ticket. “Ma’am, while waiting for our boss, I have several questions to ask.” May lumapit sa akin na babae. Nilapag ko muna ang phone sa center table nang umupo s’ya sa kabilang couch. Tinanong n’ya lang ako kung may skin conditions ako at kung ano-ano pa. Sinagot ko na lang lahat ng ‘yon. “Let’s proceed, ma’am. Follow me.” Tumayo na ako at sinundan ko ‘yong babae. Patungo s’ya sa isa sa mga pintuan. Pumasok kami sa malawak na kuwarto. Pinaupo n’ya ako sa adjustable chair. May working table sa harapan ko at may upuan din na nagaantay sa kabila. Naka-handa na rin ang mga gagamiting equipment. Iniwan ako ng babae. Magaantay pa yata ako ng ilang minuto. “Miss Devillianna Verno?” Napa-upo ako ng tuwid nang umugong sa mga tainga ko ang matigas na boses ng isang lalake. Nang binalingan ko ng tingin ang bumukas na pinto, nanigas ako sa aking kinauupuan. I saw a chiseled figure of a man. Naka-titig s’ya sa booking form na kapit ng mauugat n’yang mga kamay. “My signature huh? Again?” Sinundan ko s’ya ng tingin nang lumakad s’ya kung saan naroroon ang upuan na nasa harapan ko lang. Hindi s’ya tinigilan ng mga mata ko hanggang sa umupo na s’ya roon. He is so fine! Kaya naman pala maraming interesadong nagpapatattoo sa lalakeng ‘to, namamayagpag pala ang kaguwapuhan! “Miss Devillianna.” Nanlambot ako nang sinalubong n’ya ang mga mata ko. “Y-Yes, Sir?” “Which body part are you considering for your tattoo?” Mariin kong nilunok ang aking sariling laway. Papatayin ako ni Mama Devillaine kapag makita n’yang may tattoo ako pero may naisip akong paraan. “Sa… pépe ko po, Sir.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD