CHAPTER 9

2490 Words
DEVILLIANNA FIACRA VERNO KANINA pa mainit ang mga mata ko sa paper towel na ‘yan kaya hinipan ko na para walang sagabal pero si Ferruccio, parang naka-kita ng isang dosenang multo. Nanlalaki ang mata n’ya dahil nahagip n’ya na ang pépe ko na kanina ko pa sana gustong ibalandra at malaya n'ya nang maahitan. “Continue shaving—“ Tinigil ko ang inuusal ko dahil bigla s’yang tumayo. Natumba pa nga ang adjustable chair. Bago ko pa s’ya balingan ng tingin sa mukha, agad s’yang tumalikod sa ‘kin. “Why did you do that?!” ungal n’ya. “You are not following my instructions!” Mukhang binigla ko yata ang mga mata n’ya dahil sinisigawan n’ya na ako ngayon sa matigas at malalim na boses. “Gano’n din kasi, makikita mo pa rin—“ “Get out.” Napa-upo ako ng tuwid. “Bakit mo ako pinapalabas? Baka nakakalimutan mo na yata kung bakit tayo nandito?” “Just get your àss out of my face, Miss Devillianna! I can’t do this! The session is canceled!” “Sure ka na ba riyan? Hindi ko gagawin ang projects kung hindi natin ‘to itutuloy.” “I don’t care, just leave.” Naging mahinahon na ang kan’yang boses. Ilang beses pa s’yang nag inhale at nag exhale. “You have a peerless beauty but there’s a grotesque monster inside of you… You don’t know how to behave. I thought I could handle this but I cannot.” Nilingon n’ya ako habang naka-talked pa rin s’ya sa ‘kin. I can feel his gaze piercing against me. Ang sakit ng pagkakatitig n’ya, para n’ya akong sinasaksak sa isip n’ya ah. Pero may napansin ako. Namumula yata ang buong mukha n’ya na hindi naman ganiyan kanina. I wonder if he’s blushing or his face turned red in frustration. “I don’t want to unleash my anger on you so, go home and never come back here.” Mukhang wrong move yata ‘yong ginawa ko pero wala namang kaso sa ‘kin kung aalis ako at hindi ko naman kakayanin ang projects na ‘yon. Naenganyo lang naman ako dahil pumayag s’yang tattoo-an ako na parang mapupurnada pa yata. Mas’yado yata s’yang matino para sa ‘kin pero para malaman n’ya, sa kan'ya ko lang pinakita ang kalandian ko sa katawan dahil sobrang namangha ako sa kaguwapuhan n’ya. His face is something that will not let me take my eyes off him. Hindi ko naman s’ya masisisi kung bakit ganito n’ya lang ako kung tratuhin pero ayaw ko naman ipeke ang sarili ko para lang sa kan’ya. Mas mabuti pang ipakita ko na lang ang totoong, ako kaysa magpapakitang tao ako at hindi naman ganoon ang personality ko. Ayaw kong nagmamalinis. Iyon nga lang, lalayuan n’ya talaga ako dahil ang unpredictable kasi ng ugali ko. “Sorry for bothering you,” kalmadong tugon ko na lang. Tuluyan na akong tumayo sa sahig at lumakad sa kinaroroonan ng couch kung saan ko nilapag ang mga gamit ko kanina. Sinuot ko na ang panty at skirt ko. Hindi ko na dinagdagan ang sinabi ko, dahil nang kinapitan ko na ang aking hand bag, lumakad na ako palabas ng session room dahil ayaw ko na s’yang galitin pa. May patakip-takip pa kasi kahit halos nasisilipan n’ya nga ako. Ayaw kasing i-shave ‘yong part na iyon. Anyway, bahala na dahil gusto ko nang umuwi at anong oras na ako naka-tulog kagabi. “Ang aga mong umalis kanina ah? Anong ganap?” Nang maka-uwi na ako sa bahay, nadatnan ko pang naka-higa si Lhyne sa kama ko. Kakagising lang yata n’ya pero samantalang ako, med’yo bad trip ng konti pero okay lang naman. Ikinuwento ko agad sa kan’ya ang nangyari kanina. Muntik pa nga akong hampasin ng unan sa mukha dahil konting kembot na lang kasi, makukuha na namin ‘yong tattoo na pinangako ko sa kan’ya. “Lianna talaga! Bakit kasi ang tigas ng ulo mo?! Bakit mo hinipan ang tissue?!” “I have told you, naurat na kasi ako at ayaw n’ya akong pakinggan. May pinapaahitan ako sa ibaba pero hindi n’ya ako sinunod. Hindi naman s’ya lugi kung susundin n’ya ako dahil hindi biro ang tambak na projects na binigay n’ya sa ‘kin. Nagkaroon pa tuloy ako ng responsibilidad… hindi ko nga alam kung sisisihin ko ang sarili ko dahil nakita nila ang talent ko 'e…” Naka-higa na ulit ako sa kama ko at ayaw ko nang bumangon. Napagod agad ako. “Speaking of that, ano, itutuloy mo pa rin ba? Nako, ‘day… sayang naman ‘yon… Ayaw mo no’n? Hindi ba’t dati, gustong-gusto mo magkaroon ng work?” “That was before but now, I just want to enjoy my life.” “Hindi ka ba babalik doon bukas?” “Hindi na siguro. Tinatamad na ako.” “Tinamad ka na rin kay Ferruccio?” Tinapunan ko s’ya ng tingin dito sa tabi ko. “I didn’t say that.” Tinawanan n’ya ako. Nasira kasi ang plano ko. Hindi ito ang gusto kong mangyari. Gagamitin ko lang sana ang skill ko para magtrabaho roon ng normal pero uulanan ako ng libong projects? I don’t think that I can do it. I don't want to exhaust myself. *** FERRUCCIO GUSTAV “’Tol, nakakailang balik ka na sa bathroom… Pang limang hilamos mo na ‘yan.” Lazaro approached me. Kakalabas ko lang doon sa loob. I wasn’t supposed to wash my face. Ang gusto ko lang hugasan, ang mga mata ko. My damn eyes got traumatized from what I saw earlier. Namumula na ang mga mata ko dahil hinugasan ko pa gamit ang body wash. However, no matter how I washed my face, I couldn’t get rid of that disgusting sight. I should have cleansed my brain too. Nilabas ko na ang lahat ng lakas ng loob at sinamahan ko pa ng matibay na sikmura ngunit hindi ko talaga kayang tiisin ang babaeng iyon. Like I thought, I couldn't do it. “’ Bro, are you okay?” Tinanong ako ni Kier. Nanghihina ako na umupo sa couch. I couldn’t feel my knees anymore. When I saw that... 'part' of her, my body suddenly heated up like my insides were on fire. That was so freaking disgusting. I couldn’t unsee it anymore. That sight has been buried in the deepest part of my fuckìng brain. “Kanina ko pa kinausap ‘yan pero hindi pa ako sinasagot,” Lazaro said. “Baka may pasaway na naman na client?” Tumawa si Pierre. Hindi s’ya nagkakamali. I don’t want to open that disgusting topic. Kukutyain lang ako ng mga ulol na ito. We are at our gym’s lounge. I decided to come over here after that disgusting session. Yes, disgusting. So fuckìng disgusting. My anxiety could never bear it. May mga hindi ako magandang karanasan noon sa mga babaeng katulad n’ya. Until now, hindi pa rin ako nakakarecover sa mga trauma ko. That is why I hate that woman. Naalala ko sa kan’ya ang mga masasamang nangyari sa akin noon kapag nakakaharap ko s’ya. “Water?” Inabutan ako ng isang baso ng tubig ni Dantei. Ininom ko ng isang lagukan lang at binagsak ko ang basong hawak ko sa wooden center table. Napa-lakas ang pag-lapag ko. It caught their attention. They are sitting on the other part of the couch while eating some healthy snacks. “What’s wrong with you, bro? Another toxic client again?” Kier asked me. “Yeah.” “I knew it,” Pierre said. “Get a hold of yourself.” He patted my shoulder. “Why would you take a break today? ‘Wag ka munang pumasok, bro. Masama ata ang pakiramdam mo.” I just nodded at Keir’s statement. I want to forget that scene. I want it to disappear in my head. “I will take a shower.” I stood up and went to the bathroom. My body is still heating up and I need to cool it down. Isang pagkakamali na pumayag ako sa nais ng babaeng ‘yon na hindi ko kayang tapusin. Palalamigin ko muna ang nagiinit kong katawan. Humapdi pa ang mga mata ko dahil sa body wash at sa pag-kuskos ko ng madiin. Magpapaliban muna ako sa trabaho ngayong araw. Lalagnatin yata ako. My body temperature spikes up. *** DEVILLIANNA FIACRA VERNO “Oh, akala ko ba hindi ka na babalik do’n?” Sinilip ako ni Lhyne rito sa loob ng walk in closet habang sinusuklay ko ang aking tuyong buhok. I just finished drying my hair. Nagising ako ng maaga kanina para magpaganda para kay Ferruccio kahit hindi tayo gusto. Kahit tamad man ako sa ibang bagay, basta lalake ang paguusapan, lalo na kapag type ko, may tiyaga pa ako. “Nag-bago ang isip ko, hindi ko gustong ma-dissappoint sa ‘kin si Roselyn at umasa kasi ‘yong tao sa ‘kin.” “’Yan nga ang iniisip ko kahapon pa dahil nangako ka na sa kan’ya.” Pagkatapos kong itali ang buhok ko, nilisan ko ang walk in closet para makapasok na ako sa work ko. Pag-dating ko sa company building ni Ferruccio, wala pa daw s’ya kaya nag-hintay na lang ulit ako sa waiting area. “Good morning, Miss Devillianna.” Nilingon ko ang nag-salita. Doon ko nasilayan si Barbie. “How was the session yesterday?” “Okay lang naman.” Napa-tango s’ya. “Saan ba ang working area ng tattoo designers? Mag-s-start na sana ako sa mga projects ko.” “I am glad you ask. I am here to escort you to the floor 3.” ‘A ‘yon naman pala. Kinapitan ko na ang hand bag ko at tote bag. Naunang nag-lakad si Barbie. Doon lang ako tumayo at sinundan s’ya habang tinatahak namin ang elevator. “Anong oras ang duty ni Ferruccio?” Iyan ang tanong ko sa kan’ya nang umangat na ang sinakyan namin na elevator. “He has no specific time,” pormal na tugon sa ‘kin at bumukas na nga ang pinto. Pinapasok n’ya ako sa isang malawak na silid. Bahagyang napa-ngiwi ang bibig ko dahil binungaran kaagad ako ng mga ingay galing sa mga staff. May kaniya-kan’ya naman silang working table at maayos naman ang space pero parang ang dami naman yata n’yang designers. Nagchichismisan pa sa ibang table pero mayroon din na naka-focus lang sa trabaho nila. Paano naman ako makapagconcentrate nito kung ang iingay ng mga ‘to? This spacious room is supposed to be a quiet environment. “Attention, everyone.” Pumapakpak ng dalawang beses si Barbie at naagaw n’ya ang kanilang atens’yon. Napa-titig sila sa aming kinatatayuan pero halos lahat sila, napa-dako ang tingin sa ‘kin. Lalong-lalo na ‘yong naka-red floral dress na girl. Tinaasan n’ya ako ng kilay kaya tinitigan ko tuloy s’ya from head to toe. “Please welcome your new tattoo designer, Miss Devillianna Verno.” I-welcome raw ako pero parang hindi yata ako welcome dito. Halos lahat kasi ng designers, puro babae. May mga guy naman na nag-smile sa ‘kin kaya nginitian ko lang din sila. Kaysa naman sa mga girl na tinatarayan agad ako at nagbubulungan pa. Hinatid na ko ni Barbie sa working table ko. Kompleto naman sila sa gamit. Including laptop, computer, and tablet. Chineck ko pa nga ang drawer at may mga art materials pa roon. Nang umalis na si Barbie, saglit kong pinikit ng mariin ang mga mata ko dahil umingay ulit. Nakakangilo naman ang mga bunganga nila. “Hi, there.” Habang pinupunasan ko ng wet wipes ang working table ko, binalingan ko ng tingin ang nag-salita sa kanan ko. “Hi, I am Arlo. Nice to meet you.” Saglit n’ya lang ako niyukuan dahil ilang ruler kasi ang distans’ya ng desk namin. “If you have earphones, airpods, or headset, wear it.” Mukhang napansin n’yang naiirita ako sa ingay. “Will do, thank you.” Nginitan n’ya ako bago n’ya tinutok ang buong atens’yon sa tablet. Bumuga ako ng marahas na hininga. Nararamdaman kong may mga matang naka-titig sa ‘kin kaya tinapunan ko iyon ng tingin. Napa-dako ang atens’yon ko sa isang desk kung saan naguumpukan ang grupo ng mga kababaihan. Uso pa ba ngayon ang bullying? They are staring at me with those envious eyes. Like duh, parang mga trapo ang pagmumukha nila tapos hindi ako papalag? Good luck na lang ‘pag ako ang napili na pagtripan. Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para maging mahina. Nginiwian ko silang lahat para maipakita kong nandidiri ako. Nilabas ko na ang mga papel para mabasa ko ang mga details nv designs ng mga clients nila. Hinanda ko na rin ang mga drawing materials ko since hindi naman ako marunong gumamit ng graphic applications. Mano-mano na lang ako, mas mabilis pa. “I can’t concentrate here…” mahinang sambit ko na parang yuyukutin ko na ng canvas paper dahil nakakaduling talaga ang mga boses na umuugong sa ulo ko. Hindi ko pa naman dala ang pamasak ko sa mga tainga ko. Hanggang sa hindi na talaga ako maka-tiis. Pinagsisilid ko ang aking mga gamit pabalik sa tote bag at tumayo. Nag madali akong lumayas sa silid na ‘yon at baka mawalan pa ako ng mood. Mahirap na ‘pag tinamad na ako. Habang nasa loob ng elevator, undecided pa ako kung ano ang itatap ko na floor button. “Hala, I pressed floor 7…” Sumara na ang pinto at hinatid na tuloy ako diretso sa office ni Ferruccio. Hindi ko naramdaman ang presens’ya n’ya kaya pinasok ko na ang working area. “He hasn’t arrived yet…” mahinang bulong ko bago tinungo ang swivel chair. Nilapag ko na sa ibabaw ng office table ang mga dala ko at inupuan na ang bangko n’ya. Sumandal pa ako sa malambot na sandalan. “Ganito ang gusto ko, tahimik…” Wala akong naririnig na kahit anong nakakairitang tunog. Dagdagan pa ng nakakarelax na naaamoy ko. Parang nandito lang din s’ya sa loob at nalalanghap ko kasi ang pabango n’ya. Hindi ko namamalayan na bumabagsak-bagsak na pala ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng antok. I have no idea how long I have been sleeping but I noticed something. Bakit parang pawis na pawis ako? Nang minulat ko ang aking mga mata, imbes na kisame ang masisilayan ko, binaba ko mariin ang aking mga talukap dahil sinag ng araw itong bumungad sa paningin ko! “W-Where am I?!” Naalimpungatan ako at doon ako napa-balikwas sa pagkakabangon. Napagtanto kong naka-higa pa ako sa long bench dito sa labas ng company building. Nahagip ko ng tingin ang isang button-down black shirt na naka-takip sa mga hita ko. Dinampot ko iyon at inamoy. “Ferruccio’s scent…” Pumikit ako ng mariin. Mukhang tinapon na naman ako ng lalakeng ‘yon. Binilad pa ako sa initan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD