CHAPTER 14

2734 Words
DEVILLIANNA FIACRA VERNO HINDI ko na talaga matiis ang gutom. Maalala ko, hindi pa pala ako nakapag-lunch kahapon at hindi rin ako naka-kain ng hapunan dahil dumiretso na ako sa kama. Natulog na ako. Hindi ko rin lubos kilala ang lalakeng nagpakilalang rival ni Ferruccio pero pinatulan ko na lang ang offer n’ya kahit hindi ako sigurado. Ang iniisip ko, makakain ako at nandidilim na kasi ang paningin ko. “Is that enough for you?” He brought me to a café and ordered a lot of breakfast dishes. Halos mapuno na nga ang round table kung saan kami pumuwesto. “Magpapaorder ulit ako kung kulang, ayos lang ba?” “Of course, Devillianna.” Doon ko na kinapitan ang kutsara’t tinidor at tinusok na ‘yong malaking sausage. Halos kinalahati ko na nga nang kinagatan ko. Napa-pikit pa ako habang nilalasap ‘tong nginunguya ko. Mas masarap talagang kumain habang nanginginig-nginig pa ang mga kamay mo. Gago kasi ‘tong Ferruccio, napaka-ungrateful, hindi n’ya ako kayang alagaan kahit pakainin man lang ako. Okay lang sana kung wala akong silbi sa kan'ya, piniperahan n'ya pa nga ako. Pero dahil marupok ako, papalagpasin ko 'to. “If your boss is starving you… maybe you can transfer to my company. Hindi kita gugutumin.” Sinentro ko ang mga mata ko sa kan’ya. Habang nanguya, napa-kapit s’ya sa handle ng suot n’yang black tinted eyeglasses at inalis. Nasilayan ko agad ang pagmumukha ng lalakeng ito. Not bad, he has a chiseled face too but Ferruccio remains number one for me. “You haven’t introduced yourself to me. Huhulaan ko na lang ba ang pangalan mo?” He chuckled. “I am Gunther Delgaro,” magalang n’yang sambit at nilahad pa ang kanan n’yang kamay. Saglit akong nakipagshake hands sa kan’ya. “So, what do you think? Are you interested?” “Ang usapan, sideline lang muna dahil ang dami kong projects na tinatapos.” “Kailan mo gustong mag-sideline sa kompan’ya ko?” “Hmm, hindi ko pa masabi. Siguro tatapusin ko lang itong projects… and after that, susubukan ko sa company mo para makapag-explore naman ako. Hindi ako puwedeng mag fulltime sa inyo, since, mas gusto ko pa rin kay Ferruccio. Kakausapin ko na lang s’ya bukas na… hindi muna ako tatanggap ng projects. Mag-t-two days pa nga lang ako pero, sumusuko na ang katawan ko at dagdagan pa ng… bad treatment n’ya sa ‘kin imbes na alagaan man lang ako,” mahabang paliwanag ko sa kan’ya. Napa tango-tango s’ya. “I understand,” he smiled. “Kung mapupunta ka sa akin, hinding-hindi mo pagsisisihan ang desisyon na ‘yon, Devillianna…” May kinuha s’ya sa loob ng inner chest pocket n’ya. Mukhang card iyon. Nilapag n’ya sa ibabaw ng mesa at dahan-dahang inusog palapit sa ‘kin. “Please accept that. It’s my business card, just call me anytime you want.” Dinampot ko naman iyon at pinasok sa loob ng hand bag ko. Kumpara kay Ferruccio, parang mas maginoo yata ang isang ‘to. Ang lumanay mag-salita. Samantalang ang lalakeng ‘yon, ang gaspang at ang tigas pakinggan. Hindi nag-tagal si Gunther sa loob ng café dahil may mga transaks’yon pa raw s’ya. Nagpaalam nang umalis at naiwan ako na inuubos ang lahat ng in-order ko. May iniwan din s’yang pocket money para may pampamasahe ako pauwi sa amin. After kong kumain, sumakay agad ako ng taxi para makapagpahinga ako sa bahay. “Gidea, are you okay baby?” Kakatapos ko lang mag-shower. Naka-higa na lang ako sa kama ko ngayon at tinawag ako ni Mama Devillaine. “Ang sabi sa akin ni Lhyne, may work ka na raw? Is that true?” “The door isn’t locked, mom… pasok lang po kayo...” Binuksan n’ya agad ang pinto at lumakad palapit sa kama ko. “Saan ka nagtatrabaho, anak?” Umupo s’ya sa gilid ng kama ko. “Okay ka lang ba? Bakit parang pagod na pagod ka?” “I am a tattoo designer, mama… Nagustuhan ng mga tao ang designs ko na hindi ko inasahan… mahigit isang libo ang kinakailangan kong tapusin… Look oh… namamaga na middle finger ko at diyan kasi nabubuhos ang pressure sa lapis…” Inangat ko pa ang kanan kong kamay at nilapit kay mama. Hinawakan n’ya agad para matitigan. “Kawawa naman ang baby namin...” natatawang usal n'ya She gently kissed my swollen finger. “Pero bakit ka naman nag apply ng trabaho? Gipit pa ba? Hindi ka ba binigyan ng tatay mo?” seryosong tanong n’ya pa. “Hindi po, marami po akong tira na allowance… hindi ko na nga nagagastos, naiipon lang.” “Oh, bakit ka nagpapakamatay mag-trabaho? Tingnan mo nga ang kamay mo, namamanas na.” “Ang guwapo kasi ng CEO ng tattoo company, mama.” Sinalpukan n’ya ako ng mga kilay. “Ano?” “His name is Ferruccio, gusto ko s’yang asawahin po…” “’Yan ba ang dahilan kung bakit ka nagwowork?” Tinanguan ko s’ya. “Talaga? Bakit, pogi ba?” Dalawang beses pa akong tumango. "Oo nga po." “Wala ka pang jowa, right? Sure ka ba sa lalakeng ‘yon? Baka matulad ka sa ‘kin dati na iniwan ng tatay mo sa ere dahil nilandi ko. Nako, anak, ‘wag na ‘wag mo akong gagayahin ha? Okay lang sa ‘kin na mag-bf ka pero huwag na huwag mo talagang ibigay ang sarili mo. Tingnan mo ang nangyari sa ‘kin, dumanas ng paghihirap ang kuya mo dahil sa kagagahan ko…” “I know that, mama.” “Pero nakakatuwa naman, ‘nak. Nag-mana ka talaga sa papa mo na magaling sa art…” “”Wag mo akong isumbong sa kan’ya na may work ako.” Ayaw kasi ni Daddy Gideo na nag-w-work ako, lalo na ‘yong nalaman n’yang lagi akong napapagalitan ng mga boss ko noon. “Kumusta naman ang natitipuhan mong lalake, anak? Ang tatay mo kasi dati, noong una kaming nag-kita, maiinlove ka talaga sa kabaitan n’ya. Hindi naman masamang tao ang papa mo ‘e, nagalit lang s’ya sa ‘kin dahil... mali talaga ang ginawa ko.” “Opo, ‘ma. Napakabait ni Ferruccio. Hindi nga ako nagsisisi na naging boss ko ‘yon… Maalahanin, malambing, at maasikaso sa mga empleyado n’ya.” Puro mga kabaliktaran ang sinasabi ko dahil kapag magsasabi ako ako ng totoo, pipigilan ako ng mama ko sa gusto kong gawin. “Mabuti naman, anak. Kung magkakamabutihan na kayo, ipakilala mo s’ya sa ‘min, okay?” “S’yempre naman po.” Para maibsan ang pananakit ng mga pulsuhan ko, minasahe na lang ako ni mama pero mas effective sana kung si Ferruccio ang gagawa nito para sa ‘kin. Kung uutusan ko naman ‘yon, kulang na lang, mag-dabog. Tinulog ko na lang buong mag-hapon para may lakas pa ako bukas. Naninibago kasi 'tong katawan ko. “Demonyita, kanina pa nagriring ang cellphone mo. Hindi mo ba sasagutin ‘yan? Gumising ka na kaya at maghahapunan na?” Sa kailaliman ng aking pagpapahinga, nagising ako sa boses ni Lhyne at narinig kong um-e-echo ang ring tone ng cellphone ko. Chinarge ko kasi ‘yan kanina bago matulog. Dahan-dahan akong tumihaya at napa-pikit ako ng mariin dahil parang dumoble yata ang pananakit ng katawan ko. Natulog kasi ako na naka-tagilid at nagising ako sa ganoong posisyon. Nangangalay tuloy ang buong katawan ko. “Can you pass me the phone…” namamaos kong usal. Naka-sandal lang kasi si Lhyne sa headboard ng kama ko habang may pinanood sa laptop. Kinuha n’ya ang cellphone at pinasa sa ‘kin. Naniningkit ang mga mata ko na tumingin sa screen. “Sino ‘tong tumatawag?” Para magkaalaman, tinap ko na lang ang green button sa screen at dinikit sa kaliwang tainga ko. “Hello—“ “WHERE THE HELL ARE YOU?!” Nilayo ko agad sa tainga ko nang tumagingting sa eardrum ko ang malakas na sigaw ni Ferruccio. “I have told you last night that you have to go back to the office! You didn’t come back here?! Where have you been?!” Isang sigawan lang talaga ako nito pero nakita ko sa call logs ko na halos maka-isang daang dial na s’ya sa ‘kin at hindi ko nasagot dahil nga, nagbabawi ako ng paninga. Kaya pala ang init-init ng cellphone ko. “Tomorrow na ako mag-d-duty—“ “No, you have to report here this instant. I am waiting in my office, that’s an order.” Magsasalita pa sana ako pero bigla n’ya akong binabaan ng tawag. “Si Sir Ferruccio ba ‘yon? Bakit galit na galit?” Binalingan ko ng tingin si Lhyne. “Actually, mahinahon pa nga ‘yon,” natatawang tugon ko. Bumangon na lang ako sa kama habang napapangiwi. “Susunod ka ba sa utos n’ya?” “Siguro, nandoon naman s’ya sa office n’ya ‘e.” “Sigurado ka bang kaya mo pa? Parang hindi ka na nga makatayo ng tuwid.” “Nangalay lang ako sa sleeping position ko kaya okay lang ako.” Nang maka-baba na ako sa kama, dumiretso na ako papasok sa walk in closet para makapagbihis na agad. “Kumain ka kaya muna bago umalis?” “Busog pa siguro ako.” Sinimulan ko nang pumili ng maisusuot ko pero bigla kong naalala na, dapat maayos na ang pananamit ko. Pipilii ko sana ‘yong pang-pokpok style kaso baka ilibing na ako ng buhay ni Ferruccio. “Paki sabi na lang kay mama na may emergency sa work ha?” Iyan ang bilin ko kay Lhyne bago s’ya iniwan doon sa kuwarto ko. Nagmadali akong lumabas sa mans’yon kahit mag-a-alas nuebe na pala ng gabi. Nagpahatid ako sa port. Gamit ang kotche na naka-park lang doon sa private parking lot namin, nag-drive ako mag-isa papunta sa company building ni Ferruccio. “Good evening, madame!” Binati ako ng mga front desk clerks. I greeted them back before I stepped inside the elevator. Hinintay kong mapadpad ako sa office ni Ferruccio. “She has arrived.” Binungaran ako ng presens’ya ni Leon, as known as, Barbie. Kakalabas n’ya lang sa office ni Ferruccio at sumenyas na pumasok na ako sa loob. Tinanguan ko na s’ya at humakbang na ako sa silid na iyon. “You must finish more than twenty designs tonight.” “Hindi mo man lang ako binati muna? Kahit good evening man lang?” Pag-pasok ko pa lang, ‘yan kaagad ang bungad ni Ferruccio sa ‘kin. Natanaw ko s’yang naka-upo sa swivel chair habang naka-tutok ang kan’yang buong atens’yon sa screen ng laptop n’ya. “And besides, I think I won’t be able to complete those tasks.” Lumapit pa ako sa kan’ya at hinila ang rolling chair. Pag-tingin ko sa ibabaw ng office table, naka-handa na roon ang gagamitin kong art materials since hindi naman ako marunong gumamit ng graphic applications sa tablet. “Anyway, what you do think of my outfit?” I spin around to flex my formal dress in front of him he didn’t even glance at me. Huminga ako ng malalim. “Puwede ba, tratuhin mo naman ako ng tama? Porke pogi ka at hinahabol kita, wala ka man lang kaamor-amor sa ‘kin kahit konti?” “Enough talking and start working.” Napa-kamot ako sa batok ko at pabagsak ko na lang na nilapag ang hand bag ko. Padabog pa akong umupo sa upuan. “Dapat marami kang matapos ngayon dahil nadagdagan ng dalawang daan ang client mo.” Tinutok ko sa kan’ya ang mga mata ko. “Did you accept those projects?” “Of course.” “Ano?! Why you didn’t inform me first?!” Binalingan n’ya ako ng walang ka buhay-buhay na tingin. “Do I have to?” “Malamang, ako ‘yong gumagawa ng desings. Isa pa, kakausapin sana kita na ‘wag ka munang tumanggap na tambak na projects. Patapusin ko muna itong first batch at mag-s-side line ako sa kompan’ya ni Gunther… Delgado? Del… ano ba ‘yon? I forgot his last name—“ “What the fúck did you just say?” Napa-kunot ang noo ko nang pinukos ko na ulit ang aking paningin kay Ferruccio at sinalubungan n’ya ako ng matalim na tingin. “Gunther Delgaro? How did you know him?” mariing usal n’ya sa ‘kin. Marahas n’ya pang tiniklop ang laptop n’ya at hinawi ‘yon sa isang tabi. “Kaninang umaga lang. Nag-kita kami sa labas ng company building mo… Nagpakilala s’ya bilang rival mo raw… tapos, walang kung ano-ano na in-offe-ran n’ya agad ako na mag side line sa tattoo company n’ya since alam daw n’yang hindi pa ako naka-pirma ng contract sa ‘yo, which is, totoo naman. So, ngayon, nagugutom ako… pinalayas mo ako na walang laman ang tiyan, right? Naisipan ko tuloy na pumayag dahil gutom na gutom na… kasi… a-ako?” Bumagal ang mga binabanggit kong mga salita dahil pasama ng pasama ang facial expression ni Ferruccio. Umusbong ang nangingitim n’yang awra na ikinatikhim ko ng pilit. “When he told you that he's my f*****g rival, you didn’t refuse his offer?” Umiling ako. Napa-diin ang panga n’ya. “You have a nice car, an expensive designer bag, and clothes, but you couldn’t afford to buy food to quench your hunger? Putang ina, pumayag ka kan’yang alok dahil gutom ka lang? Ganiyan kababaw ang rason mo?” Lumalim ang boses n’ya. Nahagip ko rin ng tingin ang mga kamay n’yang naka-patong sa mesa. Naka-kuyom ng mariin ang kan’yang mga kamao. “Kaladkarin ka na ngang klaseng babae, patay gutom ka pa.” Nang marinig ko ang mga salitang ‘yon, dahan-dahan akong sumandal sa sandalan ng upuan at bahagyang bumaba ang talukap ng mga mata ko. “I have no other choice. I was starving and my knees were shaking. If you had just let me stay to eat something, I wouldn’t have asked a favor from that guy,” kalmadong tugon ko pero nagsasalpukan pa rin ang mga kilay n’ya. “Alam mo naman pala na kalaban ko ang taong iyon, hindi mo pa tinanggihan?” padiin n’yang sagot. “Ah, now I know. Batid ko na kung bakit ka sumangayon sa alok n’ya.” Tinaasan ko s’ya ng kilay dahil siningkitan n’ya ako ng mga mata. “…nais mo rin s’yang landiin kagaya ko dahil isa kang… putà." Nang um-echo ang mga salitang iyon sa mga tainga ko, naramdaman ko na lang na pumitik-pitik ang lower eye lids ko. Tumintig ang mga balahibo ko mula paa hanggang sa kaanit-anitan ng ulo ko. Nagsisimula na rin na kumulo ang nananahimik at kalmado kong dugo sa katawan. He is getting on my nerves. “I am trying to explain my side here to alleviate your worries but you end up mocking me…” Dahan-dahan kong kinuyom ang mga daliri sa aking mga kamay at unti-unti kong nararamdaman ang pag-baon ng mga kuko ko roon. “You have been tantalizing me and of course, you are doing the same thing to that moron.” “Kung totoo man ‘yan, ano naman? Hindi ba’t mas nagmamatter sa ‘yo ang trabaho ko? Kung nilalandi ko man ang lalakeng ‘yon, labas ka na ro’n, right?” mahinahong tugon ko sa mabagal na pananalita. “And that’s the problem, hindi mo nilulugar ang iyong kalandian dahil konting panghikayat lang sa iyo, bumigay ka na agad kahit may tinatapos ka pang project sa kompan’ya ko." Saglit kong pinikit ang mga mata ko at pumakawala ng malalim na hininga. Minulat ko agad ‘yon para itutok sa kan’ya. “Bawiin mo ang sinabi mo na putà ako para maging okay tayo.” May kakayahan pa talaga ako para ikurba ang aking mga labi kahit tumitibok na ang kaugat-ugatan ko. “Do you want me to repeat the words I just said?” My smile widened. “Sige nga?” panghahamon ko. He narrowed his eyes. “ISA KANG PÚTA, DEVILLIANNA.” Dahan-dahang umangat ang ulo n’ya nang tumayo ako sa aking kinauupuan. “What are you going to do? Slap me?” Kinurbahan ko s’ya ng isang inosenteng ngiti. “No, but… THIS.” Doon ko na kinapitan ang laptop at hinataw ko iyon sa pagmumukha n’ya. Napa-tigilid ang ulo ni Ferrucio sa lakas ng pagkakahambalos ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD