CHAPTER 13

1711 Words
DEVILLAINE FIACRA VERNO “I-piggy back mo ako, ngayon na.” Tinapunan n’ya ako ng naguguluhan na tingin. “I mean, sasakay ako sa likod mo, gets mo na?” Binugahan pa ako ng malalim na hininga bago nag-squat. Napapakagat labi tuloy ako habang pinagmamasdan s’ya sa posisyon n’yang iyon. “Sakay na, ano pa ang hinihintay mo?” Mabagal akong lumapit at tumigil sa likod n’ya. Pinadako ko agad ang aking mga braso para i-lock sa kan'yang leeg. Diniin ko pa ang pagkakakagat sa lower lip ko dahil naramdaman kong gumalaw ang Adam’s apple ni Ferruccio. My intrusive thoughts are pushing me to choke him. Ang sarap n’yang sakalin. “You can stand up now and… I will wrap my legs around your waist. You have to support me with your arms, got it?” Hindi n’ya ako sinagot. Sa halip, unti-unti na s’yang tumayo na agad kong inangkla ang mga binti ko sa paligid ng kan’yang balakang. To the rescue agad ang mga bisig n’ya para masuportahan ang mabibigat kong mga hita at hindi dumausdos. Pero kahit hindi na dahil daig ko pa ang linta sa lakas ng kapit ko sa kan’ya. Pinalupot ko pa ang mga braso ko sa kan’yang leeg. “You are so fuckìng heavy as hell,” mahinang sambit n’ya sa naninigas na boses. “Of course. I am a grown woman after all… My thighs are thick, my breasts are huge and my butt is getting rounder too… Mag-e-expect ka bang magaan ako na malaman ang katawan ko?” “Bakit mo kailangan ipagmalaki sa akin?” “Kasi malaki.” “Manahimik ka na,” mariing utos n’ya sa ‘kin. Natawa na lang ako at nag-simula na s’yang humakbang. “Tangina, ano ang ginagawa mo?” Nakakatatatlong step pa nga lang s’ya, napa-tigil na s’ya agad. “What’s wrong?” “You… are pressing your boobs.” “Huh? Hindi ah? Baliw ka na ba? Normal lang na sumasagi ang dibdib ko dahil naka-sakay ako sa likod mo.” “Gusto mong sumakay sa likod ko para magawa mo ang bagay na ‘yan?” How did he know? Ang talino naman nito. “Ferruccio, ilabas mo na ako para matapos na ang lahat. Kung ano-ano ang binibintang mo sa ‘kin,” sabi ko habang kiniskikis ang mga dede ko sa likod n’ya na ikinatigil ng kan’yang pag-hinga. “Would you stop doing that?!” malakas n’yang singhal sa ‘kin. “Ibabagsak kita kapag hindi ka pa tumigil.” Binantaan n’ya ako pero naka-dikit pa rin ang front body ko sa likod n’ya. “Bakit ka pinagpapawisan?” Nakita ko kasi na may tumutulong ilang butil ng pawis sa sintido n’ya. “Ang init na rin ng katawan mo, samantalang... para kang bangkay na nilalamig kanina?” Wala s’yang sagot sa ‘kin at pinagpatuloy na ang pag-hakbang palabas ng kuwarto. Akala ko ibababa n’ya ako sa hagdan pero aakyat pala kami sa isa pang palapag na may maraming kuwarto. “May driver na maghahatid sa ‘yo sa office at dapat kang may matapos na designs bukas ng umaga, are we clear?” “Okay…” mahinang usal ko. “You are so warm… I wish I could stay a little bit longer…” Sinisiksik ko ang aking mukha sa batok n’ya habang nararamdaman kong umuusbong talaga ang init ng kan’yang katawan. “We’re here.” Tumigil kami sa harapan ng naka-saradong pinto. “Bumaba ka na.” Inalis n’ya na ang kan’yang mga brasong naka-suporta sa ‘kin kaya binaba ko na lang din ang mga binti ko at tumayo ng tuwid. “Masaya ka na ba?” Tinaasan ko s’ya ng kilay. “Makapagsalita ka, parang nilamas mo ang dede ko ah? Parang ‘yon lang, sasaya na ako?” He gave me a warning look. “Kapag marinig ka ng lola ko, gagapasin n’ya ang mga dila mo.” “Kung ikaw ang gagapas, gawin mo na kung matapang ka.” At nilabas-labas ko pa saglit ang dila ko na ikinaliit ng mga mata n’ya. “I feel so f*****g dirty… my body is drenched with so much filth,” tugon n’ya sa ‘kin na tila diring-diri. Kinakailangan talaga ng tibay ng loob para hindi ka maapektuhan sa bibig ng gagong ‘to. Tinatawanan ko na nga lang ang sinasabi n’ya. “I need to take a shower.” Bigla n’ya akong nilagpasan sa paglalakad at parang sinadya n’yang banggain ang braso ko. Natatawa na lang ako sa ganap ng gabing ‘yon. Naka-tulog ako sa guestroom at inspired ako na magising ng maaga dahil nasa bahay naman kasi ako ni Ferruccio. Napadpad ako sa kusina kung saan nagluluto na ang lola n'ya. “Lola, may taong po sana ako…” Nanonood lang ako habang may hinahalo s’ya sa frying pan. “Sabihin mo lang at sasagutin ko, 'neng…” malumanay n’yang tugon. “May alam po ba kayong gumagawa ng gayuma?” “Gayuma? Sino ang gagayumahin mo?” “Ang apo n’yo po sana.” Imbes na hambalusin ako ng hawak n’yang wooden spatula, napa-tawa ko na lang si lola. “Loka-loka ka talagang bata ka… Epektibo naman ang sinasabi nilang gayuma pero may hangganan din iyon… Kung gusto mong makuha ang puso ng apo ko, paibigin mo s’ya.” “Paano ko naman po gagawin ‘yon kung lagi n’ya po akong inaaway?” Tinawanan ako ni Lola Felis. “Wait, kayo lang po ba ang naka-tira sa malaking bahay na ‘to?” “Oo, hija. Kami lang ng apo ko.” Tumango ako. “’Wag mo nang gayumahin si Ferruccio, wala nang mas epektibo pa sa gayuma ‘kun ‘di ang busilak na pagmamahal… na pinapakita mo sa kan’ya…” “Ano ang pinaguusapan n’yo?” Napa-lingon kami ni Lola nang marinig namin ang boses ng guwapo n’yang apo. Nakita ko s’yang kakapasok lang dito. Ala sais pa lang ng umaga pero naka-salpok na ang mga kilay n’ya habang naka-titig sa ‘kin. “Pinaguusapan lang namin ni Lola Felis kung paano kita gagayumahin.” Tumigil kaagad s’ya sa paglalakad at nilakihan ako ng mga mata. “WHAT?!” Sinamaan n'ya ako ng tingin. “Oh, bakit ka nagagalit? Sinagot ko ang tanong mo tapos magagalit ka riyan?” “Gagayumahin mo ako?!” Hiningahan ko s’ya ng marahas at humarap sa kan’ya. “Ferruccio, kahit lumunok ka pa ng isang drum na love potion, hindi ka tatablan.” Napa-hagikhik si Lola Felis. “At ayusin mo nga ang mukha mo? My God, it’s so early.” “The driver is waiting for you outside.” Tinaasan ko pa s’ya ng kilay. “Papaalisin mo agad ako na hindi pa ako nakakain? I never had dinner last night.” “Hindi ko na kasalanan ‘yan, Devillianna. Lumayas ka na sa pamamahay ko.” I folded my arms under my chest. “Kung gano’n, lalayas din ba ko sa kompan’ya mo?” “No, unless your projects are over.” “Ang sama talaga ng ugali mo sa ‘kin kahit ang bait-bait ko sa ‘yo. Kapag ako, tinopak, ewan ko na lang sa ‘yo.” “You mean, ang landi-landi?” mariing sambit n’ya. “Oh, at least ikaw lang ang nilalandi ko.” “Ferruccuio, pakainin mo naman ang dalaga…” marahang usal ni Lola. Tumango-tango agad ako. Napa-titig s’ya kay lola Felis. Wala s'yang tugon. Lumapit s’ya sa kinatatayuan ko at kinapitan ng malaki n’yang kamay ang kaliwang pulsuhan ko. “Let’s go.” At hinila n’ya ako. “Teka naman! Nagugutom kaya ako!” Hindi n’ya ako pinakinggan. “Ferruccio! I am famished! Let me eat first!” Wala talaga s’yang pakealam at tuloy-tuloy lang ang paghihila sa ‘kin. Hindi ako nagbibiro, nanghihina talaga ako at walang kalaman-laman ang tiyan ko. “Ferruccio!” Nang maka-labas na kami sa main door, bumaba pa kami ng hagdan at sapilitan n’ya akong pinapasok sa loob ng sasakyan. Pabagsak n’ya pang sinara ang pinto rito sa back seat at sinenyasan ang driver na umalis na. Sinusubukan n’ya talaga ang mahaba kong pasens’ya. Pasalamat s’ya at marupok ako. Hindi ko kayang magalit kahit literal na pinalayas ako na walang laman ang tiyan. Nasa loob na pala nitong sasakyan ang mga gamit ko. Tumigil ang kotche sa parking slot, sa labas ng gusali n'ya. Doon na lang ako bumaba kahit kanina pa kumukulo ang tiyan ko, nasa biyahe pa lang. “Miss Devillianna.” Pagkasara ko ng pinto, napa-kunot ang noo ko dahil may tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko agad ‘yon at bahagya akong napa-tingala mapusturang lalake. He is wearing black tinted eyeglasses and a formal business suit. Lumakad s’ya palapit sa ‘kin habang paalis na 'yong kotche. “Do I know you?” “You haven’t heard about me yet but I am Ferruccio’s rival. I am a tattoo artist and I own a company, just like him.” “What do you want from me?” Kalmado s’yang nagpamulsahan sa harap ko at ngumiti pa sa ‘kin. “You stole my clients away from me, Devillianna.” Umangat ng todo ng kilay ko. “So what?” pagtataray ko. “Don’t worry, I am not here to cause harm. I was impressed by your designs… that's why I came to see you.” “Oh, tapos?” “Can you be my tattoo designer?” “Sorry but may amo na ako.” Iniwasan ko s’ya ng tingin. “I know... but I found out that you haven’t signed a contract yet. Maaari kang mag side line sa aking kompan’ya at babayaran kita ng triple, per client.” Doon ulit ako napa-sulyap sa kan’ya. “Sideline?” He smiled and nodded. “Papayag ako… but in one condition,” seryosong usal ko “What condition?” Doon ako napa-hawak sa tiyan ko at ngumiwi. “Can you take me to the nearest café? I ran out of cash… Dagdagan pa ng gago kong amo na hinayaan akong mamatay-matay sa gutom…” “Iyan lang ba ang kondisyon na gusto mo?” tanong n’ya na parang hindi makapaniwala. “Yes, mag-s-sideline na ako sa kompan’ya mo kaya pakainin mo na ako.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD