CHAPTER 15

3128 Words
DEVILLIANNA FIACRA VERNO TUMALSIK ang laptop sa ibang bahagi ng office. Hindi ko na nakontrol ang puwersa ko dahil natumba s’ya, kasama ang swivel chair n’ya. Bumagsak si Ferrucio sa sahig habang bahagya kong hinahabol ang sarili kong hininga. “Ano nga ulit ang sinabi mo? Púta ako? Para malaman mo, kung demonyo ka, mas demonyo pa ako. Isa pang putà mo sa ‘kin, hindi lang laptop ang hahalik diyan sa pisngi mo,” mahinahong usal ko sa malalim na boses. Tila ba nagulantang s’ya sa ginawa ko sa kan’ya ngayon at ilang segundo s’yang natigilan sa pagkakabagsak sa sahig. It looks like I knock his brains out. “I am aware that my slightest presence repels you but I remain nice even though you disgust me and you are just seeing me like a speck of dust.” Nang mag-salita na ako, parang bumalik na s’ya sa kan’yang katinuan at mariin n’yang pinikit-pikit ang mga mata. Marahas n’ya pang iling-iling ang ulo n’ya. Nandilim yata ang paningin. Pareho lang naman kami, kanina pa dumidilim ang paningin ko sa puta-puta na sinasabi n’ya. Hindi nga agad ako nag-react at tinanong ko pa s’ya pero, tatlo yata ang bayag nito para ulitin pa ang foul word na ‘yon na kahit sinong babae, tutubuan talaga ng sungay. Dahan-dahan s’yang tumayo ng tuwid pero parang ma-o-out balance pa nga. “And now, you know how to strike my raw nerves, Ferruccio.” Napa-kapit ang mga kamay n’ya sa gilid ng office table. Makikita kong nagbabakatan ang mga ugat sa likod ng kan’yang palad habang pabigat ng pabigat ang kan’yang hinga. And then, I met his fiery gaze. Sa laki ba naman ng katawan n’ya, matatakot ka at isang suntok lang yata nito, titilapon ako sa pader. Hindi naman sa pagmamayabang pero kahit katiting na takot, wala akong naramdaman. “I am not the type of woman who gets shy whenever our gazes meet. Kung malandi ako at walang hiya, ganiyan talaga ako… Ikaw na nga ang may pakinabang sa ‘kin tapos may karapatan ka na para sigaw-sigawan, mura-murahin ako?” Natawa ako ng pagak. I folded my arms under my chest. His eyes are like a knife that wants to slice me in half. Nilabanan ko talaga ang matatalim n’yang mga mata. Parang nagsasagupaan lang ang yelo at apoy. “Sometimes, I can be a lunatic that I want my victim to be killed…” Hindi ko inaalis ang mga mata ko sa kan’ya. “But of course, I can’t kill you…” Humakbang ako palapit sa kan’ya. Hindi s’ya naka-galaw sa kan’yang kinatatayuan na para bang umiikot ang paligid n’ya. Ilang beses ko s’yang nahuli na napapapikit ng mariin. Nang tumigil ako sa kan’yang harapan, bumababa-taas ang kan’yang mga talukap. Para na s’yang matutumba. Gamit ang kanan kong kamay, kinapitan ko ang nakalaylay n’yang neck tie at dahan-dahan kong pinalupot iyon sa paligid ng mga daliri ko. Marahas ko s’yang hinila palapit sa ‘kin. Napa-dikit ang front body naming dalawa. Tiningala ko s’ya. “Your looks alone are more than enough to hold a special place in my heart…” mahinang bulong ko. “Magpakabait ka sa ‘kin… Kayang-kaya kong tumahol para sa ‘yo, kahit tumuwad pa nga, game ako—“ Padakma n’yang tinakpan ang bunganga ko at tinulak n’ya ako palayo sa kan’ya. Napa-atras ako ng isang beses. Nginisihan ko s’ya. “How distasteful… nawalan na ako ng gana mag trabaho.” Tinalikuran ko s’ya. “Sana sa susunod nating pagkikita, makokontrol mo na ang iyong dila, Ferruccio…” Hinakbang ko na ang mga paa ko palabas ng office n’ya. Akala ko nga, tutulungan s’ya ni Leon na kanina pa nakikinig at nagmamatyag sa ‘min pero nang maka-labas ako sa office n’ya, nahagip ko si Leon na nagtatago sa likod ng book shelf. Nasilayan ko kasi ang anino n’ya. “Your boss needs medical attention. His nose is bleeding.” Iyan ang sinabi ko bago pinagpatuloy ang paglalakad palabas ng silid na iyon. Ramdam kong ang lakas nga talaga ng pagkakahampas ko sa mukha n’ya dahil ‘yong kanang kamay ko, nangmamanhid. Instead na mag-o-overtime ako, hindi na lang natuloy dahil may nangyaring bardagulan. Willing na willing sana ako na magtrabaho hanggang mag damag pero ang hirap makipagusap kay Ferruccio. Hindi kami nag-match, nag resulta tuloy sa sakitan. “Tama lang ang ginawa mo sa kan’ya, Lianna! Gusto mo bang hampasin ko rin s’ya?! Ang tapang ng apog n’ya para tawagin kang putà?! Bakit, nakita n’ya ba ang púke mo?!” Si Lhyne lang naman ang puwede kong mapagsabihan sa nangyari. Ang akala ko, kakampihan n’ya si Ferruccio dahil fan girl n’ya ang babaeng ‘to. Iba ang nangyari. S’ya naman itong gigil na gigil ngayon. “Kung gaano kamala-anghel ang mukha, ang tindi pala ang ugali no’n! ‘Wag ka na kayang bumalik do’n?! Akala n’ya kung sino s’ya! Hindi mo naman s’ya inaano ah?! Ikaw nga ang nagtatrabaho sa kompan’ya n’ya!” “I still want to go back there.” “’Ay ‘wag kang tanga ‘day! Uulitin n’ya lang ang pambabastos n’ya sa ‘yo! Dapat maayos ang pakikitungo n’ya sa ‘yo dahil pinagaagawan ang talent mo!” “I think na provoke ko s’ya dahil pinatulan ko ang offer ng kalaban n’ya sa business. Nag-tampo at pinagsalitaan na n’ya ako ng hindi maganda.” “Hanggang ngayon, s’ya pa rin ang iniisip mo sa kabila ng ginawa n’ya sa ‘yo?!” Bumangon s’ya sa pagkakahiga sa kama ko at marahas na hinarap ako. “Devillianna, mag-hanap ka na ng ibang lalake. ‘Wag mong sabihin na ikaw pa ang mag-s-sorry sa kan’ya?” Kumibi’t balikat ako. Hindi, s'yempre. “Pinadugo ko ang ilong ni Ferruccio at sure akong mamamaga o magkakapasa ang mukha n’ya kung saan s’ya tinaamaan ng laptop…” “Ano, mag-s-sorry ka talaga?!” malakas n’yang singhal sa ‘kin. “Depende kung maaawa ako sa sitwasyon n’ya. S’ya naman kasi itong nasaktan.” “Nako, bahala ka... basta ako? Ekis na sa ‘kin ang Ferruccio na ‘yon. Kaya n’yang batuhin ka ng puta? Dapat lang talaga sa kan’ya ‘yon. Sana hinampas mo pa ‘yong computer monitor n’ya para damang-dama talaga.” “Matulog na lang tayo. Kung gaganahan ako, papasok ako bukas dahil hindi kasi natuloy ang overtime ko.” Hiniga ko na ang aking katawan sa malambot kong kutson. Pinikit ko na ang mga mata ko. “Lianna, ‘wag ka na ngang bumalik doon at hindi talaga malabo na magaaway ulit kayo ni Ferrucio. Hindi kayo bagay, lalo na ang mga ugali ninyo…” “Good night, Lhyne.” Hiningahan n’ya na lang ako ng marahas at natatawa na nga lang ako sa nangyari kanina. Sana matauhan na si Ferruccio para hindi na ako ma-high blood. *** FERUCCIO GUSTAV When that woman left, I almost lost consciousness. Leon rushed me to the hospital and thankfully, the X-ray results were normal. I thought she broke my jaw. I dislike staying in the hospital. After the mild treatment, I went home. “Bro, you don’t have to spit out that word. You hurt her feelings.” Binisita ako ng mga ulol dito sa pamamahay ko dahil kinontak sila ni Leon. Pinapalibutan nila akong lahat sa paligid ng kama ko.“Even if she is an immoral and promiscuous woman, you shouldn’t have ridiculed her.” Kinakausap ako ni Kier pero hindi ko s’ya sinasagot. Naka-higa ako sa kama ko at iniinda itong sugat sa aking kaliwang pisngi. My left cheek got swollen and the bruise is starting to form. “Bakit hindi mo pinagtanggol si Boss, Leon?” Lazaro asked. “If you had seen how frightening she was, you couldn’t think of saving Ferrucio’ss áss.” Tinugunan s’ya ni Leon. “I like that girl,” Pierre said. “Kung ayaw mo sa kan’ya, akin na lang s’ya, ‘bro.” “Laklakin mo kung gusto mo. Nagpapakamatay ka lang.” He laughed at me. “I don’t mind dying if she will kíll me.” Arguing with Devillianna is futile but I can’t believe that she accepted Gunther’s offer for such a ridiculous reason. Ang taong iyon, walang ibang hinihiling, mapabagsak lang ang kompanya ko. He’s been trying to convince my elite tattoo designers to join his team and now, that moron is after her. Si Devillianna naman ang kan’yang nakita para matangay sa ‘kin. At itong púta naman, hindi man lang naisipan na mag-dalawang isip na tutulan ang alok ni Gunther. Huwag n’yang idahilan sa akin na wala lang laman ang kaniyang sikmura. Sinangayunan n’ya si Gunther dahil may mga ipagmamalaki rin ang taong iyon para mahumaling ang pûta. Hindi ba’t sa ganoon kami nagkakilala? She got swayed so easily by men’s looks. I am so mad. “Are you going to fire her?” Tinanong ako ni Dantei. “Hindi ko pa alam, pinagiisipan ko pa.” Pierre laughed again. “Pre, bakit mo pagiisipan? Kung sisitantihin mo si Devillianna, sasalakay naman si Gunther para agawin s’ya. Paano na lang ang mga projects na hindi pa tapos? Babatikusin ang kompanya mo.” That is why I am brainstorming right now. Nagiisip ako kung ano ang nararapat kong gawin. Ang 52 designs na natapos n’ya, I have already distributed those designs to my tattoo artists. Sa limang branch napunta ang mga iyon. Nasimulan na ang mga appointment pero wala pa sa kalahati. Marami pang ongoing si Devillianna. “Bro, aminin mo na lang na ikaw ang mali rito. Mukhang mabait naman si Devillianna, hindi n’ya sa ‘yo i-w-wallop ang laptop kung alam n’yang tama ka. Like what you have explained to us, nagpapaliwanag din si Devillianna pero matinik kaagad ang nilabas mong word.” “I agree, Kier. Kung ako si Devillianna, bubugbugin din kita.” Walang katapusan na tawa ni Pierre. “Mali ka talaga, bro. Wrong move. Hindi mo dapat sinasabi ang mga hindi kaaya-ayang salita. And I think that Devillianna is different to those women, she’s just flirting with you.” “Putang ina, aantayin ko pa bang may mangyaring hindi maganda?” I blurts out. “Pero bro, don’t be so harsh to her especially since she’s your top tattoo designer. Nararamdaman kong hindi ganoong klaseng babae si Devillianna.” I let out a deep breath. I don’t know how to face her anymore. I don’t want to humiliate myself. Hindi ko gustong makita n’yang nagkapasa ang mukha ko nang dahil sa kan’ya. However, sa kabila ng nangyari sa amin, nararamdaman kong tatalikuran n’ya na ang kan’yang trabaho. “Apologize to her, bro,” Kier convinced me. “I don’t think that I can see her again.” “Why? Did she want to quit? She said that?” “No, but I can feel it.” Ipapasa ko na lang sa tattoo designers ko ang naiwan n’yang proyekto. “Ang tapang n’yang babae, ‘pre. Don’t underestimate woman’s rage.” Dantei said. “It’s very obvious from the start that she was carrying menacing energy,” tugon ni Pierre. “Tangina, hindi ka ba nasisindak sa pangalan n’ya? At when you try to look at her face, hindi ka lang mapapamura sa ganda, kikilabutan ka rin… especially the way she glares at you. Her face is very fierce not to mention her body. Putangina, pamatay ang katawan.” “Tangina mo talaga, ikalma mo libog mo.” “No.” Inakbayan n’ya si Lazaro. “Kinokomplement ko lang naman si Miss Devillianna at humihingi na ako ng basbas galing kay Ferruccio na sa akin na lang s’ya, kaysa mapunta kay Gunther.” “Lumabas na kayo, gusto ko nang matulog.” Pinalabas ko na ang mga ulol. Hanggang sa ngayon, nagdadalawa pa rin ang aking paningin. When she slammed that laptop across my face, I heard a straight beeping sound in my ears and I felt like my soul had left my body for a second. Sana kami lang dalawa ang nakakaalam ng insidenteng iyon dahil wala nang mas nakakahiya pa na muntikan kang mawalan ng malay nang dahil lang sa pipitchuging babae. In this generation, I don’t trust women. They are all the same. They have ulterior objectives that I couldn’t predict. Like what happened to me earlier, I didn’t expect that Devillianna would kíll me even though she was yearning for my affection. I almost got killed by a woman. Her eyes have always been serene and bright but the way she transformed her expression, I felt like I had seen the eyes of a vermin. Hindi ko hahayaan na gawin n’ya ulit sa akin ito. If she does this again, she will deal with the beast hiding inside of me. *** DEVILLIANNA FIACRA VERNO “Devillianna, akala ko ba may pasok ka sa trabaho ngayon? Bakit hindi ka pa nagbibihis? Anong oras na oh?” Tinanong ako ni Lhyne habang naka-hilata lang ako sa kama ko. Ang tagal-tagal ko nang naka-babad sa cellphone. Ang aga kong magising dahil ang original plan ko, gagawin ko pa rin ang projects pero hindi sa malamang dahilan, bigla na lang akong tinamad at hindi na ako naka-bangon pa. “”Day, ano? Papasok ka ba o hindi?” Binaba ko muna saglit ang hawak kong cellphone at tinanaw ko s’ya. Naka-silip lang si Lhyne sa bungad ng pinto at nagaantay ng sagot ko. “’Pag tumila ang ulan, aalis ako pero kapag hindi, rito na lang ako sa bahay,” Umaambon kasi sa labas. Siguro kaya ako nawalan ng gana dahil ang lamig, nakikisabay pa itong panahon sa katamaran ko. “Umalis pala si Madame Devillaine. Tayo na lang ang nandidito, gusto mo bang mag-bake tayo ng cookies?” “Kakain na lang ako.” “Kaya nga kita inaya para may kasama ako sa kusina.” “Ikaw na lang, kaya mo na ‘yan. Hindi naman ako marunong mag-bake.” Umalis na si Lhyne at hindi talaga ako bumangon sa kama ko. Siguro lumipas lang ang ilang mga minuto, biglang lumiwanag ang kalangitan. Pag-baling ko sa labas ng balcony, wala na nga akong nasisilayan kahit isang patak ng ulan. Mukhang binigyan yata ako ng sign ni Lord na mag-trabaho na lang pero wala naman akong intens’yon na makipagayos kay Ferruccio. Hindi na sana ako aalis ng bahay pero heto, napadpad na ako sa company building ni Ferrucio pero wala pa s’ya sa office n’ya. Ang ginawa ko na lang, sinimulan ko na iguhit ang mga designs para may silbi naman ‘yong pag-punta ko rito kahit nagiisa lang ako. “Nandito ka pala?” Napa-tigil ako sa pag-s-sketch nang umugong ang malalim na boses ni Barbie. Nilingon ko s’ya. Naka-tayo lang s’ya roon sa labas nitong naka-bukas na pinto habang tinititigan ako. “Nandito ka nga rin.” Binalik ko agad ang aking buong atens’yon sa ginuguhit ko. “Hindi mo ba tatanungin kung ano ang nangyari kay boss?” “No need na.” “He got hospitalized yesterday.” “Should I feel bad for him?” malamig kong tugon. Napa-ubo tuloy s’ya ng pilit. “If you are trying to say that I should feel guilty for hurting him, it won’t work on me.” “Kung ganoon, bakit ka pa nandito?” “I don’t know either.” “Hindi mo ba bibisitahin si Ferruccio? Nagpapahinga s’ya ngayon sa kanila.” “Mas uunahin ko pa itong ginagawa ko.” “Hindi ka ba aalis sa kompan’ya?” Ang dami n’ya namang tanong. Kung saan ako nakapagfocus, doon pa talaga ako inabala ng taong ‘to. “Hindi ko alam. Makakaalis ka na at iniistorbo mo ako,” mahinahong sambit ko. Hindi na s’ya nag-salita pa hanggang sa hindi ko na maramdaman ang presens’ya n’ya sa loob ng office. Huminga muna ako ng malalim bago ko pinagpatuloy ang task ko. Dire-diretso naman ang trabaho ko. Nagpa-deliver na lang ako ng pagkain during lunch time para magkalaman ang tiyan ko at ayaw ko nang magutom pa. Nakakanginig ng kamay. “Finally... I am done…” Nag-inat ako para ma-stretch ang nangangalay kong mga braso at likod. Natapos ko ang target na 20 designs. Time check, pag tingin ko sa wall clock na naka-sabit lang sa ibabaw ng book shelf, alas tres na pala ng hapon. Kaya pala inaantok na ako. Wala naman na akong gagawin kaya nag pack up na ako ng mga gamit ko para maka-uwi sa bahay. Kinapitan ko na ang tote bag at hand bag ko bago humakbang palabas ng office n’ya. “Devillianna.” Nagulantang ako sa boses ni Ferruccio. Napa-hinto tuloy ako sa pag-hakbang at napa-dako ang paningin ko sa mahabang couch. Naka-upo s'ya roon. Hindi agad ako nakapagsalita dahil mas napukaw ang atens’yon ko nang makita ko ang malaking pasa sa kanang mukha n’ya. Sinakop na halos ang buong pisngi n’ya roon. Nagkukulay ube at namumula-mula pa ang paligid. Nang mapansin n’yang tinititigan ko s’ya, napa-lihis ang kan’yang ulo at iniwasan ako ng tingin. Mas malapad pa pala ang pasa n’ya kaysa sa inaasahan ko. Naka-ramdam tuloy ako ng konting awa. “Kanina ka pa ba rito?” “Yeah, about… 4 hours. You are working so I didn’t bother you.” Napa-angat ang kilay ko dahil ang hinahon yata ang tono ng pananalita n’ya? “I didn’t expect that you still want to report here.” “Si Leon ba ang nag-sabi sa ‘yo na andito ako?” Dahan-dahan s’yang tumango habang napapalunok ng pilit. “May mga plano na sana ako kung sakaling aalis ka man dahil maiintindihan kita kung bakit ka aalis pero nang binalitaan ako ni Leon na nag-kita kayo, pinuntahan kita rito.” Hinayaan ko lang s’yang mag-salita habang tinatago n’ya ‘yong malaki n’yang pasa para hindi ko makita. “Can you...” he paused. Mariin n’yang tinikom ang kan’yang bibig at bumuga ng malalim na hininga. “…can you… forgive me?” At sinalubong na n’ya ang aking mga mata. Those insincere eyes make my heart melt. “Mapapatawad mo ba ako?” Umugong ang malumanay na boses na iyon sa mga tainga ko. Doon ko s’ya kinurbahan ng aking mga labi. “Of course…” And my smile vanished. “…not.” Inikutan ko pa s’ya ng mga mata bago humakbang paalis sa puwesto ko. Hihingi na nga lang ng tawad, halatang hindi pa sincere? Tumigil ako sa harapan ng naka-saradong pintuan. Kinapitan ko ang door knob sabay pinaikot pero napa-kunot ang noo ko dahil hindi ko mahila. Ilang beses kong sinubukang buksan pero hindi ko magawa. “Walang aalis hangga’t hindi tayo nagkakaayos.” Naudlot ang pag-hinga ko. Nang lumingon ako, nasa likuran ko na pala si Ferruccio at sinakluban ako ng madilim n’yang anino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD