CHAPTER 16

4245 Words
DEVILLIANNA FIACRA VERNO . NAPA-ATRAS ako ng paunti-unti dahil niliitan n’ya ang agwat naming dalawa. Umabot na sa puntong napa-sandal na ako sa matigas na pinto. Hindi ko sinubukang ikurap ang aking mga mata para mabasa ko man lang kung ano ang tumatakbo sa malaking utak nitong Ferruccio. Nang tumigil s’ya sa aking harapan, itinukod n’ya ang malapad na palad sa may gilid ng leeg ko banda at binabaan pa ako ng tingin. Bahagyang naka-baba ang kan’yang mga talukap habang nakikita ko ang sarili kong repleks’yon sa maiitim n’yang mga mata. It seems like he is trying to trap me under his spell. His hunter-shaped eyes are staring at me so intently. Sa posisyong ito, nahahalanghap ko na ang binubuga n’yang hininga. “Makikipagayos... ba ‘ka ‘mo? Kung ‘yan nga ang pakay mo... you should have apologized in the most sincere way you can think of.” “Ano ba ang gusto kong gawin para mapatawad mo ako?” “Actually, I like that question. Hayaan mo muna akong mag-isip.” “Hurry up, Devillianna.” Minamadali naman ako nito. Napa-isip tuloy ako kung ano ang ipapagawa ko sa kan’ya para matuwa naman ako. Habang pinagmamasdan ang imahen ni Ferrrucio, nahagip ko ng tingin ang naka-tikom n’yang mga labi. Alam na. “Halikan mo ako sa pisngi at kapag gagawin mo ‘yan, kakalimutan ko ang alitan natin kahapon.” I am expecting, I will see the disgusted expression but he remained his relaxed, yet mystifying face. “What do you think? Deal or no deal?” Hindi ko na s’ya mabasa kung papayag ba s’ya o hindi. Kung sa bagay, si Ferruccio pa ba? Malamang, hindi n’ya gusto itong mungkahi ko. Naging blangko ang facial expression n’ya ngayon pero alam kong pinandidirihan ako sa isip nito. “Chin up.” “Huh?” Hindi n’ya na ako sinagot pero inalis na ang pagkakatukod ng kan’yang kamay at napadpad iyon sa chin ko. Marahan n’ya akong hinawakan doon at dahan-dahang inangat para mas mapantayan ko pa ang mukha n’ya. Tinigil ko saglit ang pag-hinga ko dahil umusog pa talaga s’ya palapit sa ‘kin. Napapakiskis na ang front body namin sa isa’t-isa. Ramdam ko... ang pag-usbong ng usok palabas sa kan’yang katawan—o, sa akin yata galing iyon at parang pagpapawisan yata ako ng biglaan ngayon. I can feel the loud roars that vibrate inside of me. I feel like my heart wants to burst. Naging aktibo ang pag-pitik ng puso. Bilang na bilang na rin ang aking pag-hinga. “Hahalikan na kita sa pisngi... Mangako ka sa akin na hindi ka na aalis sa kompan’ya ko.” I slowly curved my lips. “Mabilis akong kausap.” Pag banggit ko ng mga salitang iyon, pinatagilid n’ya ang aking ulo para ma-expose na ang makinis at namumula-mula kong pisngi. Palihim akong humuhugot ng hangin. Damang-dama ko ang pangingining ng mga tuhod ko dahil hindi ako maka-paniwala na gagawin n’ya ang isang imposibleng bagay at pinandidirihan n’ya kasi ako. “Ang tagal mo naman—“ Bigla akong natahimik. Imbes na sa pisngi ko lalanding ang mga labi n’ya, diniin ni Ferruccio ang pagkakahawak sa chin ko at marahas na pinaharap. Sa bibig n’ya ako sinisiil ng isang halik. Kaninang nangangatog ang mga tuhod ko, nanlambot naman ngayon. Muntikan na akong bumagsak sa sahig pero mabilis akong sinalo ng kan’yang bisig. Naramdaman ko ang higpit ng pagkakapulupot ng braso n’ya sa aking baywang. Parang tatagos ang puso sa ribs ko habang damang-dama ang lambot at ang init ng makakapal n’yang mga labi. If my heart is roaring, I can feel his heart beating like mad too. Hindi ko alam kung ilang segundo ang tinagal pero literal na hindi ako naka-hinga. “Ha…happy now?” At nang kinalas na n’ya, wala pa rin ako sa katinuan. “That kiss is good for one year. It means, that was our seal to our contract.” Kahit kinakausap n’ya ako, nanigas sa kinatatayuan ko at hindi pa rin ako naka-galaw. “I want to take a shower.” Napagtanto ko na lang na humakbang na s’ya palayo sa ‘kin at tinungo kung saan ‘yong restroom. Pumasok na s’ya ro’n. Doon pa lang ako napa-kurap ng maka-ilang beses at nakakahinga na ako ng sunod-sunod. Akalain mong hinabol ako ng pitong kabayo. Nanginginig ang mga kamay ko. Dinampi ko ang aking mga daliri sa bibig ko. “H-Halik na ‘yon? Dapat… nilaplap n’ya ako…” Dahan-dahan kong tinikom ang aking bibig. Napa-pikit pa ako ng mariin at parang papadyak na ako sa saya. Sa pisngi lang ‘yong hiningi ko pero sa labi n’ya pa ako hinalikan? Gusto kong mag-lupasay sa sahig. Gusto ko ring sumigaw ng malakas pero nilulunok ko na lang, pati ang pagtitili ko sana. Napapahawak pa ako sa kaliwa’t kanan kong mga pisngi at marahas na iniiling-iling ang ulo ko. Pakiramdam ko, may sumisigaw na ang usok sa mukha ko. Linggid sa kan’yang kaalaman, first kiss ko ‘yon at napaka-worth it dahil s’ya ang naka-kuha. Ang dream man ko na hindi ko alam kung makukuha ko ba ang loob n’ya o hindi. Naririnig ko ang malakas na pressure ng shower doon sa loob ng restroom. Hindi naman ako makakalabas kaya bumalik na lang ako sa loob ng working area n’ya. Imbes na aalis na ako, nilatag ko tuloy ang mga art materials ko at inuupan na ang rolling chair. Nangangalay na ang mga pisngi ko sa kakangiti habang naka-tutok lang ang atens’yon ko sa ginuguhit ko. “Why are you still working?” “Sinipag lang bigla,” tugon ko kahit hindi ko na s’ya nilingon. “Ikaw, hindi ka ba magtatrabaho?” Wala s’yang tugon pero naririnig ko ang mabibigat n’yang mga yabag na patungo sa kinaroroonan ko, hanggang sa nakita ko na nga s’ya sa gilid ng aking mga mata. Hinila n’ya ang swivel chair at umupo roon na may kasamang malalim na buntong hininga. Hindi na rin muna ako nag-salita. Minatyagan ko na lang s’ya. Kinuha n’ya ang malapad na tablet at isinandal sa gadget holder. May tinatap n’ya sa screen na hindi ko naman makita. Basa pa ang buhok n’ya. Naamoy ko rin ang umaalingasaw na sabon na kan’yang ginamit. “Bakit ka pala naligo?” “To erase the kiss.” Nawala ang sigla sa mukha ko. “Erase? Buong katawan pinaliguan mo?” “Yeah,” tipid n’yang tugon. Mukhang mauudlot yata ang kilig ko dahil naguumpisa na naman s’yang supladuhan ako. “Galit ka pa rin ba sa ‘kin dahil grabe ang natamo mong pasa sa pisngi? Seryosong tanong ‘yan ha.” “Not really, as long as you won’t abandon your projects.” Pinapahiwatig ba nito na magagalit s’ya sa kapag aalis ako? “Galing ba talaga sa puso ang sorry mo kanina?” Sinentro n’ya sa ‘kin ang kan’yang mga mata. “Alin ba dapat? Sa utak?” Ang sarkastiko pakinggan ng pagkakasagot n’ya sa ‘kin. “I mean, it looks like you are not that sincere…” “The important is, I apologized with a kiss.” Dapat nga, higit pa roon. Mas’yado naman akong lugi sa Ferruccio na ‘to. Gusto ko sanang sabihin ngayon na dapat, nilaplap n’ya ako kanina pero baka pandirihan n’ya pa ako lalo. “Matanong ko lang kung hindi mo mamasamain?” “What is it?” “Bakit ka diring-diri sa mga babaeng malalandi? Akala ko kasi, ‘pag nilandi kita, bibigay ka at ganiyan naman ang mga lalake, right?” “I had a traumatic experience before to women like you.” Parang naintriga naman ako agad. Iniwasan n’ya ako ng tingin at tinututok na ulit sa screen ng tablet. “Puwede mo bang ikwento?” Napa-titig ulit sa ‘kin si Ferruccio. “Close ba kita?” Ouch, ang sakit ah. “Hindi mo pa ako close na hinalikan mo na nga ako?” “I told you, I only did that to make you stay. I sacrificed my poor lips in the name of your designs.” “Sagutin mo na ang tanong ko at baka tablet mo na ang next kong ipanghampas diyan sa ulo mo.” He sighed. “It’s very sensitive to share and that happened many years ago... Kung ikukuwento ko sa iyo ang mga pinagdaanan ko, ikaw pa lang ang makakaalam kaya ayaw kong sabihin sa ‘yo.” “Ano naman? Hindi ko ba dapat malaman ang talambuhay mo sa kabila ng binigay mong obligasyon sa 'kin? Umayos ka nga, Ferruccio. Nandidilim na naman ang paningin ko.” Napa-lunok s’ya ng sariling laway at bahagyang inusog palayo sa ‘kin ang tablet. “Sabihin mo na para may alam naman ako kung bakit ganito mo lang akong tratuhin. Malay mo, magbabago ako.” Pumakawala s’ya ng malakas na hinginga. “Just promise to me that you won’t tell anybody.” Mabilis ko s’yang tinanguan. “I promise,” seryosong tugon ko. Ilang beses s’yang napa-lunok ng mariin na parang hinahanda ang sarili sa sensitibo raw na ikukuwento n’ya sa ‘kin. Hindi ko s’ya minadali na magsalita agad dahil nakakaintindi naman ako. Kakatapos n’ya lang maligo pero nasilayan kong may namumuo nang maliliit na mga butil ng pawis sa noo at sintido n’ya. Nag-r-reflect iyon sa liwanag, kumikinang. “I... wasn’t born in a rich household… Mas mahirap pa kami sa daga noon. My grandma said, my parents couldn’t afford to raise me so… they abandoned me. I was just an infant. Tinakasan nila ang kanilang responsibilidad bilang mga magulang. Iniwan nila ako sa lola ko at para maka-survive ang noong sanggol ako, naglalakbay lagi si lola para makainom lang ako ng gatas ng ina. Kapag kapos, iyan lang lagi n’yang ginagawa para mabuhay ako. Sa pagpupursige ng matanda, I survived. Namulat ako sa matinding kahirapan. We used to eat once a day… and sometimes, to escape the hunger, I pretended that I fell asleep so my grandma wouldn’t have to worry about how to feed me.” Okay, that surprised me. Nabigla ako. “Saan ba... kayo nakatira?” mahinang usal ko. “In the slum side of this village. Walang ibang pagkakakitaan si lola. Mga basura ang bumubuhay sa amin, nangangalakal para may kikitain.” “Nakapagaral ka ba?” Doon s’ya saglit na napa-pikit ng mariin. “Hindi… pero, habang lumalaki ako, binatilyo pa lamang ako noon at marami nang nakakapansin sa akin… Isa na roon ang isang babaeng naging amo ko. Nangamuhan ako sa isang mayamang pamilya. Kinuha ako bilang utusan sa loob ng malaki nilang bahay dahil noong makita ako ng babaeng iyon, inalok n’ya ako ng pera at kapalit, pagsisilbihan ko ang kanilang pamilya… at first, it was convenient. Nakakakain na kami ng tatlong beses sa isang araw dahil maayos akong sinasahuran. Nakakatikim na kami madalas ng kanin, hindi na galing sa basura… I was enjoying my life as a servant there… Malaki ang pasasalamat ko pero hindi ko alam na may naka-abang na palang hindi maganda sa akin. Isang buwan pa lang ang nakalipas, tandang-tanda ko pa noon kung paano ako hinipuan ng amo kong babae habang natutulog.” Tumindig kaagad ang mga balahibo ko. “I was… 10 years old when I got sexually harassed… She tried to touch the private part of my body. I was so scared that I couldn’t move a muscle, I wasn’t aware what was going on… from that age.” Lumunok s’ya ng sariling laway. “However, I was able to stop her, and I escaped. Bata pa lang ako noon at hindi ko binigyan ng malisya ang panlalandi n’ya sa akin, sa una pa lang. Hindi ko pa alam na hinaharot n’ya na pala ako. Hindi ko pinagisipan ng masama ang kinikilos ng babaeng iyon.” “How old is that... bítch?” “She was eighteen years old while her husband is thirty years old.” “Buhay pa ba s’ya ngayon? Kung oo, ako na ang papatay sa kan’ya.” Tumigas ang anit ko sa mga kuwento ni Ferruccio. “I don’t know and I don’t want to know.” “Kaya mo pa ba mag-kwento? Kung hindi na, ‘wag mo nang pilitin.” Umiling s’ya. “Hear me out. Wala pa tayo sa kalahati.” “Ano ang nangyari sunod no’n?” “The next morning, while I was… weeding the garden, the guards suddenly grabbed me and beat the hell out of me. That woman accused me of molesting her.” “Please, sabihin mong buhay pa ang babaeng ‘yon para maligpit ko na s’ya.” “Hold on, let me finish talking first.” Tumango na lang ako. “Nakatanggap ako ng matinding pambubugbog. May mga naiwan pa nga akong buhay na mga pilat sa mga hita ko. Binaliktad n’ya ako dahil marahil, nagalit s’ya at hindi ako pumayag sa gusto n’ya... sa kabila ng mga tulong n’ya sa ‘kin. Noong nalaman ng kan’yang asawa, muntik pa akong i-turnover sa organisasyon kung saan napupunta ang mga menor de edad na nagkakasala. Hindi iyon natuloy dahil lumuhod at nagmakaawa ang lola ko… I will never forget that devastating sight. Pinatawad nila ako kahit wala naman akong kasalanan at umalis ako sa mans’yon na iyon.” Sabay pa kaming huminga ng malalim. “Hindi lang isang beses nangyari ‘yan sa ‘kin. When I was… fourteen, sixteen, seventeen, and nineteen years old.” Umawang ang mga labi ko. “A-Ano?! Naulit pa ‘yon?!” “No, sa ibang babae naman ako naka-ranas ng ganoong pangaabuso. Noong labingapat na taong gulang ako, namasukan ako bilang kargador sa isang malaking factory. Anak ng may-ari ang nais asawahin ako. Nag-hubad s’ya sa aking harapan. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ako nagtagal… Sa hubog ng katawan ko noon, I looked more mature than my age. Napagkamalhan nila akong adult. Sagad ako sa trabaho kaya lumalaki ang katawan ko.” “Ano naman nangyari nu’ng... sixteen ka?” “Nararamdaman kong kakaiba ang pakikitungo sa akin ang asawa ng kapitan. Hindi nga ako nagkamali dahil pinilit n’ya akong makipagsiping sa kan’ya kapalit ang pera. I quit my work immediately.” Napa-sapo ako sa noo. “When I was seventeen, nang dahil sa akin, nagaaway ang magkapatid na anak ng isang business man. Pinagaagawan nila ako at nilalandi ako ng mga iyon. Those times were unbearable too and I ended my job. When I was nineteen, kursunada naman ako ng isang byuda.” Na-g-guilty tuloy ako sa mga action ko pero hindi naman ako kasing lala nila. Napapatulala na lang tuloy ako ngayon. Yumuko na ako. Hindi ko masikmura ang mga binahagi sa ‘kin ni Ferruccio. Kahit nga nagkukuwento lang s’ya, ramdam kong hirap na hirap s’ya at tumutulo na nga ang butil ng mga pawis n’ya ngayon. Akala ko, trip n’ya lang na pandirihan ako pero hindi ko lubos maisip na may malalim palang dahilan. Hindi ko in-e-expect na ganito nakakakilabot ang maririnig ko. “I felt like God gave me never-ending suffering that I wished that I had never been born. I blamed God for all of my pain. I thought there was no ray of hope for me but not until, when I turned twenty years old…” Doon ko dahan-dahang inangat ang aking ulo. Nagkatitigan kami ni Ferruccio. “Alam kong Diyos ang bumulong sa akin para gawin ‘yon. Tinaya ko ang kahuli-huli kong pera sa lotto—a lottery game and… in the age of 20, I became a millionaire.” Umawang ang mga labi ko. “Woah, seryoso… ka?” “Yes, that is why I have these riches. My grandma almost had a heart attack when I told her that I won the mega jackpot. That was the most beautiful moment in my life.” “Ano ang una mong ginawa?!” Napalitan ng excitement ang naramdaman ko. “Of course, I brought a house and lot. Wala akong ibang pinagastusan dahil natatakot akong baka maubos ang pera ko kahit imposible. Tinago ko sa bangko. Hndi ko winaldas, ginamit ko iyon para matustusan ang pangangailangan namin sa pang araw-araw. Kumuha ako ng exam sa isang programa para maka-pasok kaagad ng college, ilang beses akong bumagsak pero isang taon ang inabot bago ako naka-pasa. Nag-aral ako ng apat na taon. Noong naka-graduate, naisipan kong gamitin ang pera para makapagpatayo ng tattoo company. Hindi ko pinagsisihan dahil imiikot ang pera at nagkaroon na ako ng malaking savings sa business ko.” Manghang-mangha ako sa mga sinasalaysay pa sa ‘kin ni Ferruccio. “Ang… suwerte mo naman…” “Hindi ko masabi noon kung suwerte o sumpa ang nangyari sa akin dahil dumanas pa ako ng matinding paghihirap bago bumait sa akin ang kapalaran. All I can conclude is that after all of those miseries, I deserved that blessing.” Bumuga s’ya ng marahas na hininga. “But the trauma is still haunting me. I still can’t get over it. I am not healed yet.” Nag-laho ang sigla sa mukha ko nang ilang beses na huminga ng malalim si Ferruccio. “’Yan din yata ang dahilan kung bakit ang dalang mo mag-appointment. Limited lang ang nagiging client mo dahil halos mga babae ang interested sa 'yo...” Napa-tango na lang si Ferrucio. “Iniiwasan ko dahil hangga’t maaari, ayaw ko ng eskandalo... I abandoned my benevolence to women a long time ago.” Nagkaroon ng panandaliang katahimikan. Napa-tulala si Ferruccio habang naka-tuon lang ang buo n’yang atens’yon sa office table. Hindi na muna ako umusal. Hinila ko ‘yong hand bag ko palapit sa ‘kin at hinanap ko roon ang panyo ko. Nang mapasakamay ko na, inilapit ko iyon sa mukha ni Ferruccio at marahan na dinampi-dampi kung saan namumuo ang pawis n’ya. “I appreciate that you bring out about your past—“ Napa-tigil ako sa pagsasalita dahil habang pinupunasahan ko ang noo n’ya, bigla n’yang dinakip ang aking pulsuhan at kinuha sa kamay ko ang panyo. S’ya na ang nagpatuloy ng ginagawa ko na hindi maka-tingin ng diretso sa ‘kin. “Are you okay? Do you need a hug?” “No, thank you.” “About that kiss... sa cheeks lang naman ang hinihingi ko… but why did you kiss me on the lips?” Tinapunan n’ya ako ng normal na tingin. “Sorry, is this an uncomfortable question?” “Hindi ko ba nasabi sa iyo na iyon ang kapalit para hindi ka na umalis?” “Bati na ba kayo?” Sasagutin ko sana si Ferruccio pero umugong na lang ang boses ni Leon. Nilingon ko s’ya pero nabigla ako nang makita na kasama n’ya ‘yong mga gym buddies ni Ferruccio. Si Kier at Pierrre lang yata ang kilala ko sa kanilang apat. “Ano ang ginagawa ng mga ‘yan dito?” tanong ni Ferruccio. “Bro, nakakatampo naman. Sa ilang taon nating pagsasama, hindi mo naikuwento sa ‘min ang childhood trauma mo,” saad ni Pierre. “Kanina… pa ba kayo?” I asked. “Yeah. Nasa labas kami ng pinto. Nagaalala kami para kay Ferruccio kaya sinadya namin s’ya rito pero… mukhang wala namang nangyaring masama sa kan’ya at naghalikan na pala kayo. I am jealous, though,” sagot ni Pierre na ikinaiwas ko ng tingin. “I thought you two would start a war so I brought the whole gang, just in case,” pormal na saad ni Leon. “I am leaving, mauuna na ako sa ‘yo, Devillianna.” Hinarap ko pabalik si Ferruccio. Tumayo na s’ya at lumakad paalis sa puwesto n’ya. Sinundan ko na lang ng tingin. Binigyan pa s’ya ng daan ng lima at nilisan na ang working area n’ya. Doon naman nagsipasukan ang kan’yang mga kaibigan. “Natutuwa ako at nagkaayos kaagad kayo, Miss Devillianna,” masayang wika ni Kier. Umupo s’ya sa swivel chair ni Ferrucio. Ang apat naman, sa mesa na nagsiupo at hinarap nila akong lahat. Kung titingnan ng maigi, ang titino naman ng mga pagmumukha nila. Hindi ‘yong tipong unang tingin ko pa lang, manyak na. They are rather poised and I think they are good guys. Sa kaartehan ni Ferruccio, sure na mapili rin sa s’ya mga kaibigan n’ya. “Wow, did you design all of that?” Nahagip ng tingin ni Keir ang mga obra ko. “Uh, yeah?” “Damn, that is so cool! May I take a look?” “Of course.” Doon ko inabot sa kan’ya ang mga canvas paper na natapos ko na. “Holy cow, you are a pro!” sigaw ng isang lalakeng hindi ko kilala. Nakisilip din ang iba, maliban kay Leon dahil nakita n’ya na kasi ang mga gawa ko. “Hindi na palaisipan sa ‘kin kung bakit tinatangka kang agawin ni Gunther,” natatawang sambit ni Pierre. “Kilala mo s’ya?” Tumingin s’ya sa ‘kin. “Oo naman, sino nga ulit ang ulol na ‘yan, Dantei?” Sabay inakbayan ‘yong nagsalita kanina. Dantei pala ang pangalan n’ya. “Magnanakaw ng mga desingers ni Ferruccio at ikaw naman ang gusto n’yang kunin, Devillianna,” sagot n’ya. “Tanginang ‘yon, overhype naman ang mga tattoo art nila.” “I agree with you, Lazaro,” tugon ni Pierre. “Wait, sino ba ang mas sikat? Ang company ni Ferruccio o kay Gunther?” “Pareho lang yata,” sambit ni Kier na pinagpapasdan pa rin ang canvas papers. “May atraso ba s’ya kay Ferruccio?” “Ilang beses na kasi s’yang nawalan ng tattoo designer, mga magagaling pa at lumilipat kay Gunther kaya kung ako sa ‘yo, ‘wag mong kakagatin ang offer ng tukmol ma ‘yon, porke doble ang sahod.” “Actually, triple raw sa ‘kin.” “That is why you agreed?” “Hindi, pumayag ako dahil gutom ako that time.” Natawa sila sa tugon ko. “Hindi nga ako nagpapabayad kay Ferruccio. Wala akong sasahurin sa kan’ya.” “And why is that? You are now his top designer, malaki ang sahod mo kaysa sa iba.” “Ayaw ko lang tanggapin. Isa pa, nahihiya naman ako kay Roselyn dahil nandoon s’ya nu’ng pumayag ako sa projects.” Tumango si Pierre. “Maiba ako, hindi n’yo ba susundan si Ferruccio? Parang sumama ang pakiramdam n’ya dahil sa mga sinalaysay sa ‘kin.” “Gusto n’yang mapagisa. Hindi namin pinapakealamanan ang taong ‘yon,” sagot ni Lazaro. “Are you still mad at him?” tanong naman ni Leon sa ‘kin. “Kanina, oo, pero ngayon… hindi na. Lalo na’t nag-open s’ya sa ‘kin.” “Good girl.” Tumayo na ako sa pagkakaupo. “Aalis ka na?” Leon asked. “Oo, bukas na lang ulit.” Tinulungan nila akong apat na ayusin ang mga gamit ko. Nagpaalam na akong umalis pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga narinig ko mula kay Ferruccio. Kanina, habang nagsasalita s’ya, naninikip ang dibdib ko. Ang buong akala ko talaga, nasa ugali na n’ya ang may matalim na dila. Nang maka-labas na ako sa company building n’ya, dire-diretso lang ang lakad ko patungo sa parking slot kung saan naka-park ang kotche. “Ihahatid na kita.” Napa-tigil ako sa pag-lalakad at lumingon. Natanaw ko si Ferruccio na palapit sa ‘kin. Tumigil s’ya sa harap ko. “Are… you sure?” paninigurado ko. “Hand me the car key.” Nilahad n’ya ang malapad na palad sa harap ko. Kahit nagdadalawang isip pa ako, binigay ko na lang sa kan’ya. “Bakit mo naisipan ihatid ako? Okay ka lang ba?” “You want me to take care of you, right?” Nag. alangan akong tumango. Tinitigan n’ya ako ng malalim. “Hindi pa kita makapagkatiwalaan, baka hindi ka sumunod sa usapan natin at magbabago ang isip mo na mag-side line na lang kay Gunther.” “Hanggang ngayon ba nasa isip mo pa rin ‘yan na hinalikan mo na nga ako? Mas matibay pa ‘yon kaysa sa kontrata-kontrata.” Kinuha ko ulit ang susi sa kamay n’ya. “I know you are not feeling well, Ferruccio... Uuwi ako mag-isa—“ Hinablot n’ya ulit ang carkey sa ‘kin. “Ako na ang maghahatid sa iyo.” Sinalpukan ko s’ya ng mga kilay. “Akala ko ba hindi ka komporble sa ‘kin? Alam mo, hindi naman kita pinipilit para gawin ‘to. Ako na lang ang mag-d-drive.” “Hindi na tayo maghihiwalay simula sa araw na ito dahil sa akin ka na magtatrabaho…” Sumeryoso ang pagkakatitig n’ya sa ‘kin. “Kinakailangan kong sanayin ang sarili ko, you know what I mean." Inagaw ko ulit ang car key. “Devillianna, I am your boss. Ako ang mas nasusunod.” Humakbang pa s’ya palapit sa ‘kin at akmang kukunin ang susi pero iniwas ko ang kamay ko. “Ferruccio, may pasa ka pa sa mukha! Ako nga lang ang mag-d-drive!” Nang inangat ko ang aking kanang kamay, hinuli n’ya agad ang pulsuhan ko at sapilitan na kinuha ang susi kahit pinatigas ko na ang mga daliri ko. Napasakan’ya na ulit. Tinapat n’ya sa sasakyan ko ng smart lock key para ma-unlock ang pinto. “Ako na sabi—“ Napa-singhap ako nang bigla n’ya akong binuhat. Sinablay pa talaga ako sa kaliwa n’yang balikat at mabilis s’yang lumakad palapit sa kotche.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD