CHAPTER 17

3500 Words
DEVILLIANNA FIACRA VERNO IMBES na sigawan o mag-protesta, hinayaan ko na lang s’ya sa gusto n’ya at nasa kan’ya naman ngayon ang susi ng sasakyan ko. Binuksan ni Ferrucio ang pintuan sa front seat. Pinasok n’ya ako roon. Sinundan ko naman s’ya ng tingin nang dumaan sa harapan ng kotche hanggang sa pumasok na rin s’ya sa driver seat at umupo. “Fasten your seatbelt.” Habang kinakabit ko ang seat belt ko, umandar na ang kotche palayo sa parking slot. Nilisan na namin ang company building n’ya. “Tell me where we are heading to.” “Sa port na lang na pinakamalapit dito.” “Where do you live anyway? Bakit sa port?” Binalingan ko s’ya ng tingin dito sa tabi ko. Naka-tutok lang ang buong atens’yon ni Ferruccio sa dinadaanan namin. “Sasakay pa kasi ako ng service boat para marating ang isla kung saan ako naka-tira.” “I see.” “Gamutin mo ‘yang pasa sa mukha mo sa mas mabilis na paraan… dahil kapag nakikita ko, mas lalo lang ako na-g-guilty.” Naka-side view s’ya kaya kitang-kita talaga harap-harapan ang naka balandrang pasa. Sagabal tuloy sa kaguwapuhan n’ya. Ang bilis kasi ng kilos ng kamay ko at laptop ang pinakamalapit na puwede kong damputin. Iyon ang hinampas ko sa kan’ya. I let out a harsh sigh. “Sorry pala sa mga actions ko nitong mga nakaraan. Hindi ko kasi napigilan ang sarili ko na… alam mo na.” Natawa pa ako ng hilaw. “Nilandi kita dahil inakala kong katulad mo rin ang mga lalakeng makukuha ko lang sa tingin. From now on, I’ll be more cautious around you but let me remind you that... I am not the type of woman who spends all day indulging in lewd thoughts and wearing ridiculous outfits. Actually, ginamit ko lang ang mga revealing outfit ko para magpapansin sa ‘yo,” kuwento ko pa sa kan’ya pero wala lang s’yang tugon. “And I will try my best to be your diligent and... prudent designer.” “I am counting on you, then. Hindi na ako mahirapan na pakisamahan ka kapag, ikaw na nag nagkukusa para gawin ang mga bagay na ‘yan. It's a big help for me,” kalmadong tugon sa ‘kin. “S’yempre, sa lahat na naman ng karumal-dumal na narinig ko mula sa ‘yo kanina, may lakas loob pa ba akong lumandi?” natatawang sabat ko. “I want to make you more comfortable around me... that I will dress according to your company rules.” Kahit sabihin kasi natin na naka-dress ako, kita pa rin kasi ang cleavage ko. Naka-labas kahit pilit kong tinatago. Gagamitin ko na lang ‘yong maaayos ang neckline para hindi na naka-balandra. “If I behave, you won’t see me as some hideous parasite anymore...” Hindi na ako kinakausap ni Ferruccio pero sapat na sa ‘kin na marinig n'ya ang lahat ng sinabi ko. Lumipas mahaba-habang biyahe, narating na namin ang port. Tinuro ko sa kan’ya ang private parking lot. Tinawagan na rin ang driver n'ya para magsusundo sa kan’ya. Lumabas na kaming dalawa sa loob ng kotche. Tinatak na namin ang daan palabas at pumuwesto sa waiting area ng port. Habang kaharap ko s’ya, marahan kong hinawi ang aking tinatangay na mga hibla ng buhok at sinabit sa kanan kong tainga. Med’yo malakas kasi ang hampas ng hangin. “You may go now, Devillianna.” “Hihintayin ko na lang na maka-alis ka at ayaw kong mag-isa ka rito.” “If you insist.” Humarap na s’ya direks’yon kung saan n’ya natatanaw ang mga nakaparadang service boat sa tubig dagat. Paalon-alon ang mga iyon. Hindi ko gustong sumama ulit ang pakiramdam nito kaya minaigi ko na lang na humarap din kung saan s’ya naka-tanaw at baka mailang kung titigan ko lang s’ya ng tititigan. While staring at the night sea scenery, I notice that my heart is pumping and it sounds... so pleasant. Pero habang pinagmamasdan ang natatanaw ko sa dagat, hindi ko sinasadyang bumahing ng napakalakas. Umalingawngaw ang boses ko sa buong port na napa-igtad pa nga si Ferruccio sa pagkagulat. Nakakahiya naman. Kadalaga kong tao pero kung maka-bahing, para naman akong malaking manong. “Bless you.” Iyan ang sinabi n’ya habang napapasinghot ako. “I-I am sorry…” “Here, take this.” Bigla n’ya akong inalayan ng panyo. Sa akin yata ‘yon. Iyon ang ginamit ko kanina para punasan ang mga butil ng pawis n’ya. “Thank you…” Kinuha ko na lang sa mga kamay ni Ferruccio ang panyo at suminga ako ng suminga. Nakiliti ng alikabok ang ilong ko. Tinatangay kasi ng malakas na hangin. Tumutulo tuloy ang uhog ko pero parang amoy Ferruccio itong panyo. Habang pinapahiran ko itong ilong ko, natigilan ako ang sinakluban n’ya ako bigla ng jacket suit sa ulo ko. Napa-titig tuloy ako sa kan’ya at nakita kong naka long sleeve polo lang s’ya. “My driver is on the way now... Go home safely.” “Salamat…” I am blushing. Sumisigaw ang init sa magkabila kong mga pisngi. Mabuti na lang talaga at hindi lumala ang bardagulan namin. Kahit nahospital s’ya nang dahil sa ‘kin, heto, kasama ko s’ya at hinatid ako. Dumating na ang driver ni Ferruccio kaya sumakay na ako ng service boat habang naka-pandong pa rin sa ulo ko ang iniwan n’yang itim na jacket suit. Inaamoy-amoy ko pa nga iyon habang nasa biyahe. Pag-dating ko sa bahay, naabutan kong nag-v-vacuum si Lhyne rito sa kuwarto ko. “’Anyare sa ‘yo? Good mood ka yata ngayon ah?” Sinara ko muna ang pinto at sumandal doon. Kinuha ko ang jacket suit at padiin na niyakap sa katawan ko. “Hala s’ya, okay ka lang?” Pinarinig ko kasi kay Lhyne ang impit na tili ko. In-off n’ya ang vacuum cleaner. “May nangyari bang maganda? Hindi ba’t magkaaway kayo ni Sir Ferruccio? Damit n’ya ba ‘yang niyayakap mo?” Sunod-sunod ang tanong n’ya sa ‘kin. “’Day, sumagot ka kaya?” “Bati na kami…” “What? How come?” “He apologized… and he kissed me…” Nalaglag ang panga ni Lhyne. “Ka... gaga mo naman! Hindi ba’t pinuta ka n’ya?! Ganu’n-ganu’n lang ba ‘yon?! Bakit ang rupok mo?! Alam mo bang ginagamit ka lang no’n dahil may designs kang ginagawa sa kompan’ya n’ya?! Bakit ang bilis mong magpatawad?!” Pinutakan kaagad ako. “Makinig ka... Maaawa ka sa ikukuwento ko sa ‘yo at binulgar n’ya ang lahat ng karanasan n’ya noon. Alam kong mahahabag ka rin kay Ferruccio!” Siningkitan n’ya ako ng mga mata. “Ekis na s’ya sa ‘kin! Kung naaawa ka, ibahin mo ako!” At doon ko hinila si Lhyne para umupo kami sa kama. Hindi ko na sinayang ang oras para isalaysay ang lahat ng sinaulo kong kwento ni Ferruccio. Akala ko hindi maaawa si Lhyne pero ito, tulala na ngayon at para na rin s’yang na-trauma. “’Di ba? Imposibleng nagsisinungaling s’ya dahil pinipilit n’ya lang na mag open sa ‘kin kanina. Pinagpapawisan tapos nanginginig pa nga ng konti ang bibig n’ya. Siguro habang nag-k-kwento, nag-f-flash back sa kan’ya ang mga nangyari noon…” “Hindi pala s’ya likas na mayaman? Akalain mong… sa skwater s’ya lumaki?” “Sinuwerte sa huli si Ferruccio pero parang... babaliktad talaga ang sikmura ko kanina dahil mas’yado s’yang paslit para maranasan manyakin ng mga babaeng ‘yon. Nanginginig nga ang laman ko at pinipiga ang puso ko habang nakikita ang nahihirapan na mukha ni Ferruccio… Kaya sabi ko sa sarili ko, ititigil ko na ang paglalandi sa kan’ya dahil hindi naman talaga ako malandi. Sa ganoong paraan ko lang kasi s’ya makukuha ng mabilisan pero may trauma pala.” “Hindi ko inaakala na magkakaayos kayo agad dahil pareho na kayong maiinit ang ulo.” “Iyan nga rin ang akala ko. Kahit nag-sorry s’ya sa ‘kin kanina, ayaw ko sanang tanggapin pero pumayag s’ya sa kondisyon kong halikan ako. After that, tinanong ko na ang mga bumabagabag sa ‘kin hanggang sa napilitan s’yang mag-kuwento na lang. Ang lakas ko sa kan’ya ‘e.” “Magiging mabait na ba s’ya sa ‘yo?” Kumibi’t balikat ako sa tanong n’ya. “Hindi ko pa alam.” “Pero Lianna, parang ginagawa n’ya lang yata ‘yan para matali ka sa kompan’ya n’ya.” “Ano naman? Mas okay nga na babait na s’ya sa ‘kin at s’ya na rin ang nakapagsabi na, sasanayin n’ya ang sarili na makasama ako para siguro… ma-overcome ang trauma n’ya.” Huminga ng malalin si Lhyne at dahan-dahang napapailing. “Nakakakaawa ang past n’ya, ‘no? Kinikilabutan ako sa nangyari sa kan’ya.” “Sinabi mo pa. Naiintindihan ko na ngayon lahat kung bakit s’ya nandidiri sa ‘kin,” natatawang tugon ko. Ang tagal namin nag-usap ni Lhyne. Kahit naghahapunan, si Ferruccio pa rin ang topic, hanggang sa bathtub at maging sa kama. Sini-share ko rin sa kan’ya ang kilig ko, lalo na ‘yong hinalikan ako at pati na rin ang nangyari sa port kanina. Siguro kung hindi ko s’ya hinambalos ng laptop, hindi kami magkakaintindihan. Pag-sapit ng maaliwalas na umaga, excited na excited na akong pumasok sa trabaho. “Balot na balot ka ngayon ah? Parang sa simbahan yata ang punta mo.” Kakalabas ko lang sa walk in closet. “Do I look pretty enough?” Imikot pa ako para ma-flex ang suot kong long sleeve red floral dress. Corset style ang neckline kaya tagong-tago ang cleavage ko kahit med’yo nahihirapan akong huminga. Lagpas tuhod ang haba ng palda. Mas bagay sana kung naka-lugay ang mahaba kong buhok pero tinirintas ko na lang para hindi sagabal sa trabaho ko mamaya. “Ang disente mo nang tingnan. Mapapasabi na si Ferruccio na hindi ka naman pala isang púta.” Nagtawanan tuloy kaming dalawa. “I have to go now.” Nagpaalam na akong umalis. Ang aliwalas ng aura ko pagdating sa company building ni Ferruccio. Pag-pasok ko sa office n’ya, parang wala pa yatang ka tao-tao dahil ala sais y media pa lang kasi. Tinungo ko na ang working area. Kinapitan ko ang door knob at pinaikot para mabuksan. “Good morning, Miss Devillianna!” May tao pala rito sa loob pero si Pierre lang pala. Nadatnan ko s’yang naka-upo sa swivel chair ni Ferruccio. “Good morning.” I greeted him back. Lumakad pa ako patungo sa office table. Nilapag ko roon ang mga dala ko. “What brings you here, Pierre?” “Gusto lang kita makita.” “For what?” Hinila ko ang rolling chair. Umupo ako roon at inumpisahan kong ilabas ang mga art materials na gagamitin ko. “Baka magalit ka kapag sasabihin ko.” “Like what?” Tumawa lang s’ya ng mahina. “You want to bed me? Something like that?” Nahinto agad ang pag-tawa n’ya. “No! Absolutely not!” ungal n’ya. “Gusto ko lang makipagkaibigan sa ‘yo.” “Tapos? What’s next?” “I think... I will... ask you for a date…” Natawa naman ako ng hilaw. “Si Ferruccio ang gusto kong akitin pero iba yata ang naakit.” “Nakuha mo rin!” natatawang tugon n’ya. Akala ko i-d-deny n'ya. “Ngayong nalaman ko ang motibo mo, hindi kita puwdeng patulan at baka mag-selos si Ferruccio.” “Nah, it won’t happen.” Napa-titig ako sa kan’ya. “Paano mo nasabi?” He smiled. “Nagpaalam kasi ako na sa akin ka na lang kung ayaw n’ya sa ‘yo at pumayag naman kaagad.” “Dapat ako muna ang tinanong mo n’yan kung payag ba ako para ma-reject na kita,” sabat ko. “Makikipagkaibigan na lang ako kung ganoon. Hindi mo naman ako tututulan, right?” Inangatan ko s’ya ng mga kilay. “Paladesisyon ka? Makikipagkaibigan pero bantay sakalay? Sa pagmumukha mo pa lang, ikaw ‘yong hindi makapagtiwalaan… sa inyong lima.” Napag-hawak s’ya sa dibdib n’ya. “Ang sakit mo naman mag salita. Hindi ka naman ganiyan makipagusap kay Ferruccio. Ang taray mo ngang talaga.” “I am glad you know.” “But seriously, kakaibiganin na lang kita kung ayaw mo sa ‘kin… pero kung naghahanap ka naman ng kasintahan, libre na libre lang ako.” “Kahit may bayad ka pa, hindi kita papatusin.” I rolled my eyes. Kinapitan ko na ang matulis na lapis at kumuha ng canvas paper. Tinututok ko na roon ang mga mata ko para maipagpatuloy ang hindi ko natapos kahapon. “You are a tough chick indeed.” “If you’re here to pester me, leave.” “Pero kung si Ferruccio ang pepeste sa ‘yo, payag ka?” “Oo naman.” “Your voice sounds different when you are talking to him… It sounds cute and fuzzy. Ngayong ako ang kaharap mo, mas maangas ka pa sa siga sa mga kanto.” “Oh, tapos?” pataray kong tugon. “I feel bad for you though… because Ferruccio would never like you. That’s the harsh truth… While it’s early, just give up on him and find someone else… like me, for example.” “Marunong ka ba manaksak ng lapis?” kalmadong tugon ko. “No, why?” Binalingan ko s’ya ng normal na tingin. “Kasi ako, oo.” At diiin ko ang matulis na lapis at nadurog ‘yong panulat. “Woah, calm your nerves, young lady… I didn’t mean to offend you…” Tinaatas n’ya pa ang mga kamay at umusog palayo sa ‘kin. “Pinapayuhan lang naman kita at nasa iyo na kung tatanggapin mo o hindi.” “Keep your opinion away from me.” Dinampot ko ang automatic pencil sharpener. Pinasok ko lang doon ang lapis at ilang ikot lang, matulis na ulit. Pinakita ko iyon kay Pierre at bahagyang hinipan. Pabagsak kong nilapag ang pantasa na ikinaigtad ng katawan n’ya. “What is happening here?” Dumating na ang hinihintay ko. Nilingon ko agad si Ferruccio at binungaran ng malawak na ngiti. “Good morning, did you sleep well last night?” “Not really, I couldn’t sleep properly with this huge bruise on my face.” Umurong ang dila ko. Umalis na si Pierre sa swivel chair. Gumamit na lang s’ya ng ibang upuan. Umupo na rin si Ferrucio sa harapan ko. “Pierre, nasisiraan ka na ba ng bait para mapadpad ka rito na ganito kaaga?” “Bro, you already know the reason why I am here.” Sabay sinulyapan ako at nakita iyon ni Ferruccio. Napa-titig naman s’ya sa ‘kin. “Nililigawan mo na ba si Devillianna?” Parang dudurugin ko ulit ang bagong tasa na lapis. Kinontrol ko agad ang kamay ko na ‘wag nang idiin iyon sa canvas paper. “No, nakikipagkaibigan lang.” Napansin ni Pierre na hindi maganda ang facial expression ko. “Devillianna, if you are looking for a boyfriend, I will recommend this gentleman over here.” Diniin ko ang panga ko. “But she prefers you over me, bro." “Mahaba pa ang panahon, malay n’yo, kayo ang magkakatuluyan,” mahinahong tugon ni Ferruccio. Nakakainis lang na nirereto n’ya ako sa ibang lalake. “Nababagay ang mukha ng gentleman na ‘yan maging punching bag ko,” sagot ko. “Paano kung payag ako?” Sumabat si Pierre. “Kahit gawin mo ngayon na.” Matalim ko s’yang tinitigan. “Hindi mo ba nakikita ang pisngi ng katabi mo? Kung sa kan’ya isahan, gagawin ko sa ‘yo, magkabilaan.” “I changed my mind.” Tumawa s’ya ng malakas. “Okay, that’s enough. Makakaalis ka na, Pierre.” “I want to stay here with you, guys. Go ahead, magtrabaho na kayo at mananahimik na ako,” natatawang tugon n’ya. Inalis ko na sa kanila ang atens’yon ko at tinutok ko na sa canvas paper. Parang warak na agad ang araw ko. Hindi ko alam kung magbabago pa ang mood ko. Sinakyan pa kasi ang mga walang kwentang biro ni Pierre. Habang ginuguhit ko ang design, tumayo si Ferruccio. Wala naman s’yang sinabi bago umalis sa puwesto n’ya. Hindi ko na lang tinanong. Si Pierre, sinulyapan ko kung ano ang ginagawa n’ya. Nag-d-drawing na rin pala ng stick figures sa coupon bond. Hindi ko s’ya kinibo dahil once na mag salita ako, magiging tuloy-tuloy na ‘yan. Tumagal ng ilang minuto bago ulit bumukas ang pinto at nalanghap ko agad ang aroma ng kape na umalingasaw sa buong sulok ng silid. Pinaramdaman ko ang mabibigat na mga hakbang ni Ferruccio. At natigilan ako nang may nilapag s’ya sa aking harapan. Inangat ko s’ya ng tingin dito sa gilid ko. “Do you drink coffee?” Sinalubong n'ya ang pagkakatitig ko. “Oo, umiinom ako.” Ang buong akala ko, sarili n’ya lang ang tinimplahan n’ya pero dalawang mug pala ang dala n’ya. Bumalik na s’ya sa kan’yang kinauupuan at humigop ng umuusok na kape. Umuusok pa ‘yong tasa ko kaya hahayaan ko na lang muna na med’yo lumamig ng konti. “Nice dress, anyway.” Tumigil ang paggalaw ng lapis ko. Dahan-dahan kong binalingan ng tingin si Ferruccio. “You look more elegant and dignified now,” dagdag n’ya pa sabay nilapag ang mug sa isang tabi. “Talaga? Na... gustuhan mo?” “You just heard me,” mahinahong tugon n’ya. Tinikom ko ang aking bibig. Biglang bumilis ang pagkilos ng kamay ko. Parang makakaisang daan yata akong projects ngayon ah? “Pierre, hindi ka pa ba aalis?” “Later, dude.” Ngayon pa lang yata ako gaganahan mag-trabaho. Hindi maganda ng pambungad sa ‘kin nitong Pierre pero pinaganda na ni Ferruccio. Wala akong hinto-hinto hanggang sa nagpaalam nang umalis si Pierre. Lunch time na yata. “Sasama ka ba sa akin sa Cafeteria?” “Susunod na ako, patapos naman na itong 10th design…” Kahit inaya ako ni Ferruccio, tinutulan ko s’ya kaya lumabas na lang s’ya mag-isa. “Devillianna, mamaya na ‘yan. Kumain ka muna.” Wala pa yatang fifteen minutes, bumalik si Ferruccio. Nilingon ko s’ya at nagulat ako dahil may dala-dala s’yang malaking tray. Naglalaman iyon ng mga lunch dishes, umuusok-usok pa. “Clean your table,” utos n’ya sa ‘kin kaya agad kong hinawi ang mga canvas paper palayo sa aking harapan. Nang tumigil s’ya sa tabi ko, isa-isa n’yang nilapag kung ano ang mga laman ng tray. Una, kain na nasa mangok at sumunod na roon ang iba’t ibang klaseng ulam. Hindi ko mabilang kung ilang plato at bowl ang pinatong n’ya sa office table. “Sakto na ba ‘yan sa ‘yo?” Inangat ko ulit s’ya ng tingin. “Parang isang buong pamilya ang pinapakain mo… takot ka yatang magutom ako,” pagbibiro ko. “Hindi ko na gustong maulit pa ang nangyari. Nang dahil lang sa walang laman ang tiyan, nakipagnegosasyon ka sa kaaway ko.” “Will you join me? I can’t finish all of these without you.” “I am on a diet.” Umalis s’ya harapan ko at lumapit sa water dispenser. Kumuha s’ya ng baso. Nilagyan n’ya ng tubig. “Help yourself, kumain ka na.” Tumango na lang ako at kinapitan ko na ang kutsara’t tinidor. Akala ko para sa kan’ya ‘yong tubig pero nilapag n’ya iyon sa harapan ko. Ganito ang gusto ko, hindi ako pinapabayaan. “What do you like for dessert?” “Hindi na, okay na ako rito. Baka tumaba ako.” Sumubo na ako ng makakain habang ina-arrange ni Ferruccio ang art materials ko. “Anyway, hindi ko na gustong may mababalitaan akong kinausap mo si Gunther.” “Hindi ko na s’ya papansinin… ‘wag mo na ngang alahanin ang tungkol diyan.” “You have finished 10 designs already?” “Oo, kahit tingnan mo pa.” Doon n’ya kinuha ang mga canvas paper. Tumitig s’ya roon. Naramdaman kong bumilis ang pintig ng puso ko nang dahan-dahang umangat ang magkabilang sulok ng mga labi n’ya. “You... never failed to amaze me.” Napa-himas ako sa batok ko. “Dadagdagan ko pa ‘yan mamaya dahil aware naman akong naghihintay ang mga client mo…” malumanay kong usal. “Hayaan mo, babawi na lang ako sa susunod kapag kaya ko na.” “Po?” Med’yo naguluhan ako sa tugon n’ya sa ‘kin. Bahagya n’yang binababa ang canvas paper para balingan ako ng tingin. “You have forgiven me for hurting your feelings, you surpassed my elite tattoo designers… So,” he paused. “You really... deserve to be rewarded, for real.” “What kind of reward?” mahinang sambit ko. Humupa ang ngiti n’ya at tinitigan ako ng malalim sa mga mata. “Mangangako ako... gagawin ko na talaga ang dirty service na makapagpasaya sa iyo. Saktan mo ako kapag hindi ko tinuloy.”

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD