JACOB'S POV
NARINIG ko ang sinabi ng konduktor na nasa terminal na kami ng bus kaya tumayo ako at binitbit ang dala kong bag. Sobrang napagod ako sa walong oras na biyahe. Gayunpaman, mas nakakapagod pa rin kung gagamitin ko ang sasakyan ko dahil hindi ko magagawang makatulog habang nasa biyahe.
"Excuse me!"
"Ouch! f**k!" sigaw ko.
Ang babae kasi na katabi ay sinadya niyang hampasin ang nasa pagitan ng hita.
"Oh! Sorry! b***h!" Pang-asar niyang sabi.
"Bwiset!"
Nagmadali akong bumaba para habulin ang babae ngunit hindi ko na siya nakita. "Nasaan na kaya ang babae na 'yon?" Inikot ko ang paningin ko at nakita ko siyang tumakbo sa kanang bahagi na daan kaya sinundan ko siya. Huminto siya na parang naghihintay ng sasakyan kaya bago siya makasakay ay hinila ko ang braso niya.
"Bitawan mo ako!" sigaw niya.
Napalingon ang mga tao sa amin. "Shut up!" gigil kong sagot sa kanya.
"Kung hindi mo ako bibitawan sisigaw ako!"
Muli kong pinagmasdan ang nasa paligid ko sabay tingin sa babae. "Hindi mo ba alam kung gaano kahalaga ang hinampas mo kanina? Siya ang nagbibigay ng lahi ko."
"Wala akong pakialam! Bitawan mo ako kung hindi ay sisigaw ako ng rape!"
Umalon ang adams apple ko sa inis. "b***h!" Kinabig ko ang bewang niya palapit sa akin sabay siil ko ng halik. Nagulat din ako sa ginawa ko pero mas nagulat ang babae. Huminto ako sa panghahalik sa kanya.
"Bastos!" Tinuhod niya ang balls ko.
"Ouch!" Namilipit ako sa sobrang sakit.
"Buti nga sa iyo! Sana mabaog na 'yan para hindi na makaperwisyo! Manyak!" Sabay takbo niya ulit. Kahit masakit ang pagitan ng hita ko ay sinundan ko siya. Ngunit dahil nakasuot ng shade ang babae at sumbrero hindi ko matatandaan ang mukha nito. Tanging ang suot lang nitong damit ang matatanda ko. Inis na inis ako ngunit wala akong nagawa kung hindi ang mag-abang ng taxi pauwi ng mansyon.
"Hey! Jacob, how was your vacation in the province?" bungad na sabi sa akin ni Brix.
Umupo ako sa sofa at tinaas ko ang paa ko sa lamesa. Nagsindi ako ng yosi saka ko ito binuga. "It was great overall. The scenery was beautiful, and the air was so fresh and clean. I really enjoyed it. Hindi ko alam pero parang matagal na akong nagpupunta sa probinsya para sa bakasyon."
"That's awesome to hear! What did you do while you were there?"
"Well, I did a lot of hiking and exploring. I also spent some time relaxing and just enjoying the peaceful surroundings."
Kumuha rin ng yosi si Brix at sinindihan niya ito. "Sounds like a great time! Did you meet any interesting people?"
Bigla akong naalala ang babae na nakasakay ko kanina. "Actually, there was this one girl on the bus ride to the province who was really annoying. She kept talking loudly on her phone and playing music without headphones. It was really distracting and ruined the ride for me."
Tumawa si Brix "Oh no, that's too bad. Did you say anything to her?"
"No, I didn't want to cause a scene or anything. I just tried to ignore her as much as I could and focus on the scenery outside." Ayoko ng idetalye pa ang ginawa sa akin ng babae dahil siguradong pagtatawanan niya ako.
"Sweetheart!" tawag ni Trixie ang asawa ni Brix. May dala itong pagkain habang palapit sa amin.
Ang tamis naman ng ngiti ni Brix nang tumayo siya para salubungin ang asawa niya. "Anong dala mo?" sabi ni Brix. Pagkatapos niyang halikan sa labi ang asawa.
Umiling na lang ako. Sa tuwing nandito ako sa bahay ay sinasadya nila akong inggitin.
"Jacob, nakita kitang dumating kaya naisip kong dalhan kayo ng meryenda," wika ni Trixie.
"Thanks!" sagot ko.
"Sweetheart, kinukumusta ko si Jacob kung anong nangyari sa bakasyon niya."
"Nag-enjoy ako sa bakasyon ko," sagot ko.
Tumango si Brix. "Overall, it sounds like you had a great vacation despite the annoying girl on the bus. I'm glad you had a chance to get away and enjoy some time in nature."
"Yeah, it was definitely worth it. I feel so much more refreshed and relaxed now."
"May nakaaway kang babae?" tanong ni Trixie.
Sweetheart, alam mo nama si Jacob masyadong suplado baka hindi lang sila nagkakaintindihan ng babae. Salamat sa meryenda." Muli na naman niyang hinalikan ang asawa niya.
"Tsk! Huwag n'yo na akong inggitin dahil hindi 'yan tatalab sa akin." Sabay buga ko ng usok ng sigarilyo.
"Maghanap ka ng magiging asawa para naman may hahalik na sa iyo."
Umiling ako. "Hindi ako mag-aasawa hanggat hindi nabubuo ang mga nawalang alaala sa akin."
Nagkatinginan ang dalawa. "Okay, ikaw ang bahala," sagot ni Brix.
Lahat ng bagay sa akin ngayon ay parang bago dahil sa nawala kong alaala. Maging ang pamilya ko ay nakalimutan ko na. Ang sabi ng mommy ko ay anak ko ang dalawang kambal na kasama nila sa Amerika, ngunit wala akong maalala kahit ano sa kanila. Nang tanungin ko sa kanila kung nasaan ang asawa ko, sinabi nilang namatay sa aksidente. Gusto kong paniwalain ang lahat ng sinabi nila, ngunit kahit alin sa mga sinabi nila ay hindi ko talaga matadaan. Kaya naman madalas akong umaalis para balikan ang mga lugar na posibleng makakabuo ng mga alaala ko.
"Maiwan ko na kayong dalawa," wika ni Trixie.
"Gusto mo bang uminom? Tatawagin ko ang mongoloid mong kaibigan." Sabay tawa ni Brix.
Umiling ako. "Gusto kong magpahinga dahil napagod ako sa biyahe.
Nagkibit-balikat si Brix. "Okay, ubusin na ang pagkain na dinala ng asawa ko."
Tumango ako bilang tugon sa kanya at pagkatapos ay pinatay ang sindi ng sigarilyo sa ashtray. Binigyan ako ng plato ni Brix at nagsimula na kaming kumain.
Walang paglagyan ang kaligayahan ko habang nakatingin ako sa bride na naglalakad sa red carpet ng simbahan. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil nakabalot ng belo ang mukha niya. Ngunit gayunpaman, ramdam ko ang ligaya sa puso ko. Hindi ko rin namamalayan na kusang tumutulo ang luha ko.
"Mahal ko…" bulong ko.
Nang nasa harap ko na ang bride ay mas lalong naging malabo ang mukha niya. Kaya naman ay lumapit ako sa kanya upang alisin ang belo niya.
"Jacob…" sabi ng babae.
Ang sarap pakinggan ng boses niya lalo nang tawagin niya ang pangalan ko.
Isang matamis na ngiti ang naging tugon ko. "I love you, my wife. Iyon ang katagang kusang lumabas sa bibig ko.
"I love you too, my husband."
Nang hahawaiin ko na ang belo niya ay bigla namang nagbago ang lugar. Wala na ako sa simbahan sa halip ay nasa bakanteng lote ako kung saan puro puno ang nasa paligid.
"Hukayin n'yo!"
"Mommy?" sagot ko.
Nakita ko sa mukha ni mommy ang labis na pag-alala habang tumutulong siya sa paghuhukay ng lupa.
Tumingin sa akin si Mommy. "Jacob, tumulong ka sa paghuhukay baka hindi na natin siya maabutang buhay."
"Sino?" takang tanong ko.
"Huwag ka ng magtanong tumulong ka na lang!"
Ang dami kong gustong itanong kay mommy pero mas inuna kong sundin siya.
"Buhay pa siya!"
Sa isang iglap nakita ko si Dr. Ben na nilagyan ng oxygen ang babae kahit ang kalahati ng katawan nito ay nasa ilalim pa rin.
"Sino siya?" Lalapitan ko sana siya ngunit biglang lumiwanag ang paligid.
"Hey, brad, akala ko ba iinom tayo? Nakatulog ka na sa sofa?" wika ni Brix.
"It's a dream." Pawisan ako nang magising ako.
"Ano ba ang napanaginipan mo bakit umuungol ka? May ka-s*x ka ba sa panaginip mo?" Sabay tawa ni Brix.
Huminga ako ng malalim. "Parang totoo ang nangyari na ang panaginip ko hindi ko lang alam kung saan at kailan nangyari."
"Ano ba kasi ang napanaginipan mo?"
"Napanaginipan ko na ikinasal na ako."
"Baka napanaginipan mo 'yung panahon na kinasal ka sa asawa mo."
"What's really happened to my wife?"
Huminga siya ng malalim. "Namatay sa aksidente ang asawa mo at ikaw naman ay nawalan ng alaala. Huwag kang mag-alala babalik din ang mga alaala mo."
Huminga ako ng malalim. Kahit sino ang tanungin ko tungkol sa asawa ko ay iyon pa rin ang sagot nila.
"Gusto ko ng bumalik ang alaala ko."
"Huwag mo munang isipin 'yan parating na si Timothy kaya ihanda mo na ang atay mo dahil baka abutin tayo ng umaga sa inuman."
Tumayo ako. "Mag-shower lang ako."
Nagkitbit-balikat si Brix. "Okay, hintayin ka namin."
Naglakad ako pabalik sa silid namin. Pagkatapos ay muli kong pinagmasdan ang wedding picture namin ng asawa ko. Tanging ang larawan na ito lang ang makakapagsabi sa akin na kinasal ko.
"My wife, kung kasal natin ang lagi kong naalala bakit hindi ko nakikita ang mukha mo? Anong gusto mong iparating sa akin?" Kausap ko sa larawan niya. Hindi pa ako nakontento dahil hinalikan ko ito. Kapag ginagawa ko iyon ay lumalabas ang pagmamahal ko sa kanya. Hinubad ko ang suot kong damit at nagsimula na akong maligo. Nang balikan ko si Brix ay kasama na niya si Timothy at nagsisimula na silang uminom. Ang dami ng alak at pulutan sa lamesa.
"Nandiyan si Jacob," wika ni Brix.
Umupo ako sa tabi ni Timothy at nagbukas ng beer.
"Hey Jacob, how are you doing today?" tanong ni Timohty.
" I'm doing okay, thanks for asking. What's up?"
"I wanted to talk to you about something that's been on my mind. I know you've been struggling to move on from that girl you keep dreaming about, and I think it's time for you to start considering finding a new love."
"Nanaginip na naman siya ng kinakasal siya baka si Laura ang napanaginipan niya," sagot ni Brix.
" I appreciate your concern, Timothy, but I'm not ready to do that yet. I need to know the truth about what happened to me in that accident a long time ago. I think once I figure that out, I'll be able to move on."
"Brad, kailangan ka ng mga anak mo. Gusto nilang bumalik sa Pilipinas para makasama ka. Isipin mo ang mga anak mo," wika ni Brix.
"Brix, is right. I understand that you want to know the truth, but do you really think that finding a new girlfriend will hinder that process? You deserve to be happy, Jacob, and holding onto the past won't change what happened," sagot ni Timothy.
"I know you mean well, but it's not that simple. I need to figure out what happened in that accident before I can even think about moving on."
Tinungga ni Timothy ang alak bago muling nagsalita. "I understand where you're coming from, but you don't have to do it alone. You can still search for the truth and have a new love in your life. You don't have to let one thing hold you back from another," wika ni Timothy.
"Tama si Timothy, huwag kang dumipende sa mga nakaraan mo dahil mas importante ang kasalukuyan," sagot ni Brix.
Huminga ako ng malalim. "I appreciate your words of encouragement, but I just can't seem to let go of the past. It's like a part of me is missing, and I need to find it before I can move on."
"I understand, Jacob, but sometimes it's better to focus on the present and the future rather than dwelling on the past. You never know, finding a new love might help you find the missing piece you've been searching for," sagot ni Timothy.
"I'll think about it, Timothy. Thank you guys for your concern and advice."
Umiling ang dalawa. "Hindi talaga natin siya mapipilit sa gusto niya," wika ni Brix.
"Akong bahala diyan kay Jacob. May ipapakilala ko sa kanyang magandang babae. Sigurado kapat nakita niya ito ay magbago ang isip niya." Sabay tawa ni Timothy.
"Siguraduhin mo lang na siya ang magbabago ng isip. Baka mamaya ikaw ang magbago ng isip. Imbes na sa kanya mo ireto ay mapunta na sa iyo," sagot ni Brix.
Tumawa si Timothy. "May girlfriend na ako at seryoso na ako sa kanya."
Umiling na lang ako habang pinakikinggan ko sila. Lagi na lang ako ang topic nilang dalawa habang may inuman kami.
"Gusto kong bumalik ang alaala ko para malaman ko kung anong nangyari sa asawa ko."
Kahit ilang beses kong nakita ang puntod ng asawa ako ay pakiramdam ko ay may bagay pa rin akong hindi alam at iyon ang gusto kong malaman.