NAKAHALUKIPKIP ang mga kamay ko habang pinagmamasdan ko ang dagat. Kasabay nito ang malakas na ugong ng paghampas ng alon at ang hangin amihan.
Huminga ako ng malalim. "Siguradong mamimiss ko ang lugar na 'to."
Ang dagat ang naging buhay namin at ito rin ang tumulong sa amin para makakain araw-araw. Gayunpaman, kailangan kong tuparin ang pangarap ko para sa magulang ko. Gusto kong hindi na sila nagtatrabaho kapag tumanda sila.
"Celestina, umuwi na tayo masyadong malamig ang hangin," wika ni Tatay.
Lumapit ako sa kanya saka inakbayan ko siya. "Amoy na amoy ko na ang masarap na luto ni Nanay," biro ko.
"Hahanap-hanapin mo ang mga luto ng nanay mo."
"Oo, kaya kapag may mahaba akong bakasyon papasyal ako rito."
Bumuntong-hininga si Tatay. "Anak, hindi mo naman kailangan magtrabaho sa Manila."
Niyakap ko si Tatay. "Tay, napag-usapan na natin 'to."
"Nag-aalala lang ako sa iyo kapag nasa Manila ka na."
"Huwag kayong mag-alala tatandaan ko ang sinabi niyo. Kapag may tao na gusto akong gawan ng masama. Ipapatikim ko sa kanila ang mga tinuro n'yo sa akin."
"Hays! Puro ka kalokohan." Ginulo niya ang buhok ko.
Gusto ko lang patawanin si Tatay dahil alam kong malungkot siya na aalis ako. Titiisin ko ang lahat mabigyan ko lang sila ng magandang buhay.
Nang dumating kami sa bahay ay nakapagluto naman ng hapunan si Nanay kaya kumain na kami. Wala kaming imikan habang kumakain kami kaya nagsimula na akong magsalita.
"Nay, Tay, 'wag na kayong malungkot. Dadalaw ako rito kapag mahaba ang bakasyon ko sa trabaho. Lagi akong tatawag sa inyo para hindi kayo malungkot."
Tumulo ang luha ni Nanay, kaya tumayo ako at lumapit sa kanya sabay yakap.
"Si Nanay naman, hindi naman ako mag-iibang bansa. Nasa Pilipinas lang ako at puwede ko kayong puntahan."
"Celestina, mag-iingat ka sa Manila,"wika ni Nanay nagpupunas ng luha.
Tumango ako. "Mag-iingat ako para sa inyo."
"Tapusin na natin ang kinakain natin," wika ni Nanay.
Ipinagpatuloy namin ang pagkain. Para hindi sila maging malungkot. Iniba ko ang topic para hindi na sila umiyak. Mas magiging mabigat sa pakiramdam ang pag-alis ko dahil malungkot sila.
"Nay, Tay," sabi ko.
May bitbit akong unan at kumot.
Tumingin sila sa akin. "Bakit?" tanong ni Tatay.
"Tabi tayong tatlo matulog."
Ngumiti si Nanay. "Halika at tumabi ka sa amin ng tatay mo."
Sa gitna nila ako humiga para pareho ko silang katabi. "Good night, Nay, Tay," sabi ko, pagkatapos ay tuluyan na akong natulog.
Nakasuot ako ng bestidang puti habang nasa dalampasigan ako. Abala ako sa paghuhuli ng mga maliliit na talangka na tinatangay ng alon sa dalampasigan.
"Laura!"
Narinig ko ang isang lalaki na tinatawag ang pangalang Laura. Noong una ay hindi ko siya pinansin dahil hindi naman ako ang tinatawag, ngunit parang nasa tapat ng tainga ko ang bibig ng lalaki kaya tumingala ako. Ngunit naging malabo ng mukha niya sa akin.
"Sino ka?"
Hindi siya sumagot sa halip ay tumalikod sa akin at naglakad habang nakasuksuk ang mga kamay sa bulsa ng pantalon niya.
Tumayo ako para sundan siya. "Sandali lang!" Sinundan ko siya ngunit habang hinahabol ko siya ay bumibigat naman ang pakiramdam ko na tila ay may sampung kilong bigat ang mga paa ko.
"Sandali lang!" tawag ko.
Hindi siya lumingon kaya tinanaw ko na lang siya hanggang sa hindi na siya makita ng mga mata ko.
"Hays! Sino kaya siya?"
"Celestina!"
Sa isang iglap ay nagising ako sa realidad. Nasa harap ko si Nanay.
"Bakit, Nay?"
"Anak, gumising ka na alas-tres na ng umaga. Nagpa-init na ako ng tubig para pampaligo mo."
Tumango ako. "Salamat." Bumangon ako at dumiretso ako sa banyo. Habang naliligo ako ay muli kong inisip ang panaginip ko. "Bakit parang nangyari na ang panaginip ko? Bakit tinatawag niya akong Laura?"
Tinuon ko sa iba ang pansin ko upang hindi na ako mag-isip. Ngayon ako luluwas ng Manila para maghanap ng trabaho. Ihahatid ako ng magulang hanggang sa bayan kaya maaga rin silang nagising. Sabay-sabay kaming kumain ng almusal.
"Wala ka na bang nakalimutan?" tanong ni Tatay sa akin."
"Wala na po."
"Oh, kunin mo ito pandagdag sa hawak mong pera." Sabay abot ni Tatay ng pera.
"Hindi ba't 'yan ang inipon n'yong pera pambili ng bangka?"
"Maayos pa naman ang bangka natin."
Umiling ako. "Sobra na ang ipon ko para sa kailangan ko sa Manila. Itabi n'yo na lang po 'yan."
"Mahal ang bilihin sa Manila baka maubos ang pera mo."
"Tatawag na lang ako sa inyo kung sakaling maubos ang pera ko."
Huminga ng malalim si Tatay at tinago ang pera. "May katigasan ka talaga ng ulo anak."
Kahit kulangin ang pera ko na hawak hindi ko kukunin ang pera na inipon ni Tatay para sa bangka niya. Binitbit ni Tatay at Nanay ang mga gamit ko. Nag-arkila kami ng tricycle pababa ng bayan para makarating agad kami. May mga bus sa bayan papuntang Manila.
"Mag-ingat ka sa Manila," paulit-ulit na sabi ni Nanay at Tatay nang sumakay ako ng bus. Pinupuno pa ang laman ng bus bago umalis.
"Kayo rin mag-iingat 'wag kayong masyadong magpagod sa pagtatrabaho," sagit ko.
"Huwag mo kaming intindihan ng nanay mo. Ang intindihin mo ay ang sarili mo," wika ni Tatay.
"Opo."
"Celestina, binilhan kita ng sunglasses suotin mo ito para kahit tulog ka sa bus hindi halata."
"Nay, bakit gumastos ka pa."
"Hayaan mo na ako. Alam ko kasing bagay sa iyo 'yan dahil matangos ang ilong mo."
"Salamat." Sinuot ko ang sunglasses na binili ni Nanay sa akin.
"Anak, bagay sa iyo." Nakangiting sabi ni Nanay.
"Hindi ko ito huhubarin hanggang sa Manila."
Binilhan pa nila ako ng pagkain bago sila umalis. Pinauwi ko na sila para makapagpahinga sila. Alam ko kasing hindi sila nakatulog ng maayos dahil sa akin.
Nang paalis na ang bus ay may sumakay na lalaki. Dahil bakanteng upuan ko kaya tumabi siya sa akin. Mabilis ko siyang sinuyod ng tingin. Maputi at makinis ang mga balat niya at matangkad. Nakasuot siya ng shades kaya hindi ko makita ang mukha niya. Biglang tumunog ang phone ng lalaki at sinagot niya ito.
"Hello! Bakit ka tumawag?" tanong ng lalaki na katabi ko.
"Gusto lang kitang kumustahin sa naging bakasyon mo."
Sa lakas ng volume ng phone niya ay naririnig ko rin ang sinasabi ng kausap na lalaki. Siksikan kasi ang bus kaya talagang naririnig ko ang sinasabi ng kausap niya.
"I had fun on my vacation. By the way, I just wanted to touch base with you about our upcoming business trip to the USA."
"Sure, what do you want to know?"
"I was wondering if you had any updates on our itinerary or if you've made any progress with the meetings we're supposed to attend."
"Actually, yes. I've just received the latest schedule from our US counterparts, and it looks like we'll be starting off in New York and then moving on to Chicago and San Francisco."
"Great. I'm excited to visit those cities. Do we have a clear idea of what the meetings will be about?"
"Yes, we'll be meeting with several potential clients and partners to discuss potential collaborations and projects. It's going to be a busy trip, but I think it'll be very productive."
"That's good to hear. Have we made any arrangements for accommodation and transportation?"
"Yes, I've already booked us into a hotel in each city, and I'm working on getting us a rental car for the trip. We'll need to coordinate our flights, though. Have you booked your ticket yet?"
"Not yet, but I was thinking of flying into New York a day early to do some sightseeing. Is that okay with you?"
"Of course, that's fine. Just make sure to let me know your flight details so we can coordinate our schedules."
"Will do. Thanks for the update, Timothy. I'm looking forward to this trip."
"Me too, Jacob. It's going to be a great opportunity for us to expand our business and network."
"Okay, bye!"
Nang ibaba niya ang phone niya ay matalim siyang tumingin sa akin. "Nakikinig ka ba sa pinag-uusapan namin?"
Umangat ang kanang kilay ko. "Wala akong choice kung hindi marinig dahil magkatabi tayo sa upuan. Ayaw mo pa lang marinig ko ang pinag-uusapan n'yo dapat hininaan mo ang volume ng phone mo."
"I forgot my earpods."
"So, bakit parang kasalanan ko pa?" Sabay irap ko sa kanya. Kahit magtaray ako sa kanya hindi naman niya ako makikilala dahil nakasuot ako ng shades at gano'n din siya.
"Shut up!" inis na sabi ng lalaki.
Abah! Bwiset na 'to sinisigawan ako.
Sa inis ko ay umusog ako nang umusog para bumagsak siya.
"f**k!" sigaw niya nang bumagsak siya sa sahig. Tumingin ang driver ng bus at ibang pasahero sa amin.
Buti nga sa iyo. Akala mo siguro papatalo ako sa iyo?"
Bumalik ako sa dati kong upuan at tumingin sa kanya. "Hey, what's wrong with you? Bakit ka lumalangoy sa walang tubig?" Pang-asar akong ngumiti sa kanya.
Tumayo ang lalaki at matalim na tumingin sa akin. Muli siyang umupo sa upuan niya at tumingin sa akin.
"Stop bothering me, b***h!"
"I'm not a b***h!" Sasampalin ko sana siya ngunit hinawakan niya ang kamay ko. Ang talim ng titig niya sa akin, hanggang sa dumako ang tingin niya sa mga labi ko.
"Huwag mong ubusin ang pasensiya ko baka halikan kita. Oh, baka gusto mo talagang magpahalik sa akin kaya ka nagpapansin."
"Ang kapal ng mukha mo!" Gigil kong sabi.
Pang-asar siyang ngumiti. "Do you want a kiss?
"Bastos!"
Hinila ko ang kamay ko saka tumingin sa bintana. Gigil na gigil ako pero hindi ko magawa ang gusto kong gawin sa lalaki. Ayokong isipin niya na nagpapansin ako sa kanya para halikan niya ako.
Humanda ka sa akin pagbaba ng bus.