CHAPTER 4

1973 Words
Ang bilis ng takbo ko upang hindi ako abutan ng lalaking katabi ko sa bus. Nang makita ko ang taxi ay mabilis ko itong pinara kaya nakasakay agad ako. Nakita ko ang lalaki na hinahanap ako. "Ang kapal ng mukha!" inis kong sabi. "Ma'am saan po tayo?" "Sa Melchor street katabi ng Joy Bakery." "Nasa Cubao po kayo saan lugar ang Melchor Street? Maraming gano'n pangalan na lugar. "Makati po." Tumango ang driver at tinuon ang tingin sa kalsada. Sinandal ko ang ulo ko sa headboard saka ipinikit ko ang mga mata ko upang mag-relax. Ngunit bigla namang sumagi sa isip ko ang lalaking humalik sa akin kanina. "Bwiset! Talaga!" inis kong sabi. Napansin kong nakatingin sa akin ang taxi driver na sinakyan ko. "Sorry po," sagot ko. Tumingin ako sa bintana kung saan ay makikita ko ang mga dinadaanan ko. "Sino kaya ang lalaki na humalik sa akin? Sana pala tinanggal ko ang eyeglasses niya para naman matandaan ko ang mukha niya," bulong ko. Papunta na ako sa apartment kung saan ako pansamantalang tutuloy. Paupahan 'yon ng pinsan ng tatay ko na si Tito Ben. Kanina bago ako bumaba ng bus ay nakausap ko ang katiwala ng apartment dahil ang tito ko ay busy sa hospital. "Ma'am, nandito na po tayo," narinig kong sabi ng driver. "Ha?" "Nandito na po tayo sa Melchor street." "Okay po," dinukot ko ang pera ko sa bulsa ko upang bayaran ang driver. Nakita ko kasi sa metro niya na 200 ang babayaran ko. "Salamat po." Lalabas na sana ako ng kotse ngunit biglang nagsalita ang taxi driver. "Hays! Ang kuripot naman." Umangat ang kilay ko. Gayunpaman ay dumukot ulit ako ng barya. "Pasensya na wala pa akong trabaho kaya ito lang ang tip na maibibigay ko sa inyo." Sabay abot ko ng sampung piso. Pagkatapos ay tuluyan na akong bumaba ng sasakyan. Pagbaba ko ay hinigpitan ko ang bag ko na naglalaman ng mga dokumento ko at pera. Ang sabi ni tatay ay maraming mandurukot at holdaper sa Manila kaya kailangan kong ingatan ang mga gamit kong dala. "Nasaan kaya si Duday?" Tumingin ako sa paligid. Nang wala akong makitang babae kaya tinawagan ko na siya. "Hello!" "Oh, Celestina nasaan ka na?" "Nandito na ako sa harap ng Joy Bakery." "Okay, sige papunta na ako diyan." "Salamat." Sabay putol ko ng tawag. Habang hinihintay ko siya ay bumili ako ng tinapay. "Magkano ang panderegla?" tanong ko sa tinapay na may palaman na kulay pula sa gitna. Kumunot ang noo ng tindera. "Anong panderegla?" Tinuro ko ang tinapay. "Ito po." Tumawa siya. "Ah, kalihim. Limang piso isa." Ang mahal ng tinapay ang liit naman. "Pabili po ako ng bente pesos at isang 3-1 na kape." "Ano pa?" "Wala na po." Agad niyang ibinigay ang binili ko pagkatapos naghintay lang ako ng dalawang minuto at dumating na si Duday. "Ikaw si Celestina?" Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Tumango ako. "Ako nga po." "Ang sabi sa akin ni sir Ben, galing ka raw probinsya pero mukhang hindi ka naman galing probinsya." Tumango na lang ako. Marahil sa kulay ng balat ko kaya niya nasabi. Maputi ang natural kong kulay ngunit dahil madalas ako sa dagat kaya naging kayumanggi na, pero hindi katulad sa mga tao roon na nasunog dahil sa dagat. Makinis rin ang balat ko ng kaunti. "May lahi po kaming mistisa umitim lang dahil lagi kami sa dagat." "Sabagay, sir Ben ay maputi at makinis ang balat. Halika na at pumunta na tayo sa apartment na tutuluyan mo." Pumara ng padyak si Duday at sumakay kami. Kung tutuusin ay puwede naman lakarin pero dahil may bitbit daw ako kaya sumakay kami sa padyak. "Dito ka titira," sabi ni Duday nang buksan niya ang pangalawang pinto sa second floor. Napanganga na lang ako sa ganda ng loob ng bahay. Dahil bukod sa puro tiles ang loob mukhang bagong gawa pa lang ito. "Ang ganda naman ng tutuluyan ko." "Bagong gawa pa lang kasi itong second floor na ito kaya maganda. Halika ka ipapakita ko sa iyo ang magiging kuwarto mo." Naglakad pa kami ng kaunti ang binuksan niya ang isang pinto. May kama na ang kuwarto at maliit na lamesa. "Lagyan mo na lang ng banig o kaya kutson." Tumango ako. "Salamat." "Celestina, libre ang upa mo rito pero ang tubig at kuryente ay ikaw ang magbabayad." "Naiintindihan ko." "Sa katapusan pa dadalaw si sir Ben dito kaya baka sa katapusan pa kayo magkikita." "Duday, may malapit ba dito na palengke?" "Oo, sumakay ka ng padyak sabihin mo lang sa driver sa palengke." "Salamat, kailangan ko kasing bumili ng mga gamit ko sa bahay." "Sige, sasamahan na kita ngayon para hindi ka mahirapan. Ituturo ko rin sa iyo kung saan ka makakabili ng mga karne at gulay." "Salamat." Nilagay ko sa loob ng kuwarto ang mga gamit ko at pagkatapos ay dumiretso na kami sa palengke. Nag-enjoy ako sa pamimili kaya lang ay kailangan kong tipirin ang pera na dala ko. Lalo na't hindi pa ako nagsisimulang magtrabaho. Bumili lang ako ng banig, isang unan, kumot, isang baso, kutsara, rice cooker, pitsel bigas at dinalata. Mga importanteng gamit lang ang binili ko. Nang makauwi na ako sa apartment ay inayos ko na ang mga pinamili ko, pagkatapos ay tinawagan ko ang magulang ko sa probinsya para sabihin sa kanila na ligtas akong nakarating ng Manila. "Nay, Tay, kumusta na kayo?" sabi ko nang sagutin nila ang tawag ko. "Anak, kumusta ka na diyan sa Manila? hindi ka ba nahirapan?" tanong ni Nanay. Pinilit kong 'wag umiyak. Namimiss ko na agad sila. "Okay naman po ako rito. Ang ganda ng apartment na tinitirahan ko." "Anak, nagkita na ba kayo ng tito Ben mo?" tanong ni tatay. "Sa katapusan pa raw siya pumupunta rito dahil busy daw po siya." "Mag-iingat ka diyan," sabi ni tatay. "Kayo rin po mag-iingat diyan." "Anak, baka kulang ang pera mo magpapadala kami sa iyo," wika ni tatay. "Nay, tay, 'wag n'yo akong intindihan kaya kong makipagsapalaran dito. Kapag hindi ko naman kaya sasabihin ko naman sa inyo. Mag-iingat kayo diyan at kapag nagkaroon na ako ng trabaho pagagandahin ko ang bahay natin." "Malaman lang namin na ligtas ka ay masaya na kami," wika ni tatay. "Sige na po, kailangan ko ng magpahinga dahil maaga akong aalis para maghanap ng trabaho." "Sige, anak." Huminga ako ng malalim nang matapos ko silang tawagan. Pagkatapos ay lumabas ako para puntahan si Duday. Magtatanong ako kung saan lugar ang may hiring na trabaho. "Duday, may alam ka bang malapit na puwedeng pasukan na trabaho?" tanong ko sa kanya. "Ano ba ang natapos mo?" "High school ang natapos ko." "Puwede ka sa mga factory worker pero kung magaling ka sa english mas marami ang trabaho bilang call center." "Marunong akong mag-english." "Tamang-tama ang isang boarders ko diyan ay nagtatrabaho sa call center. Sa pagkakaalam ko ay hiring sila ngayon." "Gusto ko sana siyang makausap para tulungan niya akong ipasok sa trabaho." "Puntahan natin baka nandiyan siya ngayon. Madalas kasi gabi ang pasok niya sa trabaho kaya baka tulog pa siya." Bumaba kami sa first floor ng apartment at kumatok kami sa pangatlong pinto. Isang babae ang nagbukas ng pinto. Sa itsura nito ay halatang bagong gising. "Bakit Ate Duday?" tanong ng babae. "Gina, ito kasing si Celestina naghahanap ng trabaho. Hindi ba't hiring sa kumpanya n'yo? Tulungan mo naman siyang makapasok marunong siyang mag-english," wika ni Duday. "Gano'n ba? Anong cellphone number mo?" Binigay ko sa kanya ang phone number ko. "Magbigay ka rin sa akin ng resume para mamaya ibibigay ko sa agent namin. Pagkatapos hintayin mo ang tatawag sa iyo na agent para sa phone interview. Kapag nakapasa ka sa phone interview bibigyan ka ng instruction para sa susunod mong gagawin." Tumango ako. "Salamat, ibibigay ko sa iyo ang resume ko mamaya." "Okay, good luck. Ilagay mo rin ang pangalan ko sa ibaba ng resume." Tumango ako sa kanya. Nang matapos kaming mag-usap ay kinuha ko ang resume ko para ibigay kay Gina. Ang sabi nila ay maghihintay na lang daw ako ng tawag bukas. "Duday, salamat sa tulong mo." "Naku, walang anuman 'yon." "Hayaan mo kapag kapag may trabaho na ako sa unang sweldo ko ay lilibre kita." "Saka mo na lang ako ilibre kapag nakaipon ka na. Sige na, babalik na ako sa loob ng bahay ko." Tumalikod siya saka tuluyang umalis. Humiga naman ako sa banig at sinubukan kong matulog. "Hays! Nakakapanibago pero kailangan kong kayanin." Pumikit ako at tuluyan na akong natulog. "Laura! Laura! Gumising ka!" Malakas na sigaw ng isang lalaki ang narinig ko. Hinanap ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon. At laking gulat ko nang makita ko ang isang matangkad na lalaki na yakap ang isang babae habang nasa loob sila ng hospital. "Nasa panaginip ako." Bigla kasing nasa loob ako ng hospital at kahit isa sa mga tao sa paligid ko ay hindi ko kilala. Nakatayo sila sa harap ng lalaki na may yakap na babae. Lalapitan ko sana sila upang makita ko ang istura nilang dalawa ngunit tila nakapako ang mga paa ko dahil hindi ko magawang ihakbang. "Laura! Huwag mo akong iwan!' Iyak ng lalaki. Ramdam ko ang hinagpis ng lalaki dahil maging ako ay naluluha kahit hindi ko sila nakikita ng malinaw. "Anak, 'wag kang umiyak gagaling rin siya," sabi ng matandang babae. "Mahal ko gumising ka na." "Ang swerte naman ng babae. Ano kayang nangyari sa kanya?" "Jacob, magiging okay din ang lahat," wika ng matandang babae. Lumapit ang isang doktor at nurse pagkatapos ay tiningnan ang babae na yakap ng lalaki. Tumayo naman ang lalaki habang nagpupunas ng luha niya. Nang humarap ito sa akin ay biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko. "Siya ang groom." Kahit malabo ang mukha niya ay alam kong siya ang palagi kong nakikita sa harap ng altar. "Sino ka?" tanong ng lalaki. Kinabahan ako dahil bigla silang lahat tumingin sa akin. "A-Ako?" tanong ko. "Oo, ikaw!" "Ako si—" Bakit hindi ko alam ang pangalan ko? "Sino ka? Kalaban ka ba?" tanong ulit ng lalaki. Umiling ako. "Kalaban? Hindi ako kalaban." Kinabahan ako nang humakbang palapit sa akin ang lalaki kaya umatras ako para hindi siya lumapit sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako tumatakbo palayo sa kanya. Samantalang kanina lang ay gusto kong makita ang itsura niya. "Miss! Bumalik ka rito!" sigaw niya. Ang mabilis kong hakbang ay nauwi sa pagtakbo na parang ayokong maabutan niya ako. "Miss!" "No! wag mo akong habulin!" sigaw ko. Malakas na tilaok ng manok ang nagpagising sa akin. Nang bumangon ako ay pawis na pawis ako at maging ang suot kong damit ay basa ng pawis. "Panaginip." Tumingin ako sa paligid ko. Hindi ko pala nabuksan ang wall fan nang matulog ako kaya nagising ako sa init. "Alas-kuwatro pa lang ng umaga." Bumangon ako para magpalit ng damit at pagkatapos ay humiga ulit ako. "Bakit ko siya napanaginipan ulit? Mukhang kailangan ko ng magkaroon ng trabaho para malaman ko kung bakit paulit-ulit ko siyang napapanaginipan." Sinikap kong matulog ngunit hindi na ako dalawin ng antok kaya nagtimpla ako ng kape habang inaayos ang mga dala kong gamit. "Ano 'to?" Napansin kong may kuwintas na nakasabit sa loob ng bag ko. Letter J ang pendat niya. "Letter J?" saglit akong nag-isip kung paano ako nagkaroon ng kuwintas. Sa tingin ko kasi ay mamahalin ang kuwintas na hawak ko. Bigla kong naalala ang lalaking katabi ko sa bus. "Ang hudas na 'yon! Siya ang nakakuha ng first kiss ko." Tinago ko sa pitaka ko ang kuwintas. Wala akong balak na ibenta ang kuwintas na 'yon dahil gusto kong ibalik ito sa lalaki para makaganti ako sa kanya. Ngunit siguradong mahihirapan akong mahanap siya dahil may suot siyang eyeglasses. Tinitigan ko ang kuwintas. "Kapag nagkita tayo babasagin ko ng tuluyan ang dalawang itlog mo. Bwiset ka! Magnanakaw ng halik!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD