CHAPTER 1

1957 Words
ALAS-OTSO pa lang ng umaga ngunit sobrang sakit na sa balat ng araw, kahit na nga nakasuot ako ng makapal at mahabang damit. Halos mata na lang ang nakikita sa akin habang nagtitinda ako ng isda sa gilid ng dalampasigan. Madaling araw pa lang ay marami ng mga tao na nag-aabang ng isda para itinda. Mabuti na lang at may sariling bangka ang tatay ko kaya siya na lang nangingisda at sinasama na lang niya ang kumpare niya sa laot. "Celestina!" Ngumiti ako. "Suki! Halika at marami akong tindang isda ngayon," sabi ko. Ang suki ko na si Cheska ang lumapit sa akin. May negosyo siyang car wash at puwesto sa na isda at karne. Sa akin siya bumibili ng isda at pinapatinda niya sa mga trabahador niya sa palengke. "How are you?" tanong niya. Ngumiti ako."I'm good. Today, I have an abundance of fresh fish. How many fish would you like to purchase?" tanong ko. Kapag siya ang kausap ko ay sinasagot ko siya ng english. Natutuwa siya sa akin dahil kaya ko raw siyang sagutin ng english. "As for your intelligence, I didn't think Mang Temyong had a daughter like you." Ngumiti ako sabay tingin sa Tatay kong nag-aayos ng lambat niya na gagamitin sa pangingisda mamayang madaling araw. "It's in our race to be smart. My parents were not only educated but they were smart." "Tama ka diyan! Anyway, kukunin ko na ang sampung kilong isda na ito." Dumukot siya ng pera at inabot sa akin. "Sandali at susuklian kita," sabi ko sa customer ko. Umiling siya. "Keep the change na 'yan. Hindi ko naman ito ititinda. Idagdag namin ito sa handaan mamayang gabi. Kung gusto mo pa lang pumunta sa party ay pumunta kayo ng magulang mo." Ngumiti ako. "Salamat, kapag hindi masyadong busy ay pupunta kami." "Okay, sige, aalis na ako." Nang pakyawin ni Cheska ang isda ko ay tumakbo ako palapit kay Tatay. "Tay! Naubos na ang tinda kong isda." Pinakita ko ang pera at ang balde kong walang laman. Trenta-kilos ang tinda ko kanina pero wala pang isang oras ay ubos na. "Naku, ginamit mo na naman ang charm mo para mabilis maubos ang tinda mo." "Umuwi na tayo para makapagpahinga tayo. Gusto ko na rin matikman ang luto ni Nanay. "Sandali lang at hindi ko pa tapos tahiin ang lambat." Tumango ako. "Hihintayin ko na kayo." "Celestina, mauna ka na kayang umuwi para hindi masunog ang balat mo." "Babalik din po ang dati kong kulay kapag nagtatrabaho ako sa Manila." Napansin kong natahimik si Tatay. Alam ko kasing ayaw niya akong papuntahin ng Manila. Mas gusto niyang dito na lang ako maghanap ng trabaho. Ang gusto ko kasi ay makahanap ng magandang trabaho para mabigyan ko sila ng magandang buhay. Lumapit ako kay Tatay ay inakbayan ko siya. "Huwag kayong mag-alala. Madalas naman akong uuwi rito sa lugar natin. Pangarap ko talagang mabigyan kayo ny magandang buhay. Ayoko na kasing maulit ang nangyari noong magkaroon ng bagyo." "Celestina, anak." "Tay, 'wag kayong mag-alala sa akin." Sabay ngiti ko. Humugot siya ng malalim na buntonhininga. "Kailan mo gustong umalis sa lugar natin?" "Kapag nakompleto ko na ang mga requirements ko. Hindi ba't late registered ako kaya kailangan kong maghintay para makuha ang PSA (Philippines Statistic Authority) ko para makakuha ko ng mga valid Id's at requirements para sa pag-apply ng trabaho." "Mag-iingat ka sa Manila." Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Mag-iingat ako para sa inyo ni Nanay." Tumango si Tatay, saka ipinagpatuloy ang pagtatahi ng lambat niya. Nang matapos ay sabay na kaming umuwi ng bahay. Naabutan namin si Nanay na nagluluto ng pananghalian. "Oh, Celestina, naubos na ba agad ang paninda mo?" Tumango ako. "Ubos na ubos." Sabay abot ko ng pera na pinagbentahan ko ng isda. "Oh, bakit sobra ng limandaan ang kinita mo? Tinaasaan mo ba ng presyo ang isda mo?" Umiling ako. "May mga customer akong galante hindi na kinuha ang sukli, kaya sobra." "Gano'n ba? Oh, sa iyo na 'yan para makapag-ipon ka ng gagamitin mo para kapag pumunta ka ng Manila." Sabay abot niya sa akin ng pera." "Kapag marami na akong pera magpapagamot ako para maibalik ang mga alaala ko noong bata pa ako." Nagkatinginan silang dalawa ni Tatay. Dalawang taon na ang nakakalipas nang abutin ng bagyo ang bahay namin. Nasira ang bahay namin at kasama akong inanod ng tubig. Ang sabi sa akin ni Nanay ay muntik na akong mamatay noon, mabuti na lang ay nakaligtas pa ako. Ngunit ang kapalit noon ay ang pagkawala ng mga alaala ko. Wala akong ibang naalala nang kabataan ko. Gayunpaman, ay hindi naman nagkulang ang magulang ko para punan ang nawala sa akin. "Kung ako sa iyo ay 'wag mo ng isipin kung paano babalik ang mga alaala mo noon. Ang mahalaga ay ang ngayon at susunod na bukas," wika ni Nanay. "Tama ang Nanay mo, Celestina, yung kinabukasan na lang ang isipin mo." Tumango at saka tumingin sa niluluto ni Nanay para maputol ang pinag-uusapan namin. "Wow! Ginataang tulingan ang ulam natin. Siguradong mapaparami na naman ang kain ko." Hinawakan ko ang tiyan ko. "Luto na 'yan. 'wag na kayong umalis dahil maghahanda na ako ng pagkain natin." "Ako na maglalagay ng mga plato at baso sa lamesa." Tumayo ako kinuha ko ang mga plato at baso. Simple lang ang buhay namin dito sa probinsya. Malapit kami sa dagat kaya naman ay sobrang sarap sa pakiramdam. Masipag magtanim ang magulang ko kaya naman madalas mga tanim naming gulay ang kinakain namin. Simple lang kami pero sobrang saya naman kami. Ngunit sa kabila ng lahat ay gusto kong tulungan sila dahil kapag tumanda ayoko na silang magtrabaho. Iyon ang dahilan kung bakit gusto kong magtrabaho sa Manila. Nang matapos kaming kumain ay hinanda naman namin ang ititinda naming meryenda para mamaya. Nagbalat ako ng saging at kamote dahil magluluto si Nanay ng ginataang halo-halo. Magluluto rin siya ng maruya at banana cue. Nagtitinda kami dahil maraming tao sa dagat sa hapon kaya marami kaming customer. Kahit hindi ko na ilako ay sila na mismo ang pupunta sa amin para bumili. Sa pagtitinda kami kumukuha ng gastusin namin sa araw-araw. "Celestina, pabili naman kami ng ginataang halo-halo at turon," wika ni Tomas. Si Tomas ang isa sa mga mangingisda na nanliligaw sa akin. Araw-araw siyang bumibili ng paninda ko. Kinuha ko ang nakabalot na halo-halo at binalot ko rin ang turon. "Salamat." Sabay aboy ko sa kanya ng binili niya. "Celestina, ang ganda mo talaga, kailan mo ba ako sasagutin?" tanong niya. "Tomas, wala akong balak magkaroon ng boyfriend. Bibigyan ko muna ng magandang buhay ang pamilya ko. "Huwag kang mag-alala maghihintay ako sa iyo." Sabay kindat niya. Napangiwi ako sa ginawa niya. Wala talagang kaapel-apel sa akin si Tomas, kahit na nga gumagamit na siya ngayon ng glutatione para pumuti. Gusto niyang magkapareho kami ng kulay dahil baka magustahan ko raw siya kapag magkapareho na kami ng kulay ng balat. "Tomas, marami pa akong pangarap sa magulang ko, kaya wala akong balak maghanap ng boyfriend." "Para sa 'yo handa akong maghintay." "Hays! Bahala ka nga." Pumasok na ako sa loob, pagkatapos kong ibigay ang binili niya. Hindi ko talaga gustong makipag-usap sa kanya. Humiga ako sa papag habang naghihintay na may bumili. Limang minuto pa lang akong nakahiga ay hinila na ako ng antok hanggang sa tuluyan akong makatulog. "Nasaan ako?" Inikot ko ang paligid ko at nakita kong nasa loob ako ng isang airport. Naglalakad-lakad ako upang hanapin ang exit ngunit kahit anong lakad ko ay hindi ko mahanap ang daan palabas. Marami akong nakasalubong na tao ngunit nang pinagtanungan ko sila ay wala silang sagot sa akin. "Miss!" Lumingon ako nang marinigko ang tinig ng isang lalaki. Nakasuot siya ng shades at nakasuot ng puting polo t-shirt. "Sino ka?" tanong ko. "Miss, alam mo ba kung nasa ang exit?" tanong ng lalaki. Umiling ako. "Iyon din ang hinahanap ko." "Nasaan na kaya iyon, kanina pa ako naglalakad." Sumunod ako sa kanya dahil pareho kami ng hinahanap. Hanggang sa biglang nagbago ang lugar. Ang kaninang airport na nilalakaran namin, ngayon ay nasa malaking yate kami. "Paano kami nakarating rito?" Pumasok kami sa loob. Sobrang lawak ng yate lahat ng kuwarto ay malaki. Nang bubuksan ko ang isang kuwarto ay nakarinig ako ng malakas na dagundong mula sa dagat bago pa ako makapag-react ay bigla itong humampas sa yate kaya nabasa ang loob ng yate at nasira ito. "Anong nangyayari?" Nakakapit ako kung saan dahil baka tangayin ako ng tubig. Biglang may humawak sa kamay ko isang lalaki. May dugo ang ulo niya. Marahil ay kung saan ito tumama. "Hold my hands!" sigaw niya. Nang maramdaman ko ang kamay niya ay nakaramdam ako ng takot. Hanggang sa tuluyan na akong umiyak. "Please! Huwag kang bibitaw!" sigaw niya. Ngunit isang malakas na hampas ng alon ang tumama sa akin kaya nabitawan ko ang kamay niya. Hinila ako ng alon hanggang sa ilalim ng tubig. "No! Ayokong mamatay!" sa isip-isip ko. "Celestina, anak!" Nagising ako nang hampasin ako ni Nanay sa balikat. Pawisan ang mukha ko nang magising ako. "Binabangungot ka " Bakas sa mukha ni Nanay ang labis na pag-aalala sa akin. "Nay, napanaginipan ko na naman ang nangyaring bagyo. Pero isang lalaki na ang kasama ko sa panaginip ko." Kumunot ang noo ni Nanay. "Kung ano-ano kasi ang iniisip mo. Bumangon ka na diyan at kumain ng meryenda." Tumayo ako at nagpunas ng pawis. Bakit palagi kong napapanaginipan ang nangyari sa akin noon? Lumabas ako ng kuwarto, pagkatapos ay kumain ng ginataang halo-halo. Naubos na ang tindang banana cue at turon na tinda namin. Ang ginataang halo-halo naman ay halos kalahati na rin. "Ang tagal ko pa lang nakatulog pero sa panaginip ko ay halos iyon lang ang nangyari." Kailangan ko na talagang pumunta ng Manila, para malaman ko kung anong nangyayari sa akin. Nang sumapit ang gabi ay narinig kong nag-uusap si Tatay at Nanay ko. Lumapit ako sa kanila. "Bakit hindi pa kayo natutulog? Maaga pa tayong gigising bukas," sabi ko. Tumingin sila sa akin. "Celestina, pinag-uusapan lang namin ang pinsan ng tatay mo na doktor." "Talaga po, may pinsan kayong doktor?" "Oo, pero hindi naman kami close ng pinsan ko na 'yon dahil lumaki siya sa Manila, ako naman ay dito na lumaki at nagkapamilya. Dalawang beses pa lang dumalaw sa lugar namin si Ben." "Ben, pala ang pangalan ng pinsan mo, tay." Tumango siya. "Balak kong pakiusapan ang pinsan ko na doon ka na lang tumira sa kanya habang nagtatrabaho ka sa Manila." Umiling ako. "Sabi n'yo nga hindi kayo close ng pinsan mo, baka mas lalo akong mailang sa kanya. Kaya ko naman makipagsapalaran sa Manila, kaya 'wag kayong mag-alala sa akin." Huminga sila ng malalim. "Hindi ka na ba talaga namin mapipigilan sa gusto mo?" Umiling ako. "Final na po ang plano ko, 'wag kayong mag-alala dahil lagi naman akong magte-text at tatawag sa inyo." "Sige na, matulog na tayo," sabi ni Tatay. "Nakalimutan kong sabihin sa inyo na inimbitahan tayo ni Cheska na pumunta sa party niya ngayong gabi." "Maaga tayo bukas 'di ba, kaya hindi tayo puwedeng pumunta sa kanila. Mag-text ka na lang sa kanya at sabihin mong hindi tayo makakapunta," wika ni Tatay. Tumango ako at kinuha ko ang phone kong keypad at nag-text ako kay Cheska para sabihin na hindi kami makakapunta. "Nag-text na po ako kay Cheska." Tumayo ako at sabay kaming pumunta sa kuwarto. Maliit lang ang bahay namin pero semento ang kalahati at siyempre may sarili akong kuwarto kahit maliit. Buwan-buwan naming pinapaayos ang bahay namin kahit paunti-unti. Ang mga kinita namin sa pagtitinda ay iniipon namin sa loob ng isang buwan para mapaayos ang bahay namin at maging semento para hindi na tangayin ng alon kapag muling bumagyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD