Parang binagsakan ng mundo si Kaithlyn dahil sa sitwasyong kinasusuungan niya ngayon. She was helpless dahil papaano siya makakatawag ng abogadong maglalabas sa kanya ngayon. Her phone was inside the trunk of her motorcycle. Ni ayaw rin siyang pakinggan ng mga pulis. Naisip niya, pina-prank ba siya ng mga ito ngayon?
Nakasalampak na naupo siya sa sahig sa loob ng selda at nakatingin sa bagong pinturang kisame nito. Mabuti na lamang at maayos ang seldang kinalalagyan niya. In fairness hindi ka matatakot na matulog doon dahil malinis ito at maayos. Alaga sa pintura ang pader at floorwax ang sahig. Kudos sa hepe ng istasyong iyon dahil maayos ang pisikal na pasilidad ng istasyon. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin niya gustong matulog doon. Aba! Wala pang tanghali. Tirik na tirik pa ang araw.
Naalala tuloy niya ang kasamang gwapo at antipatikong lalaking iyon. Bahagyang na-star struck pa naman siya sa kagwapuhan nito ngunit dahil antipako ito ay na-turn-off siya rito. Pero gwapo talaga ito eh. Marami naman siyang na-meet na gwapo dahil sa trabaho niya ngunit ibang klase kasi ang dating nito sa kanya. Iyong tipong biglang napigil niya ang paghinga nang makita ito. Nakakatulala naman talaga! s**t na malagkit talaga! Pero antipatiko talaga! Walang modo! Sayang!
Nasa ganoon siyang pag-iisip, pag-praise sa kagwapuhan nito at pagmumura rito at the same time, nang bigla siyang tinawag ng isang pulis. Lumapit ito sa kinaroroonan niya pagkatapos ay binuksan ang pinto ng bakal na selda. Parang nagbukas ang pinto ng langit at nagliwanag ang paligid dahil doon.
Biglang tumalon ang puso niya nang sabihin ng mamang pulis na makakalabas na siya kaya dali-dali ang pagtayo niya at mabilis pa sa eroplano na lumabas. But then she creased her brows when she saw the lawyer, the same lawyer of that handsome yet arrogant guy. Nakikipag-usap na ito sa pulis habang lumalapit siya rito. At nang makaupo siya ay nakompirma niyang ito nga ito at siya talaga ang pakay niyon.
"Take care, Miss," wika nito sa kanya nang matapos ang usapan nito at ng pulis. Tumayo na ito at nagsimulang maglakad palabas.
Mabilis siyang tumayo at hinabol ito.
"Wait, attorney!" tawag niya rito ngunit nakapasok na ito sa loob ng sasakyan kaya naman wala siyang nagawa kundi ang tanawin na lamang ito habang papalayo ito. She sighed before going to her motorcycle. Hindi man lang siya nakapagpasalamat dito.
Habang sinisimulang paandarin ang kanyang motor ay hindi mawala sa isipan niya ang lalaking iyon. Kung ang abogado nito ang tumulong sa kanya upang makalabas siya ay paniguradong dahil iyon sa utos ng lalaking iyon, ng lalaking kanina pa niya pinapatay ng mura sa kanyang isipan. Pero dahil ito ang dahilan nang kanyang paglabas ay erase, erase na iyon. Napangisi siya sa sarili dahil doon.
Then parang walang nangyari dahil muli niyang na-enjoy ang paglalakbay. Nawala na sa isip niya ang nangyari kanina at kung saan-saan na naman siya napadpad kasama ng pinakamamahal niyang motorbike.
At night time, she decided to stay on a resort which was less crowded than the others and with a very cozy homey ambiance. Maraming resort na ang nadaanan niya dahil pagabi na ngunit binalikan talaga niya ang resort na iyon na nakakuha ng pansin niya.
She entered in a pebble pathway going to the receiving area of the resort. She can see modern cottages in different sizes. Ipinarada niya ang motorsiklo bago tinungo ang counter kung saan naroroon ang babaeng receptionist. She smile at her when the receptionist flashed her welcome smile.
"Good evening, Ma'am. Welcome to Breeze Resort," bati sa kanya ng nakangiting receptionist.
"Good evening. Do you still have a vacant room?" tanong niya rito.
"Marami pa po kaming bakanteng kwarto, Ma'am. Mayroon din kaming small cottages good for one if you like," imporma nito sa kanya. "If you want sasamahan ko po kayo roon."
"Would that be okay?" tanong niya. Nahiya naman siyang tingnan ang room at kung hindi niya magustuhan. But definitely she will take it because it was hazzle on her part to go look for another one. She wanted to take a bath, dine and sleep.
"It's a protocol, Ma'am," nakangiting wika nito sa kanya bago ito naglakad patunfo sa sinasabi nitong cottage. Sumunod naman siya rito.
Nasa labas pa lamang siya ng maliit na cottage na iyon ay nagustuhan na niya ito. Very homey kasi talaga ang nasa labas. May maliit itong balkonahe at may naka-display na native na upuan. When the receptionist opened it, she smiled dahil maganda rin ang nasa loob nito. A double sized bed, a native lampshade, a set of table and chair, a built-in closet and it has a bathroom inside too.
"I'll take it," nakangiting wika niya sa receptionist.
Gumanti naman ito ng ngiti at naglakad palabas ng cottage na siya namang sinundan niya. They went back towards the receiving area and do the transaction and even ordered her dinner. Tinanong na rin niya kung mayroong convenience store sa lugar and she was surprised that it was inside the premises. May restaurant din doon. Kinuha niya ang mga gamit sa kanyang motorsiklo at tinungo ang convenience store na sinasabi nito, bought what she needed and went straight towards the cottage.
Malamig ang paligid at nakakaenganyong maglakad sa dalampasigan kung saan naririnig niya ang paghampas ng mga alon. It was relaxing and refreshing kaya naman naisip niyang hindi niya ito palalampasin. A skinny dipping wouldn't be bad and that's what she did while waiting for her meal. She asked to served her meal by eight thirty in the evening so she has lots of time to do it.
At hindi nga siya nagsisi sa naging desisyon. The water was cold and refreshing and it took away her exhaustion. She swam back and forth hanggang sa magsawa at mapagod siya bago nagdesisyong umahon at magtungo sa kanyang cottage.
She was on her way, wearing her undergarment, a sexy lacey pair of black undergarment, when she heard a whistle. Hinanap niya kung saan nanggaling iyon ngunit dahil sa madilim ang paligid. Palinga-linga siya ngunit wala siyang makitang kahit sinong naroroon. All she can see were trees, coconut trees nearby. Baka may maligno lamang o guni-guni lamang niya iyon. With that, napailing na lamang siya at nagsimulang maglakad pabalik sa kanyang cottage upang makapagbanlaw at makakain.
As she started to walk, the whistle continued. Muli siyang napatigil sa paglalakad at palinga-linga sa paligid. Hindi naman siya natatakot na baka may mangyaring hindi maganda sa kanya because she knew how to defend herself. Nameywang na siya at may bahagyang inis na nararamdaman and with that, she heard another whistle. She closed her eyes to listen where the whistle was coming from. It was one of the trees kaya naman ay nagsimula siyang maglakad patungo roon ngunit nasa kalagitnaan pa lamang siya nang may tumawag sa kanyang pangalan.
Lumingon siya at nakita ang receptionist na nag-entertain sa kanya kanina. May kasama itong lalaki na may hawak na tray na malang ay ang kanyang hapunan. May hawak naman itong bag na hindi niya alam kung ano ang laman. She turned around towards her direction pero bago iyon ay muli niyang sinulyapan ang puno kung saan nanggagaling ang pagsipol na iyon.
Whoever it was ay nakaligtas ito sa kanyang panggugulpi. Good heavens!