Nagtaka man si Kaithlyn kung bakit siya pinapapunta ng pulis sa presinto ay hindi na lamang siya nagtanong pa at basta na lamang sumunod dito. Wala naman kasi siyang alam na atraso rito o kaya naman ay problema o violation para tawagin nito ang pansin niya.
Ilang sandali lamang ang binaybay nila bago marating ang presinto. Inihinto niya ang motorsiklo sa tabi ng isa pang motorsiklong mamahalin. Napangiti siya nang pasadahan ng tingin ang motorsiklong iyon. Mas mahal iyon keysa sa motorsiklo niya at mas bago ang modelo nito. Nang makababa siya ay pinaglandas pa niya ang kanyang kamay sa katawan ng motorsiklo. Kakaibang excitement ang naramdaman niya nang sumagi ang balat niya sa malamig na metal.
Maraming eksena ang pumasok sa isipan niya dahil doon ngunit naputol iyon nang tawagin siya ng mamang pulis papasok sa loob. Tinanggal niya ang helmet at inilapag iyon sa ibabaw ng kanyang motor bago sumunod sa loob.
Mangilan-ngilan lamang ang mga naroroon dahil hindi naman kalakihan ang presinto ng lungsod. Ngunit naagaw ang pansin niya ng isang lalaking kausap ng isang pulis. Matangkad ito at maganda ang pangangatawan na bakat na bakat ang muscles sa suot nitong itim na leather jacket. Nakatalikod ito sa kanya kaya naman hindi niya nakikita ang mukha nito ngunit batid niyang magandang lalaki ito. Well, sa palagay lang naman niya iyon.
Sumenyas sa kanya ang mamang pulis na nagpapunta sa kanya sa presinto na umupo sa harap ng table nito na siya namang ginagawa niya.
"Is there any problem?" Inunahan na niyang tanungin ito dahil baka kung ano pa ang sabihin nito sa kanya at malamang sa hindi niya ito magustuhan.
"Ma'am, you have violated Muffler Act of 2016," sagot nito sa kanya na ikinakunot ng kanyang noo.
Muffler Act of 2016? Alam niya ang muffler pero ano ang kinalaman niya roon? Hindi ata niya maintindihan ito.
"Wait! You're saying to me na kaya mo ako pinatawag dito dahil sa motorsiklo ko? Muffler? I didn't even change my muffler. It was built that way and how come that I violated that act? Marunong ba kayo sa motorsiklo? Or are you even aware of the jurisdiction of that law?" malditang wika niya sa pulis.
"Ma'am, hindi po kasi pwede---,"
" So anong gusto mong gawin ko? Tanggalin ang tambutso ng motor ko ganoon?" mataray pa ring wika niya sa pulis na medyo tumitiklop na ata sa katarayan niya.
Well, dapat lang dahil wala naman siyang nilabag na batas doon. Kompleto sa papeles ang kanyang motor at may lisensiya siya kaya dapat lang na liwanagin nito kung ano ang ginagawa niya.
"Ma'am, sumusunod lang po kami sa batas," wika ng pulis sa kanya.
"Binasa mo bang maigi ang nakasaad doon? As far as I know, big bikes do not violate that law. Ibig sabihin exempted!" sagot niya rito. "Nasaan na ang Chief ninyo? You call him!"
"Ma'am, tumawag na po kayo ng abogado ninyo. Sige pakidala 'yan sa loob kasama ng isa," utos nito sa dalawang pulis na kasama nito.
"Wait! Wait! Huwag niyo akong hahawakan! This is a violation on human rights!" wika niya sa mga ito ngunit hindi nagpatinag ang ito at pwersahang dinala siya sa loob ng selda. "I will file a case on all of you!" sigaw niya ngunit walang narinig ang mga ito.
Kinalampag niya ang selda at pilit na tinatawag ang mga pulis na iyon ngunit busy na ang mga ito sa kani-kanilang mga gawain.
"Palabasin niyo ako rito. This is not right!" sigaw niya.
Napahawak siya sa sariling buhok dahil sa frustration na nararamdaman. Hindi niya sukat akalain na hahantong ang bakasyon niya sa kulungan. And too bad because her phone was on her motorcycle. Paano siya ngayon magtatawag ng tulong?
At bakit ganoon naman ang mga pulis na iyon? Binasa at inintindi ba ng mga ito ang nakasaad sa batas na iyon? Mukhang hindi ata. O baka naman baguhan lang ang mga ito dahil mukhang bata pa ang mga mukha. Wala sa sariling napabuga siya ng hangin at naisipa ang paa sa selda dahilan para mamilipit siya sa sakit. Peste!
Napakapit siya sa bakal at iniangat ang paang nasaktan at hinimas-himas ito. Useless ang sapatos na gamit niya dahil nasaktan siya sa ginawa o kaya naman ay sadyang malakas lamang ang pagkakasipa niya sa seldang bakal.
Hindi rin sinasadyang napatingin siya sa kanan at nakita ang pagtitig sa kanya ng lalaking iyon. Nakataas din ang sulok ng labi nito na parang pinagtatawanan siya.
"Are you mocking at me?" mataray na tanong niya rito.
"If you aren't stupid, why kick the metal?" patuyang wika nito sa kanya.
"Will you mind your own business?" mataray pa ring wika niya rito na ikinangiti nito.
Peste! Bakit sobrang gwapo naman ata nito ngayon lang niya napansin. Ang tipid na ngiti nito sa kanya ay ibang klase. It was so appealing, but she ignored it. Erase erase! Pinagtatawanan siya nito. It's not good! Isa pa hindi siya dapat nakikipag-usap sa estrangehero.
"Muffler?" muli nitong tanong sa kanya.
"Narinig mo naman siguro 'di ba?"
"You shouldn't act like that," wika pa nito sa kanya.
"Ano bang paki mo? Sino ka ba? Parehas lang naman tayong nandito. And besides tama naman ako at sila ang mali!"
"We are inside their territory," giit nito sa kanya.
Hindi na niya napigil ang sarili at lumapit siya rito at doon niya napatunayan na magandang lalaki talaga ito. Papable na papable ito! Pero kahit ganoon ay antipatiko pa rin ito kaya bawas pogi points ito.
"You should take a picture. It will last longer," wika nito sa kanya.
Tinaasan lamang niya ito ng kilay.
"Oh, too bad wala kang dalang cellphone. Let me guess, nasa motor mo." He tsked! "How can you ask for help?"
"Ano bang paki mo?" tanong niya rito.
"Sayang kasi ang ganda mo kung dito ka sa kulungan matutulog."
"Hoy! Para sabihin ko sa iyo, hindi ko hahayaang dito ako matulog because in the first place wala akong ginawang masama o nilabag na batas. Sila? Meron."
Nilayasan niya ang lalaki at muling bumalik sa harapan ng selda at pilit na tinatawag ang mga pulis na naroroon para palabasin siya. Ngunit wala talaga, wala talangang pag-asa.
"Okay lang iyan. Twenty-four hours ka lang naman na maglalagi rito," wika nito sa kanya.
"What did you say? Hindi ako maglalagi rito," sagot niya.
"Believe me," wika nito sa kanya pagkatapos ay nahiga sa sahig na nilatagan ng karton.
Wala sa sariling napaupo siya sa malamig na sahig dahil sa kawalan ng pag-asang makalabas agad. Twenty-four hours? Matagal iyon! Hindi ata niya maatim na mamalagi sa kulungan ng dahil lang sa katangahan ng iba. Humanda talaga ang mga ito kapag nakalabas siya dahil kakasuhan niya ang mga ito.
Halos isang oras na siya roon ngunit wala pa ring nangyayari sa kanya.
"You should stay here," narinig niyang wika ng lalaking iyon sa kanya. Tinapik nito ang karton.
Hindi niya ito pinansin bagkus ay inayos ang pagkakaupo sa harap ng selda. Sakaling maawa sa kanya ang mga pulis at palabasin na siya. Ngunit lumipas na ang maghapon ay wala pa ring nangyari. Sinulyapan niya ang relo na nakasabit sa isang pader at alas-tres na ng hapon. Wala na talagang pag-asa na makalabas siya ngayon. Hanggang sa may lumapit na isang pulis at tinawag ang lalaking kasama niya sa loob.
"Paano ba 'yan?" wika nito sa kanya.
Binuksan ng pulis ang selda at pinalabas ito.
"Wait! Bakit siya lalabas at ako hindi?" tanong niya sa pulis na nagpalabas rito.
"Tawagan niyo na lang ho iyong abogado niyo," wika nito sa kanya pagkatapos ay umalis sa harapan niya.
"How can I call my lawyer when I don't even have my phone?" tanong niya ngunit hindi na siya nito pinansin. Hindi na siya pinansin ng mga ito.
Nakita niya ang pakikipag-usap ng lalaking iyon sa mga pulis kasama ang isang may katandaang lalaki na malamang ay abogado nito. Pagkatapos noon ay sabay na lumabas na ang mga ito. Nanlumo siya. Nainggit dahil nakalabas na ito samantalang siya ay mukhang maglalagi sa kulungan ng bente-kuwatro oras. Pero hindi niya hahayaan iyon.
"Hey! Let me have my phone. Nasa motor ko," sigaw niya sa mga naroroon ngunit walang pumapansin sa kanya.
Halos mamaos na siya sa kakakausap at kakasisigaw sa mga ito nguniy wala pa ring pumapansin sa kanya.
"Humanda kayo kapag nakalabas ako rito. Kakasuhan ko kayong lahat! This is a violation on human rights!"
Narindi na ata ang isa sa kanila kaya lumapit ito sa kanya.
"Ma'am, maingay na po ang mundo. Manahimik na lang po kayo riyan dahil baka magtagal pa kayo rito kung ganyan ang ginagawa niyo."
Oh no! This can't be happening!