Chapter 4

1752 Words
"Hurry up!" naiiritang wika ni Tatiana sa kaniya. Nagmamadaling tinakbo niya ang kinaroroon ng kaniyang motorsiklo at mabilis na sumakay roon. Hindi sana iyon ang gagamitin niya papunta sa trabaho ngunit late na siyang nagising dahil sa sobrang pagod niya mula sa pagliwaliw sa ibang lugar. Kung bakit naman kasi hindi in-adjust ni Tatiana ang schedule nila para sa pagtingin sa bago nilang project. Kahit isang araw lang naman sana para makapagpahinga siya. Hindi rin naman niya ito masisi dahil hindi naman kasi nito sinabi na mag-out of town siya. Pero kasi, alam naman nito na nagbakasyon siya pero hindi pa rin nito iayos ang schedule nila na ikinainis din niya. Kaninang umaga rin lang nito sinabi sa kanya. Correction, kaninang paggising niya pala and that was an hour ago. See the stress she gave to her with that one hour? It was frustrating because she was in dreamland and was awaken by her calls. At mas lalong nagpainis sa kanya ang pagsabi nitong nasa project site na ito at hinihintay siya. Mabuti na lang daw at nasa Japan ang may-ari at tanging ang general manager lamang ang naroroon. Well, she was fortunate at that matter. Mabilis na pinatakbo niya ang motorsiklo patungo sa address na sinabi sa kanya ng kaibigan. The traffic was heavy kaya naman ipinagpapasalamat niya na ang motorsiklo niya ang gamit niya ngayon dahil nakakasingit pa rin siya sa makipot na daan at pagitan ng mga sasakyan. She kept on glancing at her wristwatch to check the time. Halos kinse minutos na siyang nasa daan at may kalayuan pa ang pupuntahan niya. Sinipat niya ang maaaring lusutan bago pinaharurot ang kanyang motorsiklo hanggang sa mapadpad siya sa isang diversion road. To her luck, nakalusot naman siya kaya naman mas pinabilis pa niya ang pagpapatakbo ng kaniyang motorsiklo ngunit sa kaniyang pagliko ay may nakasalubong siyang isang itim na sasakyan dahilan para gumeywang ang kanyang motorsiklo at dahil mabilis ang pagpapatakbo niya ay hindi na siya nakontrol ito at bumagsak siya sa kalsada. Napamura siya dahil doon lalo na at nagalusan ang kanyang pinakamamahal na motorsiklo. Kabago-bago pa naman niyon. At talagang ang motorsiklo pa niya ang inalala niya at hindi ang sarili niyang nagtamo ng gasgas sa kaliwang siko at tuhod. Napunit nang bahagya ang kanyang leather jacket maging ng kaniyang pantalon ngunit hindi niya ito alintana lalo na at panay ang tunog ng kaniyang cellphone. The car also stopped few meters away from her maybe to check on her but her phone kept ringing kaya naman ibinangon niya ang kaniyang motorsiklo, hindi alintana ang gasgas na natamo, at pinaharurot ito paalis. Late na siya. Sobrang late na siya at siguradong parang armalite na naman ang bunganga ni Tatiana kapag nakita siya nito. Few minutes later and she was now parking in front of the newly contructed building. Pagkababa niya ay mabilis na tinakbo niya ang kinaroroon ng kaibigang naiinip na sa paghihintay sa kanya. Bahagya nang kumikirot ang kanyang mga sugat dahil sa pagtakbo ngunit hindi na niya iyon pinagtuonan pa ng pansin at mabilis na hinanap ang kaibigan. Nang makita siya nito ay agad itong tumayo at sinalubong niya na matalim ang tingin. Ibinigay nito sa kanya ang kanyang notepad at iniabot naman niyia ang jacket niya rito. "Bakit ba ang tagal mo?" tanong nito sa kaniya na nakasimangot. "Kung sinabi mo kasi sana sa akin kagabi na ngayon ang appointment natin ay baka, baka lang, inagahan ko sana ang paggising," mahina ngunt madiing wika niya. Ayaw rin naman niyang makita sila ng mga naroroon na nagtatalo sila. Mukhang na-guilty naman ito kaya naman nag-peace ito sa kaniya. "Where is he?" tanong niya sa kaibigan. She was pertaining to the general manager who's incharge of this project. "May kinausap lang sandali," sagot nito sa kaniya,. "Oh! That was him," dagdag pa nito nang makita ang papalapit na lalaki sa kanila. PInaningkit niya ang kaniyang mga mata habang pinagmamasdan ang sinasabi nito. Parang pamilyar sa kaniya ang lalaki. "Is that Mr. Go?" tanong niya kay Tatiana. "Yeah. The one and only." Mr. Go was also her client before. Mga dalawang taon na ang nakakalipas siguro. Hindi siya sigurado kung kailan talaga ngunit naging kliyente na niya ito. Alalang-alala niya ito dahil lagi itong nai-stress sa amo nito, maging siya na rin, dahil sa dami nang pinapabago at the last minute. Pero according to him, hindi mismo ang boss nito ang nagpapabago kundi ang kasintahan ng boss nito. Hotel ang pinagawa nito sa kanya noon. "Hello, Mr. Go," bati niya sa bagong dating nang makalapit ito sa kanila. Binigyan niya ito nang malapad na ngiti. Good thing ay naalala pa siya nito at ang serbisyon nila. "Good morning, Ms. Saavedra. It's nice to see you again," sagot naman nito sa kaniya. "Thank you for choosing us in this projec. It's a great honor for the second time around," wika niya rito. "Pasensiya na rin pala sa paghihintay." "Nah! That's not a problem. And regarding with your service ay nagustuhan ng CEO ang kinalabasan ng de-ni-sign ninyong hotel kaya naman ay hinanap talaga kita. Good thing wala kayong project ngayon." Ngumiti pa ito sa kaniya. Hindi naman sa wala silang project. Sa totoo lang ay marami silang project ngunit minor lamang. Katatapos lang din ng malaking project nila pero ngumiti na lamang siya sa sinabi nito upang hindi na ito humaba pa at nang makapagsimula na sila sa kanilang pakay. Useless lang din naman na makipag-argumento siya rito dahil hindi naman iyon importante sa trabaho niya ngayon. Why not use her energy on useful things? "So let's start?" tanong niya kay Mr. Go at nagsimula na nga sila kasama ng ilan pang mga incharge sa proyektong ito habang siya naman ay kasama si Tatiana. Matapos ang halos tatlong oras na pakikipag-transaction sa mga ito ay saglit silang nagpahinga. Pero habang kumakain ay hindi pa rin tumigil sa pagtatrabaho. Working break nga 'ika nga kaya naman ay halos hindi rin siya nagpahinga pa hanggang sa matapos iyon nang halos kalahating araw. At sa buong proseso ng transaction nilang iyon ay noon lamang napansin ng mga ito lalo na si Tatiana ang mga sugat niya. "What happened to you?" nagtataka at nag-aalalang tanong sa kaniya ni Tatiana dahilan para mapatingin din sa kaniya ang iba pa. She looked at herself then shrugged her shoulders saying, "Just a minor accident along the way." Mr. Go then asked someone to get a first aid kit but she insisted not to dahil babalik na rin naman sila sa opisina. Isa pa ay gasgas lang naman iyon at tuyo na ito. Mas maiging matingnan niya iyon sa opisina. But then Mr. Go insisted to take the kit with her kaya naman tinanggap niya iyon at ibinigay sa kaibigan bago nagpaalam sa mga ito upang asikasuhin ang mga kakailangan para sa decorations ng building. Hindi pa nga iyon tapos eh. Initial pa lamang iyon. "I'll use the restroom first," wika niya kay Tatiana kaya naman ay doon ang tungo nila pagkatapos magpaalam kay Mr. Go. While walking towards the restroom ay napansin niya ang pagdating ng iba pang tauhan or maybe it was Mr. Go's boss dahil yumuko pa ito upang batiin ang lalaki. Nakita rin niya ang pagturo nito sa kanilang direksiyon ngunit hindi na niya nakita pa ang pagsagot ng lalaking bagong dating dahil tinawag siya ni Tatiana na nasa pintuan na ng palikuran. Meanwhile, Cedric glanced at the direction where Mr. Go pointed. Nakita niya ang pagpasok sa palikuran ng babaeng sinasabi nitong interior designer ng building. Napalunok siya. She has a sexy ass and seems like waving at him while she was walking. Damn! Naisip niya kung ano ang pakiramdam ng mga palad niya kung dumapo iyon sa matambok na pang-upo nito. He never broke his gaze at her until she disappeared from his sight. Kasama raw nito ang assistant nito at ayon pa kay Mr. Go ay mukhang naaksidente pa raw ang babae pagpunta rito. Iyon marahil ang punit sa may bahaging tuhod sa suot nitong pantalon. Then he remembered the accident happened in the street this morning involving his car and a motorcycle. He was wondering what happened to the rider dahil nang balak puntahan ng kaniyang assistant s***h driver na si Nico ay pinaharurot ng sakay nito ang motorsiklo nito. With that ay mukhang hindi naman grabe ang natamo nito kung mayroon man. Another thing was, he was reminded with the motorcycle itself. Naalala niya ang dalagang nakasama niya sa seldang iyon noong nakaraang linggo nang magliwaliw siya sa norte. The lady and that rider has the same motorcycle. Hindi lang kasi niya matandaan ang numero ng plaka nito kaya hindi niya masabi at makumirma kung ito ba talaga iyon. Marami na rin kasi ang nagmamay-ari ng ganoong klase ng motorsiklo. He sighed. "How was it?" tanong niya kay Mr. Go. "Naibigay na namin ang initial na plan and designs na nais ninyo. Then we'll set another date for the approval," sagot sa kaniya ng general manager. "That's good then. Give them a month to finish the project," wika niya pagkatapos ay nagsimulang maglakad para sa inspection na gagawin. Actually nanggaling na siya rito kaninang umaga at dito sana siya mananatili maghapon ngunit kailangan ang presensiya niya sa main office kung kaya't sumaglit muna siya roon bago bumalik dito. Nang nasa opisina na siya ay kaagad niyang hiningi ang profile ng interior designer na kinuha ni Mr. Go. Her ass was something to remember. Going back, ayon kasi Mr. Go ay ito rin ang kinuha nito noong nagpagawa siya ng hotel at in-charge pa noon ang kaniyang ex-girlfriend na si Agnes. Naalala niya na natagalan ang proyektong iyon dahil sa dami ng pinabago ni Agnes. Mabuti na lamang at pasensiyosa ang interior designer na nakuha nila kaya naman natapos din sa awa ng Diyos. Now, Mr. Go asked for her again dahil noong mga nakaraang proyekto nila ay may mga project din daw ito kaya hindi nila ito nakuha. Ngayon lang daw ito bakante kaya naman nang imungkahi iyon sa kaniya ni Mr. Go ay kaagad niyang inaprubahan. "Here's her bio, Sir," saad ni Nico sabay abot sa kaniya ng folder. He took and opened it and a smile creeped on his face seeing the photo attached on it. "Kaithlyn Saavedra," basa niya sa pangalan nito. Tumingin siya kay Nico. "Inform me regarding the next meeting with her." "Okay, Sir," sagot nito sa kanya bago ito lumabas ng opisina niya. "Brace yourself when we meet again, Kaithlyn. Brace yourself."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD