Inlove na nga ba siya kay Cedric? Agad-agad? Parang hindi yata gustong tanggapin ng isipan niya iyon maging ng kaniyang puso dahil in the first place, ayaw niyang ma-inlove siya. That's a no, no, no! Nakakapagod kayang magmahal. Nakakapagod masaktan. Ayaw na niyang maramdaman iyon kaya nga simula ng mag-break sila ng walang hiyang ex-boyfriend niya na ipinagpalit siya sa chakang babaeng iyon ay ipinangako niyang mamahalin na lamang niya ang big bike niya. Buti pa iyon hindi siya masasaktan.
"Natulala ka na!" bulalas ni Tatiana sa kaniya. "Ganoon na ba kahirap ang tanong ko? Pero mukhang ganoon na nga ang lagay. In denial ka lang."
"There's no such thing as love at first sight," sagot niya.
"Wala naman akong sinabing na love at first sight ka. Ang sinasabi ko inlove lang, walang at first sight. Ito iba na ang tama sa ulo," saad nito sa kaniya.
Oo nga naman. Wala naman kasi talagang ganoong usapan at kung bakit naging advance ang utak niya. Pero ano nga ba ang nilalaman ng puso niya? Inlove na nga ba siya? Or was it just an attraction? Pangangailangan ng katawan. Pero hindi kasi siya ganoong klase ng babae. She never had it with other men kahit pa sabihing marami na rin siyang naging nobyo. She never gave it to her ex-boyfriends. Pero bakit naibigay niya iyon kay Cedric na hindi nga niya boyfriend lalong hindi niya kaibigan or whatsoever. Wala. As in wala! She was confused as to why she did that but then the attraction, aaminin niyang sobrang attracted siya rito. Baka nga iyon ang sagot. Extreme attraction with him.
Naisip din niya, ano kaya ang tingin sa kaniya ni Cedric ngayon? Naiisip ba nitong easy to get siya? Kaladkarin? Napabuntong-hininga siya sa naisip.
"Alam mo... pwede ka namang maglaro kung gusto mo. Malaki ka na, alam mo na ang tama at mali. Pero eto ha? Suggestion ko lang naman. Magpaanak ka nalang kay Cedric," mungkahi nito sa kaniya.
Siya naman ang nagbigay ng batok sa kaibigan dahilan para samaan nito ang tingin sa kaniya.
"Anak agad? Advance talaga iyang utak mo," saad niya rito.
Inilapag nito ang hawak na fried chicken at hinarap siya. "Hello! Saan pa ba hahantong 'yang ginagawa niyo? Nag-condom ba kayo? Paniguradong hindi. Withdrawal ba? Paniguradong hindi. Kaya sa malamang bata ang labas niyan. And, Bess first time mo, right? Kaya ka nga parang lantang talelong diyan."
Natameme siya sa sinabi ng kaibigan dahil tama naman lahat ang mga iyon. Walang halong biro. Ang mindset nila ng kaibigan ay be practical, be real. Friends sila eh. Alam nila ang likaw ng utak nilang dalawa. Sanggang-dikit sila.
"Igaya mo naman ako sa iyo," wika niya.
Ito naman ang napabuntong-hininga at medyo nalungkot ang mukha.
"Huwag mo na ngang ipaalala. Malulungkot lang ako mas lalo. Kaya nga enjoy 'di ba?"
She hugged Tatiana. Kung siya kasi nalilito lang dahil sa feeling niya kay Cedric, iba naman ang problema nito. Tatiana's boyfriend for five years, she broke up with him dahil niyaya na siya nitong magpakasal and Tatiana, ayaw nito ng commitment sa kahit sinong lalaki for a lifetime. Gusto lamang ni Tatiana na magkaanak. She was actually pregnant at silang dalawa lamang ang nakakaalam niyon.
To make things lighter between them ay sinimulan na niyang buksan ang mga ibinigay ni Cedric sa kaniya. Ang iba sa mga iyon ay ibinigay niya sa kaibigan na willing naman nitong tinanggap. Matapos ang chikahan nilang dalawa ay inihatid niya ang kaibigan sa labas ng apartment niya habang hinihintay ang taxi na tinawagan nito.
Nang makaalis na ang kaibigan ay naglakad na siya pabalik sa loob ng kaniyang apartment ngunit bigla na lamang siyang napatigil dahil sa pag-flash ng ilaw ng isang motorsiklo na mismong nakaharap sa kaniya. She turned around, her hands on her face, and saw a silhouette of a man climbing down his bike. She knew who it was in just a short span of time. Nang mamatay ang ilaw ay doon niya nakumpirma na ito nga ito. He was now walking towards her.
"Gabi na! What brought you here?" tanong niya sa bagong dahil na sobrang nakakaakit dahil sa ayos nito, rugged look, unruly hair. A bad boy image which was different from the usual attire she often sees.
"I just missed you. Masama ba?" balik-tanong nito sa kaniya na ikinawala na naman ng puso niya.
"You saw me. You can go home."
"Have you taken your meds? How are you feeling?" sunod-sunod na tanong nito sa kaniya.
Muli ay tumibok-t***k na naman ang puso niya dahil sa concern nito. But then dapat lang naman na concern ito sa kaniya dahil ito naman ang may dahilan kung bakit medyo masama ang kaniyang pakiramdam.
"I'm fine. Buhay pa naman ako. Sige na, umuwi ka na. I'll rest. Salamat sa binigay mo but next time do not do that."
"Why? Is there something wrong with pampering my woman when I know she's not feeling well?" tanong nito sa kaniya.
My gosh! My woman? Bigla siyang hindi makahinga dahil doon. Bigla tuloy uminit ang buong gabi dahil sa sinabi nito. Masyado talagang matabil ang dila nito. Napailing na lamang siya ngunit hindi nakaligtas ang pagkawala ng mga ngiti niya sa labi.
"Go!"
Parang walang narinig ang binata sa sinabi niya bagkus ay mas lumapit pa ito sa kaniya at walang sabing ikinulong siya nito sa mga bisig nito. Siya naman ay nakatayo lamang at walang ginawa habang nakayakap ang binata sa kaniya. Naramdaman din niya ang paghalik nito sa kaniyang ulo at ang paghigpit ng mga yakap nito sa kaniya. Hanggang sa bumaba ang mga labi nito sa kaniyang mga labi. The kiss was passionate, it wasn't a demanding one like how she used to kiss her. Matapos ng halik na iyon ay muli siyang niyakap ng binata.
"Go inside. I'll go kapag nakapasok ka na," wika nito sa kaniya na ikinatango niya.
Nang makapasok siya sa loob ng kaniyang apartment ay sumakay na rin ang binata sa motorsiklo nito bago pinaandar ito paalis. She leaned on the closed door trying to calm herself. Kung hindi kasi siya nagpigil ng sarili ay malamang dito na niya pinatulog ang binata but she was not really feeling well. She needed rest and she needed space to recollect herself dahil parang naiiba na ang direksiyon ng buhay niya lalong-lalo na kung ang binata ang pag-uusapan.
Hindi pa siya nakakaalis ng pinto nang makarinig ng mga katok. She creased her forehead and looked at the peephole only to finf out Cedric was there standing. What was he doing here? She was debating with herself kung pagbubuksan ba niya ang binata o hindi. Then he knocked once again. She took a deep breathe at agad niyang binuksan ang pinto.
"I thought you went home?" tanong niya rito. "May problema ba?"
"I just want to be with you. Hindi rin naman ako makakatulog sa kakaisip kung okay ka na o hindi. Promise, I just want to cuddle with you and no monkey business. Will you let me?"
Hindi niya mapigilan ang pagsilay ng mga ngiti sa labi at dahil doon mukhang nakahinga naman ang binata. Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto at pinapasok ang binata na tumalima naman agad.
"Coffee? Beer? Water?" tanong niya rito.
"Aren't you going to sleep?" balik-tanong nito sa kaniya.
"I was about to pero ililigpit ko muna ang mga iyon." Turo niya sa mga binigay nito.
"I'll help you then para makapagpahinga na tayo," wika nito at kinuha ang mga iyon. Sounds like magjowa sila.
Sumunod siya rito at binitbit ang ilang naiwan ng binata bago tinungo ang kaniyang kwarto kung saan niya inayos ang mga iyon. Si Cedric naman ay hindi alam kung saan pupwesto, kung tatayo ba o uupo.
"Maupo ka kaya," wika niya rito pagkatapos ay itinuro ang kaniyang kama na agad naman tumalima.
Hinubad nito ang jacket na suot maging ang sapatos at medyas nito, ang relo, kwintas at kung ano pang nakakabit sa katawan nito. Nang matapos niya iligpit ang mga ibinigay nito ay jumuha siya ng maluwang na t-shirt maging short at ibinigay ito sa binata bago siya nagtungo sa banyo.
When she went out of the bathroom ay ganoon pa rin ang suot ng binata kaya malamang naghihintay itong lumabas siya sa banyo upang makaligo. At tama nga ang sapantaha niya. Habang nasa banyo ang binata ay inayos niya ang kaniyang higaan. Inalis niya ang stuff toys na naroroon upang magkasya sila ng binata. Her bed was just a double-size bed at sa laki nito ay baka hindi sila magkasya.
She laid down on her bed while waiting for him. Nang lumabas ito ay napangiti siya sa itsura nito. Medyo maliit kasi ang damit maging ang short na ibinigay niya but nevertheless ay gwapo pa rin naman ito. She smiled.
"Do I look like Winnie the Pooh?"
Natawa siya sa itinanong nito sa kaniya. "You're far more handsome than him," sagot niya.
Tumabi sa kaniya si Cedric at hinalikan ang tungki ng kaniyang ilong bago nito tinawid ang pagitan ng kanilang mga labi. The kiss was passionate pero hindi iyon nagtagal.
"Let's sleep dahil baka kung saan pa mapadpad ito."
Cedric pulled her closer to his body and hugged her na parang ayaw na siya nitong pakawalan, na parang mawawala siya. She felt peace inside his arms and there she knew why she was acting like that towards him. Being with, this close, she admitted to herself that she loves Cedric.