Kaithlyn slowly opened her eyes and was welcomed by a black and white ceiling which was different from her cream-colored ceiling. Iginala niya ang mga mata at doon pumasok sa isipan niya ang nangyari kagabi. She cursed herself because of her kalandian and craziness. When she looked at the other side of the bed, it was empty na ipinagpapasalamat niya. Hindi kasi niya alam kung ano ang itsurang ihaharap sa gwapo, super manly and yummy na lalaking iyon.
She took a deep breathe to compose herself. Matapos niyon ay dahan-dahan siyang tumayo dahil medyo mahapdi ang kaniyang kayamanan sa ibaba dahil sa sobrang uhm. Erase! Erase! Enough! Kinuha niya ang kumot upang ipantakip sa kaniyang kahubdan at sinimulang hanapin ang kaniyang mga damit and she found it neatly folded on the coach. Lumapit siya roon and was about to pick it up when the bathroom door suddenly opened at iniluwa roon ang mala-Adonis na lalaking iyon, all naked and water was still dripping on his body.
Napako ang tingin niya sa katawan nito particular sa pagdaloy ng butil ng tubig mula sa leeg nito pababa sa balikat at matipunong dibdib nito hanggang sa opppsss. Itinaas niya ang tingin sa mukha nito and she found him smirking, amused with what she did.
"What?" sikmat niya rito at ipinagpatuloy ang pagdampot sa kaniyang mga damit habang ang isang kamay ay nakahawak sa hugpungan ng kumot.
"Going home already? Why don't you eat your breakfast first," saad nito sa kaniya.
"Nah! Nevermind. Baka ibang breakfast ang makain ko!" sagot niya rito. "Oh, s**t! Will you go away! Hindi ako makapag-concentrate."
Cedric chuckled with her remarks pagkatapos ay naglakad ito patungo sa kinaroroonan niya.
"Don't come near me!" anggil niya sa binatang tinawanan lamang siya at ipinagpatuloy ang paglapit sa kaniya samantalang siya naman ay panay ang paghakbang palikod hanggang sa pader na ang nasa likuran niya.
Cedric pinned her on the wall making no space, no room for her to run away from him. Then he started lifting his hands, one for the blanket she was clutching tightly and second on her nape. He even sniffed her neck making butterflies on her stomach. Then he started nibbling her neck making her shut her eyes and let out a delicious moan. With that, they again united with one another dancing in the rhythm of pleasure and lust.
HER reverie was waken up by a loud ringing of her phone. Matapos kasi ang ilang beses na pag-iisa nila ng binata sa halos buong parte ng kwarto nito ay ginupo siya ng pagod at antok. Sino ba naman ang hindi kung ganoon kalakas at katibay ang stamina ng lalaking iyon. Naalimpungatan na lamang siya nang halikan siya ng binata at nagpaalam na papasok sa trabaho nito. She didn't give attention to him dahil antok na antok siya at gusto pa niyang magpahinga. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nakatulog at ngayon lamang siya nagising dahil sa kung sinumang tumatawag sa kaniya.
Her phone was on the side table now at hindi niya alam kung papaano iyon napadpad doon dahil ang alam niya ay hindi niya nahawakan ang cellphone simula pa kagabi. Fully charge na rin iyon kaya marahil si Cedric ang nangialam niyon. Inabot niya ang cellphone at sinagot ang tawag ni Tatiana.
"Oh my goodness! Ngayon mo lang sinagot ang tawag ko. I've been calling you since this morning! Saang lupalop ka ba ng mundo napadpad at hindi mo man lang masagot ang mga tawag ko. Was it true? Huh?" sunod-sunod na tanong nito sa kaniya.
Nangunot ang noo niya sa sinasabi nito. Actually ay wala siyang naintindihan sa mga sinabi nito sa kaniya maliban sa huling tanong nito sa kaniya. Anong true? Ano ba ang pinagsasabi nito sa kaniya?
"What's true?" nagtatakang tanong niya rito.
"Mr. Arnault said I am incharge for today dahil masama raw ang pakiramdam mo. So magkasama kayo kagabi? Anong milagro ang ginawa ninyong dalawa at nasaan ka ngayon?" sunod-sunod na tanong nito sa kaniya.
Biglang kumirot ang kaniyang ulo dahil sa sinabi nito. Cedric said that? Kanino kaya nito sinabi iyon? Kay Tatiana lamang ba? Narinig ba ito ng mga staff niya?
"Kailan niya sinabi?"
"This morning. Sa phone mo," sagot nito sa kaniya.
Nakahinga siya nang maluwag dahil sa sinabi nito sa kaniya. Mabuti na lamang sa cellphone nito nasabi iyon.
"Ano kasi... ang mga bata natin ay nagtatanong kung kailan ka pupunta rito? Sa site?"
Mas lalong sumakit ang ulo niya sa sinabi nito sa kaniya. So alam din ng staffs niya na magkasama sila ni Cedric o marahil alam ng mga ito na nasa lugar siya ni Cedric. Nainis tuloy siya sa binata dahil sa katabilan ng dila nito. Was he bragging about what happened to them?
"So kailan ka pupunta rito?" pukaw ni Tatiana sa kaniya.
"I'll be there. Anong oras na ba?" Hindi nga naman niya napansin ang oras. Hindi rin halata kung may sikat pa ng araw o wala dahil nakasara ang mga kurtina sa kwarto ng binata.
"Three in the afternoon," sagot nito sa kaniya.
Damn! Ganoon siya katagal natulog? Grabeng pagod pala ang naramdaman ng katawan niya. No doubt!
"Magkita na lang tayo bukas. Tinatamad na akong lumabas. Dalhan mo na lang ako ng makakain sa apartment mamayang pag-uwi mo," saad niya sa kaibigan.
"Fine! Sisingilin pa kita dahil hindi ka dumating kagabi. At ikwento mo, in full detail, ang ganap kagabi sa inyo ni Mr. Arnault."
"Okay. Sige na. Inaantok pa ako," wika niya bago nagpaalam sa kaibigan at pilit na bumangon.
She needed to go home habang wala pa ang binata dahil baka hindi na naman siya makauwi dahil sa kalandian niya at kalibugan nito. Gosh! She was so indecent with what happened o them. Ni hindi nga niya kilala ang tao pero may nangyari na sa kanila ng ilang beses sa isang magdamag. Grabeng kalandian ang sumapi sa kaniya. May malignong malandi yatang pumasok sa katawan niya kaya ganoon.
Pero hindi rin kasi niya maikakaila ang sobrang atraksiyong nararamdaman niya sa binata. Mutual understanding, no label at all. Ganoon na lamang ang set-up nilanag dalawa. Paniguradong-panigurado kasi na mauulit at mauulit ang nangyari sa kanilang dalawa. Kung kailan ay hindi niya masabi.
NANG makabalik siya sa kaniyang apartment ay agad siyang nagbabad ng katawan. It took her almost an hour inside the tub filled with esssential oils and her rose scented body wash.
Lumabas lamang siya ng banyo nang marinig niya si Tatiana na tinatawag ang pangalan niya, iyong parang nawawala siya. She doesn't need to worry kung hindi siya nito makita sa sala o sa kusina dahil alam naman nito na kapag pagod siya ay nagbababad siya sa banyo. Katunayan ay bigla na lamang bukas ng pinto ng banyo at sumungaw ang kaibigan
"May padala si Cedric para sa iyo," wika nito sa kaniya na ikinakunot ng noo niya.
So alam na ni Cedric na wala na siya sa unit nito. Paano nito nalalam kung gayong may ipinadala ito kay Tatiana?
"What?" tanong niya.
"Lots of stuff. Lumabas ka na kasi para makita mo," sikmat nito sa kaniya.
She rolled her eyes at her na nagkibit-balikat lamang bago isinara ang pinto ng banyo. She finished bathing upang sundan si Tatiana at upang tingnan kung ano ang sinasabi nitong 'lots of stuff' na ibinigay ni Cedric.
Nang makalabas ay nagulat siya sa nakita sa kaniyang maliit na sala. Maraming paper bags ang naroroon. Mayroong pagkain at may bulaklak pa. Tiningnan niya si Tatiana na busy sa paglantak sa fried chicken na hawak nito.
"Yaman ng jowa mo," saad nito habang ngumunguya.
"Sinong jowa?"
"Sino pa nga ba?" balik-tanong nito sa kaniya.
"Hindi ko naman jowa si Cedric."
Naupo siya sa tabi nito at sinabayan ito sa pagkain ng fried chicken. Pinagbuksan din siya ni Tatiana ng softdrinks in can na kaagad naman niyang inabot.
"Alam mo bang inihatid ako ng driver niya dala-dala ang mga iyan?" Napatingin siya sa kaibigan. "With matching bilin that I should give all of these to you and your meds."
"Meds? Anong meds? Bakit may sakit ba ako?"
"Aba! Malay ko naman! Iyon ang ibinilin ng jowa mo. Bakit may masakit ba sa iyo?"
Tiningnan niya ang kaibigan at tinantiya kung sasabihin ba niya o hindi. Pero paniguradong hindi rin naman siya nito tatantanan.
"Meron."
"Ayan ang sinasabi ko!" bulalas nito. "May label?"
"Wala," sagot niya at nakatanggap siya ng batok sa kaibigan.
"Gaga! Magpakama ka tapos walang label? Aba! Hindi ka naman ganyan, anong nangyari?"
"Hindi ko rin alam eh. Sa totoo lang nagulat din ako kung bakit ganoon kabilis ang pangyayari. The attraction was so strong."
Muli siyang tiningnan ni Tatiana. Matagal. Parang binabasa siya pati ang kaluluwa niya. Pagkatapos ay malalim na bumuntong-hininga.
"Inlove ka?"