Nagising si Kaithlyn na wala na ang binata sa tabi niya. May naramdaman siyang kalungkutan sa kaniyang puso dahil hindi man lang niya ito nasilayan. She sighed. Because of the good night sleep, mas magaan ang kaniyang pakiramdam ngayon and she decided to see her staff dahil baka magwala na ang mga ito. Hindi naman siya nag-aalala dahil nandoon naman si Tatiana para i-supervise sila. But nevertheless, she needed to go. Big project pa rin naman iyon at nakakahiya kay Cedric kung lagi siyang wala. Mayroon man something sa kanilang dalawa ay dapat na professional pa rin ang pakikitungo niya rito.
Nang makagayak ay tinungo niya ang kusina upang magluto ng kaniyang agahan just to be surprised dahil may nakahanda ng almusal sa ibabaw ng lamesa. There was also a note coming from Cedric telling her na kaya ito maaga ay dahil may meeting ito with matching heart pa sa tabi ng pangalan nito.
Ang naramdaman niyang pagtatampo kanina ay naglahong parang bula ng dahil sa note nito sa kaniya. Hindi maalis ang mga ngiti niya sa labi hanggang sa makapasok siya sa opisina dala ang kaniyang motorsiklo. She was even humming sweet tune dahil sa kilig na nararamdaman niya.
"Akala ko hindi ka papasok?" bungad ni Tatiana sa kaniya.
Nagtaas siya ng kilay. "At bakit naman?"
"I saw Cedric went out of your apartment this morning. Dumaan ako roon para sana sabay na tayong pumasok pero hindi na ako nagtuloy nang makita ko siya," paliwanag nito sa kaniya. May kung anong ngiti ang mayroon sa labi nito.
"Gaga! Ang dumi talaga ng utak mo. Porke't lumabas siya roon, hindi na ako papasok?" tanong niya.
"Aba! Malay ko naman kung pinagod ka niya ulit."
Sinamaan niya ang tingin sa kaibigan bago kinuha ang mga dapat pirmahang dokumento. Hindi na siya nakipag-argumento pa dahil wala rin namang silbi. Si Tatiana naman ay ipinagpatuloy ang ginagawa. Maya-maya ay muli na naman itong nagsalita.
"Hindi ka ba sasama?"
"Susunod ako. Tatapusin ko lang ito," sagot niya. "Dumating na ba ang ibang kailangan?"
"Yap. On the way na sa site kaya lalarga na ako. Sumunod ka na lang. Huwag mong gawing karera ang pagpunta mo roon," bilin nito sa kaniya.
"Yes, Mother," sagot niya na ikinasimangot nito.
She and Tatiana are both orphan. Kaya naman sanggang-dikit talaga sila since nagkakilala sila. Pamilya ang turingan nilang dalawa. Dating nakatira si Tatiana sa kaniyang apartment hanggang sa nakipag-live-in ito sa boyfriend nito. Pero kahit magkalayo silang dalawa nang tinutuluyan ngayon ay okay lang dahil magkasama at magkasosyo naman sila sa negosyo.
After doing her things in the office, sumunod na siya sa site upang ma-supervise ang ginagawa ng mga ito ay upang makita na rin niya ang problema kung mayroon man. She parked her motorbike just infront of the building. Wala naman sigurong sisita roon dahil doon naman niya ipinaparada ang sasakyan kapag napapadpad siya roon.
Hindi pa siya nakakapasok sa loob ng building nang may mga kalalakihang lumapit sa kaniyang motor at basta na lamang iyon hinawakan na ikinakulo ng dugo niya. Damn! They were about to carry it.
"Hey! What the hell are you doing?" sigaw niya sa mga ito sabay duro pa. Mahal na mahal niya ang bike niya at basta na lang hahawakan ng mga ito iyon? That won't be happening.
"Ah, Ma'am bilin kasi ng may-ari ng building na walang magpaparada rito sa harapan," sagot ng isa sa mga ito.
"I was parking in here for couple of days already at wala namang sumisita," mataray na wika niya sa mga ito.
"Eh, Ma'am sumusunod lang po kam---"
"She's good," putol ng isa sa kanila. "Sorry, Miss Saavedra. You can park your belongings anywhere you want." Yumukod pa ito sa kaniya na para siyang prinsesa.
Nagtaka siya sa kinilos ng mga ito pero binalewala na lamang niya dahil nagsialisan na ang mga ito. She continued entering the building and Mr. Go was there walking fast towards her. Hinihingal na tumigil pa ito sa harapan niya.
"M-Mr. A-Arnault is w-waiting for you," saad nito na humihingal.
"Is there any problem?" tanong niya.
"Wala naman, Ms. Saavedra pero kanina pa mainit ang ulo niya and he was relieved knowing you are here. Iyan ang sinabi niya," saad nito. "And he is sick but he doesn't want to go to the hospital."
Sick? Bakit bigla naman yatang may sakit na ito. Ano ang ginawa nito para magkasakit? He was okay last night. O baka naman nagdadahilan lamang ito.
"For real?" tanong niya.
"Ang may sakit siya? Yes, Ms. Saavedra. His temperature was thirty-eight point three the last time I checked on him and that was few minutes ago but he doesn't want to go to the hospital."
Bigla siyang nag-aalala rito kung kaya't nagsimula na siyang hatakin ang daa patungo sa opisina nito kasunod si Mr. Go. Nang marating nila ang opisina ng binata ay siya na lamang ang pumasok doon. When she entered, Cedric was nowhere to be found.
"Cedric?" tawag niya sa binata. "Cedric?"
"I'm here, Sweetheart," narinig niyang sagot ng binata.
Sinundan niya ang tinig nito and found him in the bathroom. Nasa harap ng faucet at basa ang mukha. He was really not feeling well because his face was paler than usual. Lumapit niya rito at dinama ang noo nito. Mainit nga. She looked for the first aid kit and took the thermal scanner. It was thirty-eight point three as what Mr. Go has said.
"Did you take your med?" tanong niya sa binata na ikinailing nito. "I'll ask Mr. Go to call your doctor. Any pain?" muli niyang tannong rito.
"I'm okay," sagot nito sa kaniya.
"You don't look okay to me," sagot niya at iginiya ang binata palabas ng banyo nito.
She asked him to lay down the coach then went outside to call for Mr. Go and instructed him to call for the doctor. Pagbalik niya sa binata ay nakapikit na ang mga mata nito. She took a cooling pad inside the bathroom dahil may nakita siya roon sa kit kaninang kinuha niya ang thermal scanner. Nagdala na rin siya ng gamot at tubig upang ipainom sa binata.
"Cedric? Uminom ka muna ng gamot," sabi niya sa binata na tumalima naman. She then put the cooling pad on his forehead.
Tatayo na sana siya nang hinawakan ni Cedric ang kaniyang kamay. Nakapikit pa rin ito ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang kamay kaya naman nagdesisyon na siyang maupo sa tabi nito.
"Just sleep. I'll be here habang hinihintay natin ang doctor."
Ilang saglit pa ay naging normal na ang paghinga ng binata. Dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkakahawak nito sa kaniyang kamay at hinanap si Mr. Go na nasa labas lamang ng opisina. Nagtataka tuloy siya kung may sariling opisina ba ito o wala. Wala rin kasi siyang nakikitang secretary ni Cedric.
"The doctor is coming," inporma nito sa kaniya.
"What happened to him?"
Tiningnan lamang siya ni Mr. Go. "I don't even know what happened to him but I overheard him and his secretary that he has a wound. I just don't know where."
"Wound?" pag-uulit na tanong niya.
Hindi naman kasi niya ito nakita kagabi noong magkasama sila. HIndi niya nakita dahil nakadamit naman ang binata noong lumbas ito ng banyo maging noong natulog na sila. So wala talaga siyang alam sa bahay na iyon. Pero kung mayroon man ay nakuha nito iyon after they became intimate with each other.
Nang dumating ang doctor ay doon niya nakumpirma ang sinasabi ni Mr. Go dahil alam na alam ng doctor nito kung saan titingnan ang sugat nito. Malamang ay ito rin ang tinawagan ng binata para gumamot rito.
"Please convince him to go to the hospital. There were infections on his wound already," wika ng doctor sa kaniya.
"Hindi ba niya gusto?"
"He is a stubborn man, Miss,"
"I'll knock some senses on him kapag nagising na siya," sagot niya rito at nagpaalam na ito.
Dahil may gamot naman na ibinigay ang doctor sa binata ay hindi naman siya nag-worry masyado. But he needed to go to the hospital para mas matingnan ang sugat nito. He's fever went down too. Nang magising ito ay iminungkahi niya ang pagpunta nito sa hospital. They argued like a real couple hanggang sa napapayag din niya ito sa isang kondisyon.
"C'mon. I'll go to the hospital and stay there if you agree," wika nito sa kaniya. "Stay with me in my house. Let's live together."