Kung boss si Cedric at may attitude, well mas ma-attitude siya dahil hindi siya bumigay sa kondisyon nito ngunit napapayag niya itong pumunta sa ospital upang tingnan ang sugat nito. Nagtataka talaga siya kung saan nito nakuha ang sugat nito but she didn't ask because in the first place ay hindi naman nito kusang sinabi ang tungkol sa bagay na iyon.
Matapos matingnang maigi ang sugat nito at masigurong okay naman ito ay inutusan niya si Mr.Go na ihatid na ito ngunit nagpaalam ito sa kaniya at ibiniling susunduin daw ito ng sekretaryo nito. So while waiting for this secretary of his, she busied herself chatting with Tatiana.
Then a man in a black suit appeared. She was star-struck! s**t! May ganitong lalaki pa pala. He was tall, with fair-complexion, with athletic built and was wearing an eyeglasses na mas nagpa-appeal dito. Parang bida ito ng mga anime, iyong mysterious na nakakakilig ang aura. And yes, nakatulala siya rito, he was her ideal man, at kung hindi pa tumikhim si Cedric sa likuran niya ay hindi pa siya matatauhan. Tumulo rin yata ang laway niya. Nilingon niya ito at madilim ang mukha nitong nakatingin sa lalaking bagong dating. Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Cedric at sa bagong dating.
"I'm here to fetch you," wika nito sa baritonong boses and she found it sexy! Damn!
Padabog na tumayo si Cedric at nauna nang lumabas ng kwarto na labis niyang ipinagtataka.
"What happened to him?" nagtatakang tanong niya.
Tumikhim ito bago sumagot sa kaniya.
"You were ogling on me," sagot nito sa kaniya. "Cassius by the way." He extended his hand towards her at inabot naman niya ito.
"Hindi pa ba kayo tapos maglandian?" wika ni Cedric na nasa labas ng pinto.
Landian? They were just getting to know each other.
"What did you say?" Lumapit na siya sa kinaroroonan nito at tiningala ito. She doesn't care kung mas matangkad ito sa kaniya. "Are you really sure that we are?"
"Hindi nga ba?" pabalang na sagot nito sa kaniya.
Ah! Ganoon pala? She smiled at him and looked at Cassius who was staring at them. Binigyan niya ito ng matamis na ngiti at sinaguro niyang makikita ni Cedric iyon.
"Well, hindi naman masama, 'di ba? Hmmm. He's handsome and he smells nice. Is he single?"
Madilim ang mukha ni Cedric habang nakatingin sa kaniya, mas madilim pala. It looked like he wanted to snatch her and hide and when his gaze landed on Cassius, parang gusto nitong tarakan ng kutsilyo ang dibdib ng bagong dating.
"Get out!" nagtitimping sigaw nito kay Cassius na lumabas naman at sumunod na rin siya rito ngunit hinawakan ni Cedric ang braso niya. "Don't you dare cheat on me!"
Ipiniksi niya ang kamay nitong nakahawak sa braso niya at hindi napigilang matawa sa sinabi nito. Ang mahinang tawa niya ay nauwi sa malakas na halakhak nito.
"Of course, I won't cheat on you," seryosong wika niya rito. "Because we don't any relationship." She smirked and walked away from him.
Cedric, on the other hand, closed his eyes tightly. Bigla siyang na-stress. Tama nga naman ang sinabi ni Kaithlyn na wala silang relasyon. Napabuga siya ng hangin bago ito muling tiningnang papalayo sa kaniya. Sighing, he started walking palabas ng ospital. Cassius was waiting for him outside the car while Kaithlyn was on her motorcycle. He looked at her hanggang sa mawala na ito sa paningin niya bago siya sumakay ng sasakyan.
"What was that?" tanong niya kay Cassius.
"I should be the one asking you that, Cedric. What was that stunt for?" Tumingin ito sa salamin upang makita ang reaksiyon niya. "You're playing fire."
"I know what am I doing," sagot niya.
"I am just reminding you," Cassius said.
Isinandig niya ang kaniyang ulo sa likod ng upuan at ipinikit ang mga mata. Ano ba ang ginagawa niya? Ang nangyayari sa kaniya? He shouldn't be like this but when it comes to Kaithlyn ay nawawala ang sense of direction ng kaniyang isipan. He shouldn't be like that but he can't help it. Simula kasi nang makasama na niya ito ay hinahanap na niya ang presensiya nito.
Hanggang sa makarating sila sa kaniyang mansion ay hindi pa rin nawala sa isipan niya ang dalaga. Maging nang ipikit niya ang kaniyang mga mata ay mukha pa rin nito ang nakikita niya. He sighed. He forced himself to sleep. Kailangan niyang magpahinga ngunit maging sa panaginip ay naroon ito.
So he called Cassius, his secretary s***h right hand, to come and see him and to get down to business. Mabilis naman itong dumating at sinimulan na nila ang usapan tungkol sa business and other matters.
Madaling araw na silang natapos ni Cassius ngunit hindi pa rin siya dalawin ng antok. Ang salarin? Walang iba kundi ang babaeng kumukuha ng kaniyang atensiyon. The woman he wasn't supposed to be wasting his precious time pero ano nga ba ang magagawa niya kung unti-unti na itong pumapasok sa kaniyang buong sistema, sa kaniyang buhay?
He sighed and took the glass with brandy and drank it straight. Ang pait at init na dumaloy sa kaniyang lalamunan ay balewala. His mind threw back at what Cassius said about her but he cared less. Mababaliw na yata siya sa kakaisip kung ano ang gagawin niya sa dalaga. Hindi niya alam kung ano ang epektong hatid nito sa kaniyang buhay but he knew it was dangerous. Being close to her was dangerous. But then, he will play on fire even if it burned him. Isang sugal. Isang sugal ang dalaga para sa kaniya pero ano nga ba ang magagawa niya? This was for her.
Sa unang pagdilat ng kaniyang mga mata ay si Kaithlyn ang unang pumasok sa kaniyang isipan. He slept for two to three hours only but he was fine with it. Sanay naman siya na ganoon ang tulog niya. It just changed when he was with Kaithlyn. That was his longest sleep at muntik na rin siyang ma-late sa trabaho niya kung hindi pa siya nakatanggap ng tawag mula kay Cassius.
He took his phone and checked his messages and emails. Nothing unsual. Nothing from Kaithlyn just the same that made him frowned. Ayaw niyang masira ang araw niya kaya naman ay siya na mismo ang nag-text sa dalaga.
Good morning, Sweetheart! Have you thought about my proposal?
Ilang minuto rin ang kaniyang hinintay bago nag-reply ang dalaga ngunit hindi niya iyon nagustuhan dahil wala naman itong lamang maliban sa isang question mark. Napabuga siya ng hangin dahil doon. What a nice way to start a day!
I miss you. Don't you miss me? Muli niyang text rito ngunit ganoon pa rin ang nakuha niyang sagot mula rito kung kaya't tinawagan na niya ito ngunit panay lamang ang ring ng number nito. He called her ten times already yet he didn't get any answer from her.
Padabog na ibinato niya sa kama ang kaniyang cellphone at tumayo upang maghanda pagpasok ng opisina. Matapos nakalabas ng banyo at makapagbihis ay muli niyang tiningnan ang kaniyang cellphone, hoping that Kaithlyn has a reply already but there was none na ikinasira na ng kaniyang araw.
Arriving at the office, he was grumpy kaya naman ay ilag sa kaniya ang mga empleyado niya ngayon. Isang tingin pa lamang niya ay nakakamatay na. Even Cassius wore this stoic face of his kaya naman mas ilag ang lahat sa kanilang dalawa.
"f**k it! How many times do I have you tell you to fix it?" malakas na sigaw niya sa kausap sa telepono. Kalahating araw na ang nakakalipas ngunit wala pa ring pinagbago sa mood niya. Habang lumilipas ang oras ay mas lalong umiinit ang kaniyang ulo. Ilang beses na rin niyang nabasag ang mga tasa ng kapeng inihanda ni Cassius sa kaniya.
Matapos ang mainit na pag-uusap este paninigaw niya sa kausap sa telepono ay tila nahahapo niyang isinandal ang kaniyang likod sa upuan. He closed his eyes and cursed and cursed.
"Here," narinig niyang wika ni Cassius sa kaniya at iniabot sa kaniya ang tablet na hawak nito.
Nangunot ang noo niya rito but he pushed the tablet to his chest. May kalakasan pa iyon kaya naman kinuha na niya.
It was a motorcycle racing. Tumingala siya na may pangungunot ang noo but Cassius just shrugged his shoulders so he continued watching it. Nakadalawang minuto na ang nakakalipas ngunit wala namang nakakakuha ng interes niya roon kaya naman ay tinangka niyang ibalik ang tablet sa kasama ngunit umiling ito na ikinainis niya.
"That's live," wika nito.
"What's with this?" may inis na tanong niya rito.
"Watch," utos nito sa kaniya. Umalis ito at pagbalik ay may hawak na itong dalawang tasa ng mainit na kape. Inilapag nito ang isa sa kaniyang harapan habang humihigop naman ito sa kaniyang likuran.
"Stop wasting my time, Cassius," wika niya rito.
"Stop wasting your time and just watch," muli nitong wika sa kaniya at nilayasan siya. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa maupo ito sa sofa. "Don't take your eyes off the screen. You might miss her."
Biglang tumalas ang pandinig niya sa huling salitang sinambit nito. Her. Her. Was he pertaining to Kaithlyn? Kaya naman imbes na makipag-argumento rito ay itinuon niya ang atensiyon sa screen ng tablet nito at hinintay ang dalaga. And yes, he saw her riding a motorbike in full gear. Hindi pa niya ito nakilala kung hindi nito tinanggal ang suot nitong helmet because she was riding not her motorbike but someone else's.
Nang tumutok ang camera dito ay kumaway pa ito at nag-flying na ikinangiti niya. So this is why she wasn't replying and answering. She was busy having a race.
"Where is this?" tanong niya kay Cassius.
"You weren't interested in the first place," sagot nito sa kaniya.
"I am asking where," giit niya rito.
"It's the one you declined because you weren't interested," matabang na sagot nito sa kaniya na ikinabuntong-hininga niya.
Itinuon niyang muli ang paningin sa screen ng tablet and the next screen boiled his blood.
Kaithlyn was hugging and kissing the cheek of a male racer.
"Let's go!" Itinaob niya ang tablet at kinuha ang coat bago nagmartsa palabas ng kaniyang opisina.