Nagulat si Kaithlyn pagdating niya ng opisina nang sabihin sa kaniya ni Tatiana na isang buwan lamang daw ang palugit nila para matapos ang project na iyon. Naihagis tuloy niya ang mamahaling helmet sa sofa dahil sa inis na nararamdaman.
Anong klaseng boss ba ang boss ni Mr. Go at basta na lamang ito nag-set ng ganoong deadline sa trabaho nila? Hindi ba nito alam na napakalaki ng gusaling dapat nilang ayusin? Kakakuha nga lang niya ng mga detalyeng nais nito.
"Call Mr. Go and tell him that that's impossible," utos niya kay Tatiana. Tumalima naman ito sa kanya.
Pabagsak na iniupo niya ang sarili sa swivel chair pagkatapos ay binuksan ang notepad para tingnan ang mga detalyeng nais mangyari sa proyekto. She organized every detail para mas madali ang pagtatawag niya sa mga supplier niya. Binuksan na rin niya ang laptop upang i-draft ang layout ng nais ng mga ito. And she was in the middle of doing so when Tatiana came. Nakasimangot ito at mula sa reaction nito ay mukhang alam na niya kung ano ang sagot ni Mr. Go sa sinabi niya.
"Take it or leave it daw," wika ni Tatiana. She rolled her eyes. Ano pa nga ba ang magagawa niya. A month is a month. Pupulungin na lamang niya ang buong staff niya tungkol sa proyektong hawak ng mga ito para ma-prioritize nila ang malaking proyektong ito. Sayang lang din naman kung pakakawalan nila. Pandagdag pangkain din naman iyon. Mas kailangan ng mga staff niya iyon keysa sa kaniya kaya gora na lamang.
"Fine!" bulalas niya. "Call them to be here at lunch time. Um-order ka na rin ng lunch natin." She was pertaining to her staff members.
Tumango naman si Tatiana at lumapit ito dala ang first aid kit. Inilapag nito iyon sa ibabaw ng kaniyang lamesa.
"Help yourself," utos nito sa kaniya bago lumabas. Hindi niya mapigilan ang pagtaas ng kaniyang kilay dahil sa pag-utos nito sa kaniya. Kung hindi lang niya ito bestfriend ay kanina pa niya ito senesante.
Inasikaso muna niya ang sugat na natamo. Hindi naman ito malalim at panay gasgas lamang na ipinagpasalamat niya. Hindi rin naman bago sa kaniya iyon dahil sanay na sanay na siya rito at parte iyon ng pagmomotor. Isa pa ay hindi rin siya nag-aalala kung magkapeklat man siya dahil pinapaayos naman niya iyon sa clinic. Kaya kahit nagmomotor siya at magalusan ay maganda pa rin ang kaniyang balat.
Pagkaraan ng ilang sandali ay muling lumitaw sa kaniyang harapan si Tatiana na nakasimangot. HIndi maipinta ang pagmumukha nito kaya naman ay napakunot ang kaniyang noo.
"Tapos ka na?" tanong nito sa kaniya pero nanunulis ang nguso.
"Yeah, why?" balik-tanong niya sa kaibigan.
"Your ex came with his wife. Magpapa-design daw ng bahay sa iyo. You'll accept or I'll shoo them away?"
"Who?" curious na tanong niya.
"Lawrence," sagot nito.
Patango-tango lamang siya rito. Lawrence was her latest ex-boyfriend who cheated on her with his officemate. Hindi naman masakit ang kalooban niya dahil hindi naman siya inlove sa lalaking iyon. Well ang akala niya inlove siya rito but when he cheated on her, doon niya napatunayan na hindi pala. Ni hindi nga niya iniyakan ang kumag dahil wala lang. HIndi rin kagandahan ang ipinagpalit nito sa kannniya. Hindi rin sexy. Kaya naman hindi siya talo. Hindi siya nawalan at hindi ito kawalan sa kaniya.
"Anong pinagpuputok ng butse mo?" tanong niya rito.
"The fact that he cheated on you with that ugly woman ay may kapal pa ito ng mukhang humarap sa iyo? Sa dami ng interior designer sa mundo ay sa iyo pagustong kumuha ng serbisyo?" inis na wika nito sa kaniya na ikinatawa lamang niya.
"Here's the deal. Sino ba ang nawalan?"
"Siya siyempre! Look at that girl---"
"End of the deal."
"Okay lang sa iyo?" hindi makapaniwalang bulalas nito sa kaniya.
"Mukha ba akong hindi okay?" tanong niya sa kaibigan na matamang tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
"Hindi okay iyang itsura mo... Dahil sa mga iyan." Turo nito sa mga gasgas niya. "But nevertheless, you're looking gorgeous... As ever."
She gave a thumbs up before motioning Tatiana her to let their clients in. Tumalima naman ito and she was in good mood already. Inayos niya ang kaniyang sarili at kumuha ng panibagong coat sa kaniyang mini-closet then sat on her swivel chair and waited for their clients. Pasimple rin niyang sinulyapan ang kaniyang mukha sa salamin and she was decent and beautiful as ever.
She heard knocks from the door before it opened at iniluwa nga nito ang kaniyang walang hiyang ex at ang asawa nitong hindi niya maintindihan ang itsura dahil puno ng kolorete ang mukha nito na parang clown na at ang damit nitong halos lumuwa na ang kaluluwa nito ngunit outdated. Ngayon lamang niya ito nasipat nang malapitan and she was glad na naghiwalay sila. Pity him for having that woman.
"Hi!" bati sa kaniya ng kaniyang ex-boyfriend. His smile was flirtitious pero hindi iyon pinatulan bagkus ay mas inapormal pa niya ang kaniyang mukha. Ayaw naman niyang magkaroon ng mali at masamang impresiyon sa asawa nito. Well, if she knew her.
"Hi! Please take your seat," bati niya sa mga ito at itinuro ang upuang nasa harapan niya. "What can I do for you?"
"Well, it's obvious isn't it? Hindi naman kami siguro pupunta rito kung hindi namin kailangan ang serbisyo mo as interior designer? Pwera na lang kung may ibang serbisyo ka pang ibinibigay," maarteng turan nito sa kaniya.
Tumaas ang kilay niya sa sinabi ito at kung pupwede lamang ay gusto niyang iuntog ang ulo nito sa salamin niyang lamesa. Insultuhin ba naman siya sa mismong harapan niya at sa mismong opisina pa niya. Ang walanghiya!
Pero kahit na biglang kumulo ang kaniyang dugo sa itinuran nito ay nagawa pa rin niyang kontrolin ang sariling emosyon. She needed to be professional and she doesn't need to lower her standards to these garbages in front of her.
"Hello, Ma'am. And of course, I am aware of my job and the reason why you are here inside my office. Alangan namang maghanap kayo ng kabaong dito sa loob ng opisina ko when I am offering interior designing in the first place, right?" nakangiting wika niya sa mga ito. Biglang namula ang mukha ng babae at biglang naumid ang dila nito. Subukan lang talaga nitong sagutin siya! "So? Let's get down to business?"
Lawrence looked at her before sighing. Mukhang hindi rin nito inaasahan ang naging sagot niya. Then when he composed himself ay kinausap nito ang asawa bago ito humarap sa kaniya at sinabi ang mga detalyeng nais nito para sa bahay na pinapatayo ng mga ito. She showed them designs and plans for the project at hindi naman siya natagalan sa mga ito dahil ang nais ng asawa ni Lawrence ay ang mga common lang naman na disenyo. Chicken na chicken!
Matapos ang pormal na pag-uusap nila ay naging friendly na ulit si Lawrence sa kaniya na parang wala ang asawa nito sa harapan nila. Ang kapal kapal talaga ng pagmumukha nito.
"You know, Mahal. Kaithlyn is my friend, a close one," turan ni Lawrence sa asawa nito habang nakatingin sa kaniya.
"Really?" manghang wika ng asawa nito. So hindi nito alam na ex-girlfriend siya ng asawa. That's good because she doesn't want to associate with him anymore or tag her name with his.
"So, Kaithlyn kumusta na kayo ng boyfriend mo ngayon?" tanong nito sa kaniya fishing for her answer pero mas mautak siya rito. "Sorry. Meron ba?"
She smiled. "Oh! We're doing great! Actually I am designing his newly constructed building. Kagagaling ko nga lang doon," sagot niya rito.
Biglang natahimik si Lawrence at hindi yata nito inaasahan ang naging sagot niya. What does he expect? Bitter siya? Oh! She won't give him the satisfaction.
"Really? Can I meet him?" tanong nito sa kaniya.
Nagkibit-balikat siya. Para saan? Nakakatawa! "Oh! He's kinda busy. But I'll let you meet him when we bump into each other outside."
Sasagot pa sana si Lawrence nang biglang bumungad si Tatiana sa may pintuan. May hawak itong cellphone at nasa tainga nito iyon. Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa kanila.
"Sorry for interrupting," hinging-paumanhin nito sa kanila bago siya tiningnan. "He's calling. He's burning my phone. Kanina ka pa raw niya tinatawagan dahil nalaman niyang naaksidente ka."
Nakuha naman niya agad ang nais nitong sabihin. Malamang ay kanina pa ito nakikinig sa kanila kaya ganoon ang mga linya nito. Malamang din ay nais na nitong paalisin ang mga kliyente niya kaya ganoon ang sinabi nito.
"Oh! Please tell him I'll call back. Hindi mo ba sinabing may kliyente ako?"
"I did. Several times."
Nakatingin lamang ang kanilang kliyente sa palitan nila ng usapan at mukhang nakaramdam naman ang mga ito kaya naman nagpaalam na. Pero bago umalis ang mga ito ay nakita pa niya ang sulyap nang paghihinayang sa mukha ni Lawrence. Serves him right. A cheater. Sana lang ay hindi nito gawin sa asawa nito ang ginawa nito sa kaniya. But anyway, she was glad. Really glad na hindi ito ang nakatuluyan niya. At bumalik pa talaga ito sa harapan niya.
"Kaithlyn, if you have time please call me. I need to tell you something important about us," wika nito sa kaniya.
"Sure!" sagot niya rito para umalis na ito. Makapal na kasi masyado ang basura sa harapan niya.
"Thank you," wika nito at binalikan ang asawa bago lumabas sa kanilang opisina.
Going back to Tatiana ay muli itong sumungaw sa kaniyang opisina. Nakahalukipkip ito at pailing-iling habang nakatanaw sa papaalis nilang mga kliyente.
"Ibang klase rin ang apog ng walanghiyang iyon. Kung kakapalan ng mukha mas makapal pa yata keysa sa pader."
"Hmmm! At ano ang tawag na iyon?" Tiningnan niya ang kaibigan.
"I heard your alibi. Mas maigi nang dagdagan," nakangising wika nito sa kaniya.
Napailing na lamang siya rito. Now, kailangan na niyang problemahin kung sino ang ipapakilalang boyfriend sa lalaking iyon kung sakaling magkrus ang kanilang landas. Pero habang hindi pa naman ay bahala itong masira ang ulo sa kakaisip kasama ang clown nitong asawa.