Chapter 6

1321 Words
"What?" gulat na tanong ni Kaithlyn sa kaniyang kaibigan nang sabihin nitong nais makita ng CEO ang mga detalye ng project nila dahil marami raw furnitures ang ni-reject nito. Pagod na pagod siya dahil kaka-deliver lang nila ng mga iyon kaninang umaga. Sinimulan na rin nilang ayusin ang mga iyon at maghapon ang paggugol nila sa bagay na iyon and he would just reject them? Without any basis? Mabuti na lamang pala at naiwan pa si Tatiana kasama ang ilang staff niya na nag-aayos. "Bess, iyon ang sabi ni Mr. Go. Dumating kanina ang CEO at nag-inspect pero marami raw ang gusto nitong ipabago," wika ni Tatiana sa kaniya na halata ang stress sa boses. "He wanted to see you ASAP for revisions and complaints." "But they approved all of them. Bakit ipapabago na naman?" tanong niya sa kaibigan. "Ano pang silbi nang ipinakita nating photos kung hindi rin pala pasok sa panlasa niya? Hindi ba nito tiningnan baka na-approve? Letsugas naman oh!" Hindi talaga matanggap ng kagandahan niya ang pag-reject ng hinayupak na CEO na iyon. Nakakapagod, nakakasira ng araw at nakakadehado ng budget ang ginagawa nila. Wala namang problema roon dahil kasama iyon sa babayaran nilang fee sa kaniya pero iyong efforts ng lahat- delivery, staff niya, suppliers niya- lahat ay nasayang. "According to Mr. Go ay hindi raw nag-match ang colors nang ipinakita mo sa actual items." "That was given! Hindi ba nito nabasa ang note sa brochure? The color from the photo and the actual product may vary. OMG! Hindi yata kaya ng braincells ko ito. Tatlong beses ko pang-ipinakita ulit to be sure and they agreed and approved all of them." Na-stress siya sa nagaganap. Parang lahat ng energy sa kaniyang katawan ay naubos nang dahil lamang doon. This man, whoever he was, makakatikim talaga iyon sa kaniya. Back to scratch sila kapag inayawan talaga nito iyon. "Arghh!" impit na sigaw niya para kalmahin ang kaniyang sarili. Pumikit din siya nang mariin and exhale inhale bago iminulat ang mga mata. Inilagay niya ang mga kamay sa beywang at naglakad paroon-parito sa loob ng kaniyang opisina. Matapos ang ilang minuto ay muli niyang kinausap si Tatiana. "Huwag muna kayong aalis dahil babalik ako riyan. Hintayin niyo ako," bilin niya kay Tatiana. Matapos niyon ay kinuha niya ang susi, helmet at jacket kasama ang kaniyang sling bag at mabilis na tinakbo ang kaniyang motorsiklo sa labas ng boutique. Nakaparada rin doon ang kaniyang sasakyan ngunit mas convenient ang motorsiklo niya kung ganitong nagmamadali siya. Mabilis niyang pinaharurot ang kaniyang motorsiklo. Nang makarating sa gusali ay tinakbo rin niya ang kinaroroonan ng mga kasama. Matiyagang naghihintay rin ang mga ito kasama si Mr. Go. Hindi na rin niya alintana ang kaniyang itsura sa magmamadali. Sabog ang kaniyang buhok kahit na naka-helmet siya dahil nakalugay iyon kanina at basta na lamang niya isinuot iyon at tinanggal. Naka-jacket pa rin siya na basta na lamang niya hinubad sa harapan ng mga ito sabay suklay sa kaniyang buhok gamit ang kaniyang mga kamay. "Where is he?" tanong niya sa mga ito. "He's waiting for you in his office. He's not in the good mood, Ms. Saavedra. I am warning you. Mr. Arnault is a monster when he's not in a good mood," paalala sa kaniya ni Mr. Go. "I'm fine with that. Let's see him then," wika niya rito at iginiya naman siya nito sa opisina ng CEO. Habang naglalakad sila patungo sa opisina ng CEO ay panay ang bulong sa kaniya ni Tatiana patungkol sa boss ni Mr. Go. Halata rin ang kilig nito dahil para itong naiihi na ewan. Ano ba ang itsura ng lalaki at ganoon na lamang ang reaksiyon ng kaibigan. Ang alam niya ay matanda na ang CEO ng kompanya. Hindi rin naman ito masyadong lumalabas. She thought. Lumabas na ba ito sa public? Parang hindi pa 'yata. Now, she was curious of who it was. "Tatiana, akala ko ba dehado tayo dahil pinapabago lahat? Bakit parang excited ka pa yata na rejected ang products natin?" bulong niya sa kaibigan. Sa totoo lang ay gusto niyang isigaw iyon ngunit nahihiya siya na marinig iyon ni Mr. Go. Pigil na pigil ang boses niya. "Oo naman! Pero kasi... Ano kasi... He's so hot, Kaitlyn!" Tatiana said. The way she said those words, she was like squeezing something so damn hard at talagang gigil na gigil pa ito sa kung ano mang iyon. "Nag-iba ka na ba ng preferences at gusto mo na ng old man?" tanong niya sa kaibigan. "Susmaryosep naman oh!" bulalas ni Tatiana at napalakas pa talaga ito dahilan para mapatingin sa gawi nila si Mr. Go at ang ilang staff nito. Nakakunot ang noo ng mga itong nakatingin sa kanila. Nag-peace sign si Tatiana sa mga ito pagkatapos ay tumingin sa kaniya at ganoon din ang ginawa. Gusto tuloy niyang kutusan ang kaibigan dahil sa ginawa nito. Ano bang masama sa tinanong niya? Pero naman nitong sagutin iyon nang maayos. Pero sabagay, ganoon naman ito, malakas ang bokadora. "You know what? You'll find the answer kapag nakita mo na siya at tingnan lang natin kung hindi magiging ganito ang reaksiyon mo. Ikaw pa mahilig ka rin naman sa mga gwapo at papable." She rolled her eyes. Aino ba naman kasi ang hindi mahilig sa gwapo at papable ang dating? Lalaki nga nahuhumaling sa kapwa lalaki. Papaano pa kaya siyang Ebang-eba? Of course, she will be attracted. But she doesn't like an old man. It's a big no no for her. She looked at them as father figure. When they entered the elevator, doon na sila tumigil ni Tatiana sa pag-uusap. Nakakahiya naman sa mga kasama nila na halos hindi na yata huminga. What's with them? Anong meron sa floor na pupuntahan nila at mukhang bibitayin yata ang mga ito? Hanggang sa tumigil ito at pumasok sila sa isang malaking office. Hindi nila narating ang floor na iyon ng gusali dahil ang mismong CEO raw ang personal na nag-aayos ng floor na iyon and he was a minimalist. Halata naman dahil puro black and white lang naman ang meron sa floor na iyon. No. More dominant ang black color keysa sa white color. So as they passed through the hall, she was noting in her mind the things she wanted to add para naman maging kaaya-aya itong tingnan. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang bigla na lamang siyang nabunggo sa isang staff na nasa harapan nila dahil tumigil na pala siya nang hindi niya namamalayan. "Sorry!" hinging-paumanhin niya rito na ikinatango naman nito. "Maiwan muna namin kayo rito, Ms. Saavedra," wika sa kaniya ni Mr. Go pagkatapos ay pumasok ang ito sa loob ng opisina. Makaraan ang ilang sandali ay isa-isa nang lumabas ang mga ito. Bagsak ang balikat ng mga ito at kaawa-awa ang mga mukha. Parang nilitis ang mga ito and they were convicted. Hindi maganda. Last to come out was Mr. Go. Unlike the staffs, maayos ang mukha nito. O marahil sanay na ito sa amo kaya dedma na lamang kahit ano ang sabihin nito. "Sorry, Ms. Javier. Si Ms. Saavedra lang daw ang pwedeng pumasok," wika nito sa kanila. She looked at her friend at bakas sa mukha nito ang panghihinayang. Ganoon ba talaga ito ka-hook sa CEO at ganoon na lamang ang panghihinayang sa pagmumukha nito? Tumango naman ito sa kaniya. "Go! Solohin mo!" puno ng emosyon na wika nito sa kaniya. She looked at Mr. Go at tumayo, naglakad patungo sa pinto ng opisina. Pinagbuksan siya nito at tahimik siyang pumasok. Like the outside of the office, ganoon din ka-boring ang opisina ng CEO. Pinagmasdan niya ang buong opisina and was noting the things she wanted to add nang mkarinig siya ng pagtikhim mula sa harapan. Her eyes flew towards the voice at halos maging kulay kamatis ang mukha niya nang makilala ang lalaking nasa harapan niya. That handsome guy she met inside the prison. "Long time no see, Ms. Saavedra."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD