Chapter 7. Baby Bra

2015 Words
JAKE's POV Pagkatapos kong kausapin si Angel, agad na rin akong tumungo sa suite namin. At hindi ko maiwasang mag-alala dahil kahit pinilit ko siyang kumbinsihin na sabihin kung ano’ng problema—hindi ko pa rin siya napilit. Basta ang sabi niya ay sa pagbalik ko na lamang daw kami mag-uusap. Pagpasok ko sa pinto ng tinutuluyan namin ni Phoenix, natanaw ko agad ang mga damit niyang hinubad, nakakalat 'yon kung saan-saan. 'Yung blouse niya ay nakasablay sa single-seater na couch malapait sa kama. Ang pantalon niya naman, nasa sahig, natalisod ko pa. Ang ayoko pa naman sa lahat ay ang makalat. Narinig ko ang paglagaslas ng tubig sa shower kaya alam kong naliligo siya. Lumapit ako sa kama at dinampot ang maliit na telang naroon. Baby bra? Sabagay, mukhang wala pa naman siyang dapat itago sa katawan niya. Napailing na lamang akong nahiga sa kama. Hindi ko alam na ganitong stress ang aabutin ko sa kaniya. Dati-rati ay hindi ko naman nararanasang mapagod nang ganito sa maghapon, pero ngayon, parang kailangan ko pa ng whole body massage sa spa para lang mawala ang nararamdaman kong hapo dahil lang sa pagsunod-sunod at paghahanap sa kaniya kanina. Naramdaman kong huminto na ang tubig sa shower kaya bumangon na ako. Ako naman ang magre-refresh at baka sakali ring mawala ang init ng ulo kong tinitimpi sa kaniya. Ngunit pagtayo ko ay siya niyang paglabas sa banyo nang naka-underwear lang kaya agad akong napatalikod. She doesn’t have anything on top. Sh*t. This is killing me. “Narito ka na pala?” Mukhang ngayon niya lamang ako napansin. Haharap na sana ako sa kaniya ngunit agad niya akong binawal. “Teka, hindi pa ‘ko nakabihis!” Kaya muli akong napatalikod. “Bakit ka ba kasi lumalabas sa banyo nang walang damit? Wala bang tuwalya sa bundok?!” I said, starting to get irritated. ‘Coz yeah she’s a bit young, but damn! I’m a man for goodness sake! “Mayro’n malamang! Nakapagpunas naman na ‘ko. Iniwan ko ulit sa banyo,” sagot niya. Mukhang tapos na rin siyang magbihis kaya nilingon ko na siya. “Next time ‘wag ka na lalabas nang nakahubad. Kahit nasa bahay ka pa o saang lupalop. Hindi mo dapat kalimutang babae ka!” sermon ko sa kaniya bago ako tumungo sa banyo. At hindi ko siya narinig na sumagot dahil naging abala na siya sa pag-scroll sa cell phone niya. *** Matagal akong natapos maligo dahil nag-relax muna ako sa bathtub. Paglabas ko sa banyo nakita ko si Phoenix, natutulog na. Pero hindi siya nakahiga. Nakasandal lamang siya sa headboard ng kama at mukhang nakatulugan ang pagce-cell phone. Hayan ang napapala ng sobrang paggala. Pagod. Pagkatapos kong magbihis—t-shirt at sweat pants—ay agad akong lumapit sa kaniya para iayos ang kaniyang pagkakahiga. Dito rin kasi sa kama na ‘to ako matutulog kaya kailangan niyang umayos para magkaroon ako ng space. Nang maipuwesto ko na siya sa kaliwang bahagi ay saglit muna akong tumayo para abutin ang controller ng mga ilaw. Pinatay ko ang mga ‘yon at ang night lamp lang sa gilid ng kama ang iniwan kong bukas para kahit papaano ay may liwanag pa rin. At ang inaasahan kong gabi ng pahinga ay naging parang isang battle ng wrestling dahil sa kakasipa, dantay at tulak niya sa akin sa buong magdamag habang wala siyang malay. Daig niya pa ang may sanib kapag tulog. 4 am. Kakaiba ang pakiramdam ko. Masakit ang katawan ko at parang may mabigat na nakadagan sa akin. I slightly opened my eyes and it widens more when I saw both of her legs resting on my stomach. Agad ko ‘yon inalis at tinalikuran siya para muling matulog dahil inaantok pa ako. 15 minutes later… Nasa mukha ko naman ngayon ang mga paa niya kaya inis kong tinanggal at inayos ko siya sa kaniyang puwesto para hindi na niya ako masipa ulit. 10 minutes later… Nagising na lamang ako sa sarili kong kalabog nang masipa niya ako sa kama. Anaknang! Tumayo ako habang hinihilot ang balakang dahil matigas ang binagsakan ko. Hindi ba n’ya kayang magpatahimik ng tao?! Inis kong inabot ang controller at napilitan akong sindihan ang mga ilaw. Inis ko siyang pinagmasdan habang tulog na tulog pa rin. Nag-iisip ako kung paano ang puwede kong gawin para naman maging mapayapa ang natitirang ilang oras na puwede ko pang itulog. Mag-aalas singko na kasi ng umaga. Nadako ang tingin ko sa malalaking kurtina sa kwarto at agad akong napangisi sa aking naisip. Tingnan ko lang kung makagalaw ka pa ngayon. Phoenix POV Umaga na. Mali. Tanghali na pala dahil nasisilaw na ako sa sinag ng araw na tumatagos sa salaming bintana kahit na hindi pa man gaanong nakabukas ang mga mata ko. Pero bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko? Pati ang mga paa’t kamay ko? Ano ba’ng nangyayari sa akin? Bakit ang hirap gumalaw? Nagdesisyon akong idilat ang mga mata ko at inangat ko nang bahagya ang ulo ko dahil nakadapa ako sa kama at nakabaling sa gilid, sa gawing bintana ang aking mukha. At laking pagtataka ko nang maramdaman kong nakatali ang mga kamay ko sa likuran, gano’n din ang mga paa ko. Sino’ng may gawa nito? “Jake! Gumising ka! Nakatali ako! Jake!” Nagsimula na akong mataranta pero kahit ano’ng lakas ng boses ko ay ayaw pa rin niyang tuminag. “Jake naman! Tulungan mo ‘ko!” Sa wakas ay narinig na niya ako kaya’t bahagya siyang dumilat at lumingon sa akin. Pero sa halip na mataranta sa sitwasyon ko, bahagya niya pa akong nginitian sabay bati. “Good morning, Phoenix…” “Ano’ng good sa morning? Nakatali ako! Tingnan mo!” Halos hindi ako makagalaw. Ramdam ko na ang ngawit pero hindi ako makatihaya dahil nasa likod ko ang mga kamay ko. “Don’t worry. Ako lang ang nagtali sa’yo. Ang likot mo kasi.” Nagulat ako sa sinabi niya. “Saka ‘wag ka munang maingay, natutulog pa ‘yung tao…” “You call yourself a human?! Pagkatapos ng ginawa mo sa ‘kin?! Gumising ka d’yan at kalagan mo ‘ko!” Kahit hindi ko nakikita ang sarili ko, alam kong namumula na ang mukha ko dahil sa inis. Pero sa halip na sundin ako ay umusog pa siya sa akin at dumantay sabay yakap sa akin nang mahigpit. “Aray! Hindi ako makahinga! Ang bigat mo!” “Ssssssh. Don’t shout, baby. Kakalagan din naman kita. Pero hintayin mo munang ma-solve ako sa tulog...” bulong niya habang nakapikit. “Anong ma-solve sa tulog?! At anong baby?! Bumangon ka na at tanggalin mo na ang tali ko!” Halos um-echo ang boses ko sa buong kwarto dahil sa galit. Dumilat naman siya. Akala ko babangon na siya para tulungan ako, pero tumitig lang siya sa mukha ko. “Baka nakakalimutan mo? Nakatali ka ngayon at p’wede kong gawin lahat sa’yo...” Hinawi niya pa ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ko. “Kaya tumahimik ka muna kung ayaw mong maging malupit ako sa’yo…” Sa kabila ng malambing niyang boses ay natakot pa rin ako kaya hindi na lamang ako kumibo. Hinayaan ko na lamang siyang pumikit at muling matulog. Thirty minutes pa siyang nakaidlip at sa buong oras na ‘yon ay ngawit na ngawit akong nakadapa. Mabuti na nga lang at inalis niya kanina ang pagkakadantay at yakap sa akin. “Ano? Okay na ba ang tulog mo?” I said sarcastically. “Oo. Anong oras na ba?” Bumangon siya at cell phone niya agad ang kaniyang inatupag. Hindi man lang niya naisip na nakatali pa ako. “Tanghali na pala. Maliligo muna ‘ko.” Maglalakad na sana siya papunta sa banyo nang bigla siyang tumigil at nilingon ako. “Teka? Bakit ka nakatali? Sino’ng may gawa n’yan?” taka niya pang tanong na lalong nagdulot sa akin ng pagkainis. “Sino pa nga ba? Edi ikaw! Kalagan mo na ‘ko!” “Ah? Ako ba?” Natatawa niya akong nilapitan at sinimulang kalagin ang mga tali ko sa paa, sunod ang nasa kamay. At nang tuluyan akong makabangon ay doon ko napansin kung ano ang ginamit niyang ‘yon. Iyong mga mahahabang tali ng kurtina. *** (Metro Manila, Philippines.) Pagdating namin sa airport ay si Tita Maybe agad ang sumalubong sa amin. Malapad ang ngiti niya habang palapit sa aming direksyon. Hindi niya kasama ang asawa niyang si Tito Francis. Siya lamang at ang isa nilang driver. “Narito na ang dalawa kong baby!” Niyakap niya ako, maging si Jake nang makalapit siya sa amin. “How’s the vacation?” “Cool,” tipid na sagot ng anak niya at mukhang hindi siya kuntento sa sagot na ‘yon kaya naman sa akin siya sunod na bumaling. Halatang hinihintay niya akong sumagot kaya hindi na ako nag-alinlangan pa. “Ayos naman po. Marami po kaming pinasyalan na lugar. Binilhan n’ya rin po ako ng cell phone.” Dinukot ko pa ‘yon sa bulsa ko para ipakita sa kaniya. “Aww. Ang sweet naman ng anak ko sa asawa n’ya...” Nakangiti niya kaming pinagmasdan ni Jake at hinaplos pa ang buhok ko. “Dapat si Phoenix na ngayon ang number one sa contacts mo, understand?” baling niya rito. Ngunit hindi sumagot si Kuya Jake dahil abala na ito ngayon sa sariling cell phone. Mukhang nagte-text dahil mabilis siyang mag-type. “Jake! Nakikinig ka ba?” At saka lamang ito lumingon sa amin. Kukunin na sana ng mommy niya ang phone niya ngunit agad niya ‘yon iniwas. “What’s wrong, mom?” kunot-noo niyang tanong. “Ang sabi ko, si Phoenix dapat ang number one sa contacts mo!” Pinagmamasdan ko lamang silang dalawa. “Alright. Fine!” Halatang napilitan lang siyang sumagot. Pero hindi naman 'yon big deal sa akin kung maging number one man ako o hindi. “Mauna na kayong umuwi, mom. May pupuntahan lang ako. Susunod rin ako agad.” Sabay baling sa akin. “Bye, baby.” At natulala na lamang ako nang bigla siyang yumuko para dampian ako ng halik sa pisngi bago tuluyang umalis. Wala siyang dala dahil ang mga gamit namin ay nasa compartment na ng sasakyan. Bakit niya ako kiniss? Tumingin sa akin ang mommy niya, halatang gulat din noong una pero agad itong nakabawi dahil biglang lumapad ang ngiti. Mukhang natuwa pa siya sa ginawa ni Jake. “Let’s go." Inakay na niya ako papunta sa nakahinto nilang sasakyan sa tapat. Si Jake naman ay natanaw kong sumakay sa isang taxi. Saan kaya pupunta 'yon? *** Pagdating sa bahay, hindi pa man kami nakakapasok sa main door ay muli akong hinarap ni Tita Maybe. “Phoenix, may itatanong sa'yo si mommy, okay lang ba?” Malambing ang boses niya. Malumanay, kaya tumango ako habang nakatingin kami sa isa't-isa. Ang driver naman nila ay isa-isa nang ibinababa ang mga bagahe namin. “Noong pagkatapos ng kasal...habang nasa hotel kayo...may ginawa ba kayo na...hindi pa dapat gawin?” “Ano po'ng gagawin namin?” Nagsalubong ang mga kilay ko. "Like, kung...kung ginalaw ka ba ni Jake? Hinawakan ka ba n'ya sa kahit anong parte ng katawan mo noong magkatabi na kayo sa kama?" "Hindi po. Pero itinali n'ya po ako dahil malikot daw ako matulog." Napasimangot pa ako nang bahagya nang maalala kong ayaw niya akong kalagan. JAKE's POV Hindi ako sumabay pauwi kina mommy dahil pinuntahan ko pa ang girlfriend ko, si Angel. Kilala ako ng mga katulong nila kaya kusa na nila akong pinaakyat sa taas, sa kwarto nito. “Hey, babe! I missed you!" I was about to kiss her but she pushed me away. “Ano ba, Jake?!” Halatang katatapos niya lang mag-shower at tanging puting robe lang ang suot niya. Basa pa rin ang kaniyang buhok. Nagtataka ko naman siyang tiningnan. "Bakit? May problema ba tayo?” “Oo, Jake. Meron. Meron tayong problema.” “Okay, tell me. What is it?” She stared at me for a second. “Jake, I…I’m…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD