Buong umaga kong iniisip ang mga sinabi ni Jace sa akin kanina. Hindi talaga ako makapaniwalang yayayain n’ya akong lumabas. Lalo na at alam ko kung ano ang ibig sabihin ng pagyayaya n’yang ‘yon! Hindi simpleng paglabas lang ang gusto n’yang gawin dahil hindi naman bago sa akin ang gano’n dahil ilang beses na rin na may nagyaya sa akin na mga katulad n’yang mga mayayaman pero mga palikero!
Nang alas dos ng hapon ay bumaba s’ya sa canteen para mag lunch. Nagulat pa ako dahil ang alam ko ay hindi s’ya dito kakain ng tanghalian hangga’t hindi bumabalik si Mama. Kabado tuloy ako lalo na at nakita kong dito kaagad sa kusina ang tingin n’ya nang umupo s’ya sa table kung saan s’ya nakaupo kaninang umaga!
Hindi ako mapakali habang nakaupo s’ya doon. May lumapit sa kanya na isang part timer para yata magtanong kung ano ang order n’ya dahil nakita kong naglista s’ya sa notebook na dala. Nakahinga ako ng maluwag at saka naghanda sa pagbalik dito sa kusina ng part timer para ibigay ang order ni Jace.
Ilang sandali lang ay pumasok na sa kusina ang part timer at agad na naglikot ang mga mata sa paligid ng kusina. Ilang sandali lang ay nagtama ang tingin namin kaya kunot ang noong lumapit s’ya sa akin. Ngumiti ako ng bahagya sa kanya at hinintay na ibigay n’ya sa akin ang listahan ng order ni Jace. Pero nang mabasa ko ‘yon ay hindi makapaniwalang binalik ko ang tingin sa part timer.
“Bakit pasta ang order n’ya? Wala naman tayong pasta sa menu ngayon ah?” nakangiti kong tanong sa kanya. Kahit ilang beses kong basahin ang nakasulat sa note n’ya ay pasta talaga ang nakalagay.
“Ah eh… busog pa daw kasi si Sir Jace. Kaya light lunch lang daw ang gusto n’ya ngayon,” paliwanag ng part timer. Lalong kumunot ang noo ko habang nakatitig sa kanya.
“Paano ‘yan? Wala naman tayong pasta na niluto ngayon? Pasta lang ba talaga ang gusto n’ya? May pizza tayo na available dito. Pwede bang itanong mo sa kanya kung pwedeng iyon na lang ang i-serve?” sambit ko. Hindi naman mahirap gumawa ng pasta kaya nga lang ay masyadong hassle kung gagawa pa ako no’n ngayon samantalang ilang oras na lang ay magluluto na kami ng para sa mirienda mamayang hapon.
“Sige. Itatanong ko…” sambit n’ya at saka nagpaalam na ulit sa akin para bumalik sa table ni Jace. Sinundan ko ng tingin ang part timer at nakita ko pa kung paanong gumawi ang tingin ni Jace dito sa kusina kaya napasinghap ako at agad na iniwas ang tingin sa kanya.
Bakit ba tingin s’ya nang tingin dito? Ano ba talagang gusto n’ya?!
Muntik pa tuloy akong mapatalon sa gulat nang muling pumasok ang part timer dito sa kusina at kalabitin ako.
“Ayaw daw ni Sir Jace ng pizza,” sambit n’ya kaya hindi makapaniwalang napalingon na ako sa gawi ni Jace na nakatingin na kaagad sa akin!
Hindi ko tuloy maiwasang umirap sa kanya bago ibinalik ang tingin sa part timer. “So, kailangang ipagluto ko pa s’ya ng pasta ngayon?” hindi ko na naiwasan ang pagbakas ng iritasyon sa boses ko dahil nakakairita naman talaga ang ginagawa ng lalaking ‘yon!
Tumango ang part timer kaya kahit naiirita na ako ay tumango ako sa kanya at pilit ang ngiting nagsalita. “Sige. Pakisabi na lang na medyo matatagalan ang order n’ya–”
“Okay lang daw kung matagalan ka. Hindi pa naman daw s’ya masyadong gutom,” mabilis na putol n’ya sa sinasabi ko kaya kulang na lang ay umikot ang mga mata ko!
Hindi naman pala nagugutom, eh bakit pa kailangan na magpaluto pa s’ya ng ibang pagkain?! Pwede namang manahimik na lang s’ya sa opisina n’ya!
May tumawag sa part timer na inutusan ni Jace kaya nagngingitngit na naglakad na ako para simulang lutuin ang pasta na inuutos n’ya!
Walang ibang ingredients dito kundi seafoods dahil seafoods ang majority ng menu ngayong araw kaya wala akong choice kundi gawan s’ya ng seafood pasta.
Panay ang usisa sa akin ni Vira nang makita ang ginagawa ko pero hindi ako sumasagot dahil naiirita ako. Mabibilis kumilos ang mga assistant cook kaya hindi rin nagtagal ang pagluluto ko. Wala pang kalahating oras ay tapos na ang seafood pasta na niluto ko. Inayos ko lang saglit ng platings no’n bago humanda para ipa-serve sa part timer na inutusan ni Jace kanina ang order n’ya.
“Bilin rin pala ni Sir Jace na ikaw na rin daw ang mag-serve ng pasta sa kanya…”
Awang ang bibig ko habang pinapanood ang part timer na naglalakad palayo sa akin matapos ko s’yang ipatawag para i-serve na sana ang order ni Jace.
“Bwisit naman talaga!” mariin ngunit pabulong na reklamo ko. Ilang beses na pumikit pa ako ng mariin para pakalmahin ang sarili bago lumapit sa table n’ya.
Pinaghandaan ko na rin ang mga isasagot ko kung sakaling kukulitin n’ya ako at yayayaing lumabas! Hindi talaga ako magkakamaling isumbong s’ya sa mga kapatid n’ya kapag inulit n’ya pa ang mga sinabi n’ya kanina!
Palabas pa lang ako sa kusina ay nakita ko na naman ang ginawa n’yang pag-angat ng tingin sa gawi ko. Katulad kanina ay titig na titig na naman s’ya sa akin habang naglalakad ako palapit sa table n’ya!
Pilit kong kinalma ang sarili habang naglalakad palapit sa kanya. Pormal na pormal na sinalubong ko ang tingin n’ya at saka agad na ibinaba ang pasta sa ibabaw ng table n’ya.
“Here’s your order, Sir…” pormal pa rin na sambit ko at walang kangiti-ngiti habang nakatitig din sa kanya. Tumagilid ang ulo n’ya at saka humalukipkip bago nagbaba ng tingin sa pasta sa harapan n’ya.
Ngumuso s’ya ng bahagya at saka pinulot ang tinidor kaya yumuko ako para magpaalam sa kanya pero agad na napatigil nang sumenyas s’ya na ‘wag muna akong umalis kaya kunot ang noong napatitig ako sa kanya.
“I’ll taste it first…” simpleng paliwanag lang n’ya kaya pinigilan kong magtaray sa kanya at pinanood na lang s’ya habang tinitikman ang pasta na niluto ko. Nakatatlong subo lang s’ya sa pasta bago binaba ang tinidor at ibinalik ang tingin sa akin.
“I really don’t like seafoods,” naiiling na sambit n’ya kaya kulang na lang ay umawang ang bibig ko.
Ni wala man lang s’yang sinabing gano’n nang magpaluto s’ya kaya paano ko namang malalaman na hindi pala s’ya mahilig sa seafoods?!
Hindi tuloy ako makapagsalita dahil baka kung ano lang ang masabi ko kapag nagsalita ako kaagad na hindi nag-iisip!
Bumuntonghininga pa s’ya at saka tuluyang ibinaba ang tinidor sa gilid bago nag-angat ulit ng tingin sa akin. “I prefer the Filipino style spaghetti more than anything else…” sambit n’ya habang nakatitig na naman sa akin. Pinigilan kong mapaismid dahil baka isipin n’yang nagrereklamo ako! Ilang sandali lang ay kumunot ang noo n’ya sa akin at saka humilig pa sa table para mas silipin ang mukha ko. “Why? Do you feel wronged?” tanong n’ya pa kaya agad na inayos ko ang sarili ko at saka umiling ng bahagya.
“No, Sir. I’ll just… make another pasta for your likings,” mariin at pigil ang inis na sambit ko bago yumuko at kinuha ang tray sa harapan n’ya pero pinigilan n’ya ako kaya napatingin ako sa kanya.
“I’m sorry about what I said earlier,” hininging paumanhin n’ya kaya mas lalong kumunot ang noo ko. Tumitig lang s’ya sa akin kaya napalunok ako at bahagyang tumango sa kanya.
“It’s okay–”
“Next time, I’ll make sure to just talk and flirt with you after work,” dagdag n’ya pa kaya unti-unting umawang ang bibig ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.
Ano daw?!
“Excuse me?” tanong ko dahil hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi n’ya! Unti-unting umangat ang gilid ng mga labi n’ya para sa isang pilyong ngisi kaya mas lalo akong napalunok at napasinghap!
“I mean… I haven’t given up on you yet…” sambit n’ya at saka marahang kinagat ang ibabang labi habang titig na titig sa akin!
Lecheng lalaki ‘to! Palikero talaga!
“I’ll be back with your Filipino style pasta, Sir!” mariin na mariin at pormal na paalam ko at sinadyang ipagdiinan ang salitang ‘Sir’ para ipaalala sa kanya ang layo ng estado naming dalawa!
“Hmm… sure. I’ll wait for you here…” sambit lang n’ya na parang wala lang sa kanya ang mga sinabi n’ya sa akin!
Gigil na gigil tuloy ako habang nagmamartsa pabalik sa kusina. Takang-taka ang assistant cook nang ibalik ko doon ang seafood pasta na hindi naman kinain ng babaerong Jace Mijares na ‘yon!
“Anong nangyari, Jam?” usisa ng matanda sa akin pero umiling lang ako sa kanya bago sumagot.
“Ayaw daw po n’ya ng seafood. Pinoy style lang daw po…” sagot ko. Tumango lang ang matanda at saka nagsimula nang maghiwa ng ibang ingredients na gagamitin para sa paggawa ng sauce. Mabuti na lang at hindi nagamit ang lahat ng pasta kanina kaya sauce na lang ang babaguhin ko.
Wala pang kalahating oras ay luto na ang sauce at nilagay at inayos ko na ‘yon sa plato para i-serve sa kanya. Muntik pa akong mapamura nang makitang oras na para magluto ng para sa merienda ngayong hapon kaya minadali ko na ang pagprepare sa pasta ni Jace at saka nagmamadaling i-serve ‘yon sa kanya.
Nakatingin na naman s’ya sa akin kaya pilit na inignora ko ang mga paninitig n’ya at nagpatuloy sa mabilis na paglalakad palapit sa kanya. Sa kakamadali ko ay hindi ko tuloy napansin ang janitor na mukhang naglalampaso sa gilid. Nakaupo s’ya nang dumaan ako at bigla na lang tumayo kaya hindi ko na s’ya nagawang iwasan pa.
Tumapon ang tray na hawak ko at ako naman ay napaupo sa sahig kaya halos trumiple na ang iritasyon na nararamdaman ko lalo na nang makitang halos kumalat sa buong sahig ang pasta na niluto ko!
Ilang beses na napamura ako sa isip.
Ano bang kamalasan ito?!
Mabilis na dinaluhan ako ng janitor na nakabangga ko para tulungan ako na tumayo. “Sorry, Miss! Nasaktan ka ba–”
Hindi na n’ya naituloy ang sinasabi n’ya nang sumulpot bigla si Jace kaya sabay kaming napatinga sa kanya.
“Just tidy up the mess there,” sambit n’ya at tinuro ang nagkalat na mga pasta sa sahig. “I’ll help her,” dagdag n’ya pa at saka yumuko para tulungan akong tumayo.
“Y-yes, Sir!” narinig ko pang sambit ng janitor at mabilis ang kilos na sinunod ang sinabi ni Jace. Inis na nag-angat ako ng tingin kay Jace na nakalahad ang kanang kamay sa harapan ko. Inis na iniiwas ko ang tingin sa kamay n’ya at saka sinubukang tumayo na mag-isa.
“Okay lang ako. Kaya kong tumayo na mag-isa– aw!” napatigil ako sa pagsasalita at napasimangot nang maramdaman kong medyo sumakit ang pang-upo ko dahil sa biglaang pagkaupo sa sahig!
Narinig ko ang mariing mura n’ya bago mas yumuko pa para alalayan na akong tumayo.
“You can’t even stand on your own,” salubong ang mga kilay na sambit n’ya pa habang inaalalayan akong tumayo. Halos itukod ko na ang dalawang kamay ko sa dibdib n’ya para lang hindi ako tuluyang mapadikit sa katawan n’ya.
Amoy na amoy ko ang bango n’ya sa biglaang paglalapit namin samantalang ako ay paniguradong nangangamoy pasta na ngayon dahil dalawang beses na akong nagluto ng magkaibang sauce!
“Just why the hell are you always in a hurry huh? It’s not like I was pressuring you,” narinig ko pang sermon n’ya kaya naglapat ang mga labi ko at inis na tinitigan s’ya. Nagtatakang napatingin s’ya sa akin. “What’s with that look? Are you mad at me?” tanong n’ya pa at tumaas ang kilay sa akin.
Umismid ako at hindi nagsalita bago hinawi ang braso n’yang nakakapit sa bewang ko pero agad din akong napakapit sa braso n’ya nang kumirot ang balakang ko.
Narinig kong muli ang mariing mura n’ya bago ibinalik ang hawak sa bewang ko para alalayan ako sa paglabas sa canteen! Namilog ang mga mata ko at napalingon sa gawi ng kusina dahil paniguradong nagluluto na sila ng para sa merienda ngayong hapon!
“Teka lang, Sir. Magluluto pa ako–”
“Can you really cook in this state?” sarkastikong tanong n’ya kaya hindi ako nakapagsalita at kinagat na lang ang ibabang labi dahil hindi ko talaga kinakaya ang sakit ng balakang ko.
Inalalayan n’ya ako palabas sa canteen para dalhin yata sa clinic kaya halos itago ko na ang mukha ko dahil nakikita ko ang paglingon ng mga empleyadong nadadaanan namin!
Narinig kong bumuntonghininga si Jace at tumigil sa paglalakad kaya nagtatakang nilingon ko s’ya. Nakakunot pa rin ang noo n’ya at saka inalis ang pagkakahawak sa akin. Nagulat pa ako nang gumalaw s’ya para talikuran ako at saka umupo sa harapan ko.
“Anong ginagawa mo–”
“Come closer. I’ll just carry you,” utos n’ya kaya awang ang bibig na umiling ako.
“Hindi na! Maglalakad na lang ako, Sir!” agarang pagtanggi ko pero kumunot lang ang noo n’ya nang muling lingunin ako.
“Sasakay ka sa likuran ko o bubuhatin kita?” nakataas ang kilay na tanong n’ya. Nang hindi ako sumagot ay nanliit pa lalo ang chinito n’yang mga mata at saka humakbang palapit sa akin. Napalunok ako nang mapansin ang kakaibang titig n’ya sa akin. “Do you want me to carry you in bridal style huh?” tanong n’ya pa kaya literal na umawang ang bibig ko dahil sa pagkabigla sa sinabi n’ya!
Nang hindi pa rin ako nagsalita ay nanliliit ang mga mata na yumuko s’ya para buhatin na ako pero agad kong pinigilan ang mga braso n’ya kaya napatingin s’ya sa akin.
“S-sasakay na lang ako sa’yo!” mabilis at natatarantang sambit ko. Nakita kong tumitig s’ya sa akin at saka naiiling na ngumisi kaya kunot ang noong napatitig ako sa kanya. “B-bakit, Sir?” tanong ko. Umiling s’ya bago kinagat ang ibabang labi.
“Nothing. That sounds really dirty in my ears…” sambit n’ya na pilit na tinatago ang ngisi sa mga labi! Agad na nag-init ang buong mukha ko nang makuha ang sinabi n’ya lalo na nang magsalita pa s’ya habang nakatitig ng diretso sa mga mata ko. “Sasakay ka sa akin?” tanong n’ya pa kaya mas lalong nag-init ang mga pisngi ko at umiling ng sunod-sunod.
“Sasakay sa likuran mo!” nag-iinit ang mga pisnging pagtatama ko. Mas lalo s’yang ngumisi kaya hindi ko na tuloy alam kung ano pa ang sasabihin ko! Ilang na ilang din ako sa ginagawa n’yang paninitig sa akin!
“That sounds appropriate now…” sambit n’ya na halatang natatawa pa rin kaya pilit na iniwasan kong masalubong muli ang titig n’ya bago s’ya tumalikod sa akin para pasakayin ako sa likuran n’ya!