Panay ang usisa sa akin ni Vira nang bumalik ako sa kusina matapos makipag-usap sa Jace Mijares na ‘yon. Napapairap pa ako habang sineset ang coffee maker para magawa ang kape na gusto n’ya.
“Ano ‘yan, Jam? Magkakape ka? ‘Di ba hindi ka naman mahilig sa kape?” Usisa ni Vira habang pinapanood ang ginagawa ko.
“Hindi sa akin ito,” simpleng sagot ko habang nag coconcentrate sa tinitimplang kape. Kumunot ang noo n’ya at pilit na sinilip ang mukha ko kaya tumaas ang kilay ko sa kanya. “Kay Jace ‘to…” sambit ko dahil halata namang gusto n’ya lang ng confirmation mula sa akin kahit na may idea na s’ya kung para kanino ang kape na ginagawa ko.
“Talaga? Eh bakit ikaw ang pinagtitimpla n’ya? Hindi ba may sarili naman silang coffee maker sa opisina nila?” kunot noo at halata sa boses ang pagtataka na sambit n’ya kaya kumunot din ang noo ko at napatitig sa mukha n’ya.
“Hindi ba sila usually nagkakape dito sa canteen?” usisa ko pa habang nakakunot ang noo. Umiling agad s’ya.
“Hindi,” sagot n’ya at saka humalukipkip. “Pero nagpupunta talaga si Jace dito sa umaga lalo na kapag hindi s’ya nakakakain bago pumasok sa opisina,” dagdag n’ya pa. “Ginagawan s’ya ng Mama mo ng sandwich kapag wala pang nailuluto dito,” pahabol n’ya na agad na umayos ng tayo nang tawagin muli ng Nanay ni Andrea.
Nagkibit balikat ako nang makaalis s’ya at agad na pumasok sa isip ang mga bilin ni Mama sa akin. Inis na bumuntonghininga ako at napatingin muli sa labas at nakitang busy na ulit si Jace sa kung anong ginagawa n’ya sa laptop n’ya.
Kagat ang ibabang labi na lumapit ako sa fridge at nilabas ang tirang mga laman ng manok na sahog ng chicken sopas at sinimulang gumawa ng palaman para sa chicken sandwich.
Alam kong hindi naman s’ya kakain ng niluto kong sopas kaya ginawa ko na lang ang ilan sa mga bilin ni Mama.
Lumabas ako sa kusina na dala ang kape na pinatimpla n’ya at saka ang chicken sandwich na ginawa ko. Kung hindi pa s’ya kumakain ng agahan ay hindi nga maganda kung iinom lang s’ya ng kape at hindi kakain ng kahit na ano.
Katulad kanina ay ibinaba n’ya ang laptop n’ya at saka tiningala ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad palapit sa kanya at saka agad na ibinaba sa table ang kape at chicken sandwich na ginawa ko para sa kanya. Isa lang ang dinala ko dahil kung hindi n’ya ‘yon kakainin ay baka masayang lang.
“Here’s your coffee, Sir. Sinamahan ko na rin ng sandwich just in case hindi pa kayo kumakain ng breakfast,” pormal na pormal na sambit ko at nag-angat ng tingin sa kanya. Kitang-kita ko ang pagtataka sa itsura n’ya habang nakatingin sa sandwich bago nag-angat ng tingin sa akin. Agad na inunahan ko na s’ya bago pa s’ya makapagsalita ulit. “Kung ayaw n’yo pong kainin, just leave it there. Babalikan ko na lang mamaya para ligpitin,” mabilis na sambit ko at agad na yumuko ng bahagya para tuluyan nang iwanan s’ya doon.
Halos habulin ko ang bilis ng kabog ng dibdib ko habang naglalakad palayo sa table n’ya. Kabadong-kabado ako at hindi ko maintindihan kung dahil pa rin ba ‘yon sa iniisip ko kanina pa na baka naaalala n’ya na ako. Pero sa kinikilos at sinasabi n’ya ay mukhang hindi n’ya naman ako natatandaan. Dahil kung natatandaan n’ya ako ay imposibleng manahimik lang s’ya dahil sa ginawa kong pambibitin sa kanya noong gabing iyon sa Cocktailify!
Pagbalik ko sa loob ng kusina ay halos maubos na ang chicken sopas dahil napansin kong halos last batch na ng mga empleyado ang kumakain sa canteen.
Medyo napakislot pa ako nang sikuhin ako ni Vira kaya kunot ang noong nilingon ko s’ya. “Ano na naman?” tanong ko.
“Nagpapa-serve si Jace ng merienda,” sambit n’ya kaya awang ang bibig na tiningnan ko s’ya.
“Edi bigyan mo–”
“Ikaw daw ang mag-serve,” mabilis na tanggi n’ya matapos umiling ng sunod-sunod. Muntik pa akong mapamura dahil sa inis!
Hindi naman ako waitress dito pero bakit ba sa akin s’ya nagpapa-serve ng pagkain?!
Iritadong sumilip ako sa gawi ng table kung saan s’ya nakaupo at medyo tumaas ang kilay nang makitang wala na sa table n’ya ang sandwich na ginawa ko!
Kinain ba n’ya ‘yon o pinamigay?
Ipinilig ko ang ulo ko at inis na tumalikod para ipaghanda s’ya ng merienda. Nang matapos ay lumabas na ako para i-serve sa kanya iyon.
Paglabas ko pa lang ay nakita ko ng nakatingin na s’ya sa gawi ko kaya muntik pa akong mapatigil sa paglalakad dahil agad na naging kabado dahil sa paninitig na ginagawa n’ya.
Hindi katulad kanina ay nakababa na kaagad ang laptop n’ya at mukhang sadyang hinihintay lang ako na lumapit sa gawi n’ya.
Nakahalukipkip pa s’ya at nakasandal sa upuan habang nakatingin sa akin kaya mas lalo tuloy s’yang nagmumukhang intimidating dahil sa pwesto n’ya!
Hindi ako nagsalita at basta na lang na inilapag ang tray na may laman na bowl of chicken sopas sa ibabaw ng table n’ya. Ramdam ko ang ginagawa n’yang pagsunod ng tingin sa akin pero pilit na inignora ko ‘yon para hindi ako tuluyang kabahan dahil sa ginagawa n’yang paninitig.
Napatingin ako sa platito na walang laman sa gilid ng table n’ya kung saan ko nilagay ang sandwich kanina bago nag-angat ng tingin sa kanya.
“I’ll… I’ll get this plate–”
“Give me another sandwich,” utos n’ya kaya kunot ang noo na sinalubong ko ang titig n’ya. Tumikhim s’ya at agad na umayos ng upo at sinimulang kainin ang sopas na dinala ko.
Kitang-kita ko ang ginawa n’ya pang pagtigil ng pagnguya nang matikman iyon bago nag-angat ng tingin sa akin.
Hindi ko alam kung anong klaseng tingin ang binibigay n’ya sa akin pero agad na nailang ako kaya mabilis na nagpaalam ako para bumalik sa kusina at ikuha s’ya ng panibagong sandwich.
Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko dahil doon kaya inis na inis ako habang kinukuha sa fridge ang natira sa ginawa kong palaman kanina.
“Bakit ba kasi s’ya utos ng utos sa akin? Ang dami-dami naman sanang part timers dito na pwedeng mag-serve sa kanya?!” iritado at mahinang bulong ko habang nilalagyan ng palaman ang loaf bread. Dalawa na ang ginawa kong sandwich para sa kanya para kung sakali ay hindi na n’ya ako pababalikin pa doon!
Katulad kanina ay walang imik na inilagay ko ang sandwich sa ibabaw ng table n’ya. Natukso akong silipin ang bowl ng sopas na kinakain n’ya at nakita kong marami-rami na s’yang nabawas doon kaya tumaas ang kilay ko bago nagpaalam sa kanya. Hindi naman s’ya nagsasalita at nananatili lang ang titig sa akin kaya hinayaan ko na.
“Ate Jam, pwede po bang mag-out na ako agad? May exam pa po kasi ako ng eleven…”
Nahihiyang sambit ng isang part timer sa akin pagbalik ko sa loob. Nilingon ko ang labas at nakita kong nagliligpit na ng mga kinainan ng mga empleyado ang mga kasama n’ya kaya napatingin ako sa kanya.
Panay ang tunog ng alarm ng phone n’ya kaya agad na tumango ako sa kanya. “Sige. Ako na ang bahalang magligpit sa mga tables kung saan ka nakatoka,” sambit ko at saka nginitian s’ya. Nakita kong nagliwanag ang mukha n’ya at agad na nagpasalamat sa akin bago tumatakbong lumabas sa canteen para magtungo sa locker room.
Bumuntonghininga ako at agad na napasimangot nang mapagtantong isa pala ang table na kinakainan ni Jace sa mga nakatoka sa part timer na kaaalis lang kaya wala akong choice kundi ang ligpitin ang table n’ya mamaya!
At dahil kumakain pa si Jace ay inuna ko ng ligpitin ang ilan pang table na malapit sa table n’ya. Napapansin ko ang paninitig na ginagawa n’ya sa akin kaya halos ingat na ingat ako sa pagkilos dahil baka mamaya ay makabasag pa ako dito at mabawasan pa ang sasahurin ni Mama!
“Si Jam? Walang boyfriend ‘yan! Single na single!”
Agad na napatigil ako sa ginagawang pagliligpit nang marinig ko ang pangalan ko. Kunot ang noong nilingon ko ang table sa di kalayuan at nakita ko si Vira na tinuturo ako sa dalawang lalaking part timer na kasama n’yang nagliligpit din sa mga tables doon.
Kagat ang ibabang labi na sinamaan ko s’ya ng tingin at hindi napigilang itinaas ko ang kamao kong nakakuyom para maintindihan n’ya ang sinasabi ko. Pero imbes na tumigil ay nakita ko pa s’yang naglakad palapit sa gawi ko kasama ang dalawang part timers na mukhang nahihiya pa sa akin.
“Vira, sasabunutan talaga kita mamaya…” mariin at mahinang bulong ko habang pinagpapatuloy ang paglilinis sa table.
Palapit na ako sa table kung saan nakaupo si Jace kaya medyo binagalan ko ang paglilinis para bigyan s’ya ng sapat na oras para makatayo doon bago ako lumapit at kuhanin ang mga pinagkainan n’ya. Ayaw kong pumunta doon na naroon pa s’ya dahil sobrang nakakailang ang mga titig n’ya. Baka mamaya ay makabasag pa ako!
“Jam, may gustong makipagkilala sa’yo dito…”
Inis na napapikit ako ng mariin nang marinig na naman ang boses ni Vira. Mukhang nasa likuran ko na sila kaya kitang-kita ko ang ginawang paglingon ni Jace sa gawi namin kaya mas lalo akong nairita!
“Vira, nagtatrabaho ako dito. Mamaya na–”
“Edi magtrabaho ka lang d’yan. Gusto lang naman nilang i-confirm kung single ka nga…” pangungulit n’ya pa kaya inis na napaayos ako ng tayo at bumuntonghininga bago hinarap sila.
Pareho kong pinasadahan ng tingin ang dalawang lalaki na kasama n’ya. May mga itsura naman at matatangkad pa pareho ang mga ‘yon pero siguro dahil wala akong interes sa pakikipag boyfriend sa ngayon ay hindi ko magawang ma-appreciate ang mga itsura nila.
“Oo, single nga ako…” sambit ko at saka tiningnan silang dalawa. Kitang-kita ko pa ang excitement sa mga mukha nila matapos magtinginan kaya agad na dinugtungan ko na ang sinasabi ko. “Pero sorry… Hindi kasi ako naghahanap ng boyfriend ngayon. Sa iba na lang kayo pumorma,” tuloy-tuloy na paliwanag ko bago sila nginitian at pinagpatuloy ang ginagawang pagliligpit sa mga table.
Lumapit pa si Vira sa akin at binulungan ako pero gigil na kinagat ko lang ang ibabang labi ko habang pinanliliitan s’ya ng mga mata. Natatawang lumayo s’ya sa akin kaya naiiling na pinagpatuloy ko na ang paglilinis pero agad na napatigil nang maramdaman ko ang titig ni Jace Mijares sa akin.
Nang mag-angat ako ng tingin para salubungin ang tingin n’ya ay hindi man lang n’ya iniiwas ang tingin sa akin kaya mabagal na umayos ako ng tayo at saka tumikhim.
“M-may iuutos po ba kayo sa akin, Sir?” tanong ko habang sinasalubong ang titig n’ya.
“Did you make this soup and those sandwiches?” tanong n’ya matapos ang ilang sandaling paninitig sa akin. Tumaas ang kilay ko dahil sa itsura n’ya ay mukhang dudang-duda pa s’ya sa akin. Bumuntonghininga ako at saka mabilis na tinapos ang pagliligpit na ginagawa sa table na katabi ng sa kanya bago naglakad palapit sa table n’ya para doon naman magligpit.
Sa itsura n’ya ay mukhang wala pa s’yang balak na tumayo doon kaya wala akong choice kundi ang ligpitin na ang mga nasa table n’ya kesa naman babalikan ko pa ‘yon mamaya!
“Yes, Sir. I made that soup and those sandwiches. May problema po ba sa lasa ng mga ‘yon?” tinatamad na tanong ko habang sinisimulang ligpitin ang mga nasa ibabaw ng table n’ya.
“Nope,” narinig kong sagot n’ya. “You actually got the taste that I want…” dagdag n’ya pa kaya agad na natigil ako sa ginagawang pagkuha sa empty bowl sa ibabaw ng table n’ya.
Unti-unti kong sinalubong ang titig n’ya at kitang-kita ko ang agarang pag-iiba ng titig n’ya sa akin. “Are you sure you don’t have a boyfriend right now?” biglang tanong n’ya at tumagilid ng bahagya ang ulo. Inalis n’ya ang reading glass na suot pero nanatili ang titig sa akin. “Wanna try going out with me tonight?” tanong n’ya pa kaya umawang ang bibig ko at agad na nabitawan ang bowl na hawak-hawak ko dahil sa pagkabigla sa sinabi n’ya!
Napamura s’ya ng mahina dahil nahulog sa kandungan n’ya ang bowl. Namilog ang mga mata ko at agad na yumuko para kuhanin ang bowl sa kandungan n’ya pero mas lalo s’yang napamura at pinigilan ang kamay ko kaya kunot ang noong sinalubong ko ang tingin n’ya.
Mabagal na kinagat n’ya ang ibabang labi kaya agad na bumaba ang tingin ko doon at natigil lang ang paninitig doon nang muling nagsalita s’ya.
“It’s been quite a while since a woman touched this part…” napapaos at mahinang sambit n’ya kaya agad na natigilan ako at agad na napayuko para tingnan ang kamay ko na hawak-hawak n’ya. Nakasayad ang dulo ng mga daliri ko sa ibabaw ng hita n’ya kaya agad na napasinghap ako at mabilis ang kilos na binawi ang kamay ko pero hindi n’ya ako hinayaan.
“Bitawan mo ako–”
“Wanna go out with me tonight?” muling ulit n’ya sa tanong n’ya kanina kaya agad na bumuntonghininga ako at kagat ang ibabang labi na hinawi ang kamay n’yang nakahawak sa isang kamay ko.
Mabilis naman na nakalas ang pagkakahawak n’ya sa akin dahil nagulat s’ya at mukhang hindi inaasahan ang pagpalag ko sa kanya. Inis na sinalubong ko ulit ang tingin n’ya. “No, Sir…” mariin at seryosong sagot ko sa kanya. Tumaas ang kilay n’ya kaya iritadong nagpatuloy ako sa pagsasalita. “Besides… Talking and flirting with your employee, especially during working hours is against the code of conduct…” mariin at seryosong sambit ko bago pairap na pinulot ang bowl sa ibabaw ng hita n’ya at agad na iniwanan na s’ya doon!
Halos magdugo na ang ibabang labi ko sa diin ng pagkakakagat ko nang ma-realized na may nasagi ang mga daliri ko sa kandungan n’ya kaya narinig ko ang sunod-sunod na mura n’ya bago ako tuluyang tumalikod sa kanya!