“Check her lower back. I think she sprained her lower back after slipping on the floor…”
Halos hindi ako makatingin kay Jace at sa nurse na sumalubong agad sa amin pagdating dito sa clinic ng Mijares Trine.
Hindi ako makapaniwala na simula sa canteen hanggang dito sa clinic ay nakasakay ako sa likuran n’ya! Takang-taka pa ang mga nakasabay namin sa elevator pero parang walang pakialam si Jace dahil tuloy pa rin ang pakikipag-usap n’ya sa akin kanina!
“Check ko muna ‘yung likuran mo ha? Masakit na masakit ba?” marahang tanong ng nurse nang makaupo ako sa isa sa mga bed dito sa clinic. Nakatingin pa rin si Jace at pinapanood kami kaya ilang na ilang ako lalo na nang nilalagyan na ng nurse ng hot and cold compress ang likod ng balakang ko.
Kahit noong nilalagyan na ng nurse ng patch ang balakang ko ay nakatingin pa rin si Jace at nanood sa amin kaya hindi ko tuloy gaanong maintindihan ang mga sinasabi at binibilin ng nurse sa akin dahil ang buong pansin ko ay nakatutok kay Jace na nakahalukipkip sa gilid at pinapanood ang mga ginagawa ng nurse sa akin!
Agad na binaba ko ang laylayan ng shirt na suot ko matapos malagyan ng nurse ng patch ang likod ng balakang ko.
“Mukhang hindi naman napuruhan pero kapag masakit na masakit pa rin hanggang bukas, kailangan mo nang magpa-x ray…” Narinig kong bilin ng nurse kaya wala sa sarili na napatango ako sa kanya. Medyo guminhawa na nga ng konti pagkatapos n’yang lapatan ng hot and cold compress kaya panigurado ay mas magiging okay na ito mamaya.
“Thank you po…” sambit ko sa kanya bago n’ya ako binilinan na magpahinga muna doon at ‘wag na munang bumalik sa trabaho.
Pagkaalis ng nurse ay naiwan kami ni Jace doon. Napalunok ako nang humakbang s’ya palapit sa bed at saka umupo sa gilid.
“How are you feeling now? You okay?” magkasunod na tanong n’ya habang nakatingin sa akin. Napalunok ako at saka tumango bago nag-iwas ng tingin sa kanya.
“O-okay na, Sir. Pwede na po kayong bumalik doon–”
“I’ll ask someone to get your things,” sambit n’ya at gumalaw para kuhanin ang phone sa bulsa. Napamaang ako at hindi alam ang sasabihin! “Taga saan ka ba? I’ll send you home–”
“No need, Sir!” mabilis na tanggi ko habang sunod-sunod na umiiling. Kumunot ang noo n’ya at tumigil sa ginagawang pagpindot sa phone. “K-kaya ko na po na umuwi na mag-isa. Hindi n’yo na po kailangan na ihatid ako,” dagdag ko pa nang makita ang kakaibang tingin n’ya sa akin.
“I didn’t say I’ll drive you home,” sambit n’ya kaya agad na nag-init ang mga pisngi ko habang sinasalubong ang tingin n’ya. Muntik pa akong mapamura nang makita ang unti-unting pag-angat ng sulok ng mga labi n’ya! “Gusto mo bang ako ang maghatid sa’yo pauwi?” tanong n’ya at tumagilid pa ang ulo kaya mas lalong nag-init ang mga pisngi ko. Sa itsura n’ya ay mukha s’yang nanunukso na hindi mo mawari kaya mas lalo akong natatameme dahil hindi ko s’ya magawang kontrahin na hindi ako nagmumukhang iritado!
Mabilis na umiling ako. “Kaya kong umuwi na mag-isa–”
“I doubt it,” mabilis na pigil n’ya sa sinasabi ko at saka bumaba ang tingin sa katawan ko. “Are you going to commute in your current state?” tanong n’ya at nag-angat ng tingin sa akin. Medyo tumaas ang kilay n’ya habang nakatitig sa akin. “Hmm?”
Agad na tumango ako kahit na kabadong-kabado ako sa ginagawa n’yang paninitig sa akin.
“Yes, Sir…” sagot ko at pilit na pinaseryoso ang mukha. “Kaya kong umuwi na mag-isa,” dagdag ko pa. Nanliit pa lalo ang mga mata n’ya habang sinasalubong ang tingin ko.
“Paano kung ayoko?” hamon n’ya at tumaas ang kilay sa akin. Kumunot ang noo ko.
“Sir–”
“Do you think I will let my employee go home alone after seeing how she struggles to walk on the way here in the clinic?” nakataas ang kilay na hamon n’ya sa akin kaya napamaang ako at umayos ng upo para ipakita sa kanya na kaya ko na.
“Pero okay na po ako ngayon. Kaya ko nang maglakad–”
“What if something happens to you on your way home? You are just going to put the company into a tight spot for not considering our employee’s wellness,” tuloy-tuloy na paliwanag n’ya kaya tuluyan na akong napamaang lalo na nang ibinalik n’ya ang tingin sa phone n’ya at ilang sandali lang ay meron na s’yang kausap doon. “Yeah. Get her things in the locker room and put it in my car…” narinig ko pang utos n’ya sa kausap kaya kagat ang ibabang labi na napatingin ako sa oras. Ilang minuto na lang ay alas singko na. Ibig sabihin ay uwian na rin ng mga empleyado pati ang mga empleyado sa canteen! Baka mamaya ay makita nila ako na sumasakay sa sasakyan ni Jace pagkatapos ay ma-issue o ma-tsismis pa kami dito!
“Let’s go…”
Natigil lang ako sa pag-iisip nang muling magsalita si Jace at saka tumayo kaya nagtatakang tiningnan ko s’ya.
“Ako na lang mag-isa. Kaya ko naman talaga–”
“You are quite stubborn huh?” sambit n’ya pa matapos bumuntonghininga. “But I am more stubborn than you. So, you better get yourself ready if you don’t want me to really carry you the way I wanted to…” mariin at seryosong banta n’ya pa kaya napamaang ako sa mukha n’ya. Ngumisi s’ya ng pilit sa akin. “Wanna witness how stubborn I am?” pananakot n’ya pa kaya agad na umiling ako dahil mukhang lumaking spoiled ang lalaking ito para gawin n’ya ang lahat ng gusto n’yang gawin!
Inalalayan n’ya pa ako sa pagtayo. Hindi na gaanong masakit ang balakang ko pero sa takot na mapwersa iyon ng tuluyan ay hindi ako gaanong lumakad ng mabilis.
Mukhang naiinip na tiningnan n’ya ako matapos naming makalabas sa clinic. Nagtatakang napatingin ako sa kanya pero agad na nakuha ang gusto n’yang iparating.
“Ahh… Ayaw ko lang po na ma-pwersa itong balakang ko kaya naglalakad ako ng mabagal,” paliwanag ko. “P-pwede naman po na mauna na kayo doon. Susunod na lang ako–”
Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nang naglakad na s’ya pabalik sa akin at agad na yumuko para buhatin ako!
Halos mahigit ko ang hininga nang mabilis na napakapit sa leeg n’ya sa takot na mahulog ako!
“S-Sir–”
“You should just ask me to carry you again instead of forcing yourself to walk. Takot ka naman palang mapwersa…” sambit n’ya habang diretso ang tingin habang naglalakad palapit sa elevator.
Sunod-sunod na napalunok ako dahil hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang tingin ko dahil sobrang lapit ng mukha n’ya sa akin!
At ngayon na ilang pulgada lang ang layo ko sa kanya ay kitang-kita ko ng mabuti ang mukha n’ya.
Wala naman akong dapat na ika-insecure sa mukha ko dahil likas na sa akin ang hindi tinutubuan ng pimples pero ngayong nakikita ko ang mukha n’ya sa malapitan ay parang bigla akong na-insecure sa itsura ko.
Matapang at arogante ang itsura n’ya pero ang kutis n’ya sa mukha ay parang kutis ng isang babae sa sobrang kinis!
Medyo pawis s’ya dahil siguro sa ginagawang pagbuhat sa akin habang naglalakad pero parang mas lalo lang s’yang bumabango habang pinagpapawisan!
Bumukas ang elevator sa harapan namin at agad na pumasok s’ya doon. Ang akala ko ay ibababa n’ya ako pero hindi! Hindi n’ya ako ibinaba pagkatapos pumindot sa panel!
Nang bumaba ang tingin n’ya sa mukha ko ay para na akong nakaharap sa naka-high ang temperature na stove dahil sa sobrang init na nararamdaman ko sa mukha ko.
“Do I have something on my face?” tanong n’ya makalipas ang ilang sandaling pakikipagtitigan n’ya sa akin.
Napakurap-kurap ako habang pilit na pinoproseso sa isip ang tanong n’ya. Parang nag-hang ang utak ko habang nakatitig ako sa kanya. Salubong ang mga kilay n’ya pero parang mas lalo lang s’yang nakakaintimidate kapag gano’n kaya mas lalo akong natutuliro!
“P-po?” litong-lito pa rin na tanong ko dahil hindi na n’ya halos alisin ang titig n’ya sa mukha ko. Ni hindi ko man lang na-check ang sarili ko kanina matapos kong alisin ang suot kong hair net!
“You kept on staring at me,” sagot n’ya. “Do I have something on my face?” muling tanong n’ya. Mabilis na umiling ako.
“W-wala naman, Sir–”
“Then?” tanong n’ya at tumaas ang isang kilay. “Bakit ka tumitingin kung wala?” pagpapatuloy n’ya pa. Napasinghap ako at halos mawala na sa sarili habang sinasalubong ang titig n’ya.
Shít! Ngayon lang ako na intimidate ng sobra sa isang lalaki! Dahil ba sa nangyari sa amin sa Cocktailify?!
Natigil ulit ako sa pag-iisip nang makita kong ngumisi s’ya habang naiiling na nakatingin sa akin. Kitang-kita ko ang paninitig na ginagawa n’ya sa kabuuan ng mukha ko kaya mas lalo lang akong nawawala sa sarili dahil sa ginagawa n’ya!
“You are staring at me again…” sambit n’ya na halatang natatawa kaya agad na nag-iwas ako ng tingin nang hindi na makayanan ang mga titig n’ya! “Do you wanna play a staring game with me, hmm?” hirit n’ya pa pero hindi ko na s’ya pinansin.
Nakangisi pa rin s’ya nang nakababa na kami sa elevator at naglalakad na ngayon palapit sa kotse n’ya.
Pinatunog n’ya ‘yon at saka ibinaba ako sa upuan sa harapan. Gusto ko sanang sa likod na umupo pero baka ma-offend s’ya at sabihin na ginagawa ko s’yang driver! Ayaw ko pa namang makipag-usap ulit sa kanya dahil kapag nakikipag-usap ako ay kung anu-ano lang ang mga sinasabi n’ya!
S’ya pa mismo ang nagkabit sa seatbelt ko kaya halos pumikit na ako para lang ‘wag magtama ang mga paningin namin! Narinig ko pa s’yang humalakhak ng mahina bago umikot para pumwesto sa driver’s seat.
Panay ang lingon n’ya sa akin habang nagsisimulang paandarin ang sasakyan. Ako na ang nagkusa na magsabi ng address ko kahit hindi n’ya pa tinatanong dahil balak ko na matulog sa byahe para hindi ko s’ya makausap!
“That’s quite far from here…” narinig ko pang komento n’ya nang sabihin ko kung saan ako nakatira.
Sabi ko naman sa’yo, ako na lang mag-isa ang uuwi. Napasubo ka pa tuloy sa layo ng byahe!
Hindi ako nagsalita pero ilang na ilang ako dahil madalas s’yang sumusulyap sa gawi ko. Para pa akong nalulunod sa bango n’ya dahil ang sasakyan n’ya ay parang nabuhusan ng pabango na gamit n’ya kaya bawat kibot ko ay naaamoy ko s’ya sa paligid!
“What course did you finish?” narinig kong tanong n’ya kaya napalingon ako sa kanya. Wala sana akong balak na sagutin ‘yon dahil wala namang dahilan na malaman n’ya pa ang tungkol doon. Isa pa ay ilang araw lang naman akong papasok sa company nila.
“Engineering,” simpleng sagot ko at pinahalata sa kanya na hindi ako interesado na makipag-usap pa s’ya sa akin. “Civil Engineering,” paglilinaw ko.
“Really? I’m actually a civil engineer,” sambit n’ya. Hindi ako lumingon at hindi rin ako nagkomento. Maya-maya ay nakita ko ulit s’yang sumulyap sa gawi ko bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Did you take the board exams?” tanong n’ya pa kaya huminga ako ng malalim at napilitang sumagot.
“Not yet, Sir…” pormal na pormal na sagot ko. Nakita kong sumulyap ulit s’ya sa akin bago nagsalita.
“It’s already past five in the afternoon,” sambit n’ya na ikinalito ko kaya kunot ang noong nilingon ko s’ya. “I mean, it’s not even working hours and we’re not in the office anymore,” paliwanag n’ya pero hindi ko pa rin nakuha ang ibig n’yang sabihin kaya nanatili lang ang tingin ko sa kanya. Nang mapansin n’ya ‘yon ay nakangising nilingon n’ya ulit ako. “There’s no need for you to be formal. Stop calling me ‘Sir’. Just call me Jace,” tuloy-tuloy na sambit n’ya kaya awang ang bibig na napatitig ako sa kanya.
“That will only make me feel uncomfortable, Sir,” pagdadahilan ko at sinadya na maging pormal sa pakikipag-usap sa kanya. Umungol s’ya at saka naramdaman kong tumigil ang sasakyan nang maipit kami sa traffic kaya tuluyan n’ya akong hinarap.
“Me neither…” sambit n’ya. Kunot ang noong nilingon ko s’ya. “It will be uncomfortable if someone I like will keep calling me ‘Sir’...” prangkang dagdag n’ya pa kaya mas lalo akong napamaang sa mukha n’ya.
Ilang sandaling nagkatitigan kami bago ko tuluyang naproseso ang sinabi n’ya. Natatawang umiling ako.
“Are you saying that you already like me?” natatawa at hindi makapaniwala na tanong ko. Walang pag-aalinlangan na tumango s’ya kaya mas lalo akong natatawa. “Since when? Pangalawang araw ko pa lang sa trabaho ngayon. Ni wala pa ngang 24 hours ang duration ng pagkikita natin kung susumahin. How can you possibly like someone that fast? I am still considered a stranger to you!” natatawang pagpapatuloy ko at saka humalukipkip at sumandal habang nakatuon ang tingin sa harapan ng sasakyan.
Nanatili lang s’yang nakatitig sa akin pero binawi n’ya rin agad ang tingin nang lumuwag na ang traffic kaya nagpatuloy na s’ya sa pagmamaneho.
“I don’t really care how long we’ve known each other,” sagot n’ya kaya nanliit ang mga mata ko at nakataas ang kilay na nilingon s’ya.
“I see,” sarkastikong sambit ko. “Of course, you don’t care about the duration when meeting someone new,” pagpapatuloy ko. “Because the F word is the only thing you care about…” mahinang dagdag ko pa at saka napairap.
Nakita kong sinulyapan n’ya ako at medyo nagtagal pa ‘yon bago s’ya nagsalita ulit. “F word?” tanong n’ya na mukhang narinig nga ang sinabi ko. Umismid ako at hindi nagsalita.
Ilang sandaling namagitan sa amin ang katahimikan bago s’ya nagsalita ulit. “F word?” natatawang ulit na naman n’ya sa sinabi ko. “You’re even aware of that stuff huh?” natatawa pa rin na tanong n’ya. Hindi ulit ako nagsalita kaya hindi na rin s’ya nangulit pa pero nakikita ko pa rin ang madalas na pagsulyap n’ya sa gawi ko habang nasa byahe kami.
Nang makita ko ang eskinita na malapit sa bahay namin ay agad na pinatigil ko doon ang sasakyan n’ya. Nakita ko pa ang pagkunot ng noo n’ya habang nakatingin sa paligid bago nilingon ako.
“Are you sure you’re gonna get off here?” tanong n’ya at kumunot ang noo nang itigil ang sasakyan sa isang tabi. Bukod sa waiting shed ay wala ng ibang kabahayan doon dahil papasok pa ang sa amin at kailangan pang maglakad ng limang minuto bago makarating doon.
“Yes, Sir. Dito na lang ako. Salamat po sa paghatid–”
“Hold on,” mabilis na pigil n’ya nang bababa na sana ako. Kunot ang noong pinanood ko s’yang bumaba sa sasakyan at saka umikot para pagbuksan ako ng pinto. Kagat ang ibabang labi na pinanood ko s’yang binuksan ang pinto sa gilid ko.
Agad na napasandal ako sa upuan nang humilig s’ya palapit na parang may hinahanap na kung ano sa driver’s seat.
“Where’s my phone?” tanong n’ya pa habang tumitingin tingin sa paligid ng sasakyan. Napapalunok ako dahil hindi na komportable dahil sa sobrang lapit ng mukha at katawan n’ya sa akin.
Nang muling gumalaw s’ya ay nakita kong pinatong n’ya ang kaliwang kamay sa kanang gilid ko kaya napatitig ako sa gilid ng mukha n’ya. Nakatingin pa rin s’ya sa driver’s seat kaya malaya kong napagmasdan ang side profile n’ya.
Slightly sharp jawline, chinito eyes, red lips…
Natigil lang ako sa paninitig na ginagawa sa kanya nang biglang gumalaw ang inuupuan ko at halos tumilapon ako sa kanya!
Namilog ang mga mata ko nang sa sobrang lakas ng impact ng paggalaw ng seat adjuster ng sasakyan ay dumikit ang mga labi ko sa pisngi n’ya!
Muntik pa akong mapasigaw sa gulat kaya namimilog ang mga matang napatakip ako sa bibig dahil sa pagkabigla sa pangyayari!
Nang humarap s’ya sa akin ay kitang-kita ko ang ginawa n’yang pagtatago sa ngiti n’ya at nanliit ang mga mata habang sinasalubong ang tingin ko.
“I don’t usually allow women to kiss me first…” sambit n’ya kaya mabagal na napalunok ako at namilog lalo ang mga mata. Mabilis na inalis ko ang pagkakatakip ng kamay ko sa bibig ko para magpaliwanag sa kanya.
“Kasalanan mo! I think, you accidentally hit the seat adjuster–”
Hindi ko na natapos ang ginagawa kong pagpapaliwanag nang dumukwang s’ya para salubungin ang mga labi ko.
Awang ang mga labi ko sa gulat habang unti-unting napapikit nang maramdaman ko ang tuluyang paglapat ng mga labi n’ya sa akin!