Close

2138 Words

Ang plano ko sana na matulog sa biyahe pauwi sa bahay ay hindi natuloy dahil sa sobrang daldal at kulit ni Jace. Wala namang nangyayari sa usapan namin kundi puro sa asaran lang nauuwi kaya hindi ko namalayan na nakarating na kami kaagad sa eskinita papasok sa bahay namin. Nang itigil at itabi niya ang sasakyan ay napalinga pa ako sa paligid dahil medyo maraming tao dahil bisperas ng fiesta at maraming mapapanood sa plaza. Baka mamaya ay may kakilala ako na makakita sa amin kaya sinigurado ko na wala bago ako nagpasyang bumaba. Pero bago ko pa nagawa iyon ay napigilan na ni Jace ang braso ko kaya nagtatakang napalingon ako sa kanya. “Bakit?” kunot ang noong tanong ko. Nakita kong sumulyap siya sa harapan ng sasakyan at may inginuso sa akin. Agad na napasinghap ako nang mapatingin din do

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD