Pagitan

2357 Words

Napaayos ng upo si Jace nang mapatigil ako sa pagpasok sa loob ng bahay. Katulad kaninang nakasalubong ko s’ya sa elevator ay titig na titig na naman s’ya sa akin. Natigil lang ang paninitig n’ya sa akin nang lumabas si Mama at tinawag s’ya para mananghalian. “Jace, handa na ang tanghalian–” napatigil si Mama sa pagsasalita at agad na nagliwanag ang mukha nang makita ako. “Nandyan ka na pala, Jam! Halika na at sabayan mo na kaming kumain–” Mabilis na umiling ako sa paanyaya ni Mama. “Tapos na po akong kumain, ‘Ma. Kumain na po kami ni Vira bago umuwi,” paliwanag ko at pormal na napasulyap sa gawi ni Jace na hindi man lang yata nag-abalang alisin ang tingin sa akin kahit na alam naman n’yang may posibilidad na makita s’ya ni Mama! “Papasok na po ako kwarto at magpapahinga–” “Sandali, Jam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD