Tahimik lang ako habang kumakain kami ni Jace. Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang mga sinabi n’ya kanina. At sa tuwing magagawi ang tingin ko sa box na niregalo ng kaibigan n’ya ay mas lalong nag-iinit ang mga pisngi ko dahil kung saan-saan nakakarating ang imagination ko. “Stop looking at that box,” natatawang saway ni Jace sa akin kaya natigil ang paninitig ko sa box na ‘yon at napayuko para ipagpatuloy ang pagkain. Mas lalong iniiwas ko ang tingin sa kanya lalo na nang mapansin ko ang paninitig n’ya sa akin. Tuwing mahuhuli n’ya pa akong napapatingin sa kanya ay ngumingisi s’ya ng nakakaloko kaya mas lalo akong naiilang! Nang isang beses na nahuli n’ya akong napasulyap sa gawi ng box ay narinig kong napamura s’ya kaya napatingin na ako sa kanya. “I said, stop looking at that box,