Pagkapasok namin sa gate sa sarili naming community village sa gitna ng kagubatan na ayaw pasukin ng mga tao, dinala nila ako sa harapan ng pack house. I was captured by my own pack, hindi rin sana ako nandito sa posisyon na ganito kung hindi ako tinawagan ng sarili kong ina at kailangan niya ng tulong ko. Ang akala ko sinaktan na naman siya ng aking ama, pero inutusan pala ito ng Alpha, my father, para pabalikin lang ako rito. Hindi ko alam kung ano ang balak nilang gawin sa akin. Nasusunog at nangangati ang aking balat dahil na rin sa silver cuffs na nakalagay sa aking wrists. Nang makita ko ang aking ina sa gilid ng aking mga mata, matalim ko siyang tinignan at nag-growl pa ako. My wolf too is pissed off with her, dahil bukod sa hinuli ako, iniwan din namin ang aming mates para lang sa kanya.
Marahas akong tinulak ng beta ng aming pack, the second highest ranking wolf sa aming pack. Pinaluhod niya ako sa harapan ng pack house at sunod kong matalim na tinignan ang aking ama na nasa porch ng pack house. Nakita kong may lumabas na mga lalake roon na hindi pamilyar sa akin. Ito siguro ang sinasabi sa akin ng aking kapatid kaninang umaga na mga bisita. More like bwisita! Perfect timing din naman para ipahiya ako ng sarili kong ama sa lahat at sa bisita namin ngayon.
“Anong ibig sabihin nito, ama? Hindi ko maintindihan kung bakit tinatrato niyo ko ng ganito! Kung hindi lang ako nagpauto sa Luna, kasama ko pa rin sana ang mate ko ngayon!” Malakas ang boses kong sabi sa kanya na puno ng galit.
“Tsk, tsk, tsk… Hindi kita pinayagan na lumabas, isa yon sa kasalanan mo. Tapos ngayon naman mag-iimbento ka ng isang bagay na alam naming lahat na hindi totoo. Kailangan mong parusahan para hindi ka umulit pa. At tsaka mate? Sinong niloloko mo?”
“Lalabas ako pag gusto ko, hindi ako katulad ng mga babae rito na uto-uto at bobo!” sigaw kong sabi. Malakas akong sinipa ng beta, napaubo ako, pero hindi ako sumigaw sa sakit. I won’t let them take that satisfaction na nasasaktan ako! Napatawa ako at ngayon ay maraming tao ang nakapaligid sa amin. “Yon lang ba ang kaya mo?” natatawa kong sabi sa beta. Dinilatan niya ako ng kanyang mga mata at akmang susugurin ako ulit, pero pinigilan siya ng Alpha. Bumangon naman ako at unti-unti akong tumayo.
“Hindi ko alam kung bakit kagaya mo ang naging anak ko! Ni hindi ko alam kung saan mo nakuha ang basura mong pag-uugali!” ngumisi ako sa kanya.
“Ikaw ang basura at hindi ako…” nakita ko ang gulat na expression ng mga tao na nakapaligid sa amin. Hindi na talaga sila nasanay sa pagsasalita ko sa aking ama. Wala akong respeto sa isang ama na hindi rin nirerespeto ang gusto ng kanyang pack. Tinatakot niya ang lahat dahil sa kanyang laki at lakas, maliban nga lang sa akin. I will never succumb to this man! “Kahit anong gawin niyo sa akin, masaya pa rin ako dahil biniyayaan ako ng Moon Goddess ng mate! Hindi lang isa, kundi dalawa pa! And the good part is, twins sila, at hindi na ako makapaghintay na umalis sa impyernong lugar na ito kung saan ako lumaki!” Malakas siyang nag-growl at mabilis din siyang lumapit sa akin, sabay sampal niya sa aking mukha. Napadapa ako sa sahig at muntik na akong mapasigaw nang sinabunutan niya ang aking buhok at paulit-ulit niyang inuntog ang akig ulo sa lupa.
“Walanghiya ka! Magdadala ka pa talaga ng kamalasan sa pack natin! Wala kang utang na loob! Magpasalamat ka pa nga at binuhay pa kita!” Nahihilo ako nang tumigil siya. Ramdam ko ang sakit sa buo kong mukha at alam ko na puno na ito ng sugat at namamaga. Pero dahil wolf ako, mabilis din naman akong gumaling. Some bones crack, and I feel my cut skin stitching together. Nag-whine ang aking wolf na tinutulungan ako na mag-heal. “Hindi ko papayagan na malahian ng sumpa ang aking pack! Hindi ko papayagan na sumama ka sa mga ‘yon! Isa kang anak ng Alpha at isang Alpha din ang mapapangasawa mo. Maaaring siya na ang makapag-paamo sayo, Andromeda.”
“Hinding-hindi ako papayag sa gusto mong mangyari!” Tumingin ko sa kanyang mga bisita na nanonood lang sa amin. Nakita ko ang isang lalake na may kakaibang laki at aura at mataman siyang nakatingin sa akin. Maaaring ito ang Alpha na sinasabi ng kanyang ama. Pero walang makakapantay kay Cygnus at Izar, in fact, mas malaki nga sila compare sa isang Alpha na alam kong katulad din ng aking ama. Nang makita ko ang kalagayan ng aking ina, na parang isang alipin lamang na sinusunod ang lahat ng gusto ng kanyang asawa, pinangako ko sa aking sarili na hindi ako magiging katulad niya.
“I have two men destined for me, Alpha, at hindi ko hahayaan na sirain mo ang bond naming tatlo!” malakas niya akong sinampal sa mukha ng paulit-ulit, at paulit-ulit din naman akong nag-heal. Hinatak niya ako papunta sa kulungan ng mga rouge wolves at hinang-hina naman ako na hindi na nagpumiglas pa.
Ipinasok niya ako sa isang bakanteng kulungan. May kinabit siyag kadena sa aking mga cuffs, at napangiwi ako nang pinunit niya ang aking damit sa likod. May binigay sa kanyang latigo ang kanyang beta at huminga naman ako ng malalim. Hinataw niya ito at tumama sa aking likod. Isang matinding sakit ang aking nararamdaman. Tiniis ko ito na hindi nagpapakawala ng sigaw, kuyom ang aking mga palad at nanginginig ang aking mga labi sa sakit na natatamasa ko ngayon. Parang pinupunit ang aking balat at katawan sa pagtama ng latigo sa aking likod. Sunod-sunod ito at walang kapaguran itong ginawa ng aking ama para lang sumuko ako sa kanya. Hingal na hingal na siya nang tumigil, hinarap niya ako at tinaas ang nakayuko kong ulo.
“Bukas magpapakasal ka sa lalakeng pinili ko para sayo. Sisiguraduhin ko na magdurusa ka sa piling niya. Huwag kang mag-alala anak, ako na ang bahala sa mga mates mo.” sa huli niyang sinabi, parang may bugso ng enerhiya ang dumaloy sa akin. Doon na ako sumigaw sa galit, doon na ako nagpumiglas. Gusto kong hatawin ang kanyang mukha, gusto kong pagpira-pirasuhin ang kanyang katawan! Hindi! Hindi! Hindi niya maaaring saktan ang mga mates ko! Malakas siyang humalakhak habang palabas siyang ng kulungan. Iniwan niya ako na sumisigaw, umiiyak sa kulungan na ito na puno ng sugat at sakit sa buo kong katawan. Kailangan nating makaalis rito! Papatayin niya sina Cygnus at Izar! sabi ko sa aking wolf. Nanghihina na rin ito at wala na siyang maibibigay pa para pagalingin ang mga sugat ko. Nakakaasar! Nakakaasar talaga! Kung hindi ako nagpaloko sa aking ina, hindi mangyayari ito! Patuloy akong umiyak, matinding poot, galit ang nararamdaman ko ngayon!
Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatili na nakaluhod at nakayuko lang ang aking ulo. Wala na akong lakas at sobrang sakit ng buo kong katawan. Pati paghinga ko ay may dulot din na sakit. Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto ng kulungan at akala ko binalikan ako ng aking ama para parusahan ulit. Pero napaangat ako ng aking ulo nang marinig ko ang boses ng aking kapatid. Bilog na bilog ang kanyang mga mata habang nakatingin siya sa akin. Maingat siyang lumapit sa akin at napaigtad ako nang may tinurok siya sa aking braso.
“A-Ano ‘yon?” Paos ang boses kong tanong sa kanya.
“Hiningi ko sa pack doctor, pampamanhid at para mabilis na gumaling ang mga sugat mo, Ate,” sagot niya. “Pasensya na, hindi kita natulungan. Ayaw akong pakawalan ni Nanay kanina.” Pinakawalan niya ang aking mga kamay at pinainom niya rin ako ng tubig.
“M-mas ma-mabuti na y-yon kaysa naman ma-madamay ka pa…” sambit ko. “Ka-kaila…ngan mo ko…ng tulu-n-ngan, papatayin n-niya ang m-ga ma-mates ko…”
“Dadalhin kita sa kanila pero dapat kayanin mo, Ate… Kailangan na nating umalis bago pa nila tayo maabutan.” uminom ulit ako ng tubig. Nawawala na nga ang sakit na nararamdaman ko pero hindi pa rin gumagaling ang aking mga sugat. Sinubukan kong tumayo at nakaya ko naman. Tumingin ako sa aking kapatid na puno ng takot at pag-aalala ang kanyang mukha.
“Hi-hindi ka pwedeng madamay… Kaya ko na toh.” umiling lang naman siya. Inalalayan niya ako at tumakas na kami sa kulungan, ay sanay makalabas rin ako ng lugar namin at makabalik sa aking mates na naghihintay sa akin.