Kinulong ako ng aking ama, pinahirapan niya rin ako, ang sarili niyang anak dahil ang gusto niya ang dapat masunod. Tumanggi ako na sundin siya at syempre pinili ko ang totoo kong mates. Pulling up all my energy joined with adrenaline, I pushed myself up at tinulungan ako ng aking kapatid na tumakas sa aking kulungan. Nakapanghina talaga sa akin at ang aking wolf, ang silver at sa mga sugat na aking natamo mula sa parusa ng aking ama. Bisita niya ngayon ang isang Alpha na katulad niya and he wants him to be my mate. He’s such a heartless father, siya pa mismo ang sisira sa bond ko sa aking mga mates. The Moon Goddess gave them to me at parang ininsulto na niya ito dahil ibibigay niya ako sa iba. How could he do this to his own daughter?! I expected the worst from him, pero ito na yata ang pinakamalala na ginawa niya. Isa pa hindi naman ako pupunta rito kung hindi nakiusap ang aking ina na tulungan siya. Siya ang may kasalanan ng lahat ng ito at hinding-hindi ko siya mapapatawad!
Ang kapatid ko na lang talaga ang kakampi ko na tutulungan akong makatakas at bumalik sa aking mga mates. Kailangan naming kumilos ng mabilis bago pa sila mapahamak sa binabalak ng aming ama. Walang naging problema nang makalabas kami ng dungeon. Nagtago kami sa isang malaking puno at tumingin sa paligid para makatakas sa mga bantay. We have a sensitive smell kaya nagulat ako nang ipatanggal ng aking kapatid ang aking mga damit at may binigay siyang malinis na mga damit. Agad naman akong kumilos at pinalitan ang aking suot na puno ng dugo. Kinuha ito ng aking kapatid, tumango ako sa kanya at kumilos na kami. Tumakbo kami sa gubat na nakapaligid sa small village namin. I was gaining my energy back ahil na rin sa gamot na tinurok niya sa akin at gumagaling na rin ang aking mga sugat. Nakalayo na kami ng konti pero naririnig na namin ang sigawan sa lugar namin. Ikinalat ng aking kapatid ang aking mga damit para maging pa-in sa mga wolves na hahabol sa amin at hindi kami masundan kaagad. Nang nasa edge na kami ng territory namin, at sinabi ko sa aking kapatid na bumalik na siya. Ayoko ng madamay pa siya, at kahit ito pa ang future Alpha ng aming pack, sigurado akong paparusahan pa rin siya ng aming ama.
“Hindi kita iiwan, sasama ako sayo…” matigas niyang sabi sa akin. Bahagya naman akong ngumiti sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha. Tinitigan ko siya at naggo-glow na ngayon ang kanyang mga mata, even his fangs are poking out now.
“Bumalik ka na, take a shower, siguraduhin mo na walang matitira na scent ko sa buong katawan mo.” nakarinig kami ng alulong sa buong paligid. “You need to go back, ikaw lang ang inaasahan ko at ng iba pang members ng pack natin. Pag naging Alpha ka na, you need to change everything, gaya ng gusto nating dalawa. I’m counting on you, at ayoko na masira ang lahat dahil sa katigasan ng ulo mo. Kaya ko na toh, bago pa tayo mahuli, bumalik ka na. I can outrun them, trust me.” nagulat ako nang bigla niya akong niyakap, at gano’n rin naman ang ginawa ko.
“Come back, promise me you’ll be back.” humiwalay ako sa kanya at hinalikan ko ang kanyang noo.
“Pangako yan…” niyakap ko siya ulit tapos ay tumakbo na ako ng mabilis. Hindi na ako lumingon at pinahiran ko ang luha na tumulo sa aking mata. Binilisan ko ang pagtakbo, at kahit pa masakit pa rin ang aking katawan, gamit ang lakas ng aking wolf, I ran as fast as I can. Nakarinig ako ng growls at howls na papalapit sa akin. Wolves have heightened senses, which involves sight, hearing and smell. Naririnig ko ang malalakas at mabibilis na yapak ng mga paa na humahabol sa akin. Kahit gabi na, nakikita ko pa rin kung saan ako dumadaan. I can smell them close enough and I need to move fast at bumalik sa aking mates para balaan sila. Sinabi sa akin ng aking wolf na pwede kaming mag-shift kaya hindi na ako nag-aksaya ng panahon pa.
Habang tumatakbo kami, gaya ng aming pagsasanay na ginagawa, nag-shift ako sa aking wolf kahit kumikilos pa ako. Tumubo ang reddish brown kong balahibo sa buo kong katawan. Naging paws ang aking mga kamay at paa. Humaba ang aking mga nguso, nag-crack ang aking mga buto for my transformation na ngayon ay hindi na masakit. Tumalon ako sa isang malaking trunk na puno na nakaharang sa daan at pag-apak ko sa lupa, fully transformed na ko. Parang mas magaan na ang katawan ko ngayon at nakatulong talaga ang gamot na binigay sa akin ng aking kapatid. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang ibang wolf na humahabol sa akin. Mas mabilis na ako ngayon dahil naka-shift na ako. Maliksi rin akong umiwas sa mga puno na nakaharang sa daan. Nakita ko ang isang malaking figure sa aking gilid at mabilis akong umiwas nang sunggaban niya ako. Hindi ako tumigil nang makita ko na ito, isang pitch black na wolf na mas malaki pa sa aming lahat, ibig sabihin isa siyang Alpha!
Sumunggab ang iba pa, iniwasan ko ang lahat habang ang iba ay inatake ko. Kinagat ko ang hind leg ng isa at binato kung saan. Isang malakas na howl ang pinakawalan ng Alpha, pero hindi ko ito pinansin at tumakbo ulit. Hindi ko naiwasan ang isa na nakagat ang aking tiyan, nainis naman ang aking wolf at inatake rin ito. I went for it’s throat at madiin ko siyang kinagat tapos ay kumilos na naman ako. I was tired pero puno ng adrenaline ang aking katawan kaya hindi ko ito ininda. Hinahabol pa rin nila ako at alam ko pag nahuli nila ako ulit, magsisimula na talaga ang tunay kong pagdurusa lalo na pag naibigay na ako ng aking ama sa Alpha na ‘yon na hinding-hindi ko papayagan!
Gumalaw ang aking mga tenga at bigla akong natuwa nang marinig ko ang pagaspas ng tubig sa di kalayuan. Malapit na ako sa may falls at ‘yon ang daan ko para tuluyan na akong makatakas. Bago pa ako makarating doon, bigla akong napatigil nang biglang sumulpot ang Alpha sa harapan ko na. He sneers at me at nakatitig lang naman ako sa kanya. Pag gano’n mararamdaman mo na talaga ang Alpha powers niya, coating you with fear and dominance, causing a certain werewolf to submit. Pero sa amin, wala siyang epekto, hindi ko maintindihan, pero confident pa ako na matatakasan ko siya. Hinanda ko ang aking sarili na isahan siya at isang pagkakataon lang ang meron ako. We both position ourselves in an attacking stance, drool is dripping from his mount at kitang-kita ko ang laki ng kanyang mga ngipin.
Ilang minuto lang kaming nagkatitigan hanggang sa tumalon na siya para sugurin ako. Pero hindi ko siya sinalubong, tumakbo ako na nakababa ang aking ulo at nag-slide ako sa kanyang ilalim, at nang malagpasan ko na siya, I sprint out of there. I yip and bark because of excitement nang makita ko na ang kumikinang na tubig. Sinundan ko ang daloy ng tubig habang naririnig ko ang howl ng Alpha. Binilisan ko pa ang aking kilos hanggang sa makita ko na ang falls.
“ANDROMEDA!!!” sigaw ng aking ama. Tumigil ako sa edge ng falls at lumingon. Nakita ko ang aking ama at nasa likod na niya ang Alpha na nag-transform na sa tao. “Bakit hindi mo na lang ako sundin? Pag umalis ka, you will be treated as a rogue, hindi ka na makakabalik pa dito sa pack natin! I will disown you as my daughter and you will never see your brother again!”
Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. “Huwag na huwag ka ng babalik rito, mula ngayon hindi ka na parte ng pack natin!” pagkasabi nito, parang may napigtas sa aking loob at alam kong ang bond ko sa aming pack ay wala na. Isa na akong rouge ngayon, and actually, I am very happy na mapuputol na ang ugnayan ko sa aking ama, at sa pack na walang ginawa kundi ikahiya ako at insultuhin ako. Tumalikod na ako sa kanya at tuluyan na akong tumalon pababa sa falls.