bc

Abducted By My Twin Alien Mates

book_age18+
6.6K
FOLLOW
38.7K
READ
others
polyamory
dominant
kickass heroine
king
bxg
lighthearted
werewolves
multiverse
alien contact
like
intro-logo
Blurb

Si Andromeda ay isang matapang at malakas ang loob na babae na may sariling paninindigan. Hindi siya yumuyuko sa sinumang lalake. Naniniwala siya na pantay ang lalake at babae na wala sa pananaw ng kanyang ‘pack’ at ginagawa na parang alila lang ang mga babae. Umaasa siya na makakatagpo na niya ang kanyang ‘mate’ na pwedeng maglayo sa kanya sa kanyang hbuhay sa loob ng kanilang grupo na ang mismong ama niya ang namumuno. Naiinggit siya sa kanyang nakakabatang kapatid na lalake na laging pinapaburan ng kanyang magulang at nakatagpo na rin ng sarili nitong ‘soulmate’.

Isang gabi, pumunta siya sa isang nightclub at umaasa na makatagpo na niya ang kanyang soulmate doon. Matiyaga siyang naghintay hanggang sa may nakita siyang lalake, napakalaking lalake, at na-realize niya na ito na nga ang taong para sa kanya, ang makakasama niya habang buhay. Isang gabing nagniig ang kanilang katawan at hindi niya inaakala na ang lalakeng ‘yon ang magpapabago ng tuluyan sa kanyang buhay. Lalo na at sa ibang planeta pala siya dadalhin nito, na ni sa hinagap ay hindi niya pinangarap.

chap-preview
Free preview
One - Women
Kanina ko pang gustong batuhin ng delata ang aking lalakeng kapatid habang nakikipagharutan siya sa kanyang girlfriend. Ang bwisit na toh! Ako ang panganay, ako ang nauna, siya ang bunso, pero siya pa ngayon ang may lovelife. Ang unfair din naman talaga ng mundo dahil 18 pa lang siya natagpuan na niya ang taong para sa kanya. Kahit kailan talaga ang swerte ng kapatid ko, samantalang ako, 23 na hindi ko pa rin nahahanap ang lalakeng para sa akin, soulmate ba. Hindi ko nga alam kung ano ang nagawa ko at hindi pa siya binibigay. I'm a slight of a good girl, I don't hurt anyone unless they do something first. Naging mabuti naman akong nilalang sa mundo, mahilig nga lang lumabas at makipag-party kasama ang mga kaibigan ko na lahat ay taken na. May iba pa nga na nagpakasal na, at ako tingin ng lahat dito sa village namin ay defective ako. Na pinanganak talaga ako na walang soulmate. Kairita! Bata pa din naman ako pero usually nga, kapag 18 ka na, nakakatagpo mo na ang destined partner. Ano yo’ng sa akin? Delayed lang? Aba five years na, at hanggang ngayon, wala pa rin. Goddess naman, huwag niyo naman akong parusahan ng ganito. Baka palayasin na ako sa pack pag hindi ko pa siya matatagpuan, or worst sapilitan nila akong ipe-pair up sa iba. Hay naku! Makalayas na nga sa bahay na ‘toh and I will just party, all by myself. Busy kasi ang mga kaibigan ko, may kanya-kanya ng pamilya at ang iba magkakaanak na. Hindi naman sila pwedeng sumama sa akin na uminom ng maraming alak, although, hindi naman kami nalalasing. Pumanhik muna ako sa taas para makapagpalit ng aking single party clothes, a dark blue bondage dress na hapit sa aking katawan, black sheer stockings, and high heels. Nilugay ko ang aking itim na itim na buhok, some light makeup on my face a with a dark red lipstick on my lips. Nang masaya na ako sa aking itsura, bumaba na ako at lumakad papunta sa pinto. “Ate, saan ka pupunta?” Tanong sa akin ng kapatid ko. Ngumiti naman ako sa kanya at hinawi ko ang aking mahabang buhok sa aking mukha. “Well, I’m bored at lalabas ako,” sagot ko sa kanya na nakabusangot ang aking mukha. “Pero may celebration dinner tayo, nakalimutan mo na ba? Sinabi ito ni Papa kanina.” Bumuntong hininga naman ako at tumingin sa inosente kong kapatid na favorite ng magulang ko at lahat ng tao dito sa village. Mabait kasi siyang anak, masunurin, matalino, lahat ng sinasabi ng magulang ko, sinusunod niya. Siya kasi ang future leader ng pack, because he’s a male and has an alpha blood. Meron din naman ako pero alam mo na, sexist din naman ang mga tao dito. In their prespective, ang mga babae ay nasa bahay lang, inaasikaso ang bahay, inaalagaan ang kanilang mga anak, habang ang kanilang mga asawa ay nagtatrabaho. Women here listens to their dominant partners at lahat ng babae rito ay nasa bahay lang talaga once na nag-asawa na. Wala silang sariling buhay, sariling pera at umaasa lang sa kanilang asawa. Well, that’s not me! Ayokong mag-stay lang sa isang lugar at sundin ang utos ng mga lalakeng walang ginawa kundi tapakan kaming mga babae. Sila lang kasi ang malakas, ang may kayang magtrabaho, but in fact, kaya naman din naming mga babae. We can hunt, we can provide food on the table na hindi umaasa sa kanila. We are talented, we are wise, pero dito sa village na ito, ako lang yata ang may ganoong perspective. Every woman here is submissive and I really don’t like it. I also have Alpha blood, damn it! And I don’t wanna be pushed around by some dominant male with a big, big ego. Naku, kung matatagpuan ko man ang aking soulmate, gusto ko pantay lang kami. But if he would act like an asshole jerk, magkalimutan na lang kami, reject agad. I don’t care kahit wala na akong partner sa buhay! Lumapit ako sa aking kapatid at tinapik ko ang kanyang balikat. Siguro sa buong pack, my brother is one of the nicest person to me. Kaya lang busy na siya lately sa training kasama ang ibang lalake. Siya kasi ang tagapagmana ng aking ama, the future Alpha. Hindi man siya ang panganay, lalake siya at ako babae na nasa bahay lang. Naglilinis ng bahay, nagluluto ng pagkain tulad ng kaawa-awa kong ina na sobrang bait. I am not that girl, I’m an independent woman at ayokong umasa sa iba! I wish for my brother to be sucessful and I am also wishing very hard na hindi siya maging katulad ng aking ama. “Reghal, para sa’yo ang dinner na ‘yon. You found your mate and it’s really a celebration lalo na sa future alpha. Tsaka sigurado naman ako na walang makakapansin na wala ako. I will celebrate on my own and maybe search for my mate too. Naiinggit na ako sa’yo, eh.” Biglang namula ang kanyang mukha at napakamot siya ng kanyang ulo sanhi ng pagtawa ko. Binalingan ko ang babaeng kasama niya, his girlfriend, his mate and the future luna. Kababata siya ng aking kapatid, she is simply beautiful, innocent at mabait siyang bata. Compatible sila ng aking kapatid pero may nakikita din akong fierceness sa kanyang mga mata. Sana pag sila na ang namuno sa pack, may magbabago na, I know that they can change the pack. Nabanggit na rin kasi ng aking kapatid na ayaw na niyang mamuhay ang pack in a very traditional way. He still wants to respect it, pero mabilis ng nagbabago ang mundo. May cellphone na, internet at kung anu-ano pa. Pero ang mga tao rito parang nakatira pa rin sa ilalim ng malaking bato. The village is fruitful, maraming pera ang pack at mayaman ang pamilya namin pero para kaming naka-stuck sa lumang panahon. Kaya nga kaming mga kabataan, pumupunta pa sa kabilang village para mag-mall, manood ng movies, pumasok sa isang nightclub. Wala kasing gano’n dito, may mga boutiques, mga family restaurants but we have the biggest supermarket na nago-offer ng organic ingredients. At ang supermarket na ‘yon ang nagpapalago sa aming village. Bukod pa doon, ang mga kainan dito, dinadayo din ng mga tao dahil sa kakaibang sarap ng mga pagkain. I gotta say, that it’s true, that’s why we are thriving. Doon naman ako proud sa family ko, dahil sa magandang pamumuno nila. Here in this village, my father is like the Mayor at sumusunod sa kanya ang lahat. Ako lang yata ang hindi, well, kung minsan. Kaya nga ako ang sakit ng kanyang ulo, I can say na ako ang black wolf ng family, metaphorically, since I am a red wolf. A very strong willed, and sexy, red wolf, just like my hair! Isa lang ang kilala ko sa aming pack na gano’n at syempre, isa din siyang babae. My Aunt Suzzaine na kapatid ng aking ama at aking mentor. Tulad ko, wala din siyang mate, siya ang nagturo sa akin kung paano lumaban. We train secretly, of course, minsan kasama ang kapatid ko. Hanggang sa nag-decide siyang mag-travel a few years ago at hanggang ngayon hindi pa siya bumabalik. No’ng una may contact kami sa isa’t-isa pero after a year nawala na ang communication namin. I’m sure she’s okay at baka nahanap na niya ang kanyang mate. Magpaparamdam din ‘yon pag feel na niya. “Enjoy your party, brother, huwag mo na akong hintayin at huwag mo na rin akong banggitin sa mga magulang natin at baka mawala ang good mood nila. I will see you tomorrow!” Bahagya ko siyang niyakap at hinalikan ko pa ang kanyang noo. Pagkatapos ‘non, lumabas na ako ng bahay. Sumakay ako sa aking lumang sasakyan at umalis na hindi na nagpapaalam sa iba. Nag-drive ako papunta sa kabilang village pero tumambay muna ako sa isang coffee shop para pampalipas oras. Masyado pa kasing maaga para pumunta ako sa club na lagi naming pinupuntahan ng mga so called friends ko. Pumasok ako sa cafe at umorder ako ng frappe at pastry which will serve as my dinner. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ko ng erotic romance sa aking reading app. But I may have regret it dahil ako mismo ay nalilibugan sa binabasa ko. Isa pa, hindi mapakali ang aking wolf simula ng makarating kami dito. Kung pwede ko lang siyang batukan, ginawa ko na! I was at the exciting part of the chapter nang bigla na lang tumindig ang aking balahibo kaya agad akong tumingin sa labas ng cafe. Parang nararamdaman ko kasi na may nagmamasid sa akin mula sa labas. May mga naglalakad na mga humans, joined by others like me at wala naman akong nakita na kakaiba. I can’t even scent any danger pero ang intense ng naramdaman ko. I roam my eyes outside one more time, and it's all good. Nagkibit balikat na lang ako at tinuloy ang aking pagbabasa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Real Culprit (Tagalog-R18)

read
108.8K
bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.8K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

The Mystique Kingdom

read
36.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
143.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook