The 2nd Rebellion

1641 Words
What is solution? Any substance - solid, liquid or gas - that is evenly dispersed or distributed thought another substance - solid, liquid, or gas. Solutions are often called homogeneous mixtures because they are not pure substances, yet the substances that comprise them are evenly dispersed throughout the mixture. Nakatulala lang si Seb habang nakatingin sa harap ng whiteboard. Tuyong tuyo na ang utak niya pagpasok pa lang ng school. Don't get him wrong, hindi siya adik. Wala lang siya sa mood. Hindi niya maintindihan ang nakasulat sa harapan na ginamitan ng whiteboard marker. Hindi naman kasi siya kasing talino ng kapatid niya. Si Sandro na ang matalino. Si Sandro na ang mabait. Si Sandro na ang paborito. Bwisit na Sandro 'yan! Siya na lahat. Solution. Saan naman niya hahanapin ang solusyon sa mga problema. Paano naman niya gagawin iyon? Hindi na naman maganda ang timpla niya ngayong araw. --- Nakaramdam bigla ng pagkabagot si Seb. Sa totoo lang hindi niya gusto ang kursong kinuha. Pinilit lang siya ng mga magulang—lalo na ni Xander—na pakuhanin siya ng engineering course. Para daw pareho sila ng kapatid niya. Malas lang ng binata dahil hindi siya kasing talino ng kakambal. Luckily, pumapasa naman siya kahit puro pambubulakbol lang ang alam niya. Isa sa mga share holders kasi ang pamilya Chavez sa school na pinapasukan niya kaya hindi siya binabagsak nito. Takot lang ng administration ng school. Kinuha ng binata ang cellphone niya para i-text ang tropa na magkita sila mamayang lunch. Group message ang ginawa niya kaya medyo natagalan ang pagse-send plus hinihintay niya rin ang reply ng mga ito. "Mister Chavez, please pay attention." May pagtitimpi na pagtawag sa kanya ng professor. Hindi pinansin ni Seb ang boses ng professor. Paalis na ito. Ngunit natigilan siya sa mga sumunod na sinabi nito kahit medyo pabulong na lang. "Bakit kasi naging estudyante ko pa ang batang 'to! Wala namang kwenta." Nagpantig ang tenga niya sa narinig. Marahas siyang tumayo kaya naman umurong ang kanyang upuan at nabaling ang atensyon sa kanya ng iba pang estudyante. Hinawakan niya ang kwelyo ng professor. Hinigpitan ang pagkakakapit. "You faggot!" agad niya rin itong binitiwan at galit na idinuro ni Seb ang kanyang professor. Halata sa mukha ng guro ang pagkagulat. Kinuha ng binata ang kanyang bag at padabog na lumabas ng classroom. Pabagsak na isinara ang pinto. Halata naman kahit noon pa ang nag-uumapaw na berdeng dugo ng guro. Pilantik ng mga daliri at pigil na kembot ng balakang. Hindi rin nakaliligtas sa kanya ang panaka-naka nitong tingin sa kanya, at sa iba pa nitong kaklase na lalaki. --- Nakatambay siya sa quadrangle ng school habang hinihintay ang tropa. Hindi sila magkakaklase dahil iba iba sila ng kursong kinukuha. Kung magkakaklase lang sila. Siguradong gulo, tawanan at kung anu-ano pang kababalaghan lang ang eksena nila sa loob ng classroom. Hindi niya makasundo ang mga kaklase niya dahil hindi ito pasok sa standard niya. Ang pagiging cool at astig. Para sa kanya, weaklings lang ang mga kaklase niya. Ilang kuyakoy na ang nagagawa niya pero wala pa rin ang mga kaibigan niya. Dati isang text niya lang sa mga ito, agad silang nagsisipuntahan. Habang naghihintay. Dumaan sa harap niya ang isang dalagang medyo nerd ang itsura. Sexy at maganda ito kung hindi nga lang natatakpan ng napakalaking salamin ang mata nito. Kahit mahaba ang suot nitong palda, hindi maikakaila ang makinis nitong balat na parang ang sarap haplusin. Hindi na makapagtimpi si Seb kaya naman tumayo siya para sundan ang dalaga pero agad siyang hinarangan ng tatlong binata. "Where are you going?" "Yan tayo eh, basta na lang nang-iiwan." Sabi sa kanya ng dalawang binata na agad naman niyang binigyan ng mahihinang suntok. "Loko kayo ah. Bakit ang tagal niyo?" tanong niya sa mga ito. "I have my class, dude." sagot sa kanya ni Harvey. Mas matangkad ito sa kanya ng kaunti. Maputi at singkit ang mga mata nito na parang isang Koreano. Mana sa tatay. "May klase daw." sagot ni Seb sa walang ganang tono. "Ang sabihin mo p're may bagong babae ka na naman." Tawa lang ang sagot nito sa kanya. Kilalang campus casanova itong si Harvey, iba't ibang babae ang laging dine-date nito araw-araw. "Ikaw Seb? Wala kabang klase ngayon?" tanong ni Laxus. Si Laxus naman ang pinakamatalino sa grupo nila. Hindi na maalala ni Seb kung paano na sama sa tropa si Laxus. Basta na lang 'yata itong sumulpot na parang bula. Katulad niya ay gwapo rin itong kaibigan niya. Moreno ang kulay nito na may maganda at mahahabang pilik mata, may matangos na ilong. Pasok sa standard ng grupo nila. "Na sipa sa klase eh." sagot niya sabay tawa ng malakas na ikinailing ng kaibigan. Kahit minsan hindi makasabay sa biro si Laxus. Pero close pa rin naman silang maituturing. Napatingin si Seb sa gawi ni Harvey. Napansin niya ang presensya ng isa pa pala nilang katropa na si David. Pinsan ito ni Harvey. Tahimik lang ito at bihira niya lang maka-usap. Mas madalas pa nga itong makipag-kwentuhan kila Harvey at Laxus. Sa madaling salita, sa kanya lang talaga ito ilag. Gwapo rin si David tulad nilang magkakaibigan. Pinoy na pinoy ang itsura nito. Kayumanggi ang balat at kulay dark brown ang mga mata. Hindi rin ito nagpapahuli. Lapitin at takaw atensyon kung baga. "Anong gagawin natin dito?" tanong sa kanila ni David. "Aba, ewan. Itanong n'yo dyan kay Seb, siya ang nagyaya nito." sagot ni Laxus. Sa totoo lang ay wala talagang kaplano-plano si Seb. All he wanted is to get out. Para takasan ang bading nilang professor. Nakakasuka kasi ang itsura nito. "Nakita niyo 'yung chicka babe kanina?" change topic niya. "Oo p're," biglang sagot ni Harvey. "Matagal ko ng sinisipat 'yun kaso pakipot masyado eh." Basta talaga babae, hindi pinalalampas ni Harvey kahit na payat man o chubby ay ok lang sa kanya. Supermodel man 'yan o nerd. Tango lang ang sagot ng super genius niyang kaibigan. Pag-aaral lang 'yata ang first love nito. Take note! Hindi ito sumasama sa bugbugan session ng mga kaibigan niya dahil gusto niyang tumakbo bilang c*m Laude. Pinapayagan naman ng grupo ang hindi niya pagsama dahil ito ang tumutulong sa kanila lalo na sa academics. "Jamming tayo!" suggestion ni Harvey. --- Sama-sama ang grupo ni Seb sa loob ng studio nila Harvey. Yes, mayaman rin ito tulad niya pero kung ikukumpara ang yaman ng mga pamilya nila. Si Seb pa rin ang pinakamayaman sa kanilang apat. Hilig talaga ng binata ang pagtugtog... lalo na ang heavy metal. Siya ang drummer ng banda samantalang si Harvey ang bokalista. Kaya maraming babae talaga ang nai-inlove sa boses nito. Si David naman ang bahista at si Laxus ang may hawak ng electric guitar. Magaling ang grupo nila, walang duda. Sisiw lang para kay Seb ang pagpalo ng 16 beats at pagdo-double peds. Kayang kaya niyang sabayan ang bandang Lamb of God, Bullet For My Valentine at Deftones. Dahil sa pagbabanda kaya nagkakilala silang apat. Galing sila sa isang audition ng school. Sa una ay magkakalaban ang kanilang banda. Hanggang sa napansin na sila lang ang nagsa-stand out sa kani-kanilang grupo. Kaya mas pinili na lang nilang magsama-sama at gumawa ng sarili banda. Habang tumutugtog ay kanina pa napapansin ni Seb ang mga sulyap sa kanya ni David. Nung una ay ayos lang dahil magkaibigan naman sila pero ang hindi niya inaasahan ay tumabi ito sa gilid ng drum set at ngitian siya nito. Iba ang ngiti sa kanya ng kaibigan. 'Yung bang ngiti na parang may ibang ibig sabihin. May nais iparating. Hindi tuloy maiwasan ni Seb makaramdam ng kakaiba sa isang 'to. Muli niyang tiningnan si David. Kung kanina ay nakangiti, ngayon naman ay nakangisi na. Pinaikot niya na lang ang drum stick sa daliri niya para makaiwas sa mga tingin nito. --- "Sige bro ibuhos mo lang!" Sigaw ng mga kabanda niya habang pinaghahalo-halo ang mga in-order nilang alak. Nakakatatlong set ng order na ang mga kaibigan niya. Kailangan mapuno nila ang isang glass ng iba't ibang klase ng alak at saka pagkakasyahin sa kanilang apat. Lahat ay iinom, bawal ang pass. When Seb's turn, ininom niya ng tuloy-tuloy ang laman ng baso hanggang sa huling patak. Sabay inom ng beer. "Hello boys." Sabay-sabay silang napalingon. Laglag ang mga panga nila when they saw these sexy ladies in flirty aura. "Kumpleto na ang gabi ko!" tuwang-tuwang sigaw ni Harvey. Being the casanova, hindi niya pwedeng palagpasin ang pagkakataon. Agad na sumunod si Harvey ng hilaan siya ng babae at gano'n si Laxus. Naiwan sina Seb at David sa sofa ng bar. Nakatitig lang siya sa lamesa habang pilit nilalabanan ang hilo dala ng ininom niya kanina. Mahina na alcohol tolerance niya. "Seb?" Napalingon si Seb sa tabi niya. Kahit medyo madilim sa loob ng bar, ay kita parin niya ang kislap ng mga mata ni David. Nakaramdam siya bigla ng kakaiba sa mga titig nito, tulad pa rin kanina habang tumutugtog sila. Though, familiar na siya sa pakiramdam na iyon. Ayaw niya na lang sigurong alalahanin. "Bakit, David?" "Aaah... kasi.." "Kasi?" Dahan-dahan itong lumapit sa kanya. Medyo na ilang siya sa paglapit nito kaya umurong siya ng konti para magkaroon ng space. Habang umuurong siya, palapit naman ito ng palapit. Parang naglolokohan lang sila. Maya-maya lang ay naramdaman na ni Seb ang dulo ng sofa kaya tumigil siya. Paniguradong mahuhulog siya kapag umurong na naman siya. Ilang saglit lang ay bumagsak si David sa mga hita niya. Nakakailang tapik na siya pero hindi pa rin ito magising. Nalasing agad. Hindi alam ni Seb kung anong pumasok sa isip at bigla niyang hinaplos ang buhok ni David. Hindi niya alam. Kahit siya mismo ay hindi niya alam ang nangyayari sa sarili niya. Dala siguro ng kalasingan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD