"Ano na naman bang ginawa mo? The school administration called me a while ago. May binastos ka raw na professor," pangaral ni Xander sa anak.
Mukhang nakaabot ang balita sa kanyang ama tungkol sa nangyari sa klase niya. Naka-upo si Xander sa sofa habang nanunuod ng TV.
Huminto na sa pagmomodelo ang kanyang papa dahil mas gusto na nitong asikasuhin ang pamilya, at mamalagi na lang sa bahay. Sa kasamaang palad, hindi naman nararamdaman ni Seb ang pag-aasikasong sinasabi nito. Dahil sa araw-araw ba naman ng pamamalagi niya sa bahay, bunganga lagi ng kanyang papa ang naririnig niya.
Minsan naiisip ni Seb, kung paano ba natagalan ng daddy niya ang ugali ng papa niya? Sa pagkakaalam niya, noong panahon na wala pa sila ng kapatid niya-masungit na talaga ang Papa niya.
Siguro ginayuma niya si Daddy, sa isip-isip niya.
Hindi niya ito pinansin at inihagis ang bag sa katapat na upuan ng papa niya. Napansin niya ang pagtaas nito ng isang kilay. "So ano na naman ang ginawa mo?"
"Akala ko ba tinawagan ka ng school administration?" pabalang na sagot niya.
"Aba! Sumasagot ka pa. Wala kang karapatan para bastusin ako. Kung wala ako, wala ka rin sa pamamahay na 'to. Dahil—"
"What's going on here?" sabat ni Nyle na halatang kagagaling lang sa trabaho, dahil sa mga dala nitong brief case at attaché.
"Yang anak mo kasi! May nagreklamo na naman sa eskwelahan niya."
Itinabi ni Nyle ang mga dalahin at lumapit sa anak.
"Anak naman. Hindi ba napag-usapan na natin 'to. Dapat magpakabait ka na. Lalo na ngayon one year na lang at ga-graduate ka na. Sa inyong dalawa ng kapatid mo, ipapasa ko ang kompanya ng pamilya natin. May tiwala ako sa inyo na makakapagtapos kayo ng pag-aaral." pagpapakalma ng daddy niya.
CEO na ng kompanya nila si Nyle kaya naman lagi itong wala sa bahay at abala ito sa trabaho.
Alam naman ni Seb ang mga bagay na iyon. Lagi 'yun pinapaalala sa kanya ng ama. Kung baga memorize na niya ang mga salitang 'yun.
Pero hindi niya maiwasan na kwestyunin ang sarili kung kaya ba niyang patakbuhin ang kompanya. Wala naman siyang interest doon. Hindi niya gustong humarap sa iba't ibang tao para makipagnegosasyon.
Kung tatanungin siya, wala talaga siyang plano sa buhay. Ano pa nga bang gagawin niya? Sa dami ba naman ng pera nila. Kahit nga hindi na siya magtrabaho ay ayos lang. Hindi naman mauubos ang kayamanan nila.
Hindi iniisip ni Seb ang limitasyon ng mga bagay-bagay. Akala niya ay kontrolado niya lahat.
Minsan—o mas madalas ay sarili lamang niya ang iniisip. Wala namang may pakialam sa nararamdaman niya. Wala naman taong gustong mag-reach out sa kanya.
Hindi naman kasi napapansin ang magagandang ginagawa niya.
Ang alam lang kasi nila ay matahin ang lahat ng maling nagagawa niya. Kaya ngayon, imbis na paratangan siya ng kung anu-ano. Mas mabuti na totohanin na lang niya. At least 'yun totoo.
Kanina pa gustong sumuka ni Seb dahil sa pagkahilo. Nagkayayaan kasi silang mag-bar pagkatapos nilang tumugtog. Pampa-chill lang. Nakarami nga siya ng lagok ng tequila kanina. Ang lakas kasi ng trip ng mga kaibigan niya. Pinaghalo nila ang tequila at vodka sa iisang baso plus, isang shot ng beer para sa chaser.
Seb do it for a purpose. Para maka-iwas siya sa mga tingin ni David sa kanya. Nadi-distract siya. Lalo na ng tignan na naman siya nito ng kakaiba. Malalaman naman niya kung normal lang ang pagkakatitig sa kanya o may iba pang kahulugan.
He doesn't want to entertain the entire awkwardness between them. Pero iba ang inire-react ng mga katawan nila. Maybe because they're under the influence of alcohol. Para ba silang mga batang ayaw pasaway sa magulang.
Umalis si Seb sa tabi ng daddy niya. Papunta sana siya ng CR para sumuka pero huli na. Hindi niya kinaya ang pagkahilo at bigla na lang sumuka sa kanilang sala sa tabi ng carpet.
"My gosh Sebastian! Uuwi ka na lang magpapakalasing ka pa. Wala ka na talagang ginawang matino. Bakit hindi mo gayahin ang kapatid mo?" bulyaw ni Xander sa anak.
Matapos magsuka ay tumayo na si Seb at marahas na nagpunas ng bibig using his back hand. Hinarap niya ng may panlilisik na mata ang papa niya.
"Sino? Si Sandro ba?" panimula niya. "Ano gusto mong tularan ko sa hipokrito kong kapatid? 'Yung pagpapanggap niya sa harap niyo. Pagpapaikot sa ulo mo? Hindi ako ganun klaseng tao, Pa." Nangigilid na ang mga luha niya. "Iba ako kay Sandro kaya 'wag na 'wag mo akong maikukumpara sa impostor na 'yan!" sigaw niya sa papa niya.
Nanlaki ang mga mata ni Xander sa narinig. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito kaya naman binigyan niya ng isang malutong na sampal ang anak.
"Wag mo akong pagsalitaan ng ganyan, anak lang kita! Wala kang karapatan dahil ako ang nagpapalamon sa'yo. Kung hindi dahil sa 'kin ay wala ka ngayon sa kinalalagyan mo. Ampon ka lang! Inggrato!" sumbat ni Xander habang pinipigilan maluha.
"Mahal…" Lumapit si Nyle sa asawa.
"Maghulos dili ka. Anak natin ang pinagsasabihan mo. Huminahon ka lang." Pagpapakalma niya sa asawa. "Tara na magpahinga na tayo."
"Hindi! Sumusobra na kasi 'yang anak mo. Araw-araw lalong humahaba ang sungay eh. Pati ako hindi na ginagalang, ako ng magulang niya. Dapat magpasalamat siya dahil kinupkop natin 'yan! Kung alam ko lang na ganyan ang magiging ugali n'yang batang 'yan. Sana iniwan—"
"Sana ano?! Sana pinabayaan niyo na nga lang ako. Hindi ko rin naman ramdam na tanggap ako sa pamilyang 'to eh. Mas mabuti na nga lang na... na... lumayas ako dito!" Ramdam ni Seb ang hindi pantay na trato sa kanila ng kapatid niya. Parang si Sandro lang ang anak nila. May favoritism.
"Sige lumayas ka! Walang pipigil sa'yo." sigaw ni Xander habang umiiyak.
"Xander naman. Imbis na pigilan mo, e lalo mo pang gustong lumayo siya sa atin."
"Pagbigyan mo kung anong gusto niya. Kung gusto niya lumayas? Fine! Lumayas siya sa pamamahay na 'to at 'wag na 'wag kong makita ang pagmumukha ng batang 'yan!"
Hindi naman talaga intensyong sabihin ni Seb ang tungkol sa paglayas niya. Kahit siya mismo nagulat sa sinabi niya. Dala marahil siguro ng alkohol at sama ng loob niya sa papa niya. Hindi inaasahan na sasabihan siya nito ng ampon. Oo ampon siya dahil imposible namang magkaanak ang dalawang lalaki.
Naghalo-halo na ang nararamdaman niya. Walang ng bawian. Nasabi na niya.
Padabog na pumanik ng kwarto si Seb at iniwan ang mga magulang sa sala.
---
Naiwan si Xander sa sala kasama ang kanyang asawa. Yumakap siya dito at humagulgol. Hindi naman niya intensyong saktan ang anak. Nabigla lang siya sa inasal nito.
"Ano pang kulang sa pagpapalaki natin? Lahat naman ng kailangan niya, nila... binigay natin." Pahayag ni Xander sa pagitan ng pag-iyak.
Inaalo siya ng asawa. "Wala, Mahal. Wala tayong pagkukulang."
"Pero bakit?" Hinarap niya si Nyle. "P-parang hindi pa sapat?"
Hinalikan siya sa noo. "Lahat binigay natin para sa mga anak natin. Pagmamahal, oras at atensyon kaya wala tayong pagkukulang sa kanila. Siguro dala lang ng pagbibinata niya 'yun. Kasama sa mga pagbabago niya bilang teenager." Ngumiti sa kanya ang asawa niya. "Akalain mo nga naman, Mahal. Ang lalaki na ng mga anak natin. Ang bilis talaga ng panahon."
Nanatiling tahimik si Xander. Ina-absorb niya ang mga sinabi ng asawa. Siguro ay tama ito. Hindi na batang paslit ang anak nila, kaya na nitong magdesisyon para sa sarili. Kasama nito ang ilang pagbabago. Maging sa pag-uugali.
"Kakausapin ko lang muna." Tumango si Xander bilang sagot.
---
Kahit nahihilo ay pinilit ni Seb na umakyat papunta sa kwarto niya. Hindi para matulog, kundi para kunin ang mahahalaga niyang gamit. Hindi na siyang nag-abala na dalhin pa ang lahat ng action figure collection niya, kahit ang mga branded clothes niya sa loob ng walk-in-closet. Hindi naman mapapakinabangan iyon.
Habang naghahanda ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si Nyle. Halata sa mukha nito ang awa.
"Anak, hindi mo naman na kailangan gawin 'to. 'Wag mo na lang pansinin 'yung mga sinabi ng Papa mo, nadala lang 'yun ng galit niya."
Nagpunas ng luha si Seb. "Hindi, Dad. Tama naman si Papa eh. Sakit lang ng ulo ang dala ko sa inyo."
"Hindi totoo 'yan."
"Siguro kailangan ko ng umalis dito. Ramdam ko kasi na hindi ako welcome dito, kahit noon pa. Siguro kailangan ko rin hanapin ang sarili ko ng ako lang. Hindi ko kayang baguhin ang ugali ko ng isang araw lang, Dad. At hindi ko mababago 'yun hanggat nakatira pa ako dito. Kailangan ko muna sigurong magpakalayo-layo." Hindi na napigilang maluha ni Seb.
"May matutuluyan ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Nyle sa anak. "Kung gusto mo doon ka muna tumuloy sa rest house natin sa Tagaytay."
"Hindi na, Dad. Ako na pong bahala sa sarili ko."
Hindi na mapipigilan si Seb sa naging desisyon niyang lumayas sa bahay nila. Wala rin naman siyang lugar doon. Hindi rin niya tinanggap ang alok ng daddy niya na manuluyan muna siya sa Romblon, kahit ang alok nitong pera para sa kanya. Lahat ay tinanggihan niya.
Kahit papaano naman ay may sobra siyang pera. Mayroon siyang dalang cellphone, cash, ATM cards pati credit cards. Hindi na siyang nag-abala na dalhin pa ang kotse na regalo sa kanya ng daddy niya.
Iniwan na ni Seb ang lahat ng mga masasamang alaala sa napakagandang mansion nila. Sayang nga dahil kung ano ang ikinaganda ng labas ng mansion, nando'n naman ang hindi magagandang pangyayari nito sa loob.
Iiwan na niya ang kanyang home town—ang Batangas.
Nag-aabang siya ng masasakyan nang maisipan muna niyang tawagan ang kaibigan.
"Hello bro?"