Sakay ng bagong biling limited edition black Porsche. Umuwi si Seb sa mansion ng may bago na namang pasa sa mukha. Ano pa bang bago? Nakasanayan na rin naman niya 'yan. Alam niya na pagdating niya ng mansion siguradong bunganga na naman ng tatay niya ang tanging aalingawngaw sa buong bahay.
Rinding rindi na siya sa boses ni Xander. Araw-araw ba na pag-uwi niya ng bahay sermon agad.
Bumaba siya ng kotse habang nakasukbit ang bag sa likod niya. Tuluy-tuloy siyang naglakad papasok ng mansion na para bang prinsipe ng kaharian. Hindi niya pinapansin ang bawat bati ng mga tauhan.
Sakto at naghahapunan na ang buong pamilya.
Umupo siya malapit sa kabisera ng lamesa katapat ang kanyang kapatid at kakambal na si Sandro. Pangiti-ngiti lang ito sa kanya.
Sila ni Sandro ang kakaiba sa lahat ng kambal. Kung ang iba ay sobrang close at halos hindi na mapaghiwalay ang mga bituka. Silang dalawa naman ay parang aso't pusa.
Mula pagkabata ay mortal na magkaaway ang turingan ng dalawa. Magkaagaw sa lahat ng bagay.
Ultimo mo bagong biling damit ay pinag-aagawan pa nila kahit pareho lang naman ang disenyo. Noong minsang umuwi ng bahay si Nyle galing sa trabaho, may bitbit itong chocolate para sa dalawang bata. Nagkatinginan ang kambal na parang handang sakmalain ang bawat isa. Ilang sandali pa ay nag-unahan ito sa pagtakbo makarating lang sa pinto. Kapag nakitang nauuna na ang isa, hihilahin naman ng isa.
Para silang mga talangkang naghihilahan pababa.
Kung kanina ay masama ang timpla niya papasok ng bahay. Ngayon mas lalong nag-init ang kanyang ulo ng makita ang mapanlokong ngiti ng kapatid.
"Whooot! Whooot!" Pang-aalaska ni Sandro. Kahit naman hindi niya tignan ang kapatid. Alam niyang siya ang iniinis nito.
Hindi na lang pinansin ni Seb ang pambi-bwisit sa kanya. Kahit na gusto niya ng umakyat ng lamesa at dambahin ang kakambal. Maya-maya lang ay nagsalita ang kanyang ama.
"Behave," singhal ni Xander.
Pinagpatuloy na ng pamilya ang pagkain ng hapunan. Kahit na parehong busy ang dalawa sa kani-kanilang trabaho. Hindi nila hinahayaan na hindi makasabay ang kanilang anak kahit sa hapunan.
"Manang, pahingi naman ng apple juice," paki-usap ni Sandro sa kasambahay.
Alam niya ang mapagpanggap na anyo ng kanyang kapatid. Two-faced. Kapag kaharap ang mga magulang nila, panay ang pakitang-gilas nito. Ipinagmamalaki niya ang matataas na grades at pagiging honorable nito sa school. Mabait ito at laging sinusunod ang bilin ng mga magulang.
At kapag naman wala ang mga magulang sa bahay. Parang nakawalang tigre si Sandro dahil sa pinapakitang ugali nito.
Madalas rin siya makarinig ng balita tungkol sa kapatid sa pinapasukang nitong eskwelehan. Magkaiba sila ng unibersidad na pinapasukan, alinsunod sa gusto niya. Bully rin ito katulad niya at minsan mas higit pa ang pagpapahirap nito sa mga kaklase niya.
Naningkit ang mata ni Seb. "Kailan ka pa nahilig sa apple juice?"
Hindi nakaligtas sa mata niya ang pigil na gigil ng kapatid. Sa wakas ay nakuha niyang inisin ito. Akala niya ay magtutuloy tuloy na ang plano niya. Ngunit nagulat siya ng ngumiti ito sa kanya.
Loko 'to ah, pagpipigil niya sa sarili.
Lumapit ang kasambahay sa lamesa at ipinaghain si Sandro ng pinaki-usap nitong apple. At freshly squeezed pa. Bakit hindi na lang instant?
Hindi alam ni Seb kung ilang minuto na silang kumakain. Pakiramdam niya isang buong araw na. Hindi niya talaga masikmurang harapin ang kapatid. Dahil siya, amoy na amoy niya ang masangsang nitong pag-uugali. Hindi tulad niya na ipinapakita na kung sino talaga siya.
"How was your day boys?" tanong ni Nyle sa mga anak.
"Ok naman Dad. Ako nga 'yung napili ng university namin para mag-perform ng practicum sa ibang school," masiglang sagot ng kapatid.
"Mabuti naman kung ganon anak. How about you, Seb?" Hindi kaagad siya makasagot.
Ano ba kasing ikekwento niya? 'Yung trip nilang magbabarkada. 'Yung dumayo pa sila ng ibang teritoryo? 'Yung nakipag-riot sila dahil niresbakan nila 'yung katropa nilang may kaaway? Hindi magandang ideya 'yun for sure.
"Ayos lang, Dad," sagot niya.
"Naku 'yang anak mo. Masyado na 'yatang nababarkada. Tignan mo nga mukha niyan may bago na namang pasa." entrada ni Xander.
"Hindi naman siguro ganun 'yun Pa. Baka naman pinagtanggol niya ang sarili niya. Paminsan-minsan ay matuto rin tayong lumaban ng tama." sabat ni Sandro na in-emphasis ang salitang paminsan-minsan.
Nanginginig na ang kamay ni Seb habang hawak ang kutsara. Nayuyukom na ang palad niya sa galit. Bakit ba ang galing galing mang-inis ni Sandro sa kapatid? Siguro kung meron lang award para dito ay baka si Sandro na ang the best.
At ano ang ipinapahiwatig ni Sandro sa mga pinagsasasabi niya? Anong ibig sabihin ng paminsan-minsan? Siguro ay kabaligtarin ang ibig sabihin no'n. Lagi.
Hindi na siya nakapagtimpi. Padabog niyang inilapag sa lamesa ang hawak na kutsara. Tumayo siya kahit hindi pa nauubos ang pagkain nito na kalahati lang ang bawas. Sino ba namang tao ang gaganahan kung puro sermon ang aabutin habang naghahapunan? Kung ang aso nga ayaw pa istorbo habang kumakain, tao pa kaya.
Hindi niya pinansin ang pagtawag sa kanya ni Xander. Bagkus ay tuluy-tuloy siyang naglakad papunta sa kanyang kwarto.
---
Padabog niyang isinara ang pinto at binuksan ang ilaw. Maganda ang ayos ng kwarto ni Seb. Samu't saring posters ng One Piece ang makikitang nakadikit sa loob. Mula sa wanted poster ng mga characters hanggang sa mga best cinematic episodes. Meron din siyang mga action figures na nakadisplay sa ibabaw ng wooden cabinet. Lahat ng collections niya ay authentic at imported. It's either siya mismo ang bumili o regalo sa kanya.
Ibinalibag niya ang sarili sa kama habang dahan dahang binabalot ang sarili ng kumot.
Tulala lang siya. Iniisip kung bakit siya na lang lagi ang nakikita? Siya na lang ang laging lumalabas na masama. Sa tingin niya ay wala namang masama sa pag-uugali niya. Tulad lang naman siya ng kanyang Papa Xander na ipinapakita kung sino talaga siya. Masama na bang magpakatotoo?
Kapag mabait? Plastic. Kapag naman nagpapakatotoo? Masama ang ugali.
Saan kaya dapat lumugar?
Maya-maya lang narinig niyang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto. Hindi man niya ito nakikita dahil nakadapa siya ay alam na niya kung sino ito.
"Tumayo ka nga diyan! Pathetic."
Hindi niya pinansin ang kapatid. Bahala siya dyan. Sa totoo lang, sawang sawa na si Seb sa laging eksena sa loob ng mansion. Sa pang araw-araw ba naman ng buhay niya.
Inalis niya ang kumot na nakabalot sa kanya at iniharap ang kapatid. Agad na umakyat ang dugo sa kanyang ulo ng makitang nakita ngisi ito sa kanya na parang sinasabing: napakahina mo talaga.
Tumayo si Seb para sana lumabas ng kwarto at magpahangin sa garden ng pigilan siya ng kapatid.
Hinawakan siya nito sa balikat at marahan na itinulak para magtama ang kanilang mga paningin. Hindi inalis ni Sandro ang kanyang ngisi.
"Ano aalis ka na naman? Kahit kailan talaga napakaduwag mo kaya ka-" Hindi na natapos sa pagsasalita ang kanyang kapatid dahil mabilis na dumapo ang kamao ni Seb sa mukha nito.
Sa lakas ng pagkakasuntok niya ay napaupo ito sa sahig ng kanyang kwarto. Ilang oras na rin siyang nagpipigil ng galit mula pa kaninang dinner nila. Dahil siguro sa tindi ng galit kaya napalakas ang pagkakasuntok niya.
"Take that!" sigaw niya.
Iniwan na ni Seb si Sandro sa kanyang kwarto ng may ngiti sa labi. Dahil sa wakas ay nagkaroon sila ng oras ng kakambal niya para makapag-bonding.
---
Umupo siya sa metallic chair katapat ng lamp post ng garden habang nakatingala sa mga bituin. He had this habit kapag medyo stressed siya. Kumakalma kasi ang pakiramdam niya sa t'wing gagawin niya ito. He's spacing out for something na malayo sa sitwasyon niya. Something perfect kung baga. Perpektong pamilya. 'Yun bang nagmamahalan sila. Dahil para sa kanya... hindi niya ramdam 'yun.
Hindi lahat ng tao sa Alta Sociedad perpekto ang buhay. Mas madalas... sila pa ang may maraming problema. They faced it in different intensity.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" boses iyon ng daddy niya. Ramdam niya na papalapit ito sa kanya.
"Nagpapaantok lang, Dad."
Umupo ito sa tapat niya at naglabas ng dalawang bote ng beer. "Wag mo ng isipan 'yung kanina anak. Naka-usap ko na ang Papa mo." Lumagok ito ng isa. "Alam mo na... masungit talaga."
"Alam ko naman 'yun, Dad. Kaya lang minsan kasi—"
"Gusto mo?" Sabay alok ng hawak nitong beer. Kukunin na sana ni Seb ang hawak na beer ng daddy niya pero agad naman nitong inilayo sa kanya. "No, you're too young for this."
Sinadyang putulin ni Nyle ang dapat sasabihin ng anak. Dahil hindi niya kayang marinig ang mga hinain nito sa asawa niya. Nasasaktan siya kahit sa maliliit na sagutan lang ng asawa't anak niya. Hindi naman niya ma-monitor ang nangyayari sa mansion dahil busy siya sa trabaho.
Pakiramdam niya, nababawasan ang responsibilidad niya bilang ama. Kulang man si Nyle sa oras sa pamilya, bumabawi naman ito sa pampinansyal nila. Dahil mahal na mahal niya ang pamilya niya.
"Hindi na ko bata. I'm already eighteen."
"Kahit na," Ginulo ni Nyle ang buhok ng anak. "Para sa amin ng Papa niyo, baby pa rin namin kayo ng kapatid mo."
Ang daddy niya ang nag-iisang kakampi niya sa bahay. Hindi siya pinagbabawalan sa mga bagay na gusto niya. Malaya niyang nagagawa. Ginagawa nito ang responsibilidad bilang magulang, binibigyan din siya nito ng limitasyon. Para maging balance.
Sana lang ay hindi ma-brainwash ni Sandro ang daddy niya. Dahil kung mangyayari pa 'yun. Wala na talagang matitira para sa kanya.
Lahat na, maaagaw ng kapatid niya.