Hindi siya masyadong pamilyar kung ano talaga ang eksaktong itsura ng perya. Ayon sa mga naririnig niya dati sa kasambahay nila, para raw iyon isang amusement park pero mas simple at hindi gaanong kamahalan ang mga rides doon. Just like they so-called karinderya na simpleng version ng restaurants, bulong ng pihikan niyang utak. On the other hand, hindi mapigilan ni Christian ang excitement nang malaman niya na doon sila papunta. Bukod sa isa namang panibagong mararanasan out of his well-off life, makakasama na naman niya ang barkada. Hindi na talaga matatanggal sa sistema niya ang pagiging mabarkada. Basta may tawanan, kwentuhan at inuman ay solve na solve ang gabi niya. Mas gusto kasi niyang makasama ang mga taong makakaintindi sa kanya, though isn't sure by now. Instead of buried him