Nang matapos ang paglilibang nila sa perya, ay napagpasyahan ng barkada na umuwi na. Masaya si Christian dahil sa nakasama pa niya ang dalawa pa niyang kaibigan, at nakapag-enjoy pa sila. Kahit simpleng pagsasaya lang ang ginawa nila at hindi tulad ng nakasanayan niya. Kasalukuyan siyang nakahiga ngayon para matulog, pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Hindi niya alam kung bakit. Kahit nakararamdam siya ng konting awkwardness, wala siyang magagawa dahil magkasama sila sa iisang bahay, lalo na't hindi naman malaking espasyo ang ginagalawan nila. Magkikita't magkikita sila. Hindi magandang idea ang pag-iwas, dahil baka makahalata lang ito. Better if he do some self evaluation first. Gano'n na nga lang siguro. "Bro, gising ka pa?" Magkatabi sila ni Martin pero nakatalikod ito sa