Mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi namalayan ni Christian na nakakaisang linggo na siya sa palengke bilang kargador. Medyo gamay na niya ang tamang pagbubuhat ng mga gulay at karne. Kilala na rin siya ng mga nagiging suki nila. Kung minsan nga ay nakakabiruan pa niya ang mga ito. Papasok sila ngayon ni Martin sa trabaho. Hindi na nila nakuha pang mag-almusal dahil wala rin naman silang kakainin. Naging routine na nila ang paggising ng maaga, bilang kargador-at the same time-ay tindero na rin para pandagdag kita. Pareho silang magdamag sa palengle at batak sa trabaho. Katatapos lang nila mag-deliver ng bagong katay na baboy nang minsang tanungin siya nito. "Kamusta ba buhay mo sa probinsya? Nag-aaral ka ba do'n?" "Sabihin na lang natin na, mabuti at napadpad ako dito sa Maynila. Ka